"P-Po?" Gulat at naguguluhan na naging tugon naming dalawa. Anudaw? Saan daw kami nakapasok? May ganon bang school?
"Sorry, let me explain. Alam niyo naman siguro ang Caltex State University, Diba?" Tanong nito samin.
"Hin-" Putol kong sabi dahil nakisingit naman ang aking napakagaling na kapatid. Walanjo 'tong batang 'to, ah.
"Opo. Caltex State University, also known as CSU. Ito ang pinakamahal at pinakamagandang Elite School sa Pilipinas. Mga mayayaman lang po talaga ang nakakapasok. Yung tipong binili talaga nila ang isang gubat na para lang sa CSU." Flat na pagkaka-imporma nito samin-more likely sakin.
"Tama ka diyan. Only top of the top can enter this school. Isang malaking pahirapan para lang makakuha ng scholarship dito and I'm proud to say this na kayo ang kauna-unahang scholar sa CSU!" Masaya niyang sabi samin habang nasa State of Shock parin ako.
"Ha?" Hindi ko makapaniwalang sabi. OMG, ito ba yung sinasabi ni CeeJay na pinakamahal na school?
"I know what I've said earlier sounded really crazy pero it's actually the truth, Ms. Cruz. And apparently, may susunod sa inyong kotse papunta sa school nila to talk to The Principal. You have actually passed their standards. Congrats on doing that." She gestured her hand at the window na nakaharap sa Main Gate.
Lumapit kami sa bintanang iyon at nakakita kami ng isang mamahalin kotse na nakaparada sa labas. "It looks like your service had arrived." Ani nito ng may biglang pumasok sa room na mga Men in Black at dumiretso sa pwesto namin.
Walanghiya.
Mamaya kidnappers na pala ang mga ito, ha. Hindi kami na-i-inform. "Ms. Michelle Adellaine Cruz and Mr. Michael Aljon Cruz?" Tumaas naman ng kamay si Aljon at tinanon kung anong kailangan ng mga ito na sinagot naman nang mahinahon.
"We were ordered to court you to Caltex State University, advised by the principal of the school."
Tinignan ko muna silang lahat ng maiigi bago sumama doon sa mukhang bodyguard papunta sa baba, diretso sa loob ng sasakyan.
Hindi naman ganoon katagal ang naging biyahe namin papunta sa Caltex. Mga 30 minutes lang siguro ang naging biyahe namin.
Bumaba na kami ng kotse at talagang lumawit yung panga ko sa nakita ko. Putakte. Kung ganito nga naman kaganda ang school na pinapasukan mo, pwede na akong mamatay siguro dahil sa mahal ng tuition fee dito.
May lumapit saming isang babaeng assistant at pinasunod kami sa kaniya papunta sa loob ng school. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko lahat ng aking madaanan.
Walanjo naman kasi.
Ikaw ba naman makakita ng isang napakalaking chandelier sa loob ng Admin Building. Sa admin pa lang yan, ha!
Habang naglalakad ay bigla siyang tumigil at kumatok bago kami pumasok sa loob ng 'Principal's Office' at doon pina-upo kami sa tapat ng desk niya.
Lumabas din kaagad yung kasama namin at iniwan kami sa loob. Tinignan ko ang kapatid ko na katapat ko ngayon at halata sa mukha nito ang pagkalito at hindi mapakali. Kaunti saglit pa ay may dumating na babae na mukhang nasa mid-30's pa lang niya.
Tumayo namin dalawa at binati siya na sinuklian naman niya ng matamis na ngiti. Umupo siya sa harap namin at tinignan muna kami bago magsalita. "First and foremost, I want to congratulate you two."
"Salamat po." Sabay naming sambit.
"I couldn't believe that there would be students who can actually pass the criteria of CSU for scholarship. Imagine, Scholarship?
CSU has a high maintenance for scholarship and yet you two overpassed it. To top that up, you guys are siblings. Nasa lahi niyo ba yan?" Wala ni isa samin ang sumagot kasi hindi ko talaga din alam ang isasagot. Thankful naman ako sa compliment niya pero kasi...
"Huwag na kayong mahiya sakin. Kasi starting from now on, I'll be your Principal. You can approach me anytime you want pero pag free ako.
And also how rude of me not to introduce myself first. My name is Erriana Rinaldi, most students call me, Ms. Rinaldi, but you can call me 'Ms. Eri' for short."
Magpapakilala na sana kaming dalawa pero pinigilan niya kami at kilala na niya daw kami. She also said that she fully processed our information para malaman kung legit ba talaga yung ginawa naming pagsagot dun sa lintek na entrance exam na iyon.
"Classes will start on June 4, dear. You have to get uniforms already along with some of your school supplies."
"Um, how much would it cost for a uniform?" I asked nervously.
"For a uniform? I guess, it would cost you like 15k, multiply it by two. You have to pay 30,000 pesos. Plus your books, probably it would reach like, 110,00 pesos in total."
Literal na nahulog ang panga ko at lumaki ang mata ko. Tama ba yung narinig ko? 110,00 pesos? Then how much would it cost for a book? 10,000?
"Po?! 110,000 pesos? Sa lahat pa nang iyon?!" Gulat na gulat na tanong ni Aljon habang nakakunot ang noo nito.
"Yeah. You have 8 subjects in total, meaning you have 8 books which costs 5,000 pesos each. Since, magkapatid kayo, you'll get a total of 80,000.
Pwede namang huwag muna kayo bumili ng uniform at pagtuunan muna ang libro niyo para makapag-aral kayo pero by the end of the school year, you have to get a school uniform.
It's one of the school's requirement. I'm really sorry pero I can't do anything about that."
Walang nagsalita saming magkapatid hanggang sa pag-uwi namin. Dumiretso ako sa kwarto ko kahit patuloy na tinatawag ni mama ang pangalan ko.
Haaay, 110,000 pesos?
San ko naman yun makukuha?! Tatlong digit nga sa pera, mahirap nang kitain. Paano pa kaya kung six digit na?! Hayup sa damo.
Para sa isang libro, magkano daw? 5k? Seryoso ba talaga sila? At isang uniform, 15k? Grabe naman yun. Uniform ko nga dati hindi naabot ng 500 tas biglang 15k agad-agad? Nagulat ako dun, ha.
Habang iniisip yun ay nakatulog na pala ako. Masyado akong pagod dahil dun. Hindi ko keri ang mga nakakalokang pangyayari ngayon. Biruin mo naman kasi.
Nagising na lang ako kina-umagahan ng hindi pa naghihilamos simula kagabi. Eh, sa inaantok na ako, eh.