Time check: 4:46 a.m
Binaba ko na yung cellphone ko ulit sa lamesang katabi ng kama ko at nag-desisyong maligo na muna bago gumawa ng kung ano-ano.
Mga ilang saglit pa ay bumaba ako para uminom para nang paakyat na ako ay may naririnig akong boses na galing sa may labas ng bahay at dahil doon ay napakunot ang noo ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto. In-obserbahan ko muna kung sino ito ng matapos na ang kanilang pinag-usapan ay binuksan ko yung pinto, just to see my mom.
She looked so shocked when she saw me coming out of the door. "Shelle, ginulat mo ako dun. Bakit gising ka pa? Alas-kwatro na ng madaling araw, ah? At bakit basa yang buhok mo?" She said after sighing in front of me.
"Uh, natulog na ako, Ma. Sadyang nagising lang talaga ako kani-kanina tyaka naligo na din agad ako gawa ng hindi ako naglinis kagabi." Tinawanan lang ako ni mama at pinapasok na sa loob.
I was about to go back to my room when my mom suddenly called me. Kaya napalingon ako sa kaniya. "Narinig ko yung balita kay Aljon. Congrats nga pala at tungkol doon sa uni-" pinigilan ko si mama dahil alam ko na nun anong susunod niyang sasabihin.
"Ma, wag niyo na pong alalahanin yung tungkol doon. For sure, makakahanap din kami ng mga gamit. Good night, Ma." Muli kong sabi dito at tuluyan ng pumunta sa kwarto ko.
I tried to look for jobs that can reach the payment para doon sa hinihingi nilang pera. Pero none of them are worth it for the price. I spent an hour looking for a damn job pero bigo talaga ako.
Nag-ring naman bigla ang phone ko, nakita ko namang galing ito kay Ruby kaya sinagot ko na.
Calling: Rubieee
"Shelle!"
"Ano? Agang-aga ay natawag ka? Nasigaw pa."
"Psh. Nga pala, nag-usap-usap kami nina CeeJay tapos may plano kami mamayang tanghali!"
"Oh?"
"Anong 'Oh'? Ganun-ganun lang?"
"Eh, bakit nga kasi?"
"Gala tayong lahat mamaya, please?! Baka last day na kasi natin itong magkasamang lahat. Kaya sama ka na, ha?"
"Pero, Ruby-"
"Walang pero-pero! Pupunta ka!"
"Ruby, wait lang!"
*toot.toot*
Saktong pagkasabi ko nun ay binaba na niya yung tawag. Wala talagang respeto ang babaeng ito sakin, eh. Hinayupak na yan. Talagang bastusan? Ibababa agad-agad? Wala man lang paalam na kahit 'bye'? Psh.
Dahil sa wala naman talaga akong gagawin pa ay lumabas muna ako para magmuni-muni sa labas lalo na't madaling araw pa naman, wala masyadong tao. Ewan, I usually do this every time na wala akong gagawin or more likely pag bored ako.
Nag-i-i-stroll ako dito sa loob ng subdivision. Minsan napunta ako kung saan-saan tas mamaya mausisa ko nawawala na pala ako. At ngayong napaisip ako, walang oras na sinabi si Ruby sakin. Bahala nga yun sa buhay niya. Gagawa ng kung ano-ano tapos hindi naman kumpleto ang impormasyong ibibigay.
Lumabas ako ng subdivision at naglakad-lakad hanggang sa may nakita akong 7/11 at pumasok sa loob nito lalo na't gutom na ako. Bumili ako ng isang nova at isang in-can na softdrinks. Tumambay muna ako sa loob ng mga siguro limang minuto na nang may biglang pumasok na limang lalaki sa loob.
What really caught my eyes was the tallest guy and the most quiet of them all. Bigla niya kasi tinignan pagkapasok pa lang nila. Nagtitigan kami dun na parang magkakilala ba kami pero binawi na din niya agad.
Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ay bumili muna ulit ako limang bag ng chips at anim na in-can na softdrinks which is bad for my health. Kaya sa mga nagbabasa nito, huwag niyo akong gayahin, bad influence ako.
Tuluyan na akong lumabas ng 7/11 at nagsimula ng maglakad habang nakain sa daan. If I remember it clearly, dito nga ako nanggaling, diba?
Tsk, lahingya. Kung minamalas nga naman ako.
Sorry, wala akong sense of direction pero layas ako. Kung tutuusin nga kasama ko na sina Ruby pero nawawala parin ako. Nahalata ko namang may sumusunod saking kotse or sadyang feelingera lang ako.
Kaya ang ginawa ko ay naupo ako doon sa semento na malapit sa may kalsada. Alam kong tanga ako. Feel ko na pala na sinusundan ako, uupo pa ako. Oh, diba? Napaka-brilliant ko, naturingang top student, ey.
Nakain ako nun nang bigla kong napansin yung brand ng kotse at halos mabulunan na ako sa nakita ko! Uy, gagsti. First time ko kayang makakita ng Ferrari sa totoong buhay!
Mga Toyota, Honda at Suzuki lang halos nakikita ko, eh. Ano ba! Hindi ako ganon kayaman, 'noh! May kaya lang talaga kami.
Huminto ito sa tapat ko kasabay ang dalawang nagkikinangang kotse. Ah, natutulog lang siguro ako ngayon. Biruin mo ba naman? Dalawang Ferrari at isang Lambo ang nasa harapan ko ngayon. Naks, naman.
Ibinaba nung isang ang bintana nito at nakilala ko agad ang mukha nito. Isa siya dun sa mga lalaking nakita ko kanina. Siya yung may highlights yung buhok. Bigla naman itong nagsalita habang nakangiting aso, meron itong kasabay sa likod niya na nakatingin sakin.
"Hi, Miss. Bakit mag-isa ka lang diyan? Gusto mo bang sumabay?" Ani nito habang tinataas-taas ang kilay niya. Ang sagwa. Lumapit ako dito at tinignan ito ng mabuti. "Kuya, mawalang galang na lang ho, ah? Anong lugar nga po pala ito?"
"Ah, miss. Sumama ka na lang samin para mas masaya." Bigla namang nag-init ang dugo ko dito. Ang ayos-ayos ng pagkasabi ko sa kaniya tapos biglang bastusan?!
Mukhang kaedaran ko lang naman at sa panaginip ko pa talaga naki-epal. Bigla naman ako nakakita ng tubo at pinulot yun. "Tinatanong kita ng ayos tas bigla mo akong babastusin? Eh, kung, sirain ko kaya yang lintek na Ferrari mo?!"
Bigla naman siyang namutla sa sinabi ko at halata sa mukha ng kasama niya ang gulat na ekspresyon. Hahamunin ko pa sana ito ng laban ng may biglang dumating na isa pang lalaking nakamotor. "Nasa Montebarrio Street po kayo, Ma'am. Doon po yung daan palabas." Sabi niya sabay turo doon sa kabilang daan.
"Sasabihan din naman, eepal pa." At doon ko na binaba ang dala kong tubo. Buiset.
Nakarating na ako sa bahay at doon naisipang matulog na lang ulit at baka bumalik at katinuan. Hindi ko alam ang mga sumunod na pangyayari pero biglang tumunog yung cellphone kaya sinagot ko ito.
Calling: Rubieee
"Hm?" Usal ko dito habang paantok-antok pa.
"Shelle, Where na ba you? Dito na kami sa tapat ng 7/11."
"Pwede ba, Ruby. Kung nanaginip ako pwede bang manahimik ka muna?"
"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? You agreed to go with us, kanina lang alas-kwatro ng madaling araw."
*toot.toot*
Bigla akong napabalikwas sa sinabi ni Ruby. Oh no, wag mong sabihin na totoo lahat na nangyari kaninang umaga? Pati yun?! No way.
Bigla akong bumaba at hinanap si mama sa baba. As soon as I saw her, tinakbo ko siya at biglaang tinanong.
"Mama!" Sigaw ko kaya napalingon ito sakin na may halong pagtataka. "Shelle? Ba't parang natataranta ka? Anong meron?" Tuloy-tuloy niyang sabi. Oh, please. Sana hindi mangyari ang nasa isip ko.
"Ma, kanina bang umaga...nag-usap tayo?" Tinaasan niya muna akong ng kilay bago magsalita.
"Oo. May mga tinanong ka pa nga sakin, eh. Bakit?" At sa pagkasabi ni mama nun ay feeling ko biglang bumaligtad lahat. So meanin yung ginawa kong katarantaduhan ay totoo?! Oh no.
Paano kung ipa-salvage ako nung taong yun? Sakto, mayaman pa naman yun! And totoo din na nakakita ako ng Ferrari at Lambo? Heck?! Pero deserve naman niya kaya yun!
Bigla namang sumagi sa isip ko yung lalaking sobrang tahimik dun. He was tall. Siguro kung tatantsahin ko yun ay nasa 6 feet siya. Hindi naman siya ganoon kaputi pero hindi din naman siya ganoon kaitim. Moreno kung baga? Ang kaso nga lng ay mas maputi siya sakin. Psh, edi siya na.
Tumunog ulit yung cellphone at ng makita kong si Ruby yung natawag ay binaba ko ito at tinext ko na lang na papunta na ako.
Nag-ayos na ako at dumiretso na sa 7/11. Oo, wala ng ligo-ligo. Nakaligo na naman ako kaninang umaga kaya sige na, bahala na.