Mabilis na lumipas ang araw at kaninang pagkagising ko ay June 4 na. Meaning, start na ng klase ko sa CSU. Yeah, most of us ay ngayon na ang start ng klase.
Nag-gayak na ako para mamaya. Although, wala akong kahit anong gamit na dala ay nagdala parin ako ng bag. Uso naman kasing mag-props, kaya heto. Tumingin ako sa harap ng salamin at tinignan ang suot ko.
I'm currently wearing jeans and simple white shirt. Kinuha ko yung gray kong jacket at isinuot ito. Bumaba naman ako pagkatapos ng ilang saglit na pagtingin sa aking kamukhaan.
Nakita ko na agad si Aljon na naglalaro ng ML sa cellphone dun sa upuan. Hinanap ko si mama pero ang tanging nakita ko lang ay pagkain sa may lamesa.
"Al," Tawag ko sa kaniya bago ako pumunta sa direksyon niya. "Nasaan si mama?" Una kong bungad sa kaniya.
"Lumabas." Ang tanging naging sagot nito. Tinungo ko na ang hapag kainan at kumain. Habang nakain ako ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama sa loob na mukhang stressed.
"Ma, okay lang po kayo?" Mukha naman na gulat ito sa sinabi ko pero ngumiti din kalaunan. "Gising ka na pala." Usal nito at umupo sa tapat ko.
"Hindi ba kayo malelate? Anong oras na, oh." Sabay nguso dun sa orasan. Parehas kami ni Aljon na napatingin sa orasan at mag-a-ala-sais palang.
"Hay, naku. Si mama, masyadong advance." Sarkastikong sabi ni Aljon kay mama pero halatang nag-aalala si mama. "Eh, kasi naman. Malayo ang CSU tapos first day niyo pa..." Napansin ko naman itong nakatingin sa suot ko.
"Shelle, sorry, ha? Hindi kayo makakapagsuot ng uniform sa unang araw niyo sa eskwelahan." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "Ano ba naman kayo, Ma. Ang nega niyo po."
Tinapos ko na ang pagkain ko at nag-toothbrush na. Kinuha ko na yung bag ko at niyaya na si Aljon na umalis. Nagpaalam muna kami bago tuluyang umalis ng bahay.
Sumakay kami ng dalawang jeep at isang tricycle. Tapos hindi pa kami pumasok dun sa pinakaloob at hanggang dun lang daw pwede ang mga tricycle, sa may tapat lang area nila. Habang naglalakad papasok ay madami kang makikitang nagmamahalang sasakyan.
Medyo hindi na ako nagulat dahil sa CSU nga itong pinapasukan ko. Dire-diretso lang ang paglalakad namin hanggang makarating kami sa Main Entrance. May isa pa dung entrance, yung normal na entrance lang.
Papasok na kami sana pero pinigilan kami ni kuyang guard. "Sorry po, Ma'am pero bawal pong pumasok ang mga hindi estudyante dito."
Nagkatinginan muna kami ng kapatid ko bago humarap muli sa kaniya. "Estudyante kami kuya dito. Ano po bang pinagsasabi niyo?" Sabat ni Aljon dito. Ngunit, tinawanan lang kami ng napakalakas nito.
"Magsisinungaling na nga lang kayo, yan pa talaga ang pwede niyong sabihin. Hay naku, umalis na kayo kung ayaw niyo ng gulo." Pilit nitong taboy samin ngunit nagpumilit din kaming makapasok sa loob.
"Estudyante nga kami dito, kuya, eh!" Muli kong sabi dito.
"Layas na!"
"Scholar po kami!" Ani Aljon na halatang naiinis na.
"Scholar?! Talagang nagpapatawa kayong dalawa! Wala pang kahit sinong scholar ang nakapasok dito!"
"Tawagan mo pa si Ma'am Erianna!" Nung nabanggit yun ni Aljon ay napatigil dito si manong guard at tinawagan ito.
Kaunting saglit pa ay tinawagan niya ito at tinanong ang pangalan namin. Mukhang nanlumo ito nung kina-usap na siya ni Ma'am Erianna. Pagkababang-pagkababa ng telepono ay nagpatawad ito samin at pinapasok na kami.
Nagpatuloy naman kami sa pagpasok sa loob at talagang nanlumo ako ng makitang malayo pa ang lalakarin para lang makapasok sa loob. Nakita ko na yung dalawang building tapos may glass na nagkokonekta sa kanila sa taas.
Students are getting off from their cars at pumapasok dun sa loob ng building. The two buildings was really big. Habang yung mga kotse ay patuloy sa pagpasok sa loob. Yung ibang kotse naman ay walang ibinababa at patuloy lang sa pagpasok.
Patuloy lang ang paglalakad namin pero grabe ang tingin ng mga estudyante saming dalawa. Nang makapasok na kami sa loob ng isang building ay may nakita kaming mga couch at isang napakalaking TV. It's currently playing some movies tapos may nakatambay na estudyante dun. It was air-conditioned inside.
Bale may tatlong pintuan. Isa dun sa pinasukan namin at yung isa ay katapat namin habang yung isa ulit ay dun sa may kalapit ng TV. It's those doors that automatically slide when someone comes in. Dun nila binababa halos lahat ng students.
Lumabas kami dun at pagkalabas na pagkalabas namin ay kumpol-kumpol na mga estudyante ang nagkalat. Most of them are heading to the Main Building kaya dun kami nagtungo.
The Main Building is the building where all of the offices are located. Sa kanan nun ay yung HS Building at sa kaliwa naman yung Elem Building. While, the college and SHS building are at the other side. Alongside with the other facilities.
Nakita ko lang 'to dun sa isang map pagpasok mo dun sa lounge area kuno nila. It wasn't posted, it was projected on a TV Screen.
Nang makapasok kami sa loob ay andaming estudyante ang nasa kanan at kaliwang side. The Main Building is so damn spacious but students only have occupied the 1/4 of it.
Pumunta ako dun sa kanang side kasi most of the students na nandun ay naka coat. Meaning, they're high school students.
Yeah, you've guessed right. May iba't ibang uniform para sa iba't ibang level ng grade.
Elem students have jumper tapos short sleeve. Tapos yung lalaki nila ay polo lang na merong logo ng school sa pocket nila sa dibdib.
Junior High students has a coat over their long sleeves. Parehas lang ng suot ng JHS na Boys sa elem students.
Senior High students has a vest on their uniforms with a tie. Both girls and boys. Tapos flowy yung palda na hanggang tuhod lang with long socks until to their knees.
While college students has a 3/4 sleeve then a tie. Yung maliit lang, I think it's called a butterfly? Ewan, nababaliw na ako. Tapos fitted yung palda na hanggang tuhod lang din.
Color of our palda? Red.
It's checkered actually. Pero college students has plain fitted red palda on them. Anyway, let's stop talking about the uniforms, shall we?
There's a bulletin board on it. Then naka-plaster yung sections and names namin. I tried to look for my name pero it's no use. Students are way to crowded here.
May nakita naman akong couch dun at umupo muna. Then dun ko lang din nalaman na may isa pa palang bulletin board kung saan naka-paskil ang mga sections at pangalan namin.
Hindi ko na makita si Aljon kaya dumiretso ako dun sa sinasabi nila. It's inside the gymnasium at anak ng putakte. Mas mapapalaban pa ata ako dito gawa ng halos lahat ng estudyante ay nandito.
Magkaka-ibang bulletin board na para sa iba't ibang section at grade. I look over all the Grade 12 sections pero ni isa man sa kanila wala. Wala yung pangalan ko.
Pumunta ako dun sa may stage kasi andaming estudyanteng pinagkakaguluhan iyon. Isang napakalaking header ang nasa taas nun.
'Special Section'
All of the grades are in there. Starting from grades 4 to 12. Mabilis kong hinanap ang Grade 12 at ini-scan yun. Ilang saglit pa bago ko makita ang pangalan ko.
8. Cruz, Michelle Adellaine
Oh, sheyt. Ba't pa ako napalagay sa section na 'to?