Nasa labas ako ng section na mapapapunta ako. Class 12-S. Kung ano-anong ingay ang maririnig mo sa labas. Sigawan, hiyawan at murahan. Hindi ko masyadong makita yung nangyayari sa loob, gawa ng mga blinds sa loob.
Kaunting minuto pa ng paghihintay ay pinapasok na ako sa loob ng teacher namin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Naglakad ako papunta dun sa platform at humarap sa kanila. They were staring at me. The usual poker face you would see from students when the teacher's discussing something really boring.
Ganun sila makatingin sakin. I didn't mind, but rather just continued what I should do. Pinakilala ko ang sarili ko. Malamang sa malamang. Hindi naman ako peymus para makilala agad nila. Grabe, ha.
Yung usual greeting lang. Sasabihin yung pangalan, age, at kung saan ka dating nag-aral. Yun lang naman talaga dapat ang sasabihin ko ng biglang sumabat yung adviser namin.
"She's also our first student who have passed the scholarship exam. Please do welcome her warmly. You may now sit down in the vacant chairs." Hindi na ako nagpabida pa at umupo na ng diretsuhan sa silyang sinasabi nito.
It was somewhat near the window. Pero sapat na para makita mo ang view sa may field sa likod ng Main Building. It was actually refreshing. Habang tinitignan ko yung napakagandang sinaryo sa labas ay nakarinig naman ako ng bulungan.
I've already guessed that they're probably talking about me and I was right. Tama nga ang hinala ko. Ikaw ba naman ang titigan ng tao tas pag-uusapan. Sinong hindi makaka-sense?
I would love to change seats with the guy I'm seating with, ang kaso nga lang ay tulog ito. Naka-ub-ob sa lamesa niya. Nang nasa ganun kaming sitwasyon ay biglang lumabas ang adviser namin kaya't nagkagulo ang buong klase.
Bigla na lang umingay yung paligid. Normally minding your own business is a thing. Well, at the least, that's what I thought. Not until when a girl suddenly walked in my direction.
And that's when things got a little bit crazier. Nanahimik naman bigla ang buong klase at yung iba nakatingin samin habang yung iba ay hinding magawang makatingin samin.
Binigyan ko siya ng isang napaka-walang kwentang ekspresyon. Kaya ang naging resulta? Ayun, tinaasan ako ng kilay. To be honest, I actually don't like the vibe she's releasing. That's why, I'm being cautious about her.
"So, you're the scholar their talking about, huh?" Pambungad nito sakin na medyo nagpakunot sa dalawa kong kilay. I didn't answer her. Not even a single nod.
Nagtitigan lang kami. Nausisa ko na lang na tumatawa na ito na parang baliw. What's wrong with her? And also, what's wrong with the whole class? As soon as tumawa ito, nag tawanan na din yung ibang students. Sure ba akong school ang pinasukan ko at hindi mental asylum?
"Aren't you a bit full of yourself? Naturingang ka lang na scholar, kala mo kung sino ka na. Matuto kang lumugar, bitch. Hindi ka nararapat sa ganitong lugar." After what she said. Umalis siya at umupo na sa dati niyang kina-uupuan. Sinundan ko siya ng tingin at huminga ng malalim.
Bitch.
Hindi niya ba alam na tao ako? And doesn't she know the true meaning of bitch? It defines a female dog, okay? Tao kaya ako.
Bumalik naman sa dating ayos yung classroom. Tinuon nila ulit ang kanilang sarili sa kani-kanilang ginagawa. Habang, pinagmamasdan ang paligid ay nakakita ako ng isang lalaki na nakatingin sakin.
As if na parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya magawa. Binawi niya kaagad ang mga mata niya nang magkatinginan kami.
Kinuha ko yung bag ko para kunin sana yung sketchbook ko. Ang kaso, bago ko pa magawa yun ay may bumato na sakin ng isang pirasong papel na nakabilog. Tingnan ko kung kanino ito galing at nang mahagilap ko kung kanino ito ay pumunta ako sa direksyon nila at sa kanila yun ibinato.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko at mas lalong naging halata yun nung marinig ko silang mapasinghap. As if namang may ginawa akong kagulat-gulat.
Tumayo ng marahas yung lalaking tinapunan ko ng papel at sinigawan ako. "What the hell was that for?!"
"Tch." Isang tunog na kumawala sa bibig ko na mas lalo pa niyang ikinagulat. "Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan, eh.
Bakit mo ba ako binato, ha? Gusto mo akong magtapon nito? Ulol. Asa ka, lapit-lapit na ng basurahan sa tabi mo, hindi mo pa kayang itapon.
Ano ka? Baby? Kailangan pa nang aruga ng isang matanda?"
Maangas kong saad dito. Nahalata ko naman ang mas pagbuka ng bibig nito. Tinignan ko silang lahat at halos pare-parehas ang reaksyon nila sa nangyari.
Babalik na ako dapat sa upuan ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Nang iniharap niya ako sa kaniya ay mabilis kong nasalo ang kaniyang kamao at I pinilipit ito.
"Sorry, ah? Na-trigger ka pala sa sinabi ko."
Pinakawalan ko ang kamay niya at maririnig mo ang pagmumura niya ng paulit-ulit. Tuluyan na akong nakabalik sa upuan ko at doon ko na lang namalayan na wala na yung katabi ko sa kaniyang upuan.