Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kites at Sunsets

🇵🇭ClaineJocson
--
chs / week
--
NOT RATINGS
85.2k
Views
Synopsis
"Ang ganda ng paglubog ng araw, kasing ganda ng mga mata mo Maribel." ------ This story is inspired by the movies. Read at your own risk. ------ Cover page picture not mine. (Credits to the owner) If you want me to take it off, message me pashaclaine@gmail.com
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

MALAKAS ang ulan sa labas ganoon din ang hangin, malamig ang panahon ngunit hindi iyon alintana ni Marissa habang kinakausap ang bata sa loob ng tiyan niya. Hinihimas-himas niya ito sa tuwing nararamdamang sumisipa ang anak. Labis na kasiyahan ang dulot niyon sa kanya dahil sa wakas ay natututo na itong tumugon.

"Tumakas ka na Marissa!" Yakap-yakap ni Marissa ang pitong buwang tiyan niya nang marinig ang sinabi ni Norma. kasamahan niya sa Mansyon ng mga Delcampo. Katulad niya ay kasambahay rin ito.

Naguguluhan siya kung bakit nanginginig ito sa takot, bigla na lamang itong pumasok sa silid nila at iyon ang ibinungad sa kanya.

"Tutulungan na kitang mag-impake." Kumuha ito ng malaking bag at isa-isang pinasok ang mga damit niya mula sa cabinet.

"Bakit Norma?" Muntik na niyang hindi maitanong iyon dahil siya mismo ay nahihimigan na kung anong nangyari at mangyayari.

"Alam na nila. Alam na nilang si senyorito ang ama ng anak mo! Bilisan mo at sigurado akong ipapapatay ka ni Senyora!"

Nanghina ang dalawang tuhod niya, pabagsak siyang naupo sa kama. Kilala niya ang ina ni Gilberto, simula't sapol ay ayaw nito sa kanya bilang muchacha sa mansyon nito paano pa kaya kung maging manugang niya ito?

At si Gilberto na nangako ng walang hanggan sa kanya, matutupad pa kaya ang mga pangako nila sa isa't-isa?

"Si Gilberto, nasaan? Alam kong proprotektahan niya kami laban sa ina niya." Buo ang loob niyang hindi siya basta-bastang iiwan nito dahil sa pagkakaalam niya ay iniwan nito ang itinakdang babaeng papakasalan para sa kanya. Para sa kanila ng anak niya.

"Wala si Senyorito ngayong gabi, Marissa. May biglang pinuntahan. Narinig ko ang usapan ng mag-ina kanina, kasama ni Senyora si Gillian." Ang tinutukoy nito ay ang nakatatandang kapatid ni Gilberto. "Sinabi niya sa matanda ang lahat, galit na galit ito nang malaman ang lahat ng kasinungalingan niyo. Pinikot mo raw si Gilberto dahilan na umayaw ito sa kasal."

"Ngunit alam mong hindi totoo iyan, matagal na kaming may relasyon ni Gilberto at buntis na ako hindi pa napag-uusapan ang kasalan nila ni Annalisa!"

"Alam ko Marissa ngunit mas mabuti ng umalis ka muna ngayon. Kilala mo si Senyora, madumi maglaro iyon at hindi na mabibilang kung ilang beses akong nanahimik para sa kanya. Papatayin niyon kung sino man ang hahadlang sa mga plano niya! Nakita mo na siyang pumatay ng tao noon at isa ka rin sa tinakot niya."

Tumango siya. May punto ito. Lalo siyang natakot sa posibilidad na ipapapatay nga siya nito. Natatakot siya para sa sarili at para din sa anak na hindi pa nasisilayan ang mundo.

"Halika na bago mahuli ang lahat!"

Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Alam niyang para iyon sa ikabubuti ng lahat. Babalikan niya si Gilberto sa tamang panahon. Siguro naman ay maiintindihan nito ang paglisan niya.

"Anak, huwag ka muna masyadong maggagagalaw para mabilis makakilos si nanay." Bulong niya. Hinayaan niyang si Norma ang magdala ng bag niya. Giniyahan siya nito palabas ng Mansyon. Mas mabilis silang makakalabas ng ligtas kung si Norma ang magsisilbing gabay niya dahil mas nauna itong nanilbihan sa mga Delcampo kaysa sa kanya. Kabisado na nito ang mga pasikot-sikot sa loob ng mansyon kompara sa kanya na palaging naliligaw.

Tinahak nila ang maputik na daan, nahirapan siyang maglakad-takbo dahil sa bigat ng tiyan na dinadala. Lumalakas ang ulan, bahala na ang importante makatakas siya.

"Norma, may tao sa dulo." Puna niya habang hindi parin tumitigil sa paglakad-takbo. Hawak-hawak niya ang dulo ng daster para di matangay ng malakas na hangin.

"Si Alejandro iyon, sinabihan ko siyang tulungan tayo sa pagtakas mo."

"Hanggang dito na lang ako Marissa." Pamamaalam ni Norma nang tuluyang nakalapit na sila kay Alejandro. Si Alejandro ang may-ari ng bahay na pinakamalapit sa mansyon. Matalik na kaibigan ito ni Gilberto. Dahil rin sa binata ay nakilala niya ito at naging kaibigan. They move in the same circle. Hindi man ito kasingyaman ng mga Delcampo ay may sinabi rin naman ito sa buhay.

"Marissa, okay ka lang ba?" Si Alejandro sa nag-aalalang tinig. Hinawakan nito ang mukha niya at sinuri ang bawat sulok niyon na para bang may hinahanap. Binitawan siya nito. Tumigil ang mga mata nito sa tiyan niya. Mataman nitong tiningnan iyon. Bahagya siyang umatras at hinawakan iyon. Alam niyang may kahulugan ang mga titig nito.

"Maayos ang lagay ko, kailangan kong mailayo ang anak ko kay Senyora Gelena! Tulungan mo kami." Pagmamakaawa niya rito. Wala na siyang ibang mahihingan ng tulong. Hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang magulang na nagisnan at may kalayuan ang bahay ampunan na pinagmulan niya.

Hindi nagdalawang isip si Alejandro na tulungan siya. Nang gabing iyon ay pinatuloy siya nito sa

bahay nito, pinakain at binigyan ng desenteng matutulugan. Ngunit, plano niyang makabalik sa bahay ampunan sa lalong madaling panahon. Habang naroroon siya malapit sa teritoryo ng mga Delcampo ay hindi tiyak ang kanilang kaligtasan.

Ayaw rin niyang madamay si Alejandro sa gulong pinasok nila ni Gilberto.

Noong una ay ayaw ni Alejandro na hayaan siyang bumalik sa bahay ampunan ngunit nakumbinsi niya ito. Ito na mismo ang naghatid sa kanya papunta doon.

Bago sila naghiwalay ni Alejandro hiniling niyang balitaan siya nito sa oras na makabalik si Gilberto sa mansyon ngunit isang linggo na ang nakakalipas ay hindi siya nakatanggap ng balita mula kay Alejandro ng kahit na ano tungkol kay Gilberto, sa halip ay nagpapadala ito ng mga regalo para sa kanya na taliwas sa kahilingan niya.

Hanggang sa nabalitaan niyang natuloy ang kasal ni Giberto kay Annalisa Raymundo, ang nakababatang kapatid ni Alejandro. Katulad niya ay walong buwang buntis din ito at si Gilberto ang ama. Pero paano? Paano iyon nagawa ni Gilberto sa kanya? Paano siya nagawang traydorin ni Gilberto?''

Alam niyang may pagtingin si Annalisa kay Gilberto ngunit hindi iyon binigyang pansin ng binata dahil parang kapatid lang ang turing nito sa dalagita. Kahit minsan ay hindi niya napansin itong nakatingin o nakatitig sa dalagita tulad ng pagnakaw ng tingin at titig nito sa kanya.

Lagi silang magkasamang dalawa sa tuwing naroroon ito sa mansyon. O iyon ang inaakala niya?

At si Alejandro, hindi man lang ba naisip na may karapatan siyang malaman ang katotohanan? Naalala niyang umalis si Annalisa upang mag-aral sa kolehiyo, iyon ang sinabi nito sa kanya. Kung ganoon, gusto lang pala nitong itago ang pagbubuntis ng kapatid.

Nagtagis ang mga bagang niya sa muling pagkikita nila ni Alejandro nang bisitahin siya nito sa bahay ampunan. Sinumbatan niya ito sa paglilihim sa kanya ngunit hindi man lang niya nakitaan ng kahit na anong pagsisisi sa mukha nito. Sinabi nitong mas mabuti raw na ganoon ang nangyari dahil mas komplekado ang sitwasyon. At nasisiguro nitong hindi niya gugustuhing malaman pa ang katotohanan.

Nag-alok ito ng tulong pinansyal galing kay Gilberto ngunit hindi niya tinanggap. Tinaboy niya ito at napagdesisyunang harapin ang kinabukasang kasama ang pinakamamahal niyang anak.

Tuluyan siyang nanirahan sa bahay ampunan hanggang sa dumating ang kabuwanan niya. Sa tulong ng mga madreng nagpalaki sa kanya, sa isang desenteng hospital siya nanganak ngunit huli na nang nalaman nilang nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang pagbubuntis

"Maribel...."

Ang huling katagang sinabi niya. Iyon ang una at huling pagkakataong nasilayan niya ang anak.