Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 8 - G

Chapter 8 - G

PANGALAWANG araw ko na ngayon sa mansyon, hindi ko pa nakita si Gabriel na lumabas ng kwarto niya kaya naman ako na ang nagpresenta kay Aling Norma na maghatid ng pagkain niya. Kukunin ko na ang pagkakataon upang magpasalamat sa kanya.

Nagkapagtatakang hindi naka lock ang pinto ng silid ni Gabriel. Lumabas ba siya? Pinasok ko ang kwarto niya nang walang sumagot pagkatapos kong kumatok. Tinungo ko agad ang bintana at tinali ang kurtina para naman malinawagan ang buong silid. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang kabuuan niyon. Anong klaseng hayop ang nanloob sa kwarto ni Gabriel?

Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Basag ang dalawang salamin sa kwarto niya ganoon narin ang iilang bote ng alak. Kumuha ako ng walis para linisin ang sahig. Nang malinis ko na iyon, inayos ko naman ang kama niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at naupo sa kama niya nang naayos ko na iyon.

Kakaiba ang kwarto ni Gabriel, sa lahat siguro ng mga kwarto sa mansyon napuntahan ko, ito lang ang walang mga nakadisplay na pictures. Tumayo ako at pinulot ang baseball bat at sinandal sa cabinet. May koleksyon ito ng alak sa loob ng wood cabinet nito.

May laptop sa study table niya at iilang medical books. Sa tabi niyon ay may bote ng alak na kalahati na lang ang laman. Ganito na ba ang buhay niya pagkatapos ng aksidente?

Biglang bumukas ang pinto ng bathroom at iniluwa niyon si Gabriel na nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan.

Nagulat ko ata siya. Nawalan siya ng panimbang at muntik nang bumagsak sa sahig kung hindi ko iyon naagapan. Kinuha ko ang braso niya at pinalibot sa balikat ko.

Doon ko lang naramdaman ang bigat niya nang unti-unting hinakbang namin ang distansya patungo sa kama.

Naghalo sa ilong ko ang amoy ng aftershave at shampoo niya. Ang bangong lumpo naman ata nito.

Mabilis siyang kumawala sa akin at pabagsak na naupo sa kama. Nakamaang ako habang nakatingin sa kanya. Nanibago ako sa linis ng mukha niya ngayon, parang nabawasan ang edad niya. His long wet hair gave emphasis to his squared jaws. Above average ang tangos ng ilong niya. At ang mga mata niya, parang nakatingin ako sa mga mata ni Don Marianno sa kalupitan ng titig niya.

"How the hell? What are you doing here?" He snapped. Namumula siya sa galit.

"Hinatid ko lang 'yung pananghalian mo. Gusto ko rin sanang magpasalamat." Sagot ko habang iniiwas ko ang tingin sa kanya. To be honest, I've never been so close with a half-naked man before kaya nailang ako.

I heard him swear an oath.

"For fuck sake, Maribel. Get out! I don't want to see you here." He almost shouted. He even sound disgusted. Ganoon ba siya magpasalamat? Bakit parang nagkasala ako sa kanya?

"You're welcome." Naiinis kong sagot sa kanya.

"And for your information, hindi naka lock ang pinto ng kwarto mo." Padabog kong sinara ang pinto.

How dare him?! Bakit pa niya ako pinabalik sa mansyon kung ayaw rin naman pala niya akong makita?

He doesn't want to see me? Fine! Lumabas ako ng mansyon para makapagsarili. Hindi naman talaga sana ako babalik ng mansyon kung may ibang matutuluyan lang ako ngayon.

Dala ng inis, naglakad ako nang naglakad. I followed a trail, ito siguro ang laging dinadaan ni Mang Rolando sa tuwing nangangahoy. The place felt oddly familiar to me. Diretso lang ang mga hakbang ko hanggang sa naghiwalay ang daan. Ang isa patungo sa gubat, ang isa naman patungo sa malawak na talahiban. I followed the trail going to the fields. Beyond that field lies a two story antique house.

Wala namang nakalagay na No Trespassing kaya tumuloy na ako sa veranda ng bahay. Pinunasan ko ang alikabok ng bintana at sinilip ang loob ng bahay. Masyadong madilim ang loob niyon, wala akong makita.

Hinawakan ko ang door knob at akma na sana paikutin iyon nang mapansin kong may taong nakatayo sa likuran ko.

"Mari?"

Nataranta ako. Agad akong pumihit para malaman kung sino iyon.

"D-drew?"

"Mari!"

Niyakap niya ako. "Saan ka ba nagpunta? Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo."

Kumalas ako sa yakap niya. "Ano?"

"Bigla kang nawala. Sabi ng mga tauhan ni papa nakita ka raw nilang tumakbo sa kagubatan. Ilang araw kitang hinanap pero nabigo ako."

Tumakbo ako sa kagubatan? Kaya ba ako natagpuan ni Mang Rolando?

"At ngayong nandito ka na, you have no idea how happy I am." Lumabas ang dimples niya nang ningitian niya ako. Nahawa narin ako at ngumiti.

"Halika, may ipapakita ako sa iyo." Hinila niya ako patungo sa likuran ng bahay. Sinalubong ako ng mga samot-saring bulaklak. Naggagandahan ang mga iyon. Nagkalat ang mga paruparu at tutubi sa maliit na hardin.

"Mahilig ka pala sa mga halaman?"

He enthusiastically nodded. Ngayon ko lang napansin na nakabotas siya at puno ng putik ang apron na suot niya. Kumuha siya ng garden hoe at pinagpatuloy ang hindi natapos na gawain.

Nakuha ng mga marigold flowers ang pansin ko, bukod kasi sa matingkad nitong kulay, ito rin ang pinakarami sa lahat ng bulaklak na naroroon.

"Mukhang alam ko na kung ano ang paborito mo." Yumuko ako at kukuha sana ng isang bulaklak ng marigold pero pinigilan niya ako.

"If I were you I won't stick my nose near to that flower. Not all flowers have heavenly scent." Babala niya.

Inamoy ko iyon na parang walang narinig.

"Hindi naman mabaho." Depensa ko sa kanya. "So, Alin sa mga ito ang paborito mo?"

"Iyan." Sabi nito sabay turo sa marigolds.

"Kahit hindi mo inaamoy paborito mo?"

"Maraming katangian ang marigolds na kaayaaya. Resistant sila sa mga peste, mahabang panahon sila mamulaklak at nakakain din sila. At naging paborito ko rin sila dahil sa iyo." Makahulugan niya akong tiningnan at muling itinuon ang focus sa ginagawa.

"Dahil sa akin? Paano?" Umupo ako sa tea table na nasa gitna ng hardin. Malamang dito sila nagmemeryenda. Pinanuod ko siya sa ginagawa niya habang hinihintay ang sagot sa tanong ko.

"Noon kasi, akala ko mga ligaw na damo lang sila na biglang tumubo sa hardin namin. I couldn't even remember the reason why I didn't pull them out, basta hinayaan ko lang sila. Then they started blooming when you came. Kaya naging Mari ang tawag ko sa iyo. Katunog ng pangalan mo ang bulaklak."

Muli akong napangiti sa sinabi niya. Pakiramdam ko parang ako ang nagbigay buhay sa mga marigolds na nasa hardin nila.

"Ano bang maitutulong ko sa iyo?" Hinawi ko ang buhok sa likuran ng tenga ko at dinaluhan siya. He gave me a pair of gloves and a bag of seeds. Sabi niya pink roses daw iyon. Isa-isa kong nilagay ang mga buto ng halaman sa lupa na hinukayan niya.

PALUBOG na ang araw nang matapos kami sa ginagawa namin. Nagpresenta siya na ilalakad niya ako pauwi sa mansyon. Nakakamangha tingnan ang mabining pagsayaw sa hangin ng mga gintong talahib sa labas ng bahay nila. Nasa kalagitnaan na kami ng talahiban nang tumigil sa paglakad si Drew. Bigla siyang humiga.

"Drew." Awat ko sa kanya. He smiled playfully, his eyes closed. Hinila ko ang kamay niya ngunit nagpabigat siya.

"Panuorin muna natin ang paglubog ng araw."

Sa huli wala akong ibang nagawa kundi umupo sa tabi niya. Bumalikwas siya mula sa pagkakahiga at tinukod ang mga braso sa likuran habang ako naman naka-lotus position ang mga paa.

"Napakaganda." Wala sa sariling usal ko. Naghalo ang mga kulay sa langit. From red to orange to yellow to sky blue to dark blue. Rare and beautiful. It was a very calming scenery na tiyak hinding-hindi ko pagsasawaan. Pumikit ako at dinamdam ang init ng araw at ang lamig ng hangin sa mukha ko.

"Kasing ganda ng mga mata mo Mari." Dumilat ako at napatingin kay Drew. He's profoundly staring at me with a sincere smile of his face. I felt I was staring at myself for a moment when our eyes met.

What is it with this man? There's something about this man that I don't understand. Sa isang iglap napalaho niya ang inis ko, napangiti niya ako at pinaramdam sa akin na mahalaga ako. Mabilis na napanatag ang kalooban ko sa kanya na bihira ko lang maramdaman sa ibang tao. Weird but I really feel that I have known him for a very long time.

And where did I hear that before? Those exact words were the stranger's words in my dreams.

"May sasabihin ako sa iyo Drew. Sa tingin ko may mga nakalimutan akong alaala. Mga alaalang tungkol sa iyo. Hindi ko matandaan kung kailan at saan tayo nagkakilala. Kung bakit tayo naging magkaibigan."

'Pakiramdam ko ang mga nakalipas na kakaiba kong panaginip ay bahagi ng mga nawawala kong alaala.'

Hindi ko na iyon naisatinig pa. Sapat na ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya para itikom ko ang mga labi ko.

"Kung hindi mo maalala huwag mo nalang pilitin. Bubuo ulit tayo ng magagandang alaala, Mari."

Sabay kaming humiga sa damuhan, nakangiting pinikit ko ang mga mata ko.

Hindi na naalis ang ngiting iyon hanggang sa nakabalik ako sa mansyon. Pabalik na ako sa kwarto ko nang mapansin na naiwang nakaawang ang pinto sa master's bedroom. Kanina hindi nakalock ang pinto sa silid ni Gabriel at ngayon naman iniwan niyang nakabukas. Hahayaan ko nalang sana iyon kung hindi ko narinig ang pangalan ko.

May kausap si Gabriel sa telepono. "Yes, she's here."

"I can keep her for now but I want to know who's behind her abduction. Gusto kong malaman kung may kinalaman iyon sa pagkatao niya."

Natuptop ko ang mga labi para mapigilan ang pagsinghap.

"Please do." He assertively ended the call.