Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 21 - T

Chapter 21 - T

SHE HELD MY HAND TIGHTLY. I felt her emotion escalated from gentleness to anger. Her eyes were suddenly on fire that made me wonder. "Nagkaroon na sana siya ng dahilan upang kalimutan si Marissa nang malaman niyang nagdadalang-tao ito, sa halip ay agad siyang bumalik sa Pilipinas. Nanatili siya sa likuran ninyo, handang umagapay, habang inabandona kayo ni Gilberto." Natigilan ako.

Hindi ko kayang paniwalaan na nagawa sa amin iyon ng ama ko. Isang bahagi ng isipan ko ang umaaawat sa akin mula sa pakikinig sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang marinig ang sasabihin niya. Ngunit mas nangibabaw ang pagnanasa ko sa impormasyon tungkol kay Alejandro.

"Bumili ng mga gamit si Alejandro at pinadala niya iyon sa inyo sa bahay ampunan. Linggo-linggo siya kung dumalaw sa inyo ni Marissa. He opened a bank account under your mother's name using half of his savings ngunit hindi iyon tinanggap ni Marissa. Sa katunayan, natuwa ako dahil si Marissa na mismo ang nagtaboy sa kanya palayo, but later on, I've realised how unconditional his love was."

Binitawan niya ang mga kamay ko. At ang galit niya sa mga mata ay unti-unting naupos.

She sighed in surrender. "Sana ay pinili siya ni Marrisa."

"He was willing to give up everything for her. If she could have given him a chance, naging mas mabuting padre de pamilya sana siya kumpara kay Gilberto. At his very last breath he was still thinking of her."

Nanatili akong nakatanga sa kanya. Her last sentence really made me speechless. Nahati ang damdamin ko para sa dalawang importanteng lalaki sa buhay ko.

I'm finding a strong argument to defend my father after what I've heard, but I couldn't think any. Matagal ko nang alam na iniwan niya kami ngunit bakit parang ang sakit tanggapin ng salitang 'inabandona'? Bigla ay gusto kong kwestyunin kung totoo bang mas minahal ni Gilberto ang ina ko kaysa sa ina ni Gabriel. Hindi ba ganoon katindi ang pagmamahal nila para ipaglaban ang isa't-isa? Wasn't he suppose to leave everything behind if he trully loved my mom too?

Ngunit hindi ko rin masisisi si nanay kung bakit hindi niya pinili si Alejandro.

Hindi ko rin maiwasang isipin na kung pinili ba niya si Alejandro mababago ba ang takbo ng tadhana. Will the both of them still be alive?

Bigla ay ayaw ko na munang mag-isip.

"Hiling kong basahin mo ang mga liham niya. Sana ay kilalanin mo ang pagmamahal niya." Pagsusumamo niya. Muli niya akong niyakap bago ko nilisan ang silid niya.

Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko isa-isa ang mga envelope. Tumambad sa akin ang samu't saring larawan ng Europa. Followed by post cards and old photographs of Alejandro and his journey abroad.

Pilitin ko mang basahin ang lahat ng sulat niya, sa tingin ko ay hindi ko matatapos ang pagbabasa sa isang upuan lang. I chose to pick randomly.

January 12, 1994

Mahal kong Mari,

Kamusta ka na? Hindi mo siguro inaasahan ang na magpapadala parin ako ng liham, gusto ko lang sanang ikamusta ang kalagayan mo. Alam kong hindi maganda ang pamamaalam ko sa inyo ni Gilberto at iyon ang gusto kong hingan ng paumanhin, marahil iyon din ang dahilan kung bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko.

Gayun paman, isang bahagi ng pagkatao ko ang umaasam na sana tugunan mo ang liham na ito. If it's not that much to ask, sana ay mahanap mo sa puso mo na mapatawad ako. Habang lumilipas ang mga buwan, hindi ko kayang isipin na galit ka parin sa ginawa ko.

Nangungulila ako sa iyo. Kahit anong gawin kong paglimot, ginawa ko na ang lahat ng paraan pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang magmahal ng iba.

Alam mong nilabanan ko ang damdamin ko para sa iyo kaya nagparaya ako at nagpakalayo-layo dahil alam kong siya ang pipiliin mo sa aming dalawa. Nirerespesto ko ang desisyon mo ngunit hindi mo maiaalis sa akin ang karapatang ipagpatuloy ang sinisigaw ng puso ko. Kahit nasa malayo ako, ikaw parin ang nasa puso't isipan ko.

Hayaan mo akong mahalin ka. Kahit hindi mo man ako inibig, iibigin parin kita dahil doon ako masaya.

Nagmamahal,

Drew

Isa-isa kong isinuli ang mga larawan, post cards at ang liham sa kaniya-kaniyang lalagyan at wala sa sarilig tinanaw ang malawak na lawa. Katulad ng gabi, mapayapa rin ang tubig ng lawa. Hindi ko alintana ang lamig sa pag-iisa ko. Inabot ko ang kwentas na suot, hinimas ang dalawang pendant at pumikit. Tuluyan akong nagpakalunod sa tunog ng kalikasan.

Pakiramdam ko, parang may sariling pag-iisip ang mga mata ko't isa-isang nagpakawala ng mga luha. I hate this emotion it makes me feel weak and vulnerable and yet I don't know why I cry as a response at everything nowadays. Is it because I revoke this emotion before or everything's just getting out of hand becoming unbearable?

Pakiramdam ko tila naglaho lahat ng naipon kong lakas at tapang noon.

I let people in my circle hoping they're different and that they'd stay, and yet I only had my heart ripped away to pieces as if someone took the parts of it to their graves.

"Maribel. Umiiyak ka na naman." Batid ko ang baritonong boses na iyon. Bumaling ako para kompirmahing si Gabriel iyon. Lalo akong umiyak nang makita ko siya. Just as I thought everyone I let in my circle left, someone stayed. "Don't cry." Usal niya. Nanatili siyang nakadistansya sa akin.

"Akala ko kanina ka pa nakaalis."

"Si Rolando lang iyon. Pinauwi ko para may kasama naman si Norma, alam ko kasing matigas ang ulo mo at hindi ka uuwi. He'll fetch us tomorrow morning." Imporma niya. Tumango ako at pinahid ang mga mata.

---

GABRIEL CHOSE TO STAY FAR FROM MARIBEL, fighting the urgency of hugging her everytime he sees her crying which he knows he always fails. But this time, he prayed that God give him control from doing so.

Habang mag-isa siya kanina, he realised something. Hindi siya habambuhay nasa tabi ni Maribel upang pawiin ang mga luha nito. He can't be with her the way he wanted him to be.

"Will you promise me something, Maribel?"

"Promise me you'll never cry again for the same reason after this evening. Let him go. I'm not asking you to forget him, just don't hold onto him and that emotion for too long or it will destroy you."

Maribel stayed silent. Nakatingin lang ito kay Gabriel na para bang natauhan. Mayamaya'y nag-iwas ito ng tingin at yumuko.

He knows that at some point, it is impossible to ask it of her. He was eavesdropping outside of the room the day he snapped at her about Charles. At base sa takbo ng usapan ng mga ito, Maribel won't let go of the dead man's memories.

"Will you promise me that?" Basag niya sa katahimikan. Almost snapping at her.

For a while, akala niya ay hindi parin siya nito sasagutin ngunit muli itong nag-angat ng tingin.

"Nangangako ako kung ipapangako mo ring kakausapin mo ang abuela mo bago tayo umalis bukas. Hinahanap niya ang apo niya kuya at ikaw iyon. Kailangan ka niya."

It was his turn to be silent. Wala sa plano niyang kausapin si Donya Amanda. What is it there to talk? Kahit kailan ay hindi siya nito kinausap. She hated him at nasisiguro niyang walang nagbago rito.

'"Katulad ka ng ama mong sinungaling! I should have killed him before he laid his hands-"'

Now it was coming clear to him, she hates his father. It might be also the reason why she hates him. But why'd they have Gilberto and Annalissa marriage arranged in the first place kung ayaw naman pala nito kay Gilberto?

Iniwaksi niya iyon sa isipan. Matagal nang tapos ang mga panahong may interest pa siya sa paksang iyon. For him, digging up the past only brings bad memories. It will only cause devastation.

Although he admits, hindi niya inaasahan ang muling pagtatagpo nila ng abuela niya lalo na sa ganoong kalagayan. Tuloy nakadama rin siya ng awa para rito.

"Fine. I promise."

She seemed satisfied with his response. Maribel gave him the sweetest smile he had ever seen. Her eyes were like lost stars in the sky twinkling as her expression glowed up. Her hair were beautifully rested on her shoulders.

He smiled just the thought of it. Hanggang sa pagpasok ni Gabriel sa silid ni Amanda ng umagang iyon ay nakatatak parin sa isipan niya ang imahe ni Maribel. He'll keep his promise no matter how this conversation ends.

Pinuntahan niya sa terasa ng silid nito. Just when he thought the back porch has the most scenic view of the nature, wala pala itong sinabi sa view na matatanaw mula sa kinaroroonan nila. Halos tanaw niya ang kabuuan ng lawa at ang kalikasang nakapalibot rito. Pati narin ang hardin sa ibaba at ang porch.

Nakatingin ang donya kay Maribel na tumutugtog ng gitara sa harden nito. Napatingin din siya rito. Hindi niya alam na marunong palang tumugtog ng instrumento si Maribel. She was not singing though, she was humming a tune na dinig na dinig nila dahil sa kapayapaan ngna lugar.

"She brings back memories Gabriel." Sabi ni Amanda. " She looks like her mom but acts like my son. Only Alejandro plays that guitar. He sings me that song too everytime he's wooing me."

He moved beside her and took a deep breath before talking. " Something happened to her... "

Kinawayan sila ni Maribel at ningitian. She looks very happy seeing him conversing with his grandmother. He smiled back at her. Dudugtungan na sana niya ang naudlot na usapan ngunit naunahan siya ni Amanda.

"You're in love with her, aren't you?" Natigilan siya at napatingin dito. "I can see the way you look at her." Namilog ang mga mata nito.

"Hindi iyan ang ipinunta ko rito lola. I'm here for reconciliation."

Agad na nagbago ang ekspresyon nito. "Ako ang dapat na humingi ng tawad sa iyo Gabriel, kung bakit kita dinamay sa galit ko sa ama mo. I've been reckless before at lantaran kitang tinaboy, kayo ni Anna. I'm sorry."

Parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang yakapin siya nito. He never thought this day would come.

"Look at you, you've grown a very handsome man. Ilang babae na ba ang napaiyak mo?" He laughed as a response. "Sana hindi mo paiiyakin si Maribel."

"I won't Lola. What makes you say that?"

" Well... you didn't deny you love her. Sinabi mo na ba sa kanya?"

He shook his head. "Can we keep this our little secret Lola? I can't tell her that. Hindi niya ako matatanggap. Pandidirian niya ako habambuhay sa oras na malaman niyang mahal ko siya."

Nagdugtong ang kilay ni Amanda. "I don't want to drag her in this incested romance. I'd rather die."

"Ano bang pinagsasabi mo Gabriel? You're not related to each other. Hindi ba sinabi sa iyo ng mga magulang mo?" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ilang beses siyang napakurap bago sumandal sa wheelchair niya.

Nasa ganoon silang ayos nang madatnan ng nurse ng matanda. Oras na raw para magpahinga ito. Iyon ang sinabi nito sa kanila. Maribel and Grabriel bid Amanda goodbye. The nurses said they're very welcome to comeback anytime. Batid nilang may pagbabagong naidulot ang pagbisita nilang dalawa sa donya.

"So how'd it go Kuya?" Nakangiting puna sa kanya ni Maribel nang makapasok na silang dalawa sa pick-up. He only answered her when Rolando started driving.

"It went well." Maikling sagot niya. He was still processing what Amanda told him. Kailangan niyang malaman kung anong alam nito.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa natutulog na mukha ni Maribel. Napagdesisyunan niyang babalikan niya bukas ang abuela ng mag-isa.

Matapos ang tatlong oras na byahe, narating na nila ang mansyon. Bigla siyang kinabahan nang makita ang isang itim na kotse na nakaparada sa harap ng mansyon. He wasn't expecting a visitor or if it is really a visitor. Masyado pang maaga.

Sa kabila ng biglaang tensyon at kaba na nadama, nangako siya sa sarili na sa muli nilang pagkikita ay magiging kalmado at casual siya sa harap nito.

And there was Gillian, in her ever elegant finesse aura, greeting them with her deceiving smile.