Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 9 - H

Chapter 9 - H

NAIINIP na bumuga ng usok si Gillian sa loob ng opisina niya. Nakadalawang stick ng yosi na siya sa loob ng bente minuto ngunit wala parin siyang natatanggap na balita mula sa mga tauhan ni Dolfo – ang kanang kamay ng asawa niya.

Mag-iisang linggo na siyang naghihintay ng balita sa paghahanap kay Maribel Borromeo. Nanggagalaiti siya sa galit nang malamang hindi nakita ng mga tauhan ni Dolfo ang bangkay ng dalaga sa ibaba ng bangin. Hinalughog nila ang lahat ng morgue sa Santa Barbara para alamin kung may nakatagpo sa patay na katawan ng dalaga ngunit wala. Wala ring unclaimed bodies doon.

Kaya possibleng buhay pa ito hanggang ngayon.

Nagpadala siya ng mga tauhan para magmanman sa paaralan at bahay ampunan ngunit ayon sa mga tauhan niya hindi nagawi roon ang dalaga.

"Saan pumunta ang anak mo Marissa?" She asked frustratingly at Marissa's photo. She hated her name. She hated her face. She hated everything about her.

At ang anak nitong halos carbon copy ang mukha ng ina maliban sa mga mata nito. Nilapag niya ang larawan ni Marissa katabi sa lawaran ng anak.

Tinitigan niya ang mga mata ni Maribel. She grew fond of those eyes a long time ago ngunit hindi iyon dahilan para hindi rin siya mamuhi rito. Pakiramdam niya parang nabuhay ulit si Marissa sa anyo ni Maribel.

Napopoot siya sa tuwing naalala niya kung gaano ito minahal ni Alejandro habang siya'y kay tagal ng nagpaparamdam sa binata ay binaliwala.

Sino ba namang mag-aakala na pagtutuonan ng pansin ng isang sikat na piloto ang isang muchacha?

Kung tutuosin ay wala si Marissa sa kalingkingan niya pero mas pinili ng binatang ipagpatuloy ang walang patutunguhang pagtingin nito kay Marissa.

Nabunutan siya ng tinik nang malamang namatay si Marissa sa panganganak. Nawalan ng dahilan si Alejandro sa linggo-linggong pagpunta sa San Isidro. Si Gilberto naman ay napilitang itaguyod ang pamilya at hinayaan ang anak ni Marissa sa bahay ampunan dahil sa pagtatangka ni Marianno sa buhay ng bata.

After Alejandro's death, pumunta siya sa ibang bansa at doon niya nakilala ang unang asawa niya. Isang matandang French-american na kalaunan ay namatay dahil sa sakit na cancer. She had a divorce on her second marriage sa isang morrocan.

Labing siyam na taon na ang nakakalipas, kay habang panahon na iyon para makalimot siya ngunit muling nabuhay ang galit niya nang mabasa niya ang diary ng nakababatang kapatid. Naglalaman ito ng katotohanan. Katotohanan na lalong sumira sa katinuan niya at pumukaw sa galit niya. Sinunog niya ang diary pagkatapos niyang malaman ang lahat ng lihim ng kapatid.

Isinabay niya sa hukay ng kapatid ang mga lihim nito. Hinding-hindi magkakapuwang ang anak ni Marissa sa mga Delcampo. At ikamamatay niya saka-sakaling pinamanahan ito ni Gilberto ng kahit na ano sa pag-aari nila.

Pinamana ni Marianno halos lahat ng ari-arian sa nakababata niyang kapatid sa kadahilanang ito ang totoong anak nito kay Gelena. Nag-iwan din ito ng trust fund para sa apo at makukuha lang nito iyon sa nakatakdang panahon. Habang iniwan ng ama ang kalahati ng shares nito sa Atlantic holdings sa ina at kalahati sa kanya. Maliban doon at sa kakarampot na alahas ay wala na itong iniwan pa.

Nang sumunod si Gelena kay Marianno, napasakanya ang natitirang shares ng ina.

Binenta niya ang shares ng ina at nalulong sa casino. Doon niya nakilala ang asawa – si Qin go, isang Chinese businessman.

"Dolfo, isa-isahin niyo ang mga malalapit na ospital sa Santa Barbara. Alamin niyo kung nagpagamot doon ang babae."

"Takutin ninyo kung kinakailangan!" Bulyaw niya sa kabilang linya. Tumilapon ang telepono niya sa glass wall ng opisina.

"Mga walang kwenta!" Napasigaw siya sa galit.

Kung hindi kayang gawin ng mga tauhan ng asawa ang ipinag-uutos niya mas mabuting siya na mismo ang kumilos.

Ngunit bago iyon, kakamustahin niya muna ang pinakamamahal niyang pamangkin.

Mapait siyang ngumiti.

----

BUONG GABI kong pinag-isipan ang narinig ko kanina. Anong alam ni Gabriel tungkol sa pagkatao ko? Bakit interesado siyang malaman kung sino ang mastermind sa pagdukot sa akin? At sino ang kausap niya sa telepono?

Kung alam pala niya ang totoong pagkatao ko bakit hindi niya sinabi sa akin noon pa? Matagal na ba niyang alam? Coincidence lang ba na napadpad ako sa mansyon nila?

Hindi ako mapakali. Nilunod ng mga katanungan ang isipan ko. Mga katanungang alam kong hindi ko masasagot.

Kanina pa ako nagpaparito't paroon. Pakiramdam ko, mahihimatay ako sa suspense kung hindi ko pa kokomprontahin ngayon si Gabriel.

Iyon naman talaga ang ipinunta ko rito sa Santa Barbara - para malaman ang totoo kong pagkatao. At kung alam lang pala ni Gabriel, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

Umupo ako at pinakalma ko ang sarili habang pinanuod ang pagdaloy ng tubig ulan sa kristal ng bay view window. Ano man ang kahihinatnan ng plano ko ngayong gabi, Diyos na ang bahala.

NAHANAP ko ang sariling nakatayo sa paanan ng silid ni Gabriel. I was scared for a while, hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Paano kung nagkamali lang pala ako ng dinig?

Naalala ko noong araw na bumalik ako sa mansyon, Nag-Gabriel Lessons 101 kami ni Manang Norma. Tinuro niya sa akin ang do's and don'ts. Kung ano ang mga ayaw at gusto ng binata. Well, to sum it up it seems that he doesn't want to be bothered at all dahil ayaw niyang iniistorbo siya sa kwarto niya maliban sa oras ng meal delivery niya, ayaw niya nang maingay, ayaw niyang tinititigan o tinitingnan siya at gusto lang niyang mapag-isa.

And I'm fully aware that what I'm about to do right now will piss him off completely. But I'd rather be kicked out from this mansion than knowing nothing. Hindi rin naman ako makakatulog sa oras na bumalik ako sa silid ko.

Marahan akong kumatok. Sa ikalima kong katok kusang bumukas ang pinto ng silid niya.

"Gabriel?"

"Tao po?"

Sinalubong ako ng malamig na katahimikan. Wala siya sa kwarto niya. Nakaligtaan na naman niyang i-lock iyon. Pinindot ko ang switch ng ilaw ngunit matagal na atang pundi ang bombilya. Hindi iyon umilaw.

Ganoon paman, pumasok parin ako.

Naiwang naka-andar ang laptop niya na puro pictures ng constellation ang nakadisplay.

Umupo ako sa upuan ng study table at napagpasyahang hintayin ko ang pagbabalik niya until I got impatient and started searching for clues. Baka may gamit dito sa kwarto niya na mapagkukunan ko ng impormasyon.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang dumating siya.

Teka saan siya dumaan? Hindi ko naman napansing bumukas ang pintuan.

"Saan ka nanggaling?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ba ako dapat ang nagtatanong sa iyo. Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko man masyadong makita ang mukha niya dahil medyo madilim ay nahihimigan ko naman ang galit sa boses niya.

Naghari ang katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Nahuli niya ako sa aktong hinahalughug ang mga gamit niya. Baka isipin niyang ninanakawan ko siya!

"Mali ang iniisip mo."

"Ano ba ang iniisip ko?"

"Hindi ko alam pero kung iniisip mo na nandito ako para pagnakawan ka ay nagkakamali ka."

Depensa ko sa mga mapanghusga niyang mata.

Humalukipkip siya. "Get out."

Hindi ako nagpatinag. Hindi ako aalis dito hanggang wala akong nalalaman. Humalukipkip din ako. I met his eyes. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa nagbawi siya ng tingin.

"Wala akong oras para kausapin ka Maribel. Pagod ako at hindi maganda ang pakiramdam. Now, leave." Gone was his authoritative tone. He barely spoke his last sentence.

I moved the distant between us. Doon ko lang napansin na tumutulo ang buhok niya. He was sulking wet on his wheelchair. Tinulak ako ng nanginginig niyang kamay pero hinawakan ko iyon.

Humalukipkip pala siya kanina dahil naninigas na siya sa lamig!

Ang tanga ko! Hinamon ko pa siya ng staring contest.

"Kailangan mong hubarin ang damit mo." I remained compose kahit na alam kong obvious na obvious na nataranta ako.

Tinungo ko ang banyo niya at pinuno ng mainit na tubig ang bath tub.

Nanginginig parin siya sa lamig nang balikan ko kaya naman ako na ang unang kumilos. Inawat pa niya ako nang itinaas ko ang laylayan ng damit niya ngunit muli akong nagmatigas at mabilis na itinaas iyon. Halatang nanghihina si Gabriel dahil hindi na siya nakapalag nang ibinaba ko rin ang pantalon niya.

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Namumula man siya sa galit o kahihiyan ay hindi ko mawari.

Hinayaan ko siyang hubarin ang huling saplot sa katawan at suotin ang boxers na binigay ko sa kanya habang nakatalikod ako.

Nanatili siyang walang kibo habang inalalayan ko siya papunta sa banyo hanggang sa binabad niya ang sarili sa tubig.

"Too hot! Too hot!" He gasped.

Dali-dali kong pinaagos ang malamig na tubig mula sa gripo at hinayaang mahalo iyon sa tubig ng bath tub.

"Sorry." Nakonsensya ako. Agad na namula ang maputing balat ni Gabriel dahil sa init ng tubig.

"Bakit ka ba kasi lumabas?" Naggalit-galitan ako para matakpan ang awa ko sa kanya. Alam kong ayaw niyang kaawaan siya lalo na kung galing sa ibang tao ang awa. Iyon ang sinabi rin sa akin ni Aling Norma.

Hindi narin ako umasang sasagutin pa niya ang tanong ko. I silently watched his broad back for a few minutes while he gathered his knees. Malaya ko siyang inobserbahan.

Gabriel is scarred from inside out. Some parts of his body has signs of stiches and bruises but what really got my attention was his wrists, may mga bakas ng hiwa iyon! He's always wearing long sleeves kaya hindi napapansin iyon. Alam kaya ito ni Aling Norma?

He must be holding unto his pain for months now. He's hiding his grief and misery behind his mannequin face. He's hurt physically, mentally and emotionally and he doesn't want the world to see it dahil alam niyang walang makakaintindi sa kanya. Kung meron man, konti lang ang may magandang hangarin.

I know because I was like him. I felt isolated from the inside and never belong to any circle that's why I built my own. After that I chose to be alone and never let anybody in. I never went to parties and didn't celebrate Christmas or holidays. I even barely remember the last time I celebrated my own birthday.

Inaalagaan ko ang sarili ko sa tuwing nagkakasakit ako at inaalo sa tuwing umiiyak. It was tough pero ni minsan hindi napasok sa isipan kong tapusin ang buhay ko kahit na alam kong wala namang iiyak o makakaalala sa akin kapag namatay ako.

What kept me alive were my principles and dreams. I know my mother loved me. At hindi ko sasayangin ang siyam na buwan na paghihirap niya para matamasa ko ang mundo. I know she would choose to stay if fate wasn't that bitter.

"Huwag mo akong tingnan nang ganyan Maribel." Gabriel demanded. Natigil ang pagmumuni-muni ko at napakurap. Ganoon parin ang ayos niya. Yakap-yakap ang mga tuhod at nakayuko.

"Are you enjoying this? Seeing me in my weak state." He asked sarcastically. He even sound accusive.

"Ano?"

"I don't need your sham pity."

"Hindi lahat ng tao ay magkatulad Gabriel. Huwag mo ako itulad sa iba."

"You can leave now." Utos niya.

"Not until I see you in bed." Wait, that didn't sound right. "I will not leave you." That sound

romantically disgusting. Tumikhim ako. "Hindi ako aalis hanggang hindi ko nakikitang maayos na ang pakiramdam mo." I said firmly.

"Fine!"

Sinenyasan niya akong aalis na siya sa bath tub. Hinila ko siya pataas at giniyahan na makaupo sa bath stoll.

Mula roon, hinayaan ko na siyang patuyuin ang sarili niya at suotin ang pantulog na binigay ko. Muli

ko siyang inalalayan hanggang sa mahiga siya sa kama. Ilang beses kaming muntik matumba dahil sa laki at bigat niya but we managed. He can move his recovering legs but not without something to hold unto.

I ignored his amused stare while I tucked him in bed.

"Tatawagin ko lang si Aling Norma."

He abruptly grabbed my hand. I can still feel his slight shakings. Umiling siya.

Naguguluhang tiningnan ko siya. "Hindi niya alam na lumabas ako. I don't want to worry her."

Tumalima ako. "Ikaw ang bahala." Kumuha ako ng upuan at umupo sa gilid ng kama. I caressed his damp hair and hummed a familiar tune as he slowly tried to close his eyes.

Bigla kong naalala si Drew.

Lihim akong napangiti.