Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 12 - K

Chapter 12 - K

'"Huwag ka nang babalik sa bahay na iyon."'

'"Mangako ka."'

Parang sirang plakang paulit-ulit iyon sa isipan ko habang nakahiga ako sa four poster bed na nakatulala. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit pinagbawalan ako ni Aling Norma pumunta sa bahay ni Drew. She dismissed me after the meal and entertained no questions.

Is it something about him and his family? May alitan ba ang sa pagitan ng pamilya ni Drew at Gabriel? Bumangon ako at naupo. Hindi imposible iyon!

Natural lang sa dalawang mayamang pamilya ang magkaalitan dahil sa ari-arian. Ang iba pa nga nagpapatayan para lang maprotektahan ang kani-kanilang teritoryo. Then forbidden love occurs between both foes' offspring that will change the world.

Umismid ako. Cliché.

Hindi ganyan ang kahihinatnan namin. I don't belong to any families.

But come to think of it, Drew found me first in the forest, he took care of me and I ran off. Probably I passed out again at nahanap ako ni Mang Rolando. Dapat ko lang sigurong ipahiwatig sa kanila na hindi masamang tao si Drew at ang pamilya nito nang sa ganoon ay hindi na nila ako pagbawalan.

Lumabas ako ng kwarto upang hanapin si Aling Norma. I want her to hear my side. Dumiretso ako sa servant's quarters para makitang wala siya roon, wala rin siya sa kusina ngunit naiwang bukas ang pinto.

I stood at the doorway and waited. Baka lumabas lang siya at nakalimutan isara ang pinto ngunit hindi siya dumating matapos ang treinta minutos. Isinara ko iyon.

Sa pagkakaalam ko halos lahat ng silid sa mansyon ay nakakandado maliban sa guest room, kusina, at servant's quarters kaya hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin. Bumalik na lamang ako sa silid ko at umupo malapit sa bay view window.

Napatayo ako nang may nakita akong ilaw sa labas ng bakuran. Isinuot ko ang hoodie ko at agad-agad 'yung pinuntahan sa pag-aakalang si Aling Norma iyon.

"Drew? Anong ginagawa mo rito?" Itinaas ni Drew ang hawak na lampara para ilawan ang mukha ko.

He looked so handsome in his tuxedo. His manly scent enveloped my nostrils as soon as he wrapped his arms around me. Parang sabik na sabik siyang makita ako. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya na para bang mula siya sa marathon.

"Nag-alala akong hindi na kita makikita muli. Pipiliin parin kita hayaan mo lang sana akong mahalin ka."

I grasped some air. Binuka ko ang bibig ko at muling itinikom. Wala akong maapuhap na salita. To be honest, I really don't know how to deal with this kind of confession. I can't think with my heart going wild.

He grabbed my hand. Hinayaan ko siyang hilahin ako hanggang sa narating namin ang bahay nila. Buhay na buhay sa ilaw at musika ang buong antique house. Malayo palang kami ay natatanaw ko na ang mga tao sa veranda ng bahay nila.

Hawak-hawak parin niya ang kamay ko hanggang sa nakapasok na kami sa bahay nila. Nakaramdam ako ng hiya. They were all wearing evening gowns and tuxedos while I'm in my hoodie and pajamas.

Nabitawan niya ako nang bigla siyang hinila ng ina niya papunta sa grupo ng mga kalalakihan. Sinulyapan niya ako ngunit pilit kinukuha ng mga ito ang atensyon niya.

Tuluyan kaming nagkahiwalay nang nagpagitna ang isa namang grupo ng kababaihan. Umatras ako at pumunta sa kusina.

'Hindi ako mapapansin ng mga tao rito.'

"Kaya naman pala napaka-engrande ng kaarawan ngayon ni Donya Amanda, bukas na pala ang alis ni senyorito?" Tanong ng tagaluto sa kasamahan nito.

"Saan po siya pupunta ate?" Hindi ko napigilan ang sariling sumali sa usapan nila. Wala namang nabanggit sa akin si Drew na aalis siya. Kinabahan ako.

Hindi ako sinagot ng kusinera sa halip nagpatuloy ito sa pakikipag-usap sa kasama na naghihiwa ng mga gulay.

"Sayang din naman ang pinag-aralan ni senyorito kung hindi niya ipagpatuloy ang propesyon."

"Oo nga pero talagang mamimis ko ang batang iyon. Napakabait, napakagalang, mapagmahal, puno ng talento. Halos alam lahat-"

"At ubod din ng gwapo ate." Singit ng babaeng kapapasok lang sa kusina. Nakasuot ito ng uniporming pang serbidora.

"Magkakandarapa ang mga estuwardes sa kanya."

Nagpatuloy lang ang mga ito sa pag-uusap sa isa't-isa na para bang wala ako roon. Lumabas ako ng kusina at hinanap si Drew sa kumpulan ng mga tao. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa pag-alis niya.

Puno ng mga eleganteng tawanan, nakaw na sulyapan at bulungan ang pasilyo ngunit napansin kong hindi sila nakatingin sa akin. Sa katunayan, parang hindi nila ako nakikita.

They were all busy talking about their agendas. Nadaanan ko ang ibang kalalakihang nagkukwentuhan tungkol kay Ramos, at ang katabi naman nilang grupo ng kababaihan nagchichikahan tungkol sa pagkamatay ni Audrey Hepburn. But they all stopped when a young lady came down from the stairs.

Ang kapatid ni Drew. Nagpalakpakan silang lahat. Nakipalakpak narin ako sabay tago sa sulok. She looked so stunning in her pink-laced off shoulder gown. Malayang nakalugay ang buhok nito.

Sinalubong ito ng yakap ng ina sa huling baitang ng hagdan.

Sumunod na lumapit ang isang meztisong lalaki. Before he held her hands and kissed it he glanced at my direction na para bang humihingi ito ng paumanhin o permiso sa akin. Tumayo ang lalaki ng tuwid at pinulupot ang braso ng dalaga sa braso nito. Giniyahan ito ng lalaki papunta sa bulwagan. Muling nagpalakpakan ang mga tao.

Nagsunod-sunuran ako sa mga tao papunta sa bulwagan. Nakisiksik ako hanggang sa narating ko ang harapan. Nakita ko si Drew na kaupo sa harap ng piano. His eyes were searching someone in the crowd and when he found me he smiled.

He played a classical piece. The crowd were so awed by his performance that no one noticed his stolen glances at me.

"Mozart." Komento ng isang panauhin sa likuran ko.

Tumayo siya at yumuko para salubungin ang palakpakan. Pinuri siya ng mga magulang at ng kapatid kasama ang lalaking kasama nito. He then stared at me. Napatingin din sa direksyon ko ang lahat ng tao at natahimik ang bulawagan.

Nilapitan ako ni Drew. "It's all right." Pabulong na sabi niya sa akin.

Binalingan niya ang mga magulang. I can see disappointment and disbelief in his family's face. Puno naman ng concern at pagkabahala ang kasama ng kapatid ni Drew. Nagpahiwatig ng pagtutol ang mukha nito. Bigla akong naguluhan.

"Don't make a scene Alejandro!" Babala ng ina niya.

Hindi na siya humingi ng abiso. Patakbong hinila niya ako palabas ng bahay nila. Nakangisi pa ang loko.

Huminto kami nang hindi na namin narinig ang musika mula sa bahay nila at naupo sa damuhan.

"God! I've never done that before. May mother forgive me." Usal niya.

"Tinakot ba kita?" He pantingly asked. Puno ng pawis ang mukha niya at medyo nagulo ang buhok ngunit hindi parin iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.

Umiling ako. Wala akong maapuhap na salita. Everything happened too fast, I was overwhelmed.

"Mabuti naman." Tumingala ito. Suddenly he's face was full of worry. Natahimik ito tila ba nag-iisip ito ng sasabihin. Tungkol ba ito sa pag-alis niya?

"Naalala mo ba noong unang beses akong nagtapat sa iyo? I told you I like you because of your simplicity." Nahihiyang hinimas-himas niya ang batok at yumuko. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero isang araw tumindi ang damdamin ko para sa iyo. Sinabi kong mahal kita at handa akong iwan ang lahat para sa iyo ngunit hindi mo ako pinaniwalaan. Gusto kong malaman mong hindi parin nagbabago ang damdamin ko para sa iyo hanggang ngayon."

"Minahal kita buong puso ko ngunit nasa kanya parin ang pagtingin mo."

Marahas akong umiling. "Hindi kita maintindihan. Wala akong ibang-"

"Gusto lang naman kitang makasama kahit ngayon lang. Can you pretend you're in love with me too?"

Pakiramdam ko tumigil ang mundo nang tiningnan niya ako. Tumagos sa puso ko ang nagmamakaawa niyang titig. Bumigat nang bumigat ang paghinga ko.

He smirked painfully again, the same smirk he showed late this afternoon.

'I love you too.'

Bakit hindi ko maisatinig iyon?

As soon as I felt my throat almost drying out, my tears started flowing down my cheeks.

"Pwede ba kitang hiramin para maisayaw kahit ngayong gabi lang?"

I let him intertwined our fingers. He gently placed my other hand on his shoulders and positioned his right hand on my back. We slowed dance under the stars and the moon. He started humming Frank Sinatra's All the Way. Sinandal ko ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib at pinikit ang mga mata. Hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya, kasing bilis iyon ng tibok ng puso ko!

♪ Who knows where the road will lead us,

Only a fool would say. ♪

I have never felt this way before. It was a mixture of happiness, sadness and other unexplainable feelings I'm so drowned to comprehend. All I want is to give back his love and drive his worries away.

♪But if you let me love you, it's for sure I'm gonna love you all the way.

All the way.♪

Gusto kong malaman niyang mahal ko rin siya at wala akong ibang ginusto. Handa akong sumama sa kanya kahit saang lupalop ng mundo man siya magpunta. I don't want to miss his smile, his consoles, his touches and his kisses. I don't want to feel alone again.

"Please don't leave me." I squeezed his hands. "Please. I promise to love you back." Tiningala ko siya.

Hinalikan niya ang noo ko. Tumigil kami sa pagsayaw ngunit nanatili parin ako sa mga bisig niya.

"Nangangako akong saan man ako magpunta, ang puso't isip ko'y nasa iyo lamang ngayon at kailanman."