Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 16 - O

Chapter 16 - O

Ang mga sumusunod na araw sa mansyon ay nakakapanibago. Binigyan ako ni Gabriel ng access sa halos lahat ng silid sa mansyon. Ngayon ko lang lubusang nalaman kung gaano talaga ka engrande hindi lang panlabas na anyo kundi pati narin ang loob ng mansyon.

The mansion has an attic and an underground wine cellar that was not used for years. Next to the dining area was a ballroom only composing of a grand piano and a fireplace at the end of the rectangular room. The study room however is located at the sulk corner of the first floor. The second floor is comprised of bedrooms and bathrooms. All in all, there are 10 bedrooms and 12 bathrooms inside the mansion, the 4 guestrooms and 2 servant quarters are already included. The 4 remaining bedrooms are the private rooms of the family with their own bathrooms.

Unfortunately, not all of the rooms are functional. Katulad ng attic at wine cellar ng mansyon, napabayaan na rin ang mga ito dahil hindi naman ginagamit.

Umalingawngaw ang mga hakbang ko sa pasilyo sa ikalawang palapag, it felt different roaming around the mansion compared back then, I feel shunned and lost ngunit ngayon, sinusubukan ko ng kabisahin ang tahanan ng ama ko para maramdaman ang presensya niya. He used to roam these hallways.

Kahit ganoon paman, I don't know why I couldn't call it 'home'. Pagkatapos kong malaman ang tungkol sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi parin mapunan ang butas sa puso ko. Nangungulila pa rin ako.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang bakuran. Dumako ang tingin ko sa parteng iyon kung saan ako sinundo ni Drew. 'Saan na kaya siya ngayon?' He could be flying his own plane like his kite by now. Doing what he loves the most, free and touching the sky.

Saan man siya ngayon, I hope he is happy.

Iminuestra ko ang mga kamay ko sa ere at pinikit ang mga mata. I hum the song he hummed the last night we were together dancing alone. I started moving my feet and imagined his arms around me. Whenever I'm inside his arms, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko sa mundo. Sa kanya ko una naramdaman ang kapayapaan at seguridad because he made me feel everything will be alright. At alam kong babalik siya sapagkat pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya

'Who knows where the road will lead us'

'Only a fool would say.'

I stepped backward and then forward.

'But if you let me love you, it's for sure I'm gonna love you, all the wa-.'

"What are you doing?" Gabriel's discomposed.

Naglaho ang ngiti ko at ibinaba ang mga kamay. His discomposed was replaced by an abruptly cut off worry. Tumikhim siya.

"Follow me." Utos niya.

Tumalima ako. He leaded me to a room next to his'. Dating kwarto daw iyon ni tatay. Tumambad sa akin ang mga bago at lumang photo albums sa ibabaw ng kama. Sadyang pinahanda niya ang kwartong iyon para matupad ang pangako niya sa akin - He'll give me a run through of our father's life.

Pansamantala siyang lumabas at sa pagbalik niya, dala-dala na niya ang laptop niya. He showed me some pictures of them. Hinayaan niya ako habang pumwesto naman siya sa gilid ng kama at isa-isang binuksan ang photo albums.

Funny. My father didn't bother to shave at all. Parang halos lahat ng larawan nila ni Gabriel ay pare-pareho lang ang itsura niya. Same facial hair, face expression and even the position. Nakaakbay ito lagi kay Gabriel.

Birthdays, Christmas, New Years, Graduations, all pictures taken were at the most important events of the calendar. No candid or stolen shots. No fishing at the river, goofing around, dancing or drunk photos. For a person who doesn't know him that much, these photos will create an impression of him as a strict and distant father.

There was no picture of them as a family either. I got curious and clicked the back button, hoping to see a picture of his mother but instead I find myself looking at a compilation of Gabriel's. The folder was entitled 'Gabby' and was at the inner most of the folders.

And there I discovered that he was a baseball captain during his senior high. They won tournaments bringing trophies to their school. May mga picture siya kasama ang mga team mates niya na nag-cecelebrate. I turned off the volume and played a clip of his game. I took a glance at him only to be caught.

"I hope you didn't go out of the window page."

Pabiro akong ngumiti. "Huwag kang mag-alala hindi ako interesado sa search history mo."

He smirked.

A giggle came out of my mouth when I saw a clip of him ridiculously dancing with his friends.

"What so funny?"

"Just you dancing."

Pumalatak siya. Lalo akong natawa nang makita ang iritasyon sa mukha niya. "I should have deleted those clips."

"Bakit naman? Gwapo mo kaya rito. Sigurado akong dadami ang chicks mo kapag nasilayan nila ang dancing moves mo." Kinindatan ko siya.

His baritone laughter almost echoed the room. I was surprised to see him laugh for the first time in forever. Natawa na rin ako. Making my brother laugh was fulfilling, masaya akong napatawa ko siya sa kabila ng mga pinagdaanan namin.

"Bolera." Maikling komento niya.

"Hindi ah? Gwapo ka talaga lalo na kapag naka smile ka. Sabayan mo pa ng dance moves." Bungisngis ko.

Hindi parin nawawala ang ngiti niya nang inawat na niya ako. "Come here." Sinenyasan niya ako.

"This is our grandfather at his 20's." He pointed at a black and white picture of a man riding a horse.

"If that photo were to be restored, pagkakamalang ikaw ang nasa larawang iyan. You got his looks."

Kumuha ako ng sariling photo album. And when I flipped the cover page, I was greeted by a faded wedding photo.

"Sino 'to?"

"My parent's wedding. Pinagbubuntis na ako ng mommy ko dyan." Tumango ako at nilipat ang pahina. Napakaengrande ng kasal nila. Ikinasal sila sa simbahan ng Santa Barbara. Napuno ng maraming bisita ang hardin sa iba't-ibang larawan. Ang maze ng mansyon ang nagsilbing background ng reception.

Nilapit ko sa mukha ang album. Why his mom's face seems so familiar? I continued flipping the page.

"That's dad." Komento niya nang tumigil ako sa larawan ng mga magulang niyang nakaupo sa wedding table. They were raising their glasses. I was stunned staring at my father's young face. I swear I have seen his face at Drew's farewell party. I swear to God he was the guy who gave me those weird glances!

Bigla akong nanlamig. My heart started pounding so fast, na pakiramdam ko pangangapusan ako ng hininga anumang oras. Nanginginig na nilipat ko ang pahina. And there I saw Drew, together with my dad. Nakangiti ang dalawa at naka-akbay sa isa't-isa.

He …

He …

He didn't age, still wearing the same smile I adored.

"Tito Alejandro, my mother's older brother."

"N-n-nasaan na s-siya ngayon?" Nanuyo ang lalamunan ko.

Umiling siya at nagtatakang tiningnan ako. "He died. A long time ago. Kwento sa akin ni mama, nabaril siya ng isa sa mga tauhan nila."

"No." I almost whisper. This can't be right.

Agad akong tumakbo palabas ng mansyon. Pinahid ko ang nagbabadya kong luha habang tinatakbo ang daan papunta sa antique house. Hindi ko na alintana ang malakas na hampas ng malamig na hangin.

Hindi ko maintindihan!

Kailangan kong malaman!

"DREW!"

Parang tinamaan ako ng kidlat nang makita ang abandonadong antique house.

'Hindi..'

Mabilis akong dumiretso sa bakuran nila. Sinalubong ako ng bakanteng hardin.

Wala. Wala ni isang bulaklak, sa halip ay puro mga ligaw na halaman ang naroroon. Ang dating white tea table na tinatambayan namin ay kinakalawang na.

"DREW!"

Umalingawngaw ang sigaw ko sa bulawagan ng abandonadong bahay.

"DREW!"

'"Ako si Drew, Mari. Andrew. Alejandro."'

'"Saan ka ba nagpunta? Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo."'

"At ngayong nandito ka na, you have no idea how happy I am."'

"Kung hindi mo maalala huwag mo nalang pilitin. Bubuo ulit tayo ng magagandang alaala, Mari."'

"Sabi ko kasi sa kanila magkikita pa tayo."'

"DREW!" Nagsusumamong sigaw ko sa pangalan niya. Kailangan ko siya. Nangako siyang babalik siya! Nangako siya ng walang hanggan!

'"Don't feel guilty. I was the one who decided to stay and wait for you."'

'"Pwede ba kitang hiramin para maisayaw kahit ngayong gabi lang?"'

'"Nangangako akong saan man ako magpunta, ang puso't isip ko'y nasa iyo lamang ngayon at kailanman."'

Nanghihinang naupo ako sa sahig.

Please tell me this is all a dream. Na sa paggising ko nandiyan na siya sa tabi ko at hindi na siya aalis pa.

"Nangako ka."

"Nakiki-usap ako, bumalik ka sa akin."

"Mahal kita Alejandro…."