"AALIS KA? LAGI MO NALANG BA TINATAPOS ANG ARGUMENTO NG GANITO? IKAW ANG NAG-UMPISA NITO, TAPUSIN MO! DIRETSUHIN MO AKO!" Pinigilan ni Maribel ang wheelchair niya at hinarang ang sarili sa pinto. Maribel is just too short for him, nagpang-abot parin ang mga mukha nila kahit na nakaupo siya.
Namumula ang mukha nito sa galit. And he knows it's too late for his remorse.
"I said drop it Maribel or you'll be-"
"I'll be what?!" Hamon nito.
"Or you'll be sorry!" Pinaalis niya ito sa harapan niya at pinagulong ang wheelchair palabas ng kwarto.
"Hindi ba't ideya mo na papuntahin dito si Charles para suriin ako?!" Oh here she goes again. Akala niya nanatili ito sa silid. She followed him to the hallway. It seems this time she wouldn't give up without a fight. "At ngayon pag-iisipan mo ng masama ang kaibigan mo dahil lang hinalikan niya ako sa pisngi?!"
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglayo.
"Wala ka bang sasabihin? Sagot!"
He gripped the tires and halted.
"What are you, a jealous child?!"
"I said drop it or you'll be sorry!" Muli niyang pagbabanta. He despised continuing a losing argument, pakiramdam niya ginigisa siya sa sarili niyang mantika. If this goes on, baka may masabi lang siyang ikasasama na naman ng dalaga.
How he wished a magical portal will appear in front of him and suck him away from his predicament.
"Nagseselos ka ba kay Charles?"
"Fuck! Which part of drop-it-or-you'll-be-sorry you didn't understand? Do I have to repeat it para maintindihan mo?! Wala akong pakialam kung iniisip mong nagseselos ako kay Charles. You can go to him and leave this damn place if you want. Or even die for all I care." Natigilan ito. Binuka ng dalaga ang bibig para muli ring itikom.
She took a deep breath and opened her mouth again but Gabriel dismissed her.
"Get lost, Maribel. I don't wanna talk to you or see you!"
"Ikaw ang pinakamasakim na taong nakilala ko Gabriel! Sana hindi kita naging kapatid! Noon ko pa sana sinabi ito sa iyo, sana hindi nagkrus ang landas ng mga magulang mo nang hindi ka naipanganak sa mundo, hindi sana namatay ang tatay ko! Sana ikaw nalang ang namatay!" Nangilid ang mga luha sa pisngi ni Maribel bago ito tuluyang nawala sa harapan niya.
He was left speechless. Iyon ba talaga ang totoong nararamdaman nito? Pilit niyang binaliwala ang kirot na nadarama ngunit lalo itong nagiging prominente sa sistema niya. Sinakmal ng mga salita ni Maribel ang puso niya, gayon paman gusto niya itong habulin dahil kasalanan niya. He provoked her.
Pumasok siya sa silid at kinandado ang pinto. Magdamag siyang nagkulong hanggang sa ginambala ng mabibigat na katok ni Norma ang pananahimik niya.
----
'"MARI, BAKIT KA UMIIYAK? SIYA NA NAMAN BA ANG DAHILAN NG PAG-IYAK MO?"
"Drew?"
"Drew!" Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya nang mapansing hindi siya naglaho. "Drew, walang "siya", ikaw ang dahilan. Ikaw ang dahilan sa una't sapol. Nangungulila ako sa iyo."
"Nangungulila? Bakit saan ba ako nagpunta?" He amusingly laughed while drying my tears.
"Pumunta ka sa malayong lugar, malayong-malayo na hindi na kita kayang sundan."
"Talaga? Saan naman iyon?" Naglaho ang ngiti niya nang makita kung gaano ako kaseryoso. He patiently waited for my answer but he heard none. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. "What a weird dream you had."
"I know just a thing to drive your worries away. Close your eyes." He softly whispered.
"Ayaw ko baka bigla kang mawala."
"Here, hold my hand and never let go." I held his hand and closed my eyes. And when I opened them, I saw his familiar smile followed by a bouquet of marigold flowers. "Do you like them?"
Nakangiting tumango ako. "Ako mismo ang pumitas niyan. Sayang naman kapag nalanta. I'm glad you like them." Ngisi niya.
Umupo kami sa talahiban, siya nakatingin sa kalangitan habang ako naman nakatitig sa kanya.
Ayaw kong ialis ang tingin sa mukha niya. I don't know when will I see him again or if will I ever see him again like this. Like this close. I want to memorize every part of his face if this will be the last time.
"Mari, you really are acting weird. You won't enjoy the beauty of the sunset if you'd stare at me all afternoon." Wika niya, hindi parin inaalis ang tingin sa kalangitan. Though I sensed that he's enjoying me staring at him.
"You are my sunset. You're everything I wished for. I will choose you over everything."
He turned his head to me and smiled compassionately. "Alam mong mahal kita Maribel. Gustuhin mo mang sumama, hindi mo pa oras."'
A long gasp was the next thing I know. I felt the air slowly filling my lungs as I regain consciousness. All I can see were white tiles, bathtub, Gabriel and Manang Norma.
"For fuck sake Maribel!" Bulalas ni Gabriel.
"Salamat sa Diyos!" Wika naman ni Manang Norma na agad binalot ako ng tuwalya.
"Call for ambulance, Norma." Utos ni Gabriel habang unti-unti akong nilalapag sa kama.
Tumutulo ang tubig mula sa buhok ko at nanginginig ang buong katawan ko. "N-nakakalakad kana?" I almost whispered. Binalot niya ako ng makapal na kumot at niyakap.
Nang hindi mapakali, binuhat niya ako nilipat sa silid niya, he turned on something that lighted the room as well as the fire place. I sat between his dispersed legs and arms. Pinaluwagan niya ang pagkakapulupol ng makapal na kumot sa katawan ko ganoon narin ang tuwalya.
Hindi parin pantay ang paghinga ko nang tiningnan ko siya. "Nakakalakad ka na?"
"Adreline." Maikling sagot niya. I absentmindedly turned my attention to the dancing fire and its embracing warmth.
"Please don't do that again. I'm begging you. Please don't scare me. I'm begging you." He murmured at the back of my ears. "I'm sorry… I'm sorry kung nagpadala ako sa… please forgive me. Please don't do it again."
"I'm sorry too. I was b-burnt out I c-couldn't think anymore. N-nakatulog ako habang naliligo. I didn't mean to-" Nakatulala kong usal. I'm still numb from inside out.
"Oh my innocent Maribel!" He sniveled. Sinandal ko ang ulo sa dibdib niya, still watching the comforting fire.
"I had a dream…. I got everything I wanted...."
"What did you dream about?"
"Alejandro…." Batid kong natigilan siya. He deeply inhaled and exhaled. "Alam mo… araw-araw kong pinagdarasal na sana bumalik siya para…. matahimik na ako…." "Pwede mo ba ako dalhin sa puntod niya para… sa ikapapanatag ko?"
"Kung iyan ang ikapapanatag ng kalooban mo, but promise me to be okay. You're the only one I have, I can't afford to lose you too."
"Itataboy mo ba ako ulit pagkatapos nito kuya?" Muli na naman itong natigilan. I just have to confirm para hindi na ako umasa. He might not have noticed it, but I saw a pattern in his manner somehow. Pagkatapos niya akong itaboy at galitin, aalagaan niya ulit ako and when I thought everything is going to be fine, magagalit na naman siya at itataboy ako.
Ewan ko ba't bakit hindi pa ako nasasanay. There's probably still a hope inside of me na magiging maayos ang relasyon naming dalawa bilang magkapatid sa kabila ng lahat.
"No, I'll never do that again."
I turned to him. I grabbed his hand and cupped it to my face. "I'm fine now. I don't need anything else except a brother I can lean on."
We solemnly smiled at each other.