Gabriel's mind was bombarded with unexplainable thoughts as he rushes to follow Maribel. Ang saya sa mukha nito ay napalitan ng pagkasindak na ipinagtaka niya. Parang nakakita ito ng multo sa agad na pamumutla ng mukha nito.
'"Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin, hijo? Pumupunta daw siya sa kaibigan niyang nakatira sa antique house ng mga Raymundo. Nagkikita sila ng kaibigan niya tuwing dapit-hapon." Puno ng pag-aalalang imporma ni Norma sa kanya. "Drew daw ang pangalan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pamilyar sa akin ang pangalan na iyon ngunit impossible ang sinasabi niya."
"Narinig ko na rin ang pangalan na 'yan noon. Binanggit niya 'yan sa pagtulog niya." Tugon niya rito. As far as his concern, that antique house was abandoned years ago. Tinakwil ng Lola Amanda niya ang ina niyang si Annalisa pagkatapos nitong magpakasal kay Gilberto sa hindi malaman na dahilan. Siete anyos siya nang naging byuda ang Lola Amanda niya. Hindi na niya alam ang kwento pagkatapos niyon, basta nito nilisan ang antique house.
Naaalala pa niya ang unang pagbisita nila ni Annalisa kay Amanda noon. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit nito sa tuwing nagkikita ang mga mata nila. Hindi siya tanggap nito bilang apo nito. Sa murang edad, hindi niya masyadong binigyan iyon ng pansin dahil puno naman siya ng pagmamahal ni Marianno.
He has everything under his powers, iyon ang sinaksak ni Marianno sa murang isipan niya. Hindi na siya nag-abala pang itanong sa ina kung saan na naroroon si Amanda simula noong lumipat sila sa Amerika.
"Sa tingin mo ba nababaliw na siya?" Muli niyang pinagtuonan ng tingin si Maribel na nakaupo sa Garden Table na nakatulala. Hawak-hawak parin nito ang dalawang kwentas sa kamay, paminsan-minsan ay tinitingnan nito iyon.
Pansamantala niyang winaksi sa isipan ang paksang iyon, mas importante sa kanya ang kasalukuyan.
"Ano ba ang naging reaksyon niya, Gabriel?"'
Isinisigaw niya ang pangalan nito habang binabaybay ang talahiban papunta sa bahay na walang dinala sa kanya kundi ang mga alaalang ayaw na niyang maalala pa.
"Maribel!" Nahihingal na tawag niya sa dalaga.
Nagkukumahog siyang dinaluhan ang walang malay na dalaga sa maalikabok na sahig ng bahay. Pinasadahan niya ang buong kabahayan. Pakiramdam ba niya'y anumang oras ay guguho ang ikalawang palapag. Agad na binuhat niya ito.
Pansamantala siyang tumigil nang iminulat nito ang mata. She was murmuring something inaudible. Tumulo ang mga luha nito.
"Hush now. It's all right." Pang-aalo niya rito.
"Alejandro?" Nanghihinang usal ng dalaga. Kumunot ang noo niya. Muli nitong inusal ang pangalan. Pakiwari ba niya'y nananaginip parin si Maribel. The next thing she said broke his heart. "Paki-usap, bumalik ka sa akin. Mahal kita."
With his heart being shattered, he kissed her forehead to ease her crying. "Hush. Let's go home."
Hindi na niya binanggit sa mag-asawa ang nangyari kanina. Batid naman niyang hindi alam ng mga ito ang habulan nila ni Maribel.
Pinag-utusan niya si Norma na dalhan ng pagkain ang dalaga. Nagpasalamat siyang hindi na ito nagtanong pa at hinayaan sila nitong mapag-isa ni Maribel. Hanggang sa nagkamalay ito at muling nagpahinga ay hindi niya nilisan ang tabi nito. He fed her and took care of her all the way just like what she did the night he foolishly went off the woods and returned home soaking wet.
Tahimik si Maribel nang muli itong nagkamalay. Nakatulala. Namamaga ang mga mata at namumula ang ilong mula sa walang tigil na pag-iyak. Nasasaktan siyang nakikita ang mahal niya sa ganoong kalagayan. Kung kaya lang niyang pawiin ang mga luha nito, matagal na niyang ginawa, subalit iba ang pangalang tinatawag nito sa pagtulog.
Ganoon ba ka labis ang pagmamahal nito kay Alejandro? Gayon pa man, impossibleng masuklian ang pagmamahal na iyon sapagkat matagal nang patay ang huli!
At ngayon, binabangugot na naman ito!
Hindi siya mapakali. Ang tanging nagawa niya para pakalmahin ito ay yakapin ito ng mahigpit.
"Gabriel! Papatayin nila ako!" She exclaimed in terror. Nanginginig ang buong katawan nito.
"Hindi mangyayari iyan. As long as I'm here, no one can hurt you." Assurance niya sa dalaga. Humigpit ang yakap nito sa kanya. Nanatili silang magkayakap hanggang sa muli niya itong hiniga. He was rubbing her back nonstop until he noticed she has gone to sleep again, pinakalma naman niya ang nagwawalang pulso.
Selfishly he thought to himself, if giving her nightmares were the only way for him to hug her in her sleep, he hoped she'll have a dozen every night. Kay tagal niyang inasam na sana ay manatili sila sa ganoong pwesto habambuhay at sana sa paggising niya ito ang una niyang nakikita.
Ngunit alam niyang impossibleng mangyari iyon dahil kapatid niya ito. They can't be lovers. Pareho ang dugong nananalaytay sa kanila.
"THE MIND IS VERY POWERFUL, GAB. The abduction incident traumatized her and triggered her hallucinations. Minsan, nakikita lang natin ang gusto nating makita. She felt alone, lonely and helpless and all these times sinubukan niyang hanapin iyon sa ibang tao upang mapunan ang pagkukulang na nararamdaman. At nang hindi niya iyon nahanap sa ibang tao, gumawa ng hakbang ang sarili niyang isipan." Paliwanag ni Charles kay Gabriel. Hinilamos ni Gabriel ang kamay. Hindi pala niya dapat ipinagbalewala ang mga haka-haka ni Norma tungkol sa estado ng pag-iisip ng dalaga.
Nang sumunod na araw ay tinawagan niya agad ang kaibigan. Walang ibang pumasok sa isipan niyang makakatulong sa kanila kundi ito lang. He's a psychiatrist, surely, he knows what to do.
Huminga siya ng malalim.
It's all his fault. Why he could have made her feel safe and secure kung hindi lang siya naging selfish. Hindi sana ito makakaramdam ng kalungkutan kung hindi niya ito tinaboy.
"She told me, it started as a weird dream." Ani Charles. Bahagyang pinatagilid ni Gabriel ang ulo, giving Charles a signal to continue.
"Nagsimula ang mga kakaiba niyang panaginip noong binisita niya ang bahay ampunan. Ilang beses niyang napanaginipan ang lalaking walang itsura sa panaginip niya. She can hardly distinct the characters in her dreams though she explained there were three persons involved. Dala ng paghahanap niya sa totoo niyang ama, pumunta siya rito at hindi niya inaasahang ang pagdalas ng mga panaginip."
"To make it short, she dreamt about Alejandro and a woman who tried to kill her while she's pregnant." Pagtatapos nito.
"But isn't it coincidental? Baka minumulto lang siya ni Tito Alejandro."
Nagkibit-balikat ito. "If that's your theory, you should have called a psychic, not a psychiatrist."
Nag-iwas siya ng tingin at napabuntong hininga. "I didn't mean to insult you."
"Alam ko. Natatakot ka sa posibilidad na baka mabaliw ang kapatid mo. Worry not, she will not reach that point with proper medication and therapy."
"It wouldn't be hard. After talking to her, I know she's fully aware of her hallucinations. It will take time for her to heal. She seems in love with the guy her mind created." Dugtong nito. Hindi lingid sa kanya iyon, nagtapat ito sa kanya sa pag-aakalang si Alejandro ang kausap nito.
SABAY silang naghapunan ni Charles. They were discussing about his condition when Maribel walked in the dining. Natigilan sila sa pagkain. Hindi nila inaasahan ang presensya nito. Sadyang hinayaan muna nila ito sa silid nito para mapag-isa.
"Magandang gabi." Bati nito sa kanila.
Charles stood up and pulled the chair beside him. "Thank you, doc." Matamlay na wika ni Maribel.
Agad na inasikaso ito ni Charles. Ito na mismo ang naglagay ng kanin sa pinggan ng dalaga. Malambing pa nitong tinanong kung alin sa mga putahe ang gusto nito, kulang nalang ay subuan nito ang dalaga!
Nangitngit sa galit si Gabriel ngunit pilit niyang tinago iyon. Nakalimutan niyang matinik si Charles sa mga babae. Maribel is no doubt a fine girl, kahit siya ay agad na nagandahan dito noong una niya itong nakita. Her innocence and naivety adds up to the fragility of her character. Her beautiful bushy eyes and kissable lips complemented her facial structures. Well, her long silky hair is another story.
At si Charles ay biente-nueve palang, hindi ito ganoon katanda para bigyang pansin si Maribel. Although he knew Charles won't settle down even if he's on his prime. As a matter of fact, him being on his prime was his reason why he wouldn't stay with one girl.
Charles threw him teasing glances from time to time na lalong nagpa-inis sa kanya.
Mukhang hindi naman ito binigyan ng kahulugan ni Maribel sapagkat tahimik lang itong kumakain habang nagpapalitan sila ng matatalim na tingin ni Charles.
Damn him!
"That was very unprofessional of you flirting with your own patient."
Humalakhak si Charles. "Who says I'm flirting? I'm just concerned with your sister, Gab. Nakonsensya lang ako na hindi man lang natin sinubukan na yayain siyang maghapunan. Don't be inconsiderate."
He couldn't believe him. Mapaklang tumawa si Gabriel. "I don't like you making a move towards her. Nasa pamamahay kita."
Lalo itong humalakhak sa anyo niya. Pakiramdam niya para siyang bata na inagawan ng lollipop. "Any man would have made a move towards her. Nagseselos ka lang."
Natahimik siya. Maliban sa inis at galit ay alam niyang nagseselos siya kanina. Hindi niya gusto ang malalagkit na tingin ni Charles kay Maribel. Ironically, he would trust him everything including his life but not hers.