Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 20 - S

Chapter 20 - S

LUMUWAS kami ng lungsod para sa therapy session ko. Pagkatapos niyon, I underwent x-ray sa pamimilit ni Gabriel na sinang-ayunan naman ni Charles. Gusto lang nilang siguraduhing walang pumasok na tubig sa baga ko.

"Did you add suicidal tendencies in your note?" Pabirong wika ko kay Charles bago kami umalis.

"It's not a good joke, Maribel. Don't do it again."

"We've talked about it." Agap ni Gabriel na nakaupo sa loob ng sasakyan.

I waved goodbye at Charles. To tell you frankly, reaching Alejandro's grave was the only thing that matters to me. All this therapy, x-ray nonsense is a total waste of time and money. Ngunit mapilit si Gabriel. Wala na akong magagawa kung iyon ang gusto niya. Para rin naman iyon sa ikabubuti ng lahat.

Nang narating na namin ang sementeryo, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Gabriel. I can't promise not to cry.

Pinarada ni Mang Rolando ang pick-up sa harapan ng isang mausoleum. Umibis ako ng sasakyan, ganoon din si Gabriel at naupo sa wheelchair niya. Nangilabot ako sa mga nakitang marigold flowers na nakapalibot sa mausoleum.

'"Maraming katangian ang mga marigolds na kaayaaya. Resistant sila sa mga peste, mahabang panahon sila mamulaklak at nakakain din sila. At naging paborito ko rin sila dahil sa iyo."'

Dahan-dahan akong pumasok. Nag-init ang mga mata ko nang tuluyan kong nakompirma ang nakaukit sa lapida.

ALEJANDRO TRINIDAD y RAYMUNDO

November 17, 1970

May 26, 1994

Nanghihinang naupo ako. He died 4 days after my birthday. Sadya bang itinadhanang hindi man lang kami nagtapo sa mundong ito? If only I was born in his time, we would have fulfilled his promised forever. If gambling was the only way to see him again, I'd do it even it will cause my life.

"Marissa?" Tinig ng isang babae sa likuran ko.

"Marissa, ikaw ba iyan?"

Pumihit ako. Isang matandang babae ang nakatayo sa likuran ko. Patakbong nilapitan niya ako at niyakap. Natigilan ako. "Marissa, marami kang dapat malaman."

Bakit niya kilala ang nanay ko?

"H-hindi siya tumigil sa pagpapadala ng liham sa iyo!" Naguguluhang tinitigan ko siya. Kalaunan, napagtanto kong wala sa tamang pag-iisip ang matandang babae. "K-kukunin ko. Naiwan ko iyon sa bahay." Muli niya akong niyakap.

"Lola?" A shock was printed on Gabriel's face.

"Apo!" Humiwalay ito sa akin at niyakap naman si Gabriel. "Kamusta na ang ina mo? si Annalisa?" Katulad ko ay wala ring maapuhap na salita si Gabriel.

"Donya Amanda!" Tawag ng mga taong tumatakbo papalapit sa amin.

"Sabihin mo sa kanya na dalawin niya ako." Binalingan ako ng matanda. "Dalawin ninyo ako. Dalhin mo ang apo ko." Hiling nito habang inaawat ito ng mga nurses.

"Take it easy on her!" Tumaas ang boses ni Gabriel nang hatakin ng isa sa mga tao ang abuela niya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang pinapapasok ang matanda sa sasakyan. Paliwanag ng isa sa mga nurses ay paalis na raw sila mula sa weekly visit nito sa sementeryo nang bigla itong lumabas ng sasakyan dahil nakita kami nito. May Alzheimer ang sesinta'y singko anyos na donya kaya doble ang pagbabantay at ingat ng mga tauhan nito rito.

Nag-iwan ng address ang nurse kay Gabriel bago umalis.

"Kuya, okay ka lang?" He turned to me.

"Yes." Maikling sagot niya at muling pinukulan ng tingin ang pirasong papel.

"Sa tingin ko kailangan natin siyang puntahan. Kailangan niya tayo." Binalot kami ng katahimikan. Hindi parin niya inaaalis ang tingin sa papel na tila ba malalim ang iniisip.

KINABUKASAN, pinuntahan namin ang address ni Donya Amanda. Isang lake house ang kasalukuyang tinitirhan nito. Agad kaming sinalubong at pinapasok ng isa sa mga tauhan. Wika nito ay inaasahan na nila ang pagdating namin.

Nadatnan namin ang donya sa furnished back porch na umiinom ng tsaa. Pinagmamasdan nito ang malawak na lawa. I must say, tumanda ito nang husto, she looked older than her age, gayun paman she remained sophisticated and graceful in the way she moves and dress herself. And above all, her expressive eyes remained the same. 'Drew's eyes'

Nilapag nito ang tasa. "Hello there." Malumanay na bati nito sa akin. "Hindi kita napansin diyan, medyo malalim ang iniisip ko. You must be?"

"Maribel." Sagot ko habang hinahawakan ang suot kong kwentas.

"Maribelle. Such a lovely name. Marigolds and a certain beautiful lady." Pansamantala nitong hinimas ang sintido na para bang may inaalala at muli akong tiningnan. "You have a lovely eyes dear … and also a silky hair, can I brush it for you?"

Hinanap ko si Gabriel para humingi ng pahintulot ngunit nasa loob siya kausap ang nurse ng matanda.

Later on, I found myself being pampered by her. "You remind me of my daughter, kailan kaya niya ako dadalawin? Sana hindi siya nagalit sa akin nang husto. I miss my children."

Bigla akong nakadama ng awa para rito. "I tried to be a good mother to my son and daughter. They must have felt constricted by the way I protected them that's why they chose to leave."

"That's not true. Mahal ka ni Drew." She stopped brushing my hair. Hinarap ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. "He forced himself into gardening to have a bonding time with you which eventually became his hobby. He … he tried to excel on everything to get your attention and make you proud." Lakas loob kong sabi sa kanya. She needs to know how good of a son Alejandro was. Katulad ng ina ko, I know he would choose to stay kung hindi lang sakim ang tadhana.

Tumulo ang luha nito. "Marissa?" Umiling ito na para bang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. "No, no, no. Si Marissa lang ang tumatawag na Drew kay Alejandro." Luminga-linga ito na para bang may hinahanap.

"Nasaan na ang apo ko?" tumayo ako at tinuro ang loob ng bahay kung saan naroroon si Gabriel.

"Dinala mo ba ang apo ko?"

"Kuya." Tawag ko kay Gabriel. Sabay kaming pinuntahan ni Gabriel at ng nurse nito.

"What's wrong senyora?" Tanong ng nurse rito.

"I want to see my children and grandchildren." Mangiyak-ngiyak na sagot nito.

"Pero nandito na sila."

"Lola?" Ani Gabriel na pakiwari ko ba'y nagdadalawang isip sa pagtawag dito. May bahid ng takot at pag-aalala sa mukha niya. Binalingan siya ni Donya Amanda.

"Gabriel! Sinama mo ba si Anna?" Puno ng pananabik ang boses nito. Umiling si Gabriel bilang unang pagtugon.

I warningly glared at him.

"Mom died seven months ago."

Nanlumo ang matanda at mayamaya'y humagulgol ng iyak. I sighed in disappointment. He shouldn't have told her that. Alam niyang unstable ang kalagayan ng abuela niya.

"Hindi! Nagsisinungaling ka!" Hinablot nito si Gabriel dahilan para muntik na itong mahulog sa sahig. Nagsimula na itong maging bayolente na agad inawat ng mga tauhan nito sa bahay. "Katulad ka ng ama mong sinungaling! I should have killed him before he laid his … hands-" Hindi na nito natapos pa ang sinabi sapagkat bigla itong tinurukan ng syringe.

"Pagpasensyahan niyo na ang nangyari kanina. Nagiging bayolente siya paminsan minsan dala ng emosyon niya. Sa ngayon ay natutulog na siya. Sana ay hindi kayo natakot. You can stay for the night if you want." Pagpapa-alam ng nurse sa amin.

"Umuwi na tayo Maribel." Gabriel's tone was sharp. His piercing eyes turned cruel again. Naiintindihan ko ang pag-iba ng mood niya, kahit sino ay hindi magugustuhan ang nakita kanina. Baka tuluyan siyang nasaktan ng mismong abuela niya kung hindi ito agad naawat.

"Hindi pa pwede, kuya. May gusto pa akong itanong sa kanya."

"Tungkol na naman ba iyan kay Tito Alejandro? Why don't you just accept the fact that he's dead and he will never come back!" Tumaas ang boses niya.

"I know he's already dead, you don't need to slap me with reality! Nakuha ko na sana ang mga sagot sa tanong ko kung hindi mo siya binigla. You could have lied to her for now. You're not even concerned with her. Matagal na palang may alzheimers ang lola mo hindi mo man lang siya pinupuntahan!"

Matalim niya akong tiningnan. "Don't you dare talk to me like that! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko. Kung gusto mong tumira rito hindi kita pipigilan!" Wala pasabing tumalikod siya at lumabas ng bahay. Mayamaya, tahimik kong tinanaw ang papalayong pickup.

'Talagang iniwan niya ako.' Hindi man niya ako tinaboy, iniwan naman niya ako. Hinimas ko ang naninikip kong dibdib.

'"He will never come back!"' Oo, alam kong impossibleng babalik pa siya ngunit kasalanan ko bang hindi ko siya malimot? Gabi-gabi ko siyang napapaginipan simula noon. Kahit saan ako tumingin naaalala ko siya. Even this lake house makes me feel he's alive. He became my reality the day he came to me. Hindi siya madaling kalimutan dahil totoo ang pinaramdam kong pagmamahal sa kanya and I will choose to give him a space in my heart to honor him.

GABI na ng gumising si Donya Amanda. Pagkatapos nitong kumain ay pinatawag niya ako sa silid niya. Binati niya ako ng ngiti. I'm glad she's back to herself now. Kalmado na siya ngayon.

Sinenyasan niya ang mga nurses na iwan muna kami sa silid.

"My nurses told me I have visitor. You are?"

"Maribel." She nodded and pointed the chair in front of her.

"Have we met before?"

"K-kanina po sa back porch." Nauutal kong sabi.

Her mouth formed an O as if an immediate memory flashed in her mind. "Ikaw na ba ang-"

"Anak po ako ni Marissa at narito po ako dahil may gusto akong itanong tungkol kay Alejandro." I answered straight-forwardly while she's still on her right mind. Baka pagkamalan na naman niya akong si nanay at hanapin ang apo niya.

Tears flowed her cheeks when she cupped my face. She profoundly looked at me as if she's remembering every features of my face. I saw gentleness and longing in her eyes which is quite opposite to what I've seen before.

"Pagpasensyahan mo na ako hija. Kamukhang-kamukha mo ang ina mo. Sana ay mapatawad niya ako sa ginawa kong pamamagitan sa kanila ng anak ko."

May kinuha itong kahon sa drawer nito. "Alam kong huli na pero para ito sa kanya." Tiningnan ko ang mapupungay na mata niya. Pinatong nya ang maliit na kahon sa kandungan ko.

"Dapat ay noon ko pa binigay iyan kay Marissa ngunit nangibabaw ang pagkadisgusto ko sa kanya kaya namagitan ako. Hindi ko siya gusto para sa unico hijo ko dahil natutong sumuway si Alejandro sa amin nang dahil sa kanya."

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Alejandro loved your mom, Maribel. He went abroad to mend his broken heart and yet he was still sending her letters because he couldn't move on."