A PAIN IN THE ASS. Wala ng ibang mailarawan si Gabriel kay Maribel ngayon sapagkat natagpuan itong walang malay sa ilalim ng punong kahoy at basang-basa sa ulan. Ginabi sila ng uwi ni Rolando mula sa importanteng lakad nila kagabi. Pagod siya at hindi na niya ito napuntahan sa silid upang siguraduhing maayos ang kalagayan nito na lagi niyang ginagawa. Ngayong umaga lang nila nalaman na wala pala ito sa mansyon.
Namuo ang kaba at takot sa dibdib niya na baka nadukot na naman ito. Gusto sana niyang tumulong sa paghahanap ngunit pinigilan siya ng mag-asawa dahil sa malakas na ulan. Baka magkasakit lang siya.
Napanatag ang loob niya nang makita niya si Maribel na buhat-buhat ni Rolando.
Mabilis naman itong inasikaso ni Norma at ngayon wala parin itong malay na nakahiga sa kama.
Iritado siyang napa-buntong hininga. Saan-saan na naman kaya ito nagsususuot na nakapantulog lang at hoodie?
"Natagpuan namin siya malapit sa antique house ng ina mo." Baling sa kanya ni Norma. Napakunot noo siya. 'Anong ginagawa niya roon?'
"Nag-aalala ako sa kapatid mo, Gabriel. Katulad mo hindi biro ang pinagdaanan niya. Pakiramdam ko hindi siya ligtas dito." Ani Norma habang hinihimas-himas ang dibdib. Katulad niya ay kinabahan din ito dahil naging malapit na sa matanda si Maribel, idagdag pang kaibigan nito ang yumaong ina ng huli.
"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?"
Umiling siya. Paano ba niya sasabihin sa matanda na umiral ang pagkamakasarili niya? Na natakot siyang baka kamuhian siya ni Maribel sapagkat siya ang dahilan ng pagkamatay ng ama nila?
"Makakaalis na po kayo. Gusto kong mapag-isa kasama ang kapatid ko." His last sentence left a sour taste in his mouth.
Tumalima naman si Norma at iniwan ang malamig na bimpo sa noo ni Maribel.
Mahinahong pinalitan niya ang bimpo sa noo nito upang hindi ito magising. Bahagya siyang nagulat nang mapansing nakamulat ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Her bushy expressive eyes were downhearted. Parang tutulo ang mga luha nito anumang oras.
Narinig ba nito ang sinabi niya?
Nanalangin siyang sana hindi nito narinig.
"Sabihin mo sa akin Gabriel." She weakly held his hand.
Napigil niya ang hininga.
"Nananaginip ba ako?"
Muling bumalik sa normal ang paghinga niya. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na nagpasalamat.
"Hindi." Matipid niyang sagot.
Nakatingin parin ang dalaga sa kanya. Her downhearted eyes started shedding tears. He tried to resist the urge to hug her.
"Hindi ko siya napigilan, Gabriel." She said in a low fragile voice. Nagpatuloy sa pagtulo ang mga luha ni Maribel na pakiwari ba ni Gabriel ay wala nang katapusan.
Nagpatuloy ito sa pag-iyak. Natibag ang kaninang pagpipigil niya sa sarili. Inilipat niya ang sarili sa kama at niyakap ito. Parang hinihiwa ang puso niyang nakikita itong nasasaktan.
He felt her weight when she hugged him back. And for a long time in months, he'd like to stay with someone in that position. With her to be exact. He forgot the feeling of being hugged back by someone. Mas hinigpitan niya ang yakap dito.
He let her sob and wet his shirt.
Mayamaya tumahan ito at humiwalay sa kanya.
"Pasensya ka na. Salamat din."
He felt her warm breath near to his face and realised they're just inches apart. Humalo ang nakakadeliryong amoy ng shampoo ni Maribel sa ilong niya. With her eyes tormenting and her wet red lips slightly parted, any man could have done something much beyond than a hug.
He closed his eyes, clenching his jaws as a sign of tension.
Bumalik siya sa upuan niya at kinumutan ang dalaga.
"Magpahinga ka, mag-usap tayo kapag maayos na ang pakiramdam mo." He went back to his authoritative tone. Iniwan niya ito sa silid habang may natitira pa siyang pagpipigil sa sarili. He's going to end his misery with her once and for all. Baka makalimutan niya ang nakakatakot na damdamin kapag naipagtapat na niya kay Maribel ang katotohanan.
He went to his room and made a call. He has been secretly seeing his father's lawyer kaya lagi siyang wala sa mansyon nitong mga nakalipas na araw. Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong pinabalik niya si Maribel sa mansyon. In that period of time, napa-imbestigahan na niya ang pagdukot kay Maribel.
Hindi niya maiwasang isipin na may kaugnayan ang pagkadukot ng dalaga sa pagiging Delcampo nito. Kung sinuman ang nasa likod niyon ay maaaring may alam sa lihim ng yumao niyang ama.
Well, he still needs to confirm something from her to prove his gut feeling.
---
"DREW." Wala sa sariling sambit ko.
Umalis siya pagkatapos niyang magtapat sa akin. Umalis parin siya kahit na anong pagmamakaawa kong manatili siya.
Sino ba naman ako para pigilan siya sa pangarap niya ngunit hindi ko siya maintindihan, ang sabi niya sa akin, pipiliin niya ako hayaan ko lang na mahalin niya ako.
Nahilam ang mga mata ko sa luha. Ngayon lang nagmahal nang husto ang puso kong pagal, naudlot pa!
Katulad na naman ba ito ng mga dating pag-ibig na hindi na umusbong? Napakaikli ng panahong binigay sa aming dalawa. Ika nga sa kanta – parang isang halik sa hangin.
Maybe I am really meant to be alone.
"Maribel, anak." Bungad ni Manang Norma nang binuksan niya ang pinto.
"Gusto daw po akong makausap ni Gabriel?" Inunahan ko na siya.
"Oo, 'yun eh kung maayos na ang lagay mo."
Mahinahong tumango ako.
Giniyahan niya ako sa study room ng mansyon na nasa unang palapag. The letter L-room has a marble floor that is so shiny you could see your own reflection. The room is lighted by chandeliers and lampshades by night. Tulad ng inaasahan, puno ng iba't-ibang libro ang silid. May limang bookshelves sa gitna at dalawang pulang sofa sa gilid na napapailaliman ng carpets. May lumang gramophone naman sa tabi ng isang sofa.
May dalawang malalaking bintana that showcases the flower garden in the front yard. May mga halaman din sa loob na nagpagaan ng atmospera sa medyo madilim na silid. Sapat na sana ang dalawang bintana upang bigyang liwanag ang buong study ngunit naiwang nakababa ang kurtina sa palikong bahagi na kinaroroonan ni Gabriel.
There's a small office composing of two chairs and a table. May built-in wall bookshelf sa likod niyon.
Gabriel sat on his chair and had been patiently waiting placing his clasped hands on the top of the table. I claimed the seat opposite to his without any intension of facing him. Hinayaan ko ang mahabang bagsak kong buhok para bahagyang matakpan ang miserable kong mukha.
"Sino si Drew, Maribel?" Napabaling ako sa kanya. I was taken aback by his question.
"Siya ba ang pag-uusapan natin ngayon?"
Tumikhim siya.
"Yes and I don't care if you mind. You're obliged to answer me. Anong ginagawa mo sa antique house?" He sounded like an angry father interrogating his child.
"I don't see it relevant. Pangaralan mo na ako para matapos na 'to. Aalis na ako sa mansyon. Salamat sa pagkupkop ninyo sa akin."
"Hindi ka pwedeng umalis." Agap niya.
"Excuse me?" Nag-isang linya ang kilay ko.
"Hindi ka pwedeng umalis." Pag-uulit niya pero mas diniinan niya ang pagkakasabi niyon.
"Hindi kita maintindihan, Gabriel. Bakit hindi?"
"I can't think of any way to tell you this." May inilagay siya sa gitna ng mesa. Isang kwentas.
Isang kwentas na kagayang-kagaya sa hugis ng kwentas na iniwan sa akin ni nanay. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko nang pinagtabi ko ang dalawang kwentas.
Nang binuksan ko ang kwentas, bumilis ang tibok ng puso ko sa sindak. Hindi ko man nakikita ang sarili ko ngayon, alam kong nanlalaki ang mga namamaga kong mata. May nakaukit na letrang M sa loob niyon at katabi ng larawan ko.
I almost forgot the very reason why I came here. At dahil hindi ko mahagilap si Gabriel, nakalimutan kong komprontahin siya tungkol sa bagay na ito.
"B-bakit mayroon ka nito?"
"You're my father's daughter, Maribel. He kept that necklace."
Binalot kami ng katahimikan. I stared at my photo inside the locket. This was the time when I'm about to leave the orphanage for school. Si Sister Ade pa mismo ang kumuha ng litrato na ito dahil request daw ng sponsor ko. Pagkatapos noon umiyak ako nang umiyak hanggang sa dumating ako sa lilipatan kong paaralan.
"My father secretly sent you to school. Gusto kong malaman mo na kahit malayo siya ay ginampanan niya ang tungkulin niya bilang ama."
Natuptop ko ang mga labi. I remember when I received my first letter from my sponsor, he wished me luck in school and sent me school supplies and other necessities. He sends me Christmas gifts and birthday gifts even if I never ask for it.
Nagpapadala ako sa kanya ng quarterly email tungkol sa progress ko sa paaralan. Nakakatuwa minsan na sinusulatan niya ako pabalik gamit ang tradisyonal na pamamaraan.
'Gilberto Delcampo'. He signs his letters handwritten.
He never fails to encourage me to persevere and work hard through his letters. Kaya mas lalo akong nagsumikap na makakuha ng mataas na grado at makapagtapos ng may parangal para maibahagi ko iyon sa kanya. He even promised to be present during my graduation.
Hindi ko lang inaasahang ang matagal ko nang hinahanap ay matagal ng nasa harapan ko.
Kaya ba hindi na ito nakapagsulat ulit sa akin pitong buwan na ang nakakalipas dahil ..
Parang sinakal ang lalamuna't puso ko sa sakit ng rebelasyon ni Gabriel. Just when I thought my eyes couldn't produce tears anymore, humagulgol ako. I gathered the two lockets together at nilapit sa dibdib ko.
"Hindi. Sabihin mong buhay pa siya!" Namamaos na sigaw ko.
Gabriel stared at me with guilt and sympathy.
"I'm sorry for our loss."