KINALABIT ko si Drew na abalang-abala na nilalagyan ang perasong papel ng pandikit sa veranda ng bahay nila. Sa mga nakalipas na araw palaging palihim ang aking pagpunta sa bahay nila. Ramdam ko kasi ang welcome vibes kay Drew kompara kay Gabriel.
Tuwing dapit-hapon kami nagkikita sa hardin nila, nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano, minsan tumutugtog siya ng guitara, minsan naman nagtatanim kami ng mga bulaklak. He told me he forced himself into planting just to please his mother at dahil gusto niya ring makabawi at makasama ito. At kalaunan ay napamahal na sa kanya ang pagtatanim. Planting flowers in their garden was his only bond with his mother.
Dumukwang siya para kuhanin ang peraso ng papel. Tumayo siya at inilahad sa akin ang isang sarangola.
It was a typical kite that you would see children play with. Ngunit ang mahabang buntot nito ay kumikinang sa iba't-ibang uri ng kulay. Did he really glued glitter on it?
I could see excitement on his face as if it was the first time he touched a toy. He didn't wait for my reaction and ran off to the middle of the field.
Pinalipad niya iyon. Lakad-takbo, takbo-hinto, lakad-takbo, takbo-hinto. He kept doing the same routine until the wind lifted the kite up above. It became so tiny and was so high next to the sun that was about to set.
Tumatawa siya habang naglalakad palapit sa akin habang ang isang kamay niya nakahawak sa tali ng sarangola. Tinabihan niya ako at inabot sa akin ang tali.
"Para sa iyo 'to."
"Bakit ako?" Tiningnan ko lang ang kamay niya.
"I want you to feel what it's like to be up there." He paused and looked up to the orange sky. He tried to pull the twine as the kite flew dramatically, swooping near the ground and spinning up.
"Noong bata pa ako niregaluhan ako ni papa ng ibon, well, it was not a house bird, it was a falcon. I was terrified at first pero napaamo ko siya. I took care of her and loved her because she was my first ownership. I thought we had a connection but she wasn't happy. Falcons hated to be caged. To make the story short, I set her free. I still remember that very day, pinanuod ko siyang lumipad palayo, part of me was expecting for her to come back but she didn't."
"Moral of the story is to learn how to let go." Dugtong ko sa kwento niya.
"Precisely but letting go is not the end of the process, you also have to move on. Ilang beses ko siyang hinanap pero wala. I cried a lot." He smirked. "I knew she feels free at the most when she's flying, touching the sky. And I wanted you to feel it too."
"Pwede mo ba akong turuan?" I said eagerly. I'm willing to learn if it's for him.
Sabay kaming tumayong dalawa. Hinawakan ko ang tali habang nasa likuran ko siya. Ilang beses ko nang muntik mabitawan ang tali dahil sa pabiglang-biglang lakas ng hangin at pag-iiba nito ng direksyon , ngunit nandoon lagi si Drew para umagapay.
At nang naging kalmado na ulit ang kalangitan hinayaan na niya ako. Pinanuod ko ang malayang sarangola sa himpapawid, as if it was me flying over trees and mountains. As if it was me touching the sky and dancing with the wind. I feel free as a soaring bird. It was almost a self-gratifying moment.
"Hala!" Napasinghap ako. Bumagsak ang sarangola, biglang naputol ang pising malapit sa katawan nito. Hinila namin iyon pero tanging ang dulo nalang na pisi ang bumalik sa amin.
"Gagawa nalang tayo ulit." Pagwawalang-bahala niya.
Sayang naman, ramdam na ramdam ko na ang moment. Sumimangot ako. Pakiramdam ko tuloy ako 'yung sarangola na bigla nalang bumagsak mula sa malayang paglipad. Like it was an immediate death of a child after given birth.
All of a sudden I was reminded of myself. My whole being as a person. I realized how alone and lonely I am. All this time I pretended that I was fine by myself, na kaya kong mabuhay nang walang ganoong kaibigan o sinumang masasandalan. But deep inside I really want to be with someone.
May nagmahal sa akin noon ngunit hindi nanatili. May mga sumubok ngunit walang umusbong. Alam kong nasa akin ang mali. And no matter how much I tried to run away from myself, I couldn't.
"I'm sorry." Kusang ngumilid ang mga luha ko. Naunahan ng mga kamay ni Drew ang mga kamay ko sa pagpahid niyon.
"Hell it's all right! Hush now." I saw panic on his handsome face.
"I'm sorry for crying." Muli akong umiyak. I don't know why my tears won't stop from falling. Parang dam ng tubig ang mga mata ko. After how many years, ngayon lang muling may nag-alo sa akin.
Humagulhol ako nang napaloob sa yakap niya. I loss control and poured out all my emotions while I heard him shush me. Kasabay ng paghagulhol ko nagflashback sa akin ang mga nangyari sa buhay ko, ang pagdukot sa akin, ang takot ko nang nahulog ako sa bangin, ang kalamigan ni Gabriel, ang inaasam kong mapunan ang kakulangan sa pagkatao ko, at mawala ang lahat na kinikimkim kong hinagpis at kalungkutan
Hinalikan niya ang ulo ko and continued rubbing my back intently. He kept murmuring "it's all right" in his soothing manly voice.
Humihikbi pa ako nang kumawala ako sa kanya.
"Sorry. Nabasa ko polo mo."
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka humagulgol?"
"Siya?" Suminghot ako at pinahid ang basang mukha.
Nagbawi siya ng tingin. He turned his eyes to the sky and painfully smirked.
NAGING palaisipan sa akin kung sino ang "Siya" na tinanong ni Drew kanina sapagkat hindi na niya sinagot ang tanong ko. Did I miss something again? Naging tahimik na siya hanggang sa nagpaalam ako sa kanya.
Hindi ako tumuloy sa kusina dahil alam kong nandoon si Aling Norma. Nagkasalubong kami ni Gabriel sa entrada ng mansyon. Ngayon ko lang siya ulit nakita mula noong iniwan niya ako sa kwarto niya. Tulad nang dati mukhang may pupuntahan yata ito.
"Saan ka pupunta?"
"Saan ka nagpunta?" Bara niya. He intently stared at me.
"Diyan lang sa tabi tabi." Inayos ko ang blusa at maong na suot.
Kinuha niya ang talahib mula sa buhok ko. "You know you're still not safe goofing around the forest. Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang kagubataan sa Santa Barbara, Maribel. Gusto mo ba muling madukot?"
Kumunot ang noo ko. What's up with his tone? Noong isang araw lang tinataboy niya ako at ngayon pangangaralan niya ako? Ginagalit ba talaga ako ng lalaking 'to?
"Sa tingin mo ba ipapahamak ko ang sarili ko?" Padabog akong nagwalk-out sa harapan niya. Tinakbo ko ang pasilyo at dumiretso sa guest room. Nagkulong ako.
How dare him made me feel stupid?
Dumapa ako sa kama, tinakip ko ang unan sa ulo ko at nagsisigaw. Bakit ba lagi akong ginagalit ng lalaking iyon? I understand him hating people dahil sa pinagdaanan niya but I had enough of him.
He sometimes looks at me with disgust on his face na parang bang ang dumi-dumi kong babae. I don't know how to deal with his animosity towards me anymore.
Alam ko na siya ang batas sa mansyon na ito pero hindi siya Diyos. Wala siyang karapatang husgahan at manipulahin ang lahat ng tao.
Napabalikwas ako nang narinig ko ang boses ni Aling Norma sa labas ng kwarto. Sinabi nitong kaaalis lang nila Gabriel at Mang Rolando papuntang bayan. Itinabi ko muna ang galit kay Gabriel. Lumabas ako at sinamahan kong maghapunan si Aling Norma.
"Nabanggit sa akin ni Gabriel na lumabas ka raw kanina?" Basag ni Aling Norma sa katahimikan.
"May pinuntahan lang po ako."
"Saan naman anak?" Nahiwagaan niyang tanong.
Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Sa isang kaibigan po. Si Drew."
"Drew? Saan ba siya nakatira?"
"Doon po sa antique house. Sa dulo ng talahiban. Malayo-layo po mula rito." Casual kong sagot sabay subo ng kanin.
Natigilan siya, bakas ang pagkabigla sa mukha.
"Bakit po?" Naalarma ako.
"Sana maintindihan mo Maribel. Ayaw ka lang naming mapahamak." Tumango ako. "Huwag ka nang babalik sa bahay na iyon."
Umiling ako. "Hindi ko po kayo maintindihan."
"Mangako ka. Hindi ka na babalik doon."
Napilitan akong tumango nang pinisil niya ang pulsohan ko.