Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 7 - F

Chapter 7 - F

MALIBAN sa trauma, mga sugat at pasa sa katawan wala na akong ibang natamo mula sa incidente. Matapos kasi ang ct scan at iilang physical exams at xray's, himalang negatibo ang lahat ng resulta ng mga iyon at pinagpapasalamat ko iyon sa Diyos. Pinagdarasal ko na sana ay hindi Siya magsawa sa paggabay sa akin. Sa amin.

Mahigit dalawang araw rin akong na confine sa maliit na pampublikong ospital ng Santa Barbara na sampung kilometro ang layo mula sa mansyon. Gabriel did his routine check-ups while I went through different physical exams and tests. Pinayuhan kami ng doctor na mag-overnight stay sa hospital habang hinihintay namin ang resulta ng mga lab tests at para narin makapagpahinga ako. Bumalik naman sa mansyon sila Gabriel at Mang Rolando nang araw ding iyon.

Noong una ay ayaw kong magpa-confine dahil natatakot ako para sa sariling kaligtasan ko. Paano kung balikan ako ng mga lalaking gustong pumatay sa akin? Hindi nalalayong mangyari iyon. Ngunit pinangako sa akin ni Aling Norma na hindi niya ako iiwan at sasamahan niya ako sa pananatili ko sa ospital. Naging kampante na ako dahil doon.

Wala kaming ibang ginawa ni Aling Norma kundi ang magkwentuhan. Marami akong nalaman tungkol sa buhay niya. Matagal-tagal na pala siyang naninilbihan sa mga Delcampo ganoon din si Mang Rolando. Sa mansyon na sila nagkakilala at nagka-ibigan hanggang sa nagpakasal sila. Dahil hindi sila biniyayaan ng anak, tinuring nalang niyang totoong anak ang alaga na si Gabriel - ang apo nila Don Marianno at Donya Gelena. Si Gabriel din ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nanatili sa pagsisilbi sa pamilya.

Nalaman ko rin na ulila at nalumpo si Gabriel dahil sa isang aksidente. I feel sorry for him. Hindi siguro madali ang pinagdadaanan nito ngayon.

Mag-isa si Mang Rolando sa pick-up na sumundo sa amin ni Aling Norma.

"Si Gabriel po?"

"Naiwan sa mansyon, hija. Sinumpong ng sakit sa paa." Ni Mang Rolando, sinulyapan niya ako sa rear-view mirror. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papuntang Rendezvous.

"Sayang naman po, hindi ako nakapagpasalamat sa kanya."

"Wala iyon, hija. Sayanga pala, babalik tayo sa mansyon pagkatapos nating kunin ang mga gamit mo."

"Bakit pa po ako babalik sa mansyon?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Utos ni Gabriel, hija."

"Mawalang galang na po pero hindi na po ako babalik doon. Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng naitulong ninyo at pangakong ibabalik ko iyon lahat sa inyo pero kailangan ko na po talagang umalis ng Santa Barbara dahil hindi ako ligtas dito."

"Anong ibig mong sabihin?" Si Aling Norma sa nababahalang tinig.

"May nag-utos po para dukutin at patayin ako. Nakatakas po ako at nahulog sa bangin. Hindi ko po sinabi sa inyo kasi ayaw kong matakot kayo at madamay. Plano ko po sanang isumbong sa polisya agad ang nangyari ngunit natatakot din po ako na baka iyon pa mismo ang maging source para malaman ng mga nagpapatay sa akin na buhay pa ako." Ngayong nasabi ko na ang buong pangyayari, mas lalo akong natakot para sa mga taong nakahalubilo ko. Hindi ako maaaring bumalik sa bahay ampunan at sa paaralan. Malalagay sa peligro ang buhay nila dahil sa akin.

"Kung ganoon mas mabuting makabalik tayo agad sa mansyon." Desididong wika ni Aling Norma. Teka, hindi ba nila narinig ang sinabi ko?

"Hindi ko po kayo maintindihan. Delikado ang buhay ninyo kung kasama ko kayo"

"Huwag kang mag-alala Maribel." She assured. Mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig kong kamay. Napilitan akong tumango.

GISING na gising ang diwa ko sa buong magdamag na byahe namin. Ngayong pabalik na kami sa mansyon, lalo kong napagmasdan ang buong kapaligiran. Binusog ko ang sarili sa magagandang tanawin na nadadaanan namin. May iilang kabahayan na malayo mula sa daan, ang iba nasa paanan ng burol. May mga tubuhan at palayan din kaming nadaanan. Akala ko isa lamang 'yung typical na probinsya hanggang sa lumiko ang pick-up at tinahak ang mabatong daan.

Pababa nang pababa ang temperature ng lugar dahil sa malalaking puno ng kahoy na nakapaligid sa daan, parang sadyang tinanim ang mga iyon para bigyang lilim ang daan mula sa sikat ng araw.

Mayamaya, napalitan ng mga nilulumot na brown bricks ang mga puno ng kahoy. Napakatayog at kay tatag niyon tingnan kahit na may mga parteng tinubuan na ng halaman. Senyales iyon na nakarating na kami sa mansyon.

"Ngayon ko lang po napansin kung gaano kaganda ang mansyon. Wala na po kasi akong ginawa kundi ang matulog noong pinatuloy niyo ako rito dati." Namamangha kong wika kay Aling Norma habang naglalakad kami sa peeble road patungo sa paanan ng mansyon. Pinasadahan ko ang buong paligid.

Mukha itong haunted mansion kung titingnan sa labas pero nakakamangha ang estruktura nito. May dalawang chiminiya at apat na malalaking bintana ang harapan ng mansyon. Inspired ata ang dumesenyo rito sa old English mansions.

Natigilan ako sa paglakad nang nakita ko si Gabriel na nakamasid mula itaas. Ningitian at kinawayan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Umalis siya sa pwesto. Suddenly, I felt unwelcomed pero binaliwala ko agad iyon.

"Magiging ligtas ka rito Maribel."

Tanging tango lang ang naisagot ko kay Aling Norma. Giniyahan niya ako pabalik sa guest room na dating pinagamit nila sa akin.

"Maaari ko po bang makausap si Gabriel?"

"Sige hija, nasa master's bedroom siya." Malumanay na sagot niya sa akin. Agad akong lumabas. Hinakbang ko ang mahabang hallway ng mansyon. Ilang kwarto ba ang mayroon dito? Hindi ko na nabilang kung ilang pinto ang nadaanan ko sa sobrang haba ng pasilyo.

Umalingawngaw ang mga hakbang ko. Talagang masyadong tahimik ang mansyon. Dinig na dinig ko ang mga nagtitilaukang manok sa bakuran.

I stopped walking when I saw a painted portrait of a couple. Ukupado nito ang buong pader sa sobrang laki. Nakaupo ang lalaki habang ang babae naman ay nakatayo sa gilid. Nakahawak ito sa balikat ng lalaki. It almost looked like a prenup except it's not for a wedding. In fact, they we're not so lovely to watch. I felt strange when I stared at the man's eyes. His eyes looked gentle and cruel at the same time habang ang babae naman ay walang emosyon.

I shrugged. Baka ganoon lang talaga ang estilo ng mga portraits sa sinaunang panahon.

"Don Marianno Delcampo at Donya Gelena Delcampo." Napabaling ako sa likuran ko. Nandoon si Gabriel, in his wheelchair at walang emosyon ang mukha.

----

'"YOU ARE A FOOL GILBERTO! At ngayon gusto mong kunin ang bata sa ampunan?"

"Patay na ang papa't mama Annalisa."

"At sigurado ka ba na sa iyo ang batang iyon!?"

"Bakit hindi mo itanong iyan sa sarili mo?"

"Tunay na Delcampo si Gabriel!"

Ang kaninang pagtitimpi ni Gilberto ay parang bombang sumabog sa harapan ni Annalisa. Hindi alam ng mga ito na nandoon din sa mismong kwarto ang siyam na taong gulang na si Gabriel. Muntik na nitong pagbuhatan ng kamay ang ina kung hindi siya nagpagitna sa mga magulang.'

He sipped a glass of gin.

'"Sino ang babaeng ito Gilberto?" Ani Annalisa. May hawak hawak itong kwentas at panay ang pagbuntot sa asawa nitong parito't paroon sa pag-iimpake. Bahagyang tinulak ni Gabriel ang pintuan to leave the door ajar.

"Ito na ba ang-"

"Kukunin ko siya sa Pilipinas at wala ka nang magagawa!" Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ang ama niya. Hindi naagapan ni Gilberto ang pagbagsak ni Annalisa sa sahig dahil agad itong tumalikod para lisanin ang silid. Si Gabriel na nasa labas ay agad na tumakbo papasok para daluhan ang ina na biglang inatake sa puso.'

Naikuyom niya ang kamao. Memories of his parents' arguing rushed through him while he is staring at the girl who's happily waving at him. Her smile might be sincere but she is still his illegitimate sister and one of the reasons why her mom suffered. Ilang taon niyang ininda ang nakikitang hinanakit ni Annalisa kay Gilberto.

Dose anyos na siya nang nalaman niya ang tungkol sa anak ng ama sa Pilipinas. Maliban sa lumaki ito sa bahay ampunan ay wala na siyang alam tungkol dito. When he reached 15 doon lang niya nalaman na palihim na pinag-aaral ng ama ang anak nito sa Pilipinas.

Hinayaan na niya ito, tutal karapatan at obligasyon iyon ng ama niya. But his mother had a hard time accepting it. Ngunit kahit ganoon paman ay nanatili itong tahimik at walang kibo pagkatapos ng mild heart attack nito.

At ang tanging dalawang dahilan kung bakit niya pinag-utos na pabalikin ito sa mansyon ay para alamin kung sino ang nagtangka sa buhay nito at upang malaman nito ang katotohanan.

Ayaw niya ipagdamot dito ang pagkatao nito. She has the right to know the truth. He's not that cruel after all.

Umalis siya sa kinaroroonan at tinungo ang telepono.

"I'm glad you answered the phone. How are you?" Batid niyang maligaya si Gillian sa kabilang linya. He usually doesn't answer phone calls pero kanina pa siya naririndi sa walang tigil na tunog niyon at walang ibang makakasagot niyon dahil kararating lang nina Rolando at Norma kasama si Maribel.

"Gab. Gabby? Still there?"

"What is it aunt?"

"I just wanna check if you're fine. Kung kumusta na ang kalagayan mo. Are you still drinking your medicines on time?" Nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Yes." He lied.

"Mabuti naman. Alam mo naman na wala na akong ibang hinangad kundi ang mapagaling ka."

He ended the call. He knows she would start her chitchats and that's a total waste of his time. Hindi siya interesado sa sasabihin nito.

Palabas na siya ng silid nang makita niya ang dalaga na nakatanga sa portrait ng abuelo't abuela niya. O mas mabuting sabihing – abuelo't abuela nila.

Mabuti't nakuha na nito ang mga damit, hindi bagay sa dalaga ang mga daster ni Aling Norma. Maayos na sana itong tingnan kung hindi dahil sa mga prominenteng pasa sa braso at paa nito.

"Don Marianno Delcampo at Donya Gelena Delcampo." Nakaw niya sa pansin nito.

Binalingan siya nito at mayamaya ay nalilitong pinaglipat-lipat ang tingin sa portrait at sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Lolo mo?"

"Grabe ang resemblance niyo sa isa't-isa."

"Okay na ba ang pakiramdam mo? Sabi kasi ni Mang Rolando sinumpong ka raw ng sakit sa paa." Sunod-sunod na tanong ng dalaga.

He cursed under his breath. Parang pinagsisisihan niyang pinabalik niya ang dalaga. He hated her energy already. Pinili niyang manahimik sa halip na sagutin ito. He was contemplating whether to tell her the truth right now or not. Tinalikuran niya ang dalaga at pinagulong ang wheelchair papalayo.

He knew they both need some time. Pasasaan ba't masasabi rin niya dito ang katotohanan. At nasa dalaga na iyon kung aalis ito o hindi pagkatapos niyang ibunyag ang pagkatao nito.