Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 2 - A

Chapter 2 - A

"ISANG ROADTRIP?"

"Oo, roadtrip."

"Roadtrip papunta saan?"

Naguguluhang tiningnan ko si Beth, dorm mate at kaklase ko. "Hoy, saan nga papunta sabi ni sir?"

"Roadtrip papunta sa langit." Singit ni Mark, isa pa naming kaklase.

"Sira!"

"Hindi ba kayo nakikinig? Sabi ni sir ngayong darating na summer break kailangan nating hanapin ang mga sarili natin bago tayo magtapos. Hanapin natin kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay kaya daw puntahan natin ang mga lugar kung saan makakahanap tayo ng peace." Pagpapaliwanag ni Marjorie na nasa unahan namin nakaupo. Pinikit pa nito ang mga mata sabay muestra ng mga kamay.

"Reflection kumbaga. Hindi ka makararating sa paroroonan mo kung di ka lilingon sa pinanggalingan mo." Dagdag nito.

"Lagi ko namang nililingon nanay ko e --- awts!" Isang kutos sa ulo ang natamo ni Mark mula kay Marjorie.

"Lugar, hindi tao bobo!"

Nangalumbaba ako habang pinapanuod kong tuluyang nag-asaran sina Mark at Marjorie habang si Beth naman ay umalis na ng silid. Ano namang kinalaman ng roadtrip reflection sa cost accounting? Letseng subject.

"Tatay mo wamport!"

"Tatay mo kalbo!"

Habang patuloy sina Mark at Marjorie sa asaran itinuon ko ang pansin sa labas. Pinanggalingan – isang salitang palaisipan para sa isang batang kagaya ko na nanggaling sa bahay ampunan. Although mine is not that of a helpless case, atleast alam kong patay na ang totoo kong ina kompara sa mga batang basta nalang iniwan ng mga magulang nila. Alam kong minahal ako ng nanay ko. Tatay ko naman, question mark.

Umalis na lamang ako ng silid aralan baka mahawa pa ako sa mga katabi ko. Nagpunta ako sa library at nagbasa ng libro nang bigla kong naalala ang letseng roadtrip na iyan. Wala naman akong ibang mapuntahan na lugar maliban sa bahay ampunan na kinalakihan ko.

May nag-alok sa akin ng scholarship kaya nakaalis ako sa bahay ampunan sa edad na labing-isa. Stay in ako sa highschool hanggang ngayong nagcollege na ako. Noong una, aminado akong na-culture shock ako. Iba ang galawan ng mga tao sa lungsod kompara sa aming mga taga probinsya at lumaki kasama ang mga madre ngunit habang tumatagal nasanay na ako.

Sabi nga nila the only constant thing in this world is change kaya dapat kang matutong mag-compromise at mag-adjust, kung hindi mapag-iiwanan ka. At iyon nga ang ginawa ko. Sinubukan kong makisabay ngunit 'di ko parin maipagkakaila na outcast ako dahil kakaiba ako sa kanila.

Walang taong pumupunta sa school para sa akin sa tuwing may PTCA meeting, family day or kahit anong event sa school na kinakailangan ng presensya ng magulang. Sa tuwing sasapit ang pasko nasa dorm lang akong mag-isa at nag-aaral habang ang iba kong kasamahan nagsiuwian na sa kani-kanilang tahanan. Kapag summer break o semestral break nasa dorm parin ako.

Minsan na akong niyaya ni Beth na magbakasyon sa kanila pero ako ang umayaw. Sa totoo lang , ayaw kong gumastos dahil may pinag-iipunan ako.

"Seryoso natin ah." Napalingon ako kay Beth na agad tumabi sa akin sabay buklat ng libro sa laws on negotiable instrument.

"Wala. Iniisip ko lang yung reflection."

Bigla itong natawa. "Naniwala ka naman doon? Basta ako mag babakasyon ako sa Mexico!"

"Wow yaman ah."

"Mexico, Pampanga, gaga. Doon talaga ang probinsya ng mga magulang ko. Mula pa sa mga lolo't lola ko sa talampakan ang haba ng family tree namin. Nakakatuwa nga kapag may family reunion kami. Sa sobrang dami namin kulang ang dalawang bahay." Pagmamalaki nito.

"Ikaw. Saan ka pupunta? Gusto mo sumama sa akin?"

Umiling ako.

"Gala gala din pag may time girl. Sa tuwing summer break lagi kang nagmumukmuk sa dorm. Alam mo rumored na may gumagalang multo sa building natin. Katakot kaya yun! Pero infairness, ang multo gumagala ikaw hindi."

"Ewan ko Beth. Baka sa bahay ampunan ako magsa-summer, tutulong na muna ako sa mga madre doon."

Namilog ang mga mata ng kaklase ko. "For the first time and forever mo iyang gagawin. I've never been so proud of you." Tsaka ito umalis. Pumunta ba talaga iyon dito para magbasa? Lukaret.

HULING araw na nang pasukan. Nagsimula nang mag-impake ang mga dorm mates ko, medyo nagulat pa nga sila nang makita nilang nag-Iimpake rin ako. Common knowledge na galing ako sa bahay ampunan at wala na akong mga magulang o kamag-anak. Wala rin akong boyfriend sa labas na pwedeng uwian kaya naman tanggap ko ang reaction nila.

Tinali ko ang buhok ko at inipit ang bangs ko, naglakay ng konting foundation sa pisngi at liptint sa labi. Binuhat ko ang bagpack ko na naglalaman ng mga gamit at damit ko na tinantiya ko ng kakasya sa isang buwan.

"Whoah! Maribel is going out!" Kantiyaw ng kasamahan ko.

"Mari, Mari, Mari the explorer. Where are we going? Dutdutdut. To the -----" Sabay kanta nila Beth. Hinihintay nila na dugtungan ko ang kanta.

"Ewan ko sa inyo." Natatawa kong sagot habang naglalakad palabas ng silid.

This is it! Lalabas na talaga ako. Hindi naman ito ang first time na lalabas ako ng dorm, nakakalabas naman ako dati papunta sa 7eleven, minsan nagsisimba sa linggo pero after 8 years, ito 'yung kauna-unahang pagkakataon na aalis ako ng Maynila at babalik sa bahay-ampunan.

Kumusta na kaya sila Sister Daisy? Si Pinang kaya andun parin?

GABI na akong nakarating sa bahay ampunan matapos ang limang oras na byahe sa bus. Tuwang-tuwa si Sister Adelaine nang makita niya ako, ganoon din ang ibang mga nagpalaki at gumabay sa akin sa pananatili ko roon dati. Kahit na bisquit at chocolate lang ang dala kong pasalubong sa mga bata ay nasiyahang niyakap nila ako.

"Si Pinang po?" Tukoy ko sa kababata ko. Siya ang matalik kong kaibigan, lahat ng paborito ko noon alam niya pati na mga sekreto ko.

"May umampon sa kanya. Akala ko nga dito na siya tatanda. Katulad mo, Mari nag-aaral din siya ngayon." Nakangiting wika ni Sister Daisy.

"Gandang bata, kamukhang-kamukha mo nanay mo." Giniyahan niya ako sa hapagkainan at sabay-sabay kaming kumain tulad ng lagi naming ginagawa noon. Sagrado ang hapagkainan kaya naman dapat sabay-sabay kaming kumain hanggang maaari, iyon ang turo sa amin. Nakakamiss din pala ang may kasalo sa hapagkainan. Siguro sa tingin ko nasanay na akong gawin ang lahat mag-isa pero hindi pala.

Naalala ko noong bata pa ako, lagi kaming masaya sa ampunan. Sabay kaming natututo ng mga bagong bagay, sabay naglilinis, sabay nagdadasal at sabay sa halos lahat ng bagay. Masaya kami hanggang sa unti-unti kaming nababawasan dahil may inaampon. Minsan tinatanong ko kung anong mayroon sa kanila na wala sa akin. Bakit sila ang napipili at hindi ako.

Pilitin ko mang makontento at maging masaya hindi ko parin maalis sa sarili na gusto ko rin magkaroon ng magulang. Natutuwa man ako sa bahay ampunan pero pakiramdam ko I belong someplace else. Pakiramdam ko may nag-aantay sa akin sa ibang lugar.

Pinangarap kong maging mayaman dahil gusto kong umampon ng maraming bata. Gusto ko silang alagaan, arugahin, at mahalin. Ilang beses kong pinagdasal na sana may umampon na sa akin. Pangako kong mag-aaral ako ng mabuti para matupad ko ang pangarap na makapagtrabaho at maging mayaman kaya naman laking tuwa ko na may gustong magpa-aral sa akin.

Kahit na mabigat sa pakiramdam ko na iwan ang mga madre at ang mga kaibigan ko, ginawa ko parin dahil sabi nga ni Wonderwoman – Who will I be if I stay? That's why I grabbed the opportunity. Sayang naman.

Pinatuloy ako ni Sister Daisy sa sleeping quarters nila, doon muna ako matutulog pansamantala habang hindi pa naayos ang ibang silid ng ampunan. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari noon pagkatapos kong umalis.

"Swerte naman ni Pinang. Nasa Canada, may nanay at tatay. Sana lahat ng bata sa ampunang ito makahanap din ng kani-kanilang mga pamilya." Komento ko pagkatapos ikuwento ni Sister Daisy ang karanasan ni Pinang sa ibang bansa. Inampon pala ito ng dalawang Canadian na nagkataong nagbabakasyon lang sa Pilipinas. Taon-Taon ay nag-a-update ito sa kanila kung ano na ang progress nito sa Canada.

"Ikaw? Maribel. Bakit mo nga pala naisipang bumalik dito? Bakasyon?"

"Medyo ganoon na po at gusto ko sanang idonate ang naipon ko sa bahay ampunan."

Nagkatinginan sina Sister Daisy at Sister Ara nang sabihin ko iyon. Matagal ko ng pinagpaplanohan na magbigay ng donasyon sa bahay ampunan. 5 months ago nasalanta ng bagyong Domeng ang San Isidro, ibinalita ito sa tv at na feature ang St. Claire foundation – ang bahay ampunan. Mabuti at may mga tulong na dumating mula sa iba't-ibang organisasyon at tao dahil kung wala baka matagal-tagal pa bago maayos muli ang bahay ampunan, seguradong magiging kawawa ang mga bata.

Inabot ko sa kanila ang maliit na sobre. "Maraming salamat dito, Mari. Makakabili narin kami ng mga bagong libro para sa mga bata. Winasak kasi ng bagyo ang lahat."

"Wala po iyon. Hindi rin naman ako magtatagal dito mga sister, may pupuntahan ako. Roadtrip reflection."

Sinabi ko lang iyon kahit na alam kong tanggap nila ako kasi ang totoo hindi kami kasya sa kasalukuyang bilang ng mga silid sa ampunan. May mga kwarto parin kasing hindi pa naaayos kaya naman pinagkasya ang benteng bata sa silid na dapat ay sampu lang ang pwede.

"Roadtrip saan?"

"Baka magbabakasyon sa probinsya ng kaklase." Singit ni Sister Ara sa usapan namin.

"May gusto po sana akong itanong. Tungkol kay nanay." Pag-iiba ko ng paksa.

Biglang natahimik ang silid. "Narinig ko noon na umalis ang nanay ko rito nang nag dise-otso siya at bumalik nang buntis. Ni minsan po ba hindi niya nasabi sa inyo kung sino ang tatay ko?"

Isa-isang nagbawi ng tingin ang mga madre. Parehong tahimik si Sister Ara at Sister Daisy habang si Sister Adelaine naman kay nag gagantsilyo. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa usapan namin o hindi.

"Walang sinabi si Marissa, Maribel. Pumunta siya sa Santa Barbara upang mamasukan bilang isang katulong. Wika niya sa amin noon, ayaw na niyang magpabigat sa ampunan kaya naman hinayaan namin siya. Matapos ang isang taon bumalik siya dala ka sa sinapupunan. Sa huling dalawang buwan niya rito, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tumulong sa mga gawain, ngumingiti siya kapag kinakausap pero alam naming sa likod niyon ay may sakit na dinaramdam siya." Ani Sister Ade.

"Mabuting tao ang ina mo, Maribel. Hindi namin kayang husgahan ang pagkatao niya at buong puso namin siyang pinatuloy ulit rito kasama ka." Dagdag ni Sister Daisy.

"Pero Sister, naalala ko noon na may naghatid sa kanya rito. Hindi ba nga may nagpapadala sa kanya ng mga gamit pambata at mga pagkain. Iyang suot mong kwentas?" Tanong ni Sister Ara sabay baling sa akin.

"Galing iyan kay Marissa." Agap naman ni Sister Daisy.

"Oo nga, pero malay natin galing pala iyan sa tatay niya. Minsan ba tiningnan mo ang laman ng locket? Baka naka engraved pangalan ng tatay mo diyan."

"Heto na naman tayo Sister Ara. Magdasal ka na nga lang diyan para malinis ang imahinasyon mo." Sita ni Sister Daisy.

"Ilang taon ko nang suot ito pero wala namang nakasulat sa loob maliban na lamang sa letrang "G"."

"Edi Letter G ang first letter ng pangalan ng tatay mo." Siguradong tugon ni Sister Ara. Napakamot na lamang ng ulo si Sister Daisy.

"Alam mo Maribel, hindi namin ipagkakait ang karapatan mong malaman kung sino ang totoo mong ama. Kung alam namin, noon pa ay sinabi na agad namin sa iyo. Talagang ang iniwan ni Marissa sa amin ay ikaw, binaon niya sa libingan ang lahat ng hinagpis niya."

"Araw-araw kong pinagdarasal na sana ay mapayapa na siya ngayon. May she rest in peace." Sabay silang nag-sign of the Cross.

"Pero ngayon matulog muna tayo at bukas ka na magdesisyon kung ano ang susunod mong hakbang."

🌷

'"Napakaganda ng paglubog ng araw." Wika ko.'

'Naramdaman kong may humalik sa buhok ko. "Kasing ganda ng mga mata mo, Mari."'

🌷

Bigla akong nagising.