"Mari…"
"Mari…"
Dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Kasabay ng pagkamalay ko, unti-unti ding bumalik ang sakit ng katawan ko. Inilapit ng lalaki ang mukha niya sa akin at sinuri ang mga galos ko.
"Mari, ano bang nangyari sa iyo?"
Nag-isang linya ang kilay ko. Nasaan na ba ako? At sino ang lalaking ito? Bakit niya ako kilala? Nasa mas malaking kapahamakan ako sakaling kasamahan siya ng mga lalaking gustong pumatay sa akin kanina.
Parang napasong binawi ko ang sarili mula sa pagkakahawak niya.
"Si-sino ka?!"
Binigyan niya ako ng naguguluhang tingin. He looked at me as if hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Have we met before? Sa paaralan? Sa daan? Pero wala akong maalala.
"Ako si Drew, Mari. A--"
Hindi ko maiwasang pansinin ang hugis ng mukha at ang boses niya, pamilyar na pamilyar iyon sa akin.
"Drew? H-huh? Pasensya na po pero hindi kita kilala. Hindi ako taga dito."
"Alam ko. Isang linggo na ang nakakaraan nang dumating ka sa Santa Barbara."
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Ilang araw ba akong walang malay? Kung halos isang linggo na akong tulog bakit sariwang-sariwa pa rin ang mga sugat at pasa ko sa katawan? Hindi maaari ito, kailangan ko ng umalis dito. Hindi ako ligtas sa Santa Barbara.
Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Magpahinga ka na muna Mari. Baka epekto lang ng gamot iyan kaya wala kang maalala."
"M-may pinainom ka sa akin?" Nataranta kong tanong sa kanya. I barely know him at hindi parin imposibleng sangkot siya sa nangyari sa akin.
"Oo, pain reliever at pampatulog. Bukas, ihahatid na kita sa inyo." Halos pabulong na sabi niya sa akin habang inaayos ang pagkakahiga ko.
Kumuha siya ng silya at umupo sa tabi ng kama. I heard him hum a tune while slowly caressing my head as if he really cares for me. It should feel weird and awkward by now pero wala akong naramdamang kakaiba. The touch of his warm hands made me comfortable and sleepy.
Sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaramdam ako ng seguridad at kapayapaan.
----
LUMABAS ng kwarto si Gabriel upang alamin kung sino ang dumating sa mansyon. Sa sobrang laki at tahimik ng mansyon dinig na dinig niya ang komosyon sa ibaba. Wala siyang nakitang sasakyang nakaparada sa harapan ng mansyon kaya imposibleng ang tiyahing si Gillian ang dumating.
Pinagulong niya ang wheelchair papunta sa kusina. Nadatnan niyang abala si Norma sa lababo. Kumuha ito ng isang maliit ng palanggana at nilagyan ng maiinit na tubig. Muntik pa nitong nabitawan ang palanggana nang makita siya.
"Hijo, may kailangan ka? Nagugutom ka ba?"
Umiling siya. "Paalisin mo kung may bisita." Iyon ang sagrado niyang utos kay Norma. Visitors and guests are always not welcome. Wala siyang pakialam kung mga kaibigan man niya ito o mga kamag-anak. Sigurado siyang peke ang concern ng mga ito. It has to be money, shame, or pity, iyan lang ang dahilan ng mga taong nangingialam sa kalagayan niya.
"Norma, nasaan na ang-" Natigilan si Rolando nang makita siya sa pintuan ng kusina. Hindi niya alam kung matatawa o ano. Parehong-pareho ang reaksyon ng mag-asawa nang makita siya. Siguro hindi sila makapaniwalang lumabas siya ng silid dahil hindi niya basta-basta ginagawa iyon.
"Hijo, may kailangan ka ba?" He asked him the same damn question. Lumalabas lang ba talaga siya kapag may kailangan siya?
"Wala po." Walang emosyon niyang sagot. Aakma na sana siyang umalis nang may narinig siyang sigaw ng babae mula sa kwarto ng mga matatanda. Her scream sounded like she's in great pain but the hell he cares.
"Sino iyon? Bakit may ibang tao sa mansyon?" Nagdikit ang mga kilay niya. Hindi ba naiintihan ng mga ito na ayaw niyang may ibang tao sa mansyon?!
"Hijo, may ginagamot kaming babae. Nakita ko siyang sugatan at inaapoy ng lagnat kanina." Pagpapaliwanag ni Rolando.
"I want her out."
"Pero wala pa siyang malay."
"Nagkamalay na siya, sumigaw pa nga."
"Wala na ba talagang natitirang awa sa puso mo, Gabriel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Norma.
"Hindi natin alam, masamang tao pala iyan."
"Sa oras na maayos na ang lagay niya, ihahatid namin siya sa bayan." Assurance ni Rolando sa kanya. Tumango siya at pinagpatuloy ang pagbalik sa silid. Hindi ito ang unang beses na may nagpanggap na sugatan at pinapasok ng dalawang matanda sa mansyon. She better be not faking it or she'll get what she's looking for.
-----
NGITING-NGITI ang dalawang lalaki papasok sa opisina ng boss nila. Kahit pagod at walang tulog sa ilang oras na byahe mula Santa Barbara ay excitement ang nangibabaw sa kanila. Sigurado silang maganda ang feedback nito sa matagumpay nilang mission.
"Ang bilis niyo naman atang nakabalik." Bungad sa kanila ng boss nila.
"Syempre boss, napakadali lang ng ipinag-utos ninyo sa amin." Confident na sagot ng isa.
"At ang babae?"
"Tinamaan ng bala" Siguradong sagot nilang dalawa.
Pinanuod nilang umihithit ito ng sigarilyo at dalawang beses na nagbuga ng usok. Muli itong nagsalita.
"Nasaan na siya?" Walang interes nitong tanong. Nagkatitigan at natahimik silang dalawa. Wala silang nadatnang babae sa dulo ng bangin pero bago sila umalis nilibot muna nila ang buong kagubatan para hanapin ito. Sa hinala nila nahulog ang babae sa bangin kaya hindi na nila ito nakita pa.
"SAAN NA ANG KATAWAN NIYA?!" Sigaw nito sa kanila.
Napakamot ng ulo ang isa. "Tumalon ata siya sa bangin boss, di na namin nakita."
"Tumalon? Sinong sira ulo ang tatalon sa bangin? Mga bobo!"
"Sa maniwala man kayo o hindi boss, bago kami umalis doon nilibot namin ang lugar para siguraduhing patay na siya pero hindi namin siya nahanap-" pinutol nito ang pagpapaliwanag nila.
"And assumed that she fell or jumped off that cliff?! Umalis kayo doon na hindi sigurado kung patay o buhay pa siya at magrereport kayo dito sa akin?!"
Kinuha nito ang telepono at nagdial. "Dolfo! Anong klaseng mga tao ba itong pinadala mo! Jiějué cǐ wèntí, fǒuzé nín jiāng wèi cǐ fùfèi!" Binagsak nito ang telepono at muli silang hinarap.
"Makakalis na kayo."
Muli itong humithit ng sigarilyo at kinuha ang telepono. After a few seconds someone took the call.
"Hello Norma, how's my nephew doing?"
----
"SINO PO KAYO? NASAAN NA AKO?" Bungad ko sa matandang babae. Tiningnan ko ang mahahapdi kong kamay habang inilapag niya ang tubig na dala sa bedside table.
"Si Drew po?" Muli kong tanong sa kanya nang wala akong nakuhang sagot. "Sabi niya sa akin, ihahatid niya ako pauwi sa amin."
"Kumusta ang pakiramdam mo hija?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
"Medyo maayos na po salamat sa gamot na pinainom sa akin ni Drew."
"Drew? Kaibigan mo ba siya?"
"H-hindi po pero binigyan niya po ako ng pain reliever at pinatulog."
Nilapitan ako ng matanda at sinipat ang noo ko. "Mabuti naman at humupa na ang lagnat mo. Ano bang nangyari sa iyo hija? Bakit napakarami ng mga sugat mo sa katawan?"
Bahagya akong umatras upang maisandal ang likuran sa headboard ng kama. Doon ko lang napansin na nakadaster na pala ako. "Si Drew po?"
"Wala akong kilalang Drew anak."
"Y-yung lalaking –" Bigla kong nakalimutan ang mukha niya. Ngayon tanging boses na lamang ang naiwan sa isipan ko. Hinilot ko ang sintido ko.
"Magpahinga ka na muna anak, bukas nalang tayo mag-usap."
Pinainom niya ako ng tubig tsaka muling pinatulog.