Chereads / Kites at Sunsets / Chapter 4 - C

Chapter 4 - C

MULA sa madilim na silid ni Gabriel tahimik na pinagmasdan ng binata ang labas ng mansyon nila. May maliit na maze sa kaliwang parte ng mansyon, sa kanan naman may hardin na nagsisilbing reception ng mga party noon. Ilang metro pakanan mula sa hardin ay ang malahiganting kulay ginto na gate ng mansyon na ngayon ay nilipasan na ng panahon at tuluyang kinatayan ng mga halaman.

Ang dating tanyag at karangyaan ng mansyon ng mga Delcampo ay nabaon na sa limot dahil sa nakakapangilabot na anyo nito ngayon. Binansagan pa nga itong "haunted mansyon ng Santa Barbara" ng bagong henerasyon.

Nang namatay sina Don Marianno at Donya Gelena – ang abuelo't abuela niya, nagkanya-kanya na ang kanyang ama at ang kanyang tiyahin na si Gillian. May iniwan man silang caretaker sa mansyon, kulang parin ang manpower para ipanatili ang ganda nito dahil sa laki ng lugar. Parte ng lupain nila ang kagubatang nakapalibot sa mansyon pati narin ang malawak na talahiban sa gitna ng kagubatan na dati ay rancho Delcampo kung tawagin.

Gilberto Delcampo chose to prosper in his profession than to follow the path of his father as a businessman and went abroad. Doon na sila tinaguyod ng ama. He became a well-known surgeon in Los Angeles habang nasa Washington sila ng kanyang ina.

Gillian, his aunt on the other hand is on her third marriage, married a Chinese business tycoon, ito na ngayon ang nagmamanage sa mga natitirang ari-arian ng mga Delcampo pagkatapos mamatay ng mga magulang niya.

Umatras siya at pinagulong ang wheelchair patungo sa malaking salamin sa kwarto niya. Wala siyang ibang makita sa salamin kundi isang inutil na nakatali sa madilim na pagkatao. Naikuyom niya ang mga kamay, kung hindi dahil sa kanya hindi sana namatay ang mga magulang niya. Kung maayos niyang napatakbo ang sasakyan at hindi nabangga sa truck 'di sana buhay pa ang mga magulang niya at hindi siya mamumukhang kawawang lumpo!

He was diagnosed with traumatic brain injury and bone fractures; his mother was dead on the spot while his father was in ICU for weeks but died later on.

After his parents died, ang tiyahin niya ang nagprocesso ng mga papeles nila pabalik ng Pilipinas. Sa bansa narin inilibing ang mga magulang niya. Kung siya ang papipiliin, mas gusto niyang manatili sa Amerika dahil doon lang niya nakita na naging maayos ang relasyon ng mga magulang niya. They became civil.

Gustuhin man niya ngunit walang mag-aalaga sa kanya doon.

The past months was torment for him. Ilang beses niya hiniling na sana namatay nalang siya kasama ng mga magulang niya. Hindi siguro siya mababalot sa sariling pagsisi at galit.

Ang tiyahin niya ang nagdesisyon na sa dating mansyon siya magpapagaling habang inaasikaso nito ang mga natitirang ari-arian nila sa ibang bansa. His opinion doesn't matter at wala siyang karapatang magdesisyon. His predicament just made his situation worse nang nalaman niyang ibinenta ng tiyahin niya ang bahay nila sa Washington kung saan sila nagsimula.

Walang private nurse na nakakatagal sa kanya sa sobrang sama ng ugali niya. Binalot siya ng galit at frustations dahil pakiramdam niya pinapaikot siya ng tiyahin niya.

Tatlong katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Gabriel, hijo, kung ayaw mong inumin ang mga gamot mo, kumain ka man lang para may sustansya iyang katawan mo. Baka mangayayat ka niyan." May bahid na pag-aalala sa tinig ni Norma - ang matandang caretaker ng mansyon.

Kasama ni Aling Norma ang asawang si Mang Rolando sa pag-aalaga ng mansyon. Kay aling Norma lang siya nakikinig sa lahat ng tao sa mansyon noong may mga private nurse pa siya, hindi dahil sa nagmamatigas siya o kulang siya sa atensyon, sadyang ang matanda lang ang pinagkakatiwalaan niya. Ito kasi ang tumayong pangalawang ina niya bago sila lumipat sa ibang bansa.

Kahit na sampung taon silang hindi nagkasama ni Norma ay buong puso siyang tinanggap nito. Tanging ito lang ang taong nagpamalas ng totoong pagmamahal at pag-aaruga sa kanya maliban sa mga magulang niya.

Binuksan niya ang pintuan at pinatuloy ang matanda. Inilapag nito ang tray sa pinakamalapit na mesa sa pinto. Nagulat man ito nang makita ang kabuuan ng kalat sa kwarto niya ay hindi ito nagpahalata. Naiintindihan at inirerespeto nito ang pinagdadaanan niya.

"Mag-iingat ka lang sa bubog, anak. Mag-bell ka kapag may kailangan ka, nasa ibaba lang ako."

Tumango siya. Isinara niya ang pinto matapos umalis ng matanda. Kumuha ng isang alak sa cabinet at inisang lagok iyon. Mahaba pa ang gabi. Madami pa siyang gagawin.

------

ISANG malakas na sampal sa mukha ang nagpagising sa akin. Unang nakita ko ang isang lalaking nakangisi habang titig na titig sa mukha ko. Unti-unting ginapang ng takot ang sistema ko nang nanumbalik sa akin ang nangyari kanina, hinarang ako ng isang van habang naglalakad ako pabalik sa main road.

"Sino ka?! Saan mo ako dinala?!" Sunod-sunod kong tanong. Madilim ang buong paligid at ang headlights lang ng van ang nagsisilbing ilaw sa lugar.

"Gising na ba iyan?" Isang lalaki ang lumabas sa van at lumapit sa amin.

"Gising na, partner. Patulugin na ba natin?"

"ANONG PATULUGIN?! ANO BANG ATRASO KO SA INYO?!"

"Aba matapang. Iyan ang gusto ko sa babae – palaban! Nakakainis na kasi yung masyadong pabebe."

"Mga kuya please lang. Kung pera lang ang gusto niyo may limang libo po ako sa bag ko--"

"Iyon na nga miss, kung pera lang naman ang habol namin 'di sana hi-nold up ka nalang namin, kaso mas malaki ang binayad sa amin para patayin ka."

Patayin? Sino naman ang magkakainteres sa akin? Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid, kung hindi ako nagkakamali nasa Santa Barbara parin kami ngayon.

Biglang nagring ang telepono ng kalalabas na lalaki sa van. Sinagot niya iyon. "Opo Boss. Nasa samin na ang babae."

"Tirahin mo na." Hudyat niya sa kasamahan niya. Hudyat ko rin iyon para tumakbo palayo. Wala akong ibang matakbuhan kundi ang kagubatan. Diyos ko, ano po ba itong napasukan kong gulo?!

Ilang beses akong nadapa sa sobrang dulas ng lupa pero agad akong bumabangon. Sa tuwing nakakarinig ako ng putok ng baril mas binibilisan ko pa ang takbo.

Nanuyo na ang lalamunan ko sa kahihingal sa pagtakbo. Isang bala ng baril ang dumaplis sa paa ko dahilan para bumagal ako sa pagtakbo. Ininda ko ang sakit sa bawat hakbang ko. Wala akong makitang bakas na dinadaanan ng mga tao ang gubat na ito, pakiwari koy walang katapusang takbuhan ang mangyayari ngayon hanggang sa nakarating ako sa isang bangin, sa ibaba niyon ay isa na namang kagubatan ngunit may malawak na talahiban sa dulo.

Hindi ko namalayan ang malambot na parteng iyon ng lupa at nadulas, adrenaline rush through me, inabot ko ang mga nakaawang na mga bato at ugat sa lupa. Wala na akong pakialam kung magkasugat-sugat man ako. Hindi ko pa nasubukang mag wall climbing noon but this is more than I expected.

I accidentally hold onto a loose rock and fell off.