Chapter 40 - Chapter 2

"Hello!" paasik na sagot ng ina niyang si Mary Margaret. Sa background ay naririnig niya ang suwabeng jazz music at may mga taong nagtatawanan.

"What?! Why are you calling?" iritadong tanong nito.

"Mom, nagsisimula na po ang exhibit," aniya sa nagmamadaling boses.

"What exhibit?" inosenteng tanong nito.

"Exhibit po ng photo competition na sinalihan ko. Di po ba na-mention ko na po ito sa inyo last week pa?"

"Wala akong maalala. Alam mo naman na busy ako sa party ng partido ng daddy mo. Nandito ako ngayon sa Camp John Hay. You should see me right now. I am the belle of the ball, wearing this Francis Libiran creation. And that woman won't stand a chance."

Kung magsalita ang nanay niya ay parang teenager pa rin ito o kaya ay nasa early twenties na nakikipagkompitensya sa iba pang magagandang dalaga sa party. And "that woman" was her father's legal wife.

Dumalo ang ina sa party para makipag-kompitensiya sa legal na asawa ng ama niya. It was not a wise decision. Kung masasabihan lang niya ang ina, mas gusto niya na umiwas ito sa lugar kung saan naroon din ang legal na pamilya ng ama. Pero di papayag ang nanay niya na maungusan ito. She hated losing.

At ang masaklap ay doon ito nag-aaksaya ng panahon kaysa sa kanyang anak nito na kailangan ito. She couldn't bother her father with his time. Kahit dati pa naman ay nakaw na sandali lang ang ibinibigay nito sa kanilang mag-iina. Wala na siyang inaasahan dito. Pero sana man lang ay masamahan siya ng nanay niya sa araw na iyon na mahalaga sa buhay niya. This was her first major photo competition.

Yumuko si Sunny at sinipa-sipa ng doll shoes ang semento. "Baka naman po makahabol kayo. Kahit sandali lang, Mommy. Kasi po napasok po ako sa Top 20 sa daan-daang nagpadala ng entry." Kahit maglagay lang kayo ng star sa entry ko at bumalik na kayo sa party. Parang nanalo na rin ako no'n.

"Ano ba ang photo competition na iyan? Madami bang press diyan? May TV station ba na nag-cover?" tanong nito. "Makikita ba ako sa buong Pilipinas?"

"Ahhh! May magazine at newspaper po na nag-cover," aniya at kinagat ang labi. Sunny mentally recognized several school press, photographer ng weekly magazine at isang broadsheet na naka-base sa Baguio. Regional lang ang sirkulasyon ng mga iyon. At walang garantiya na makukuha ng ina ang gusto na nationwide at international exposure na gusto nito.

"Not good enough. Ni walang Star Network para mag-cover? Kung malaki sana ang coverage ng competition na iyan. Mananalo ka ba diyan?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I-I am not sure, Mom."

"You are not sure? Gusto mo na um-attend ako ng competition mo pero hindi ka naman matiyak sa akin na mananalo ka."

Sinapo niya ang noo. "Mom, I can't guarantee that. Hindi ko naman po hawak ang desisyon ng mga judges. C-Can't you just support me on this? Wala pa pong thirty minutes ito mula sa John Hay. I really need you here."

"I have to go, Sunny. At huwag mo na akong abalahin sa hindi naman importanteng bagay. This is a very important night for me and your father."

Parang sinampal ang dalaga sa sinabi ng inang si Mary Margaret. "Pero ang photo competition na ito..."

"Is a waste of time. Sinabi ko naman sa iyo na huwag mo nang aksayahin ang oras mo sa pagkuha-kuha ng litrato na iyan. Nag-focus ka na lang sana sa pag-aaral mo. Napaka-simpleng kurso. Ni hindi ka man lang naka-graduate with honors gaya ng kapatid mo dahil kung anu-anong kalokohan ang inuuna mo. Alam mo ba na dismayado ang daddy mo sa iyo? Don't you even dare tell them that you are my daughter, lalo na kung matatalo ka lang. Bye!"

"Mom!" tawag niya dito pero pinutol na nito ang tawag.

Sinubukan niya ulit itong tawagan pero naka-off na ang phone nito. Hindi na talaga ito pupunta. Hindi man lang magawang suportahan ng ina niya ang bagay na gusto niyang gawin kahit minsan lang.

Nilapitan ni Sunny ang larawang kuha na hanggang ngayon ay wala pa rin kahit na isang bituin. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nag-iisa lang siya. Kahit ang sariling ina niya ay hindi man lang siya na-appreciate.

Mom, kahit ilang minuto ba hindi mo maibibigay sa akin? Kahit nga sumilip ka lang. Isang star lang sana naibigay mo sa akin. Maging proud ka sa akin.

Hangang panaginip na lang ba na makikita niya ang nanay niya na masaya para sa kanilang magkapatid? Na susuportahan sila sa mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay. His brother wanted to enter the military. Pero dahil gusto ng nanay niya na magkaroon ito ng pag-asa na mapansin ng ama at magkaroon ng pwesto sa mundo ng pulitika ay pinakuha ng Political Science at kalaunan ay abogasya. Habang siya naman ay pinilit ng ina na kumuha ng Business Management kahit Tourism ang gusto niya. Her mother did it to please her father, to get his attention.

Hindi niya maalala kung kailan siya naging masaya katulad ng mga bata sa larawan na kahit mahirap ay dama ang pagmamahal ng ina Ganoon lang naman kasaya ang nanay niya kapag kasama nila ang tatay niya. At mga nakaw na sandali lang silang nagkakasama-sama.

Bakit walang may gusto sa gawa ko? Bakit walang may gusto sa akin kahit na sarili kong ina? Wala ba talaga akong kwenta? Am I really a loser?

Di mapigilan ni Sunny na mapahikbi. Wala na siyang pakialam kahit na walang tao. Animo'y nasa gitna siyang kadiliman ng gabi at walang anumang ilaw na tumatanglaw sa kanya. She felt lost as an artist. She felt lost as a daughter. She felt lost as a human being.

Ano bang mali sa akin? Ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya si Mommy pero bakit sa bagay na magpapasaya sa akin di niya ako masuportahan? Bakit ganito? Ano pa ba ang kulang?

"Bakit ka umiiyak?" tanong ng isang lalaki.