Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI

🇨🇦Uzeepiches
85
Completed
--
NOT RATINGS
47.8k
Views
Synopsis
Paano nga ba umibig ang isang Shinichi Maki? Marunong din ba siya magmahal katulad ng ibang players? Paano nga ba pagtatagpuin ang landas ni Shinichi Maki at Satomi Takara ang babaeng ayaw sa basketball player!!! Started: July 23, 2020 Finished: December 17, 2020
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

SATOMI Point Of View...

Ako nga pala si Satomi Takara 2nd year high school. Marami ang nag tatanong kung bakit sa Ryonan ako pumasok simple lang. Dahil nandun ang kaibigan at bestfriend kong si Sendoh ang ACE Player ng Ryonan!!!....

Wala akong gusto sa bestfriend kong si Sendoh dahil para sakin kapatid lang ang turing namin sa isat isa, at wala rin akong nagustuhan kahit isa sa mga basketball players dahil para sakin magaling lang sila magpaikot ng babae...

Pagpasok ko pa lang sa school nakita ko na ang bestfriend kong Sendoh na kasama si Hiroaki Koshino ang lalaking bilib na bilib sa akin.. Actually hindi ko rin alam bakit masyadong bilib sakin ang kaibigan ni Sendoh na si Koshino...

"Good morning Satomi" ngiting pag bati ni Koshino.

"Ang aga aga naka busangot yang mukha mo?" pang aasar na sabi ni Sendoh..

"Alam mo kung bakit ako ganito? Simple lang nakita ko kasi kayo eh.. ganda na sana ng araw ko eh...

Tinalikuran ko na sila Sendoh at Koshino dahil ayokong masira ang maganda kong araw...Alam ko naman na sanay na sila sa ugali kong masungit at mataray...

Pagpasok ko ng classroom walang ibang ginawa ang mga classmate ko kundi pag usapan ang naging laro nila Sendoh laban sa Kainan...

"Sayang natalo sila...

"Oo nga, ang galing kasi ng Ace player nilang si Maki.

"Wala na talagang makakatalo sa KAINAN sila na talaga naghahari sa distrito ng KANAGAWA...

Naiinis ako dahil wala ng bukambibig ang mga classmate ko kundi si Sendoh at pati mga ibang players ng KANAGAWA.. Dahil never pa akong nanood ng laro nila Sendoh kaya hindi ko rin maintindihan kung sino ba ang tinutukoy nilang Maki ang Ace Player daw ng KAINAN...

"Alam niyo mag aral na lang kayo hindi yung puro basketball player ang pinag uusapan niyo di naman tayo mabibigyan ng grade nun, isa pa walang basketball player ang sumeseryoso." naiinis kong sabi saka tumalikod..

"Ang hard mo naman Satomi hindi naman lahat ng players manloloko.

"Oo nga Satomi...

"Okay whatever." nasabi ko na lang para matigil na ang mga classmate ko. Dahil alam ko naman kahit anong pang iinsulto ang gawin ko hindi ako mananalo...

Hindi ako katulad ng mga classmate ko na kung bumilib sa basketball players kulang na lang sambahin nila ang mga lalaki... Wala rin akong hilig manood ng laro o laban dahil para sakin hindi naman worth it manood nun, pero masaya ako kapag nananalo sila Sendoh dahil karangalan yun sa school namin...

Pagkatapos ng klase ko nag tungo ako sa faculty para puntahan ang professor kong si Sir Hotohori dahil ipinapatawag niya ako... nakita kong kausap ni Sir ang estudyante niyang si Fukuda...

"Ano bang problema Fukuda? Sa basketball ang galing mong maka puntos pag dating sa subject ko hirap na hirap ka. Bibigyan kita ng pagkakataon na ipasa itong exam mo last chance na yan, kapag yan hindi mo naipasa wala ka rin karapatan mag laro laban sa SHOHOKU nagkakaintindihan ba tayo?

Yan ang hirap sa Basketball Player hindi kayang pag sabayin ang pag aaral kaya ayoko talaga sa kanila. Ang galing lang sa court pero karamihan sa kanila walang utak "Hay naku." buntong hininga kong sabi....

Nakita ako ni Fukuda kaya nahihiya siyang lumabas ng faculty. Tulad ng inaasahan hindi nanaman siya maka tingin sakin dahil sa mga narinig at nalaman ko....

"Nandyan ka na pala Satomi! Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw nanaman ang highest score sa exam."

Hindi na ako natuwa o nagulat sa sinabi ni Sir dahil lage naman ganun.. Well hindi ko rin naman masisisi ang utak na meron ako, dahil wala naman akong ibang inatupag kundi mag aral at mag aral lang...

Paglabas ko ng faculty nagkaka gulo lahat ng estudyante mapa babae o lalaki dahil nanaman kay Sendoh... Halos lahat ng estudyante nanonood sa gym tuwing may practice sila Sendoh maliban sakin...