Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

Paglabas ko ng school napayapa na ang utak ko at tenga ko sa sobrang ingay ng mga estudyante. Nakakairita na sa tuwing dadaan o maglalaro ang team nila Sendoh lage na lang nagtitilian ang mga babae akala mo nakakita ng mga artista...

Pumunta muna ako sa convenient store para bumili ng soda bago umuwi, dahil malayo layo rin ang lalakarin ko mula sa bahay.

Nasa counter na ako ng hindi ko makita ang wallet ko. Gusto kong magmura sa sobrang inis dahil hindi ko alam kung naiwan ko ang wallet ko sa room o sa bahay.

"Miss may problema ba?

Napatingin ako sa nag tanong sakin. Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng wallet ko dahil baka naipit lang ng libro o ng notebook ko.

"Miss may problema ba? Kanina pa kasi ako naka pila."

"Edi mauna ka na nakakahiya naman sayo." naiinis kong sabi.

Pinauna ko nga siya dahil masyadong reklamador ang lalaking nasa likod ko. Kundi lang nawawala ang wallet ko masisigawan ko siya ng walang sa oras. Maiiyak na ako dahil hindi ko talaga makita ang wallet ko ang masaklap pa na-ipunch na ung soda ko wala akong pang bayad.

"Ang malas ko naman." bulong kong sabi

"Do you need help?" tanong niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." sagot ko

"Really? Mukha ngang maiiyak ka na dahil wala kang pang bayad sa binili mo tama ako di ba? Miss wag ka masyadong matapang dahil nagmamagandang loob akong mag tanong at willing din ako tumulong kung kinakailangan.

"Mam kesa naman mag hintay kayo ng matagal dito bakit di niyo na lang po tanggapin yung tulong ni Sir." ani ng cashier.

Binigay nga ng lalaki ang pera sa cashier saka inabot ang soda sa akin. Nahihiya naman akong tanggapin dahil sa inasal ko kanina sa kanya.

"Hindi ka ba magpapasalamat sakin Miss?" seryosong tanong niya.

"Salamat! wag ka mag alala babayaran ko itong soda." sabe ko habang nakataas ang isang kilay

"Okay!...

Pagkatapos kong kunin ang soda lumabas na ako ng convenient store para umuwi. Iniisip ko pa rin ang wallet ko kung saan ko naiwan, dahil kahit anong isip ko di ko maalala kong saan ko siya inilagay o saan ko naiwan...

Naramdaman kong sinusundan ako ng lalaki na nagbayad ng soda ko. Hinarap ko siya at di nga ako nag kamali na siya ngayon.

"Sinusundan mo ba ako?

"Bakit naman kita susundan?

"Bakit di mo tanong sa sarili mo yan..

"Bakit kailangan kong itanong sa sarili ko? Miss ganyan ka ba talaga makipag usap sa ibang tao? O sadyang hindi mo lang alam ang salitang manners?

Nasaktan ako sa sinabi niya.. kaya hindi na ako nag salita pa dire-diretso na akong nag lakad palayo sa kanya. Nakakainis dahil akala ko bukal sa kalooban niya ang tumulong hindi pala.

"Miss." tawag niya

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya pero nakukulitan na kasi ako sa kanya dahil tawag siya ng tawag ng miss sa akin.

"May pangalan ako mister wag mo akong ma-miss miss naiitindihan mo?

"Bakit alam ko ba pangalan mo? Isa pa hindi rin mister ang pangalan ko...

"Whatever....

Inis akong tumalikod sa kanya at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Naiinis ako sa presensya niya akala mo gwapo hindi naman, arogante pa. Nakakabanas kundi lang talaga masama ang manakit ng pangit matagal ko ng ginawa...