Ngayon ang laban ng Ryonan at Shohoku dahil dun malalaman kung sino ang papasok sa Inter high.
"Hoy babae wala ka bang pasok tanghali na aba...
Dalawa lang kami ni mama sa buhay dahil maagang kinuha ni lord ang papa ko kaya nagsisikap akong makapag tapos ng pag-aaral, dahil hindi naman kami mayaman tulad ng ibang estudyante na hindi problema sa kanila ang pera...
"Wala akong pasok Ma... kaya nga nandito ako sa bahay eh...
"Bakit sabi ng bestfriend mong si Sendoh meron daw..
"Nagpapaniwala ka dun Ma.. may laro lang sila at gusto niya manood ako. Alam mo naman wala akong hilig manood ng basketball Ma.
"Hay naku bata ka, ikaw na nga ang bahala...
"Sumuko din siya.. natatawa ako dahil hindi nanalo si mama pag dating sakin.
Bigla kong naisip yung lalaking nakasagutan ko sa convenient store. Hindi siya gwapo, maitim siya pero maganda ang pangangatawan niya., basketball player din kaya ang pangit na yun..
Tinawagan ako ni Satsuki upang manood ng laban nila Sendoh pero dahil hindi nila ako mapilit nagpatay na lang ako ng phone, dahil kahit anong gawin ng mga classmate ko hinding hindi ako manonood ng basketball kahit si Sendoh pa yan...
"Anak pumunta ka na, kanina pa tawag ng tawag yang classmate mo sayo. Dapat nga sinusuportahan mo ang school niyo.. doon ka pa mandin nag aaral...
"Ano gusto mo gawin ko dun Ma mag cheer at magtitili katulad ng ibang babae, ayokong gawin yun kahit na mamatay pa ang kuko ko sa paa.
"Hay naku bata ka..
Minsan ko ng napanood maglaro si Sendoh kapag magkasama kaming dalawa.. Aminin ko man o hindi napaka galing niya, kaya nga siguro siya ang Ace player ng Ryonan.
Ang weird di ba? Ayoko ng basketball players pero mag bestfriend kami ni Sendoh.. Actually bestfriend ko na siya since elementary pa lang kami at nung pumasok siya sa Ryonan gusto niya dun din ako mag aral para magkasama daw kami... Alam naming pareho na walang ibig sabihin nun siguro dahil pareho na kaming sanay sa isat isa at kampante kapag magkasama...
Hindi naman ako nagsisisi na mag enroll ako sa Ryonan school dahil napaka galing ng mga teacher doon at napaka bait ng mga estudyante, minsan nga lang may mga sapak ang mga babae pero kaya naman ng powers ko..