Sabay nga kaming umuwi ni pangit pero walang kibuan! dahil ayoko talaga sa kanya masyado siyang arogante, nagtataka nga ako bakit siya napiling Ace player at captain ng KAINAN..
Marami ang nagsasabi na magaling nga daw siyang maglaro ng basketball kaya nga siguro sila ang number one sa distrito ng KANAGAWA.
Wala akong pakialam kung ano pa siya, basta para sakin pangit siya at ayoko sa kanya lalo na ng malaman kong basketball player din siya..
"Miss gusto mo ba mapanood ang laro namin sa sabado?
Hindi ko pinansin ang tanong ni pangit dire-diretso lang akong naglakad na parang walang kasama. Ayoko talaga siyang makausap lalo na ang makita siya, kaya hindi talaga ako pupunta sa practice nila kahit pilitin pa ako ni Sendoh..
"Miss para kang walang kasama ha... tinatanong kita kung gusto mo manood ng laro namin sa sabado.
"Obvious ba na ayaw kitang kausap. Isa pa ayokong manood ng laro niyo kasi ayaw kitang makita alam mo ba yun? kaya kung pwede wag mo akong kausapin...
"Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang ginawa ko sayo miss? Tinulungan pa nga kita kahit na labag sa loob mo ang magpasalamat.
"Hoy mister hindi labag sa kalooban ko yung pagpapasalamat ko sayo. Ayoko lang talaga sayo isa pa pareho pareho lang kayong mga lalaki magaling lang sa una. Kapag napaikot niyo na iiwan niyo na, naku ganyan na ganyan ang basketball players at isa ka na dun..
"Ang galing mo naman pala mang husga ng kapwa miss.. Hindi lahat ng basketball players nananakit at hindi lahat kami katulad ng iniisip mo! para sabihin ko sayo wala akong girlfriend since birth, kaya paano mo sasabihin sa akin na nagpaikot ako ng babae?..
Napahiya ako ng konti sa sinabi niya dahil wala pala siyang girlfriend, sabagay hindi na ako magtataka dahil sa pangit niya at sa pangit ng ugali niya. Hindi na ako sumagot at dumiretso na ako ng lakad palayo sa kanya dahil ayoko ng mapahiya ulit sa kanya nakakainis lang.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinatak ako palapit sa kanya. Napaka lakas ni pangit kaya wala akong nagawa kahit na tinatanggal ko ang kamay ko sa kamay niya.
"Kausapin mo ako ng maayos ayoko sa lahat ng tinatalikuran ako naiintindihan mo miss? Mabait akong kausap pero kung babastusin mo din ako baka makalimutan kong kaibigan ka ni Sendoh.
"So anong gagawin mo sakin sasaktan mo ako? Go a head bakla lang ang gumagawa nun. Isa pa hindi ako natatakot sayo kung sasaktan mo ako gawin mo na ngayon dahil gusto ko na umuwi..
"Bakit sino bang nagsabing sasaktan kita? Miss kung maayos ka lang makipag usap wala tayong magiging problema..
"Sinabi ko na di ba ayaw kitang kausap at ayaw kitang makita..
Binitawan ni pangit ang kamay ko saka ako hinayaan na maglakad hindi na siya kumibo sa sinabi ko. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko wala akong pakialam kung masaktan siya dahil para sakin hindi na rin naman magkikita ang landas namin dalawa.
Hindi ko na nakita ang presensya ni pangit kaya nagtaka ako kung saan siya nagpunta, dahil ang alam ko pareho kami ng way ng inuuwian. Hindi ko na siya hinanap at nagtuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay namin.
Pag dating ko sa bahay nagulat ako ng makitang nakaupo si Sendoh kausap si Mama. Ano kayang ginagawa nito dito, badtrip! dito rin pala ang punta niya di na lang sumabay sakin kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray kong tanong kay Sendoh.
"Anak kaya siya nagpunta rito para ipagpaalam ka niya, samahan mo daw siyang manood ng practice game laban sa ano nga yun Sendoh..
"Kainan at Shoyo tita." ngiting sagot ni Sendoh.
"Ayoko nga! Ayokong makita yung pangit ng captain ng KAINAN. Isa pa practice game lang yun Ma, hindi naman yun totoong laban. Hindi naman maganda manood ng practice game." naiinis kong sabi kay Mama.
"Never yan nagpunta ng laro namin tita, kahit practice game o totoong laban di yan nanonood tita.. Hindi ka ba naawa tita sa akin hindi ako sinusuportahan ni Satomi." paawa effect na sabi ni Sendoh..
"Wag kang magpa awa sa mama ko, kahit anong gawin mo hindi ako pupunta sa practice game na yun! kahit mamatay pa ang kuko mo.." mataray kong sabe.
"Tita ohh ayaw talaga."
Natatawa na lang si Mama kay Sendoh dahil napaka kulit nito. Naiinis naman ako dahil nagpunta pa talaga siya dito para lang magpaalam kay mama.
"Sabi ko na may hidden agenda ka kaya ka nandito eh..
"Bakit ba ayaw mong manood ng practice game? Hindi ka naman hahalikan ng mga lalaki dun hehehe. Isa pa wala naman papansin sayo dun kahit mag titili ka." pang aasar na sabi ni Sendoh.
"Ayun naman pala anak sumama ka na hindi ka naman pababayaan nitong si Sendoh eh." ngiting sabi ni Mama.
"Sigurado ka Ma? Hindi pababayaan? binugaw nga niya ako sa captain ng KAINAN eh, tapos iniwan ako mag isang umuwi! yun ba yung hindi pababayaan." naiirita kong sabi.
"Tita pareho po kasi ng way sila Maki at Satomi kaya sinabi ko sabay na sila. Wala naman pong masama dun di ba? Kilala ko rin po si Maki manlalaro po siya ng KAINAN, sila po yung sinasabi ko sa inyo tita na pinaka magaling sa distrito ng KANAGAWA." paliwanag ni Sendoh.
"Talaga Sendoh? naku kung ganun napaka swerte pala ng anak ko, na nakasama niya si Maki..
"Anong swerte dun Ma? Alam niyo bang napaka pangit ng ugali nung Maki na yun. Akala mo napaka gwapo ubod naman ng pangit pati ugali pangit.
"Ang sakit mo mag salita kay Maki, hindi mo pa siya lubusang kilala Satomi para husgahan mo yung tao. Hindi dahil sa maitim siya pangit na siya, alam mo bang napaka raming babaeng nagkakagusto kay Maki yung lalaking sinasabi mong pangit." seryosong sabi ni Sendoh.
"Tama siya anak wag mong husgahan ang isang tao." sang ayon ni Mama sa sinabi ni Sendoh.
"Baka nakakalimutan mong siya ang tumulong sayo para mabayaran ang soda mo, pero hindi ka na niya siningil. Dun pa lang makikita mo na kung gaano kabait na tao si Maki dahil kahit hindi ka niya kilala nag insist siyang tulungan ka." wika ni Sendoh.
Nasaktan ako sa sinabi ni Sendoh dahil totoo naman lahat ng sinabi nila. Nasaktan ko nga talaga ang damdamin ni Maki alam kong wala akong karapatan na laitin siya lalo na hindi ko naman talaga siya lubos na kilala.
"Sige na sasama na ako sayo para manood ng practice nila, magtigil ka lang." sabe ko dahil sobrang konsensya ang inabot ko kay Sendoh.
"Yun oh! first time hehehe para makilala mo rin ang ibang players, hindi lang naman Ryonan ang manonood nandun din ang Shohoku." ngiting sabi ni Sendoh.
"Oo na." sagot ko.
Nakonsensya ako sa ginawa ko kay Maki gustuhin ko man bawiin lahat ng sinabi ko hindi na pwede! dahil nasabi ko na. Iniisip kong mag sorry sa kanya pero ayaw tanggapin ng isip ko dahil ayoko talagang mag sorry lalo na sa lalaki pa.