Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 12 - CHAPTER 12

Chapter 12 - CHAPTER 12

Napaka lamig ng gabi at napaka sarap ng simoy ng hangin. Hindi ko akalain na makakausap ko ang taong kinaiinisan ko ang masakit kasama ko pa.,

"Bakit nga pala sa Ryonan ka pumasok?" tanong ni Maki.

"Trip ko lang....

"Hehehehe siguro lageng masaya si Sendoh kapag kasama ka., ang astig mo kasing babae...

"Hindi naman.,

"May boyfriend ka na ba?" diretsang tanong ni Maki.

"Wala akong boyfriend., hindi importante sakin ang lalaki! ang importante sakin grades gusto ko na kasi maka tapos ng pag aaral para hindi ko na makita si Mama na nag hihirap." sabe ko.

"Ang bait mo rin palang anak., akala ko wala kang puso." birong sabe ni Maki..

"Gusto mo mag away nanaman tayong dalawa..

"Sorry! hindi ka naman mabiro..

"Mula ng mamatay ang papa ko dalawa na lang kami ni Mama sa buhay kaya nag sisikap ako...

"Nag iisang anak ka lang?" tanong ni Maki

"Oo kaya nga inggit na inggit ako sa iba dahil may kapatid sila...

"May kapatid din akong babae pero patay na siya..

Nalungkot si Maki kaya nalungkot din ako para sa kanya. Hindi ko alam bakit ako nag kukwento sa kanya ganung kinaiinisan ko naman siya. Ang saklap din pala ng story ng buhay niya.

"Condolence...

"Wala na yun matagal na siyang patay kaya wala na rin akong kapatid..

"Naiiyak ka ba?" tanong ko

"Hindi bakit naman ako iiyak..

"Akala ko umiiyak ka hindi bagay sayo., lalo kang papanget...

"Hobby mo ba talaga asarin ako?

"Hehehe sorry." ngiti kong sabi..

"Ang ganda mo kapag naka ngiti Satomi..

Hindi ko lubusan maisip na pinuri ako ni Maki na maganda ako., hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko sa sinabi niya., ang sarap din pala kausap ng panget na to...

Naisip ko na hindi naman pala siya ganun kasama kung titignan., dahil may pagka mabuti rin ang puso niya kahit na pangit siya.,

"Paano nga pala kayo naging magkaibigan ni Sendoh?..

"Since elementary hindi pa siya nag lalaro ng basketball magkaibigan na kami...

"Alam mo bang sikat yan si Sendoh., kahit nga sa school namin marami may gusto sa kanya., Ikaw ba hindi ka nagka gusto kay Sendoh?" tanong ni Maki.

"Hindi ko type ang mga ganung lalaki., mas madaldal pa sa babae., Isa pa alam ni Sendoh na hanggang kapatid lang at bestfriend ang turingan namin...

"Ano bang type mo sa isang lalaki?..

"Hindi ko alam., wala pa naman kasi ako naging boyfriend kaya di ko alam kung ano type ko., basta ang alam ko type O ang dugo ko...

"Hahaha Iba ka talaga Satomi...

"Alam mo para ka naring baliw tawa ka ng tawa..

"Ang saya mo kasing kausap hehehehe.. Alam mo ngayon lang ako naka kilala ng babaeng katulad mo., sa school namin walang ginawa ang mga babae kundi mag pa cute sa players halos lahat ganun." kwento ni Maki

"Ganun din sa school namin., wala nga silang pinag uusapan kundi basketball players kaya lagapak ang grades kasi wala silang bukam-bibig kundi lalaki..

"Ayoko kasi ng ganung mga babae., kaya lang naman sila ganun dahil sikat! pero kapag di na sikat malabo magustuhan kana nila.,

"Tama ka dyan...

"Ayaw mo rin sa ganun?

"Oo ayoko." sagot ko

"Ibig sabihin gusto mo sakin?" tanong ni Maki

"Ang kapal ng mukha mo!! wag mo na ako kakausapin...

"Hehehe hindi ka mabiro sorry na..

Pareho kaming tumawa dahil natawa ako sa kanya. Ang taong kinaiinisan ko kinakausap ko na ngayon., ano ba naman to.,

"Satomi tawag ka ni Koshino...

Sabay kaming nagulat ng dumating si Sendoh. Nagtaka naman si Sendoh dahil magkasama kami ni Maki., dahil alam nito na ayaw ko kay Maki..

Pumasok na ako sa loob at naiwan naman si Maki., ayoko pa sana siyang iwan dun kaso kinaladkad na ako ni Sendoh. May pagka bastos din kasi tong kaibigan ko eh..

Napaka bongga ng party ni Koshino mayaman din kasi ang pamilya nila katulad nila Sendoh., kaya hindi na rin nakakapag taka. Tuwang tuwa naman siya dahil halos lahat ng players nandoon maliban sa may pulang buhok dahil hindi ko siya nakita.

"Salamat sa lahat ng dumalo sa birthday ko at sa mga nagbigay ng regalo." ngiting sabi ni Koshino.

"Satomi pwede ka daw bang mag wish kay Koshino." natatawang sabi ni Sendoh..

Inis na inis ako dahil kay Sendoh., umakyat pa talaga siya sa stage para sabihin lang na mag wish ako para kay Koshino. Alam ni Sendoh na malaki ang tama ni Koshino sa akin kaya niya ako inaasar dito hayop talaga...

Wala akong nagawa kundi umakyat sa stage hindi ko naman alam ang iwiwish ko kay Koshino dahil nasa kanya naman na lahat.. bwesit hindi ako handa!!!.

"Ano wish mo Satomi." natatawang tanong ni Sendoh.

"Mamaya ka sakin talaga." bulong ko..

Tawa naman ng tawa si Sendoh at hindi natakot sa sinabi ko. Hindi talaga ako handa lalo na napaka raming tao ang naka tingin sa akin..

"Wish ko sayo Koshino tumangkad ka pa.. yun lang..

Halos lahat sila nag tawanan sa sinabi ko., yun lang kasi ang pumasok sa isip ko eh., Napangiti naman si Koshino sa sinabi ko dahil kilala naman na nila ugali ko..

"Anong name nung babaeng yun hehehe?" nakangiting tanong ni Kiyota..

"Satomi Takara.." sagot naman ni Jin.

"Bakit kilala mo?" takang tanong ni Fujima..

"Pinakilala siya ni Maki sa akin., kaibigan siya ni Sendoh at sa Ryonan nag aaral." paliwanag ni Jin.

Pagbaba ko ng stage halos lahat sila naka tingin sa akin!, wala naman akong pakialam kung ano isipin nila sa akin., Gusto ko na magpaalam kay Koshino para umuwi kaso di naman ako makalapit., dahil kausap nito sila Sendoh at ang team..

"Miss nahulog mo yung panyo mo...

Nagulat ako sa nagsalita at nakita ko yung taga Shohoku yung lalaking ubod ng yabang pangit naman..dinampot ko ang panyo ko at tumalikod na sa kanya.

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?" tanong nito..

"Salamat." sagot ko sabay talikod dito.

"Mukha ba akong aswang? Bakit naka talikod ka?" tanong niya.

"Hindi ako nakikipag usap sa mga panget." sabe ko habang naka talikod...

"Naiinis na ako sayo ha., kung maka panget ka., akala mo ang ganda mo panget ka rin uy." iritang sabe nito..

"Edi its a tie." sagot ko...

"Ang laki ng galit mo sa mundo miss." inis nitong sabi.

"Wala akong galit sa mundo., sayo meron...

Inis na inis din ako sa Shohoku lalo na sa number 14 na Mitsui ang pangalan napaka bantot naman ng name. Hindi na lang kasi lumayas nakikipag usap pa sa akin.

Umalis naman ito dahil napikon sa sinabi ko.. wala ka pala eh!!! Sanay na ako makipag away sa mga lalaki dahil hindi naman ako natatakot dahil alam ko naman di nila ako papatulan dahil subukan lang nila lalaban talaga ako...

"Ano uuwi na ba tayo?" ngiting tanong ni Sendoh..

"Umuwi ka mag isa mo bwesit ka eh..

"Bakit ka ba nagagalit maganda naman yung wish mo para kay Koshino hehehe...

"Tatamaan ka na talaga sa akin eh.. huling beses na to na sasama ako sayo...

"Wag naman., bati na tayo dali na bili kita chocolate..

Hindi ko alam kong matatawa ako dahil napaka kulit ni Sendoh., pero napaka lambing naman kaya kahit na galit ako nawawala yun dahil sa kakulitan niya..

"Wag na umuwi na lang tayo dahil gusto ko na matulog." sabe ko..

"Maiiwan ako dito kasi dito ako matutulog kanila Koshino hehehe...

"Paano ako!?..

"Kinausap ko si Maki na ihatid ka., okay naman daw sa kanya....

"Mapapatay na talaga kita Sendoh.. lumayas ka sa harap ko baka di na talaga kita matansya mapatay kita..

"Close naman na kayo ni Maki eh., sige na pareho naman kayo ng way., para may kasabay ka hanggang sa inyo hehehe..

"Uuwi na lang ako mag isa kaya kong umuwi kahit mag isa lang ako...

Naiinis akong tumalikod kay Sendoh sa sobrang inis. Ayokong magpahatid kay Maki dahil di naman kami close nun,. Isa pa di kami magka schoolmate nun badtrip talagang Sendoh na yan., hinding hindi kita papansinin bukas bwesit ka.