Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 16 - CHAPTER 16

Chapter 16 - CHAPTER 16

Hinayaan ko na lang si Maki na yakapin ako dahil wala rin naman akong magagawa kahit pumiglas ako., Hindi ko lubos maisip na ang taong kinaiinisan ko kayakap ko ngayon at kasama..

"Maki mainit ka.,..

"Ayos lang ako..

"Maki kukuha ako ng gamot baka tumaas yang lagnat mo..

Bumitaw naman ito dahil sa sinabi ko., kahit naman masama akong tao may konsensya pa rin naman ako. Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng gamot., pagbaba ko nakita kong nakapikit si Maki..

Napaka sarap nyang pag masdan., lalaking lalaki rin siyang tignan at napaka ganda ng mata niya., ang bait niyang tignan kapag tulog., Gwapo rin si Sendoh pero hindi malaki ang katawan niya hindi katulad ng kay Maki..

Gusto kong tignan kung may abs ba siya kaso baka magising., bahala na.! Isang mata lang lord., titignan ko lang promise..

Dahan dahan ko inangat ang damit ni Maki para makita kung may abs ba siya., wala naman masama dun eh., Malapit ko na makita ng biglang mag salita si Maki.

"Anong ginagawa mo?..

"Wala..

"Anong wala? Pinagsasamantalahan mo ako..

"Hindi kaya! naisip ko kasi na basa yang damit mo., kaya gusto ko palitan ka., kaso tulog ka kaya di na." pag dadahilan ko..

"Hehehe Ikaw ha..

"Mali ka ng iniisip sakin Maki..

"Wala naman akong iniisip sayo. pero kung gusto mo sabihin mo lang willing naman akong ibigay yun basta para sayo...

Lintik naman bakit ba nagkaka ganito ako., Unang una wala naman akong gusto kay Maki pero iba ang nararamdaman ko nakakainis lalo na kapag ngumingiti siya..

"Sige na matulog ka na., para gumaling ka..

"Tabihan mo ako hehehe.

"Manigas ka Maki., wag mo ko sagarin di pa tayo okay...

"Okay Hon..

Tae naman ohh hindi na tuloy ako mapakali dahil sa kanya. Nagluto na lang ako ng mainit na soup para sa kanya.,sa totoo lang first time kong gawin ito sa lalaki dahil never ko pang nagawa ito kay Sendoh., kahit na nga ang tagal na namin mag kaibigan..

Pag dating ni Mama imbes na magulat natuwa pa ng makita si Maki na nakahiga sa sofa., Hindi ko alam bakit gusto ni Mama kay Maki ang tingin kasi niya kay Maki mabait na tao well!! sige na nga mabait na kung mabait...

"Anak bakit di mo pinagpalit ng damit si Maki?" tanong ni Mama..

"Hindi ko naman pwede ibigay sa kanya damit ko Ma., pang babae yun magmumukhang bakla yan..

"Ikaw talaga., ang ibigay mong damit yung sando., may jersey ka ni Sendoh di ba!? dapat pinasuot mo muna sa kanya para hindi lamigin ang likod nito..

"Satomi please wag mo kong iwan.." mahinang sabe ni Maki habang nakapikit.

Nagulat kami ni Mama dahil binanggit ni Maki ang pangalan ko o baka ibang Satomi yun! baka hindi ako., nanaginip din pala siya pero hindi siya nag hihilik kakaiba hahaha..

"Mama nagluto ako ng soup para kay Maki., kukunin ko lang yung jersey ni Sendoh..

Pag akyat ko naisip ko kung kasya ba kay Maki itong jersey ni Sendoh ang laki kasi ng katawan ni Maki bahala na nga.. Nagulat ako dahil gising na si Maki at kausap ni Mama.

"Iho gusto mo ba dito kana matulog?" tanong ni Mama

"Hindi pwede Ma." sagot ko.

"Bakit hindi pwede?" tanong agad ni Mama.

"Wala siyang tutulugan dito Ma., sa labas malawak dun na lang siya..

"Uuwi ako tita." sabe ni Maki.

Napaka seryoso na ng mukha nito hindi katulad kanina na masaya.,bakit kaya? Naiinis ako dahil hindi ko alam kung galit ba siya sakin o hindi badtrip..

"Kumain ka na para makainom ka ng gamot.." mahinang sabi ko..

Sinamahan ko si Maki sa kusina habang nag aayos naman ng gamit si Mama.

"Masarap ba?" tanong ko..

"Pwede na..

"Anong pwede na? ayusin mo yang sagot mo..

"Hehehe pwede na., pwede kana mag asawa.,

"Luko-loko ka talaga eh kumain ka na nga..

"Kumain ka rin o baka gusto mong subuan pa kita..

"Oo na kakain na..

Alam ko kasing pag di ko ginawa alam ko na mangyayari., dahil ibang klase si Maki pag sinabi niya gagawin niya. Sabay kaming kumain., nakatitig naman siya sakin kaya di ako makakain ng maayos...

"Maki wag mo kong titigan." naiinis kong sabi.

"Kiss pwede hehehe

"Gusto mo sapak? kumain ka na pasalamat ka may sakit ka...

"Ang ganda mo Satomi." puri ni Maki sakin.

"Alam ko yun matagal na...

"Lakas ng fighting spirit mo hehehe..

"Kakain ka ba o paduduguin ko yang nguso mo., ang daldal mo.

"Hehehe hindi ako makakain nakaka kita kasi ako ng anghel...

"Pag di ka pa kumain makakakita ka talaga ng anghel., madaming madaming anghel...

"Alam mo napapasaya mo ako...

"Bakit! dahil sa luto ko?

"Hindi., dahil sa yakap mo..

Hindi na ako makapag salita dahil lalong lumakas yung pintig ng puso ko., Iba ang nararamdaman ko., hindi naman ako ganito pag kasama si Sendoh pero iba kay Maki. Hindi ko alam imbes mainis ako sa kanya tuwa yung nararamdaman ko., bakit ganito...