Pagpasok ko sa school maaga pa kaya hindi pa nag simula ang exam. Iniisip ko parin si Maki bakit bigla siyang nagbago sakin. Ayoko sumagot ng hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero alam kong may puwang siya dito sa puso ko...
Naiiyak ako pero di ko pwedeng ipakita sa mga classmate ko dahil alam kong tatanungin nila ako. Sana mabalik namin yung dating samahan na masaya lang yung puro tawa lang..
Nagsimula na ang exam namin pero walang pumapasok sa utak ko kundi si Maki. Ano ba yan Satomi. Importante sakin ang grades pero ngayon mas importante na ata si Maki. lintik naman bahala na maging bokya minsan lang naman..
Pagkatapos ng exam umuwi na ako dahil ayoko na makita si Sendoh kasi alam ko naman na aasarin lang ako nun. Minsan naisip ko ang malas ko dahil lahat na lang ng taong mahal ko iniiwan ako.
Umiiyak ako habang naglalakad wala akong pakialam kung pag tinginan nila ako! bakit ba... naiiyak ako eh ang sakit naman kasi talaga...
"Ang sakit sakit na ayoko na mabuhay sa mundo." sigaw ko dahil ang sakit na talaga..
"Bakit ka umiiyak?..
Nagulat ako dahil nakita ko si Maki. Pagkakaalam ko nasa school siya bakit nandito siya? Napaka saya ko dahil nakita ko siya gusto ko siyang yakapin sa sobrang saya...
"Hindi mo kasi ako pinapansin." umiiyak kong sabi...
"Ano yung sinisigaw mong masakit?" tanong nya..
"Sakin na lang yun." sagot ko...
"Sabihin mo sakin Satomi kung ayaw mong halikan kita rito...
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" inis kong tanong
"Hindi yan ang gusto kong marinig mula sayo...
"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sayo Maki pero may puwang ka sa puso ko.,..
"Eh si Koshino may puwang rin ba sa puso mo?...
"Wala...
"So ako lang?...
"Oo...
Niyakap ako ni Maki ng mahigpit. Napaka sarap ng yakap niya lalo na kapag hinahagod niya yung kamay niya sa likod ko.,
"Mahal kita Satomi ayoko mapunta ka sa iba! sabihin mo ng selfish ako pero di kita ibibigay sa iba. Ipagdadamot kita kahit di mo pa ako boyfriend...
Kinilig ako sa sinabi ni Maki. Ang sweet naman kasi nya sobra.
"Sorry Maki...
"Patatawarin ko lang ang sorry mo kung ikikiss mo ko hehehe..
"Ayoko nga manigas ka. Umiral na naman yang kabastusan mo eh...
"Hehehe ikaw naman parang kiss lang di mo pa mabigay..
"Ayoko baka mamaya di ka pa nag tooth brush." nang aasar kong sabe sa kanya.
"Loko ka talaga pasalamat ka mahal kita...
Natutuwa ako dahil bumalik kami sa dati nawala yung sakit ng nararamdaman ko. Masaya ako kapag nakikita siyang masaya dahil sakin at masaya rin ako kapag masaya sya...
"May practice game kami laban sa tatlong team Shoyo, Ryonan at Shohoku gusto ko manood ka para ganahan ako mag laro...
"Magaling ka naman kahit di na ako manood..
"Pag di ka nanood baka magka girlfriend ako dun ikaw rin. Mawawalan ka ng Maki sa buhay mo hehehe..
"Aba tinakot mo pa talaga ako. Bahala ka kung magka girlfriend ka gusto mo kasi nakikita akong umiiyak eh..
"Sino nagsabing gusto kitang makitang umiiyak? Marami man babaeng nakakapaligid sakin sayo lang titingin ang mga mata ko., lalong lalo na ang puso ko...
"Wee talaga ba? Ayusin mo Maki dahil puputulan talaga kita...
"Anong puputulin mo sakin?" tanong nya habang tumatawa...
"Basta umayos ka wag mo kong tawanan..
"Maayos naman ako goodboy nga ako lage hehehe..
"Wee hindi halata!, bastos nga ng utak mo eh..
"Hehehe alam mo ba kung bakit?
"Bakit?" tanong ko..
"Ang ganda mo kasi. Pag nakikita kita para akong nasa langit..
"Bwesit ka ayusin mo yang bibig mo. Paduduguin ko yan...
"Alam mo ba ngayon lang ako naging masaya ng sobra at dahil yun sayo.,..
"Masaya rin ako Maki dahil sayo kahit ang bastos mo..
"Hehehe.. I love you Hon..
"Tigilan mo ko Maki sa kaka Hon mo.. Satomi ang itawag mo sakin..
"Mamili ka ikikiss kita o Hon itatawag ko sayo hehehe..
"Kung sinasapak kaya kita? Wala akong pipiliin puro pabor sayo eh...
"Satomi wag ka na magpapaligaw sa iba. Akin ka lang..
"No choice naman ako...
"Lugi ka ba? Malaki naman to hahaha...
"Taragis ka Maki yang bibig mo ang bastos talaga nakakainis..
"Ano ba kasing malaki ang iniisip mo hehehe.,
"Ewan ko sayo..
"Hehehe...
Masaya ako dahil nakita ko ulit ang ngiti ni Maki. Napaka sarap sa pakiramdam kapag okay kami ayoko ng mag isip ng kung ano ano basta ang alam ko sobrang saya ko sa kanya..