Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 23 - CHAPTER 23

Chapter 23 - CHAPTER 23

Malapit na matapos ang 1st half pero wala akong pakialam natutuwa kasi akong makipag usap sa tatlo kahit na ngayon ko lang sila nakilala. Napaka bait ni Sasaki, Ayako at Haruko kaya di na rin nakakapag taka na magustuhan ni Fujima si Sasaki dahil maganda na mabait pa.

Tapos na ang 1st half kaya nagpasya ang coach na kumain muna bago ituloy ang 2nd half. Masayang lumapit si Fujima kay Sasaki ganun din si Ryota kay Ayako napaka sweet tignan nung apat samantalang si Haruko walang partner bakit kaya? Maganda naman si Haruko pero bakit walang may gusto sa kanya..

"Gutom ka na ba?" tanong ni Maki..

"Hindi pa naman. Magpunas ka ng pawis mo basang basa ka." utos ko..

"Punasan mo ko please hehehe." paglalambing ni Maki na parang bata.

Natatawa na lang ako dahil di bagay sa kanya. Pinusan ko siya dahil ayoko naman matuyuan siya ng pawis baka magkasakit nanaman..

"Ang sweet naman ni Hon." pang aasar ni Sendoh.

"Punasan mo rin ako Hon.." pang gagaya ni Mitsui.

"Ito Hon halika...

Natatawa ako kay Sendoh at Mitsui dahil pinunasan nila ang isat isa na Hon ang tawagan. Mga loko loko talaga., natatawa din sila Fujima at Ryota dahil ginagaya ni Sendoh at Mitsui ang ginagawa namin ni Maki..

"Nung nakaraan si Fujima ngayon si Maki naman!. sana sa susunod ako naman ang magkaron ng girlfriend." nalulungkot na sabi ni Kiyota..

"Wala kanang pag asa unggoy." pang aasar ni Sakuragi..

"Saan tayo? Gutom na ako." tanong ni Mitsui..

"Saan paba edi sa restaurant nila Uozumi hehehe." ngiting sabi ni Sendoh..

"Tara gutom na rin ako." sabe din ni Sakuragi.

"Wala ka naman ginawa nagutom ka. Ibang klase talaga sikmura mo." sabi ni Kiyota at tumawa lang si Sakuragi.

Natatawa ako mag asaran sila Kiyota at Sakuragi ganito pala sila kapag magkakasama. Ang saya pala kapag close lahat ng team para silang one big happy family tapos ang tatay si Maki ang nanay si Sendoh tutal maingay siya eh hahaha..

"Bakit ka tumatawa mag isa?" tanong ni Maki..

"Ha? hehehe wala lang." sagot ko..

Para na tuloy akong baliw natatawa ako sa iniisip ko. Nakakahiya tuloy kay Maki.

Sumama sa amin ang tatlong coach para ilibre ni Uozumi. Napaka bait ni Uozumi ganun din si Akagi matured na matured sila mag isip hindi katulad nila Sakuragi Sendoh Kiyota Mitsui at Ryota syempre hindi kasama dun si Maki hehehe..

"Maki pwede bang pa autograph..

"Sige." sagot ni Maki sa babae..

"Maki pwede rin ba payakap." kinikilig naman ng isang babae..

"Hindi pwede may asawa na ako eh." sagot ni Maki..

"Kanina lang girlfriend ngayon asawa na. Iba talaga kapag magaling eh hehehe." nakangiting sabe ni Sendoh..

"Kasal ka na Maki? High school ka pa lang di ba?" takang tanong ng babae..

Hindi ko alam kung nasaan ang utak ng babaeng to. Obvious naman na hindi totoo ang sinabi ni Maki., Itong isa naman ang sarap bangasan ng mukha kundi ka ba naman talaga ma-high blood.

"Miss pasensya ka na loyal ako sa asawa ko.," sabe ni Maki saka iniwan yung babae habang hawak hawak ang kamay ko..

"Ibang klase ka rin eh. Una pinakilala mo kong girlfriend ngayon asawa na., baka bukas may anak na tayo." inis kong sabi..

"Gusto ko yun. Tara gawa na tayo hehehe." ngiting sabi ni Maki..

Hindi nalang ako nagsalita at tinignan nalang sya ng masama. Sama sama kaming lumabas ng gym para pumunta sa restaurant nila Uozumi., kitang kita ko kung paano protektahan ni Fujima si Sasaki napaka sweet nito kay Sasaki kitang kita mo sa kanila na mahal nila ang isat isa..

"Congrats Maki." ngiting bati ni Koshino..

Nakita ko sa mukha ni Koshino ang lungkot dahil buong akala nya kami na talaga ni Maki. Wala na rin naman kasi akong magagawa magpaliwanag man ako kitang kita naman na ang ebidensya., magka holding hands pa kami ni Maki kaya iisipin talaga nila na kami na nga ni Maki..

"Salamat Koshino. Galit ka ba sakin?" tanong ni Maki

"Hindi Maki. Alam ko naman na mahal ka ni Satomi at kita ko yun kaya masaya ako para sa inyo." ngiting sabi ni Koshino..

Niyakap ni Maki si Koshino na parang kapatid. Ang ganda nilang pag masdan dahil akala ko mag aaway sila hindi pala., kahit na ibang team si Maki at Koshino hindi nila tinuring na ibang tao ang isat isa...

"Uozumi malayo pa ba tayo gutom na gutom na ako eh." reklamong sabi ni Mitsui..

"Bakit kasi tayo nag lakad." iritang sabi ni Kiyota..

"Exercise ang tawag dyan unggoy para tumangkad ka whahaha." pang aasar ni Sakuragi..

"Tumahimik kang panget ka." naiinis na sabi ni Kiyota..

"Puro kayo reklamo sila coach nga naglalakad eh." sabe ni Akagi..

"Satomi paano kayo nagka kilala ni Maki? kung di ka sa Kainan nag aral?" tanong ni Ryota.

"Hindi talaga kami close nyan. Ayoko nga sa kanya ang panget kasi niya lalo yung kulay niya kulay black tapos arogante pa." kwento ko.

Halos mag tawanan sila sa sinabi ko. Alam ko naman iniisip nila na laitera ako pero yun naman talaga ang totoo di ako sinungaling na tao kaya sasabihin ko kahit kaharap pa si Maki..

"Napaka totoo mo Satomi. Magiging magkaibigan tayo hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi..

"Kaya nga love ko yan kasi totoo siya. Wala syang pakialam kahit nandito ako di ba Hon." napapakamot na sabi ni Maki.

"Wow Hon. Fujima ano tawagan nyo ni Sasaki!?" tanong ni Kiyota..

"Babe hehehe." sagot ni Fujima..

Halos magtawanan ang team sa sinabi ni Fujima.

Nakarating kami sa restaurant nila Uozumi at inasikaso agad nya ang tatlong coach katulong si Akagi.

"Bakit ayaw ni Rukawa pumasok?" tanong ni Mitsui

"Ayaw ata kumain." sagot ni Ayako..

Para siyang may sariling mundo hindi siya nakikipag usap sa team nya. Pinuntahan ni Sasaki ang kuya niya para hikayatin itong pumasok at kumain..

"Ayaw ni kuya kumain." nahihiyang sabi ni Sasaki..

"Sige ako na kakausap Sasaki maupo ka na kulang lang yun sa halik." birong sabi ni Sendoh..

Hindi ko alam kung abno ba talaga si Sendoh ang lakas ng tama kahit sino walang pinapalagpas kahit na ba si Rukawa. Masaya ang team dahil napaka sarap ng pagkain nila Uozumi sulit na sulit talaga.