Naupo ako sa tabi nila Ayako imbes na sa mga classmate ko mas gusto ko kasi sila kasama hehehe. Gusto kong makita sila Maki pero hanggang ngayon wala parin sila.
Nagulat pa ako ng mag salita si Kiyota kaya ibig sabihin nandito na ang team ng KAINAN. Nagtataka naman ako kung bakit nasa stage si Kiyota kasama si Jin.
"Magandang gabi sa inyong lahat ako nga pala si Kiyota at ito naman si Jin. Kaya tayo nandito dahil alam niyo naman kung sino ang may kaarawan ngayong araw. Walang iba kundi si Satomi Takara., batiin naman natin sya ng happy birthday." sabi ni Kiyota
"HAPPY BIRTHDAY SATOMI." bati ng lahat sa akin.
Si Kiyota ang parang naging emcee pero di ako sure siya kasi ang nagsasalita sa harap. Ang saya pala mag birthday kapag maraming tao..
"Satomi Takara pwede mo ba kaming samahan sa stage." utos ni Jin..
Halos lahat nagtitilian dahil kay Jin at Kiyota dahil napaka gwapo nilang dalawa first time ko silang makitang naka polo at ang cute nila.
Umakyat ako sa stage para samahan sila tulad ng utos ni Jin.
Lumabas si Maki kasama ang Mama ko at ang magulang ni Maki nagtaka tuloy ako dahil ang sabi niya nasa bakasyon ang parents niya. Shit ang hot ni Maki jusko lord baka mahalikan ko to ng walang sa oras. Kinuha ni Maki ang mic kay Jin at nag salita ito
"Tita ako po si Shinichi Maki at ito naman po si Mama at Papa. Nag aaral po ako sa KAINAN isa po akong basketball player at captain. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na kung papayag kayong pakasalan ang anak niyong si Satomi Takara., ipinapangako ko po na hindi ko siya sasaktan kahit anong mangyari. Mamahalin ko po ang anak niyo tulad ng pagmamahal nyo sa kanya at hindi ko po hahayaan na mag isa siya habang buhay." seryosong sabi ni Maki.
Nakakaiyak ang mga sinabi niya sobrang natotouch ako sa mga binitiwan niyang salita. Napaka sarap marinig yun lalo na sa taong mahal na mahal mo.
"Anak Maki kahit hindi mo pa sabihin yan gustong gusto kita para sa anak ko dahil kitang kita ko sa kanya kung gaano siya kasaya sayo. Kung balak mo siyang pakasalan hinding hindi kita tututulan sa desisyon mo dahil nakikita ko sayo na napaka bait mong bata." nakangiting sabi ni Mama..
"Salamat po tita." sabi ni Maki.
Humarap si Maki sa akin at lumuhod ito! shit talaga baka di ko na kayanin kung ano sasabihin niya. Napaka sweet niya sobra..
"Satomi Takara alam mo kung gaano kita kamahal kahit buhay ko ibibigay ko sayo! wag ka lang mawala sakin. Handa akong maghintay kahit gaano katagal basta makasama lang kita. Uulitin ko yung tanong ko sayo dati dahil gusto kong marinig nilang lahat. Satomi will you marry me?" seryosong tanong ni Maki.
"Oo Maki pakakasalan kita kahit saan pa yan basta makasama lang kita. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng dumating ka sa buhay ko., niyanig mo yung natutulog kong puso. Alam kong di ko kayang suklian lahat ng ginawa mo para sa akin pero isa lang ang alam ko sigurado ako sa nararamdaman ko sayo. Mahal kita Maki." naiiyak kong sabi.
"Ang sweet nyo." sigaw nila Sendoh.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ba sabi ko sayo ayokong makikita na iiyak ka. Tahan na mahal na mahal kita Satomi tandaan mo yan. Hinding hindi kita ipagpapalit sa iba kahit anong mangyari..
Niyakap ako ni Maki kahit na kaharap ang mga magulang niya at magulang ko. Nag hiyawan naman ang mga bisita at ang team dahil sa amin ni Maki.
"May tinatago pa lang ka sweetan yan si lolo hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi.
"Kapag nainlove ka Hanamichi hahamakin mo rin ang lahat makuha mo lang." natatawang sabi ni Ryota.
"Napaka ganda mo naman miss." ngiting sabi ni Maki sa akin.
"Matagal ko ng alam yan mister." sagot ko naman.
"Yan ang gusto ko sayo eh lakas ng fighting spirit hehehe..
Nag usap sila Mama at ang parents ni Maki. Napaka ganda nilang tignan kasi kahit di kami mayaman di kami minaliit ng parents ni Maki. Ang iba kasing mayayaman matapobre lalo na kung mahirap ka pero ang parents ni Maki hindi tumitingin sa katayuan ng iba pareho sila ni Maki.
"Ang sweet nila sino kaya susunod." ngiting tanong ni Sendoh.
"Palagay ko si Rukawa." pang aasar ni Sakuragi.
"Wag mo kong kausapin gung-gung." inis na sabi naman ni Rukawa.
"Sila na ba ni Maki?" tanong ni Takano
"Hindi pa pero asawa na siya ni Maki. Ang labo" napapakamot na sabe ni Kiyota.
"Ang bilis pala nyang si Maki." singit ni Fujima.
"Mabilis ka rin naman Fujima." sabat ni Ryota.
"Basta kay Sasaki mabilis ako hehehe." ngiting sabi ni Fujima.
Napaka sarap pa lang mainlove ayoko ng matapos tong gabing to para akong nasa panaginip at ayoko ng magising. Mula ng dumating si Maki sa buhay ko masayang masaya ako. Hindi niya lang alam kung paano niya ako napasaya ngayon sobra sobra ang ginawa niya.
"Mabuhay ang mga single." sigaw ni Sendoh..
"Sendoh single ako." ngiting sabi ng babae..
"Mabuhay ka." sagot ni Sendoh habang tumatawa.
Luko luko talaga si Sendoh pero kung di dahil sa kanya hindi malalaman ni Maki ang birthday ko saka na ako magpapa-salamat sayo dahil sa ginawa mo sakin Sendoh tunay kang kaibigan kahit bully ka.