Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 34 - CHAPTER 34

Chapter 34 - CHAPTER 34

Hindi ako natulog at kumain para lang bantayan si Maki dahil gusto ko pag gising nya ako agad ang makita niya. Pangako ko na habang buhay ko siyang mamahalin kahit anong mangyari walang papalit sa kanya sa puso ko.

"Anak kumain ka na muna." mahinang sabi ng Mama ni Maki sakin.

"Mama hindi po ako nagugutom dito lang po ako sa tabi ni Maki." malungkot kong sabi..

"Hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo Satomi dahil kapag nagising si Maki magagalit yun sayo dahil nagpapabaya ka sa sarili mo." pag aalala naman ni Ayako sakin.

"Tama ang kaibigan mo Anak kumain ka kahit konti. Hindi matutuwa si Maki kapag nagkaka ganyan ka." sang ayon ng Mama ni Maki sa sinabi ni Ayako..

"Kakain lang po ako Mama kapag nagising na si Maki." sagot ko..

"Maki gumising kana nandito na ako please. Alam mo ba masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Pakasal na tayo hehehe kaya dapat lumaban ka para maasar na ulit kita. Sabi mo sakin dati wag ako magpapaligaw dahil gusto mo sayo lang ako., Maki hindi ako magpapaligaw kasi ikaw lang nakikita ng puso ko ikaw lang din ang mahal ko. I love you Hon ayan tinawag na kitang Hon di ba ayaw na ayaw ko magpatawag ng Hon sayo pero ngayon okay lang kahit araw araw mo pa akong tawaging Hon basta gumising ka lang." umiiyak kong sabi..

Nasasaktan ako sobra hindi ko makita ang future ng hindi ko sya kasama. Gusto kong makatapos ng kasama siya gusto kong tuparin ang pangarap ko na kasama siya. Gusto ko rin makita sya na maglaro ulit kasama ang team. Ayoko syang makitang nakahiga at ganito ang kalagayan...

"Sigurado maririnig ni Maki lahat ng sinabi mo Satomi." sabi ni Hanagata habang nakatingin samin ni Maki.

"Sabi ng mama ko hindi naman daw lahat ng commatose hindi na nagigising may posibilidad pa nga silang magising basta kausapin lang sila." paliwanag ni Haruko..

"Oo yan din ang alam ko tulog man sila pero naririnig nila yung mga sinasabi natin." sagot ni Sasaki..

"Wag kana malungkot gigising si Maki." sabi ni Koshino na pinapalakas ang loob ko.

"Salamat sa inyo. Sobrang saya ko na nakilala ko kayong lahat." humihikbi kong sabi.

"Masaya rin kami Satomi na nakilala ka namin." ngiting sabi ni Ayako.

"Pag nagising yan si Maki sigurado pakakasalan kana agad niyan baka nga bukas gising na siya eh." sabi ni Sasaki at ngumiti naman ako.

Akala ko sa basketball basta laro lang hindi pala ganun may pagkakaibigan pa lang nabubuo na may ituturing mong parang pamilya mo lalo na kapag kailangan mo. Tulad ngayon di nila iniwan si Maki at ako.

"Haruko umuwi kana muna sa bahay ako na muna dito sabihin mo na lang kay Mama at Papa na may emergency." seryosong sabi ni Akagi sa kapatid nya.

"Sige kuya." sagot ni Haruko.

"Walang maghahatid sa kanya?" tanong ni Hanagata.

"Kuya Kaede hatid mo naman si Haruko." pakiusap na sabi ni Sasaki.

"Hatid mo daw." sabay tulak ni Ayako kay Rukawa.

Walang makitang reaction sa mukha ni Rukawa dahil napaka seryoso nito. Nakatingin naman si Koshino at Hanagata kay Rukawa kung ihahatid niya ba si Haruko o hindi.

"Tara na." sabe ni Rukawa sabay labas.

Hindi niya hinintay si Haruko dahil nauna na itong lumabas ng kwarto. Grabe hindi talaga siya sweet at walang ka roma-romantic sa katawan kawawa si Haruko sa kanya..

Pag labas ni Haruko sila namang pasok nila Sendoh at halata sa kanila ang galit at pagod.

"Anong nangyari sa mukha mo Ryota?" tanong ni Ayako.

Halos lahat sila may pasa sa mukha pati si Fujima si Sakuragi lang ata ang wala. Hindi kaya nakipag away tong mga to naku naman..

"Ipinag higanti namin si Maki." sagot ni Ryota.

"Kilala na namin kung sino gumawa sa kanya nito., Hindi ko na sana bubuhayin kaso may awa parin ako." galit na sabi ni Mitsui.

"Isang sikat na player si Hataki Zeku sa ibang bansa at umamin siya na ginawa niya yan kay Maki dahil sa inggit." paliwanag ni Sendoh..

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ni Sasaki..

"Nakakulong na pati ang grupo niya may gang si Zeku kaya hindi talaga kaya ni Maki kung sya lang mag isa." sagot ni Fujima..

Natouch ako sa ginawa nila para kay Maki. Saan ka makakakita ng kaibigan na kahit hindi magkaka school mate pero kung magturingan parang pamilya. Ang SHOHOKU, SHOYO, RYONAN at KAINAN masasabi kong solid sila pag nagsama sama ibang klase friendship parang pamilya.