Pagkatapos namin kumain niyaya ako ni Maki sa garden. Hindi lang naman kami ang nandun dahil nandun din sila Fujima, Sasaki Ryota at Ayako. Kahit di sabihin ni Ayako na hindi nya gusto si Ryota kitang kita kung paano siya mag malasakit dito.
"Nakangiti ka nanaman mag mag isa." puna ni Maki sakin na kanina pa pala nakatingin.
"Ang ganda kasi pagmasdan nila Ryota at Ayako. Kung titignan mo parang sila." sabi ko habang nakatingin kanila Ayako.
Hindi naman nagsalita si Maki at tumingin din ito kanila Ayako na sweet na sweet sa isat isa. Ewan ko pero parang lang lahat naman sila sweet kapag nagmahal torpe nga lang ang iba sa kanya. Hindi tuloy mawala sa isip ko yung sinabi ni Koshino kay Sendoh na may crush daw ito.
"Maki nasabi na ba ni Sendoh sayo na naka-kulong na yung gumawa sayo nyan." bungad ni Fujima.
"Naiintindihan ko naman sya kung bakit nya nagawa yun." seryosong sabi ni Maki.
"Sya ang dahilan kung bakit ka nasaksak at may sugat, siya rin ang dahilan kung bakit ka naospital! tapos sasabihin mo samin na naiintindihan mo sya., siraulo ka ba?" naiinis kong sabe kay Maki.
"Hindi masamang tao si Zeku kahit na may gang sya. Naging magkaibigan kami dati pero ng manalo ako sa basketball hindi niya yun matanggap. Iisa lang ang gusto namin ang manalo dahil sa inggit ginawa nya yun iniisip nya na ako ang sumira sa mga pangarap niya." paliwanag ni Maki.
"Pero di naman niya kailangan gawin yun sayo Maki ng dahil lang sa inggit o di sila nanalo." naiinis ding sabe ni Sasaki.
"May mga tao talagang hindi tanggap ang pagkatalo nila kaya nila nagagawa yun. Ang basketball ang buhay ng ibang players katulad ni Zeku at pati ako pero nung dumating ka siguro ikaw na lang babe." ngiting sabi ni Fujima.
"Salamat babe." kinikilig na sabi ni Sasaki.
"Alam mo na gagawin sayo to di ba? kaya pala nagpapaalam ka sakin nung maghiwalay tayo. Bakit di mo sinabi sakin Maki?" tanong ko sa kanya.
"Hon naman..
"Wag mo kong ma Hon Hon sagutin mo tanong ko." pagtataray ko.
"Bago sinabi ni Sendoh sakin na birthday mo alam ko na yun kaya hindi ko sinabi dahil natatakot akong saktan ka nila. Hon hindi ko kayang may mangyari sayo mas okay ng saktan nila ako wag ka lang sorry kung di ko sinabi sayo dahil ayoko na mag alala ka pa sakin." sabi ni Maki.
"Iniisip mo ko pero sarili mo naisip mo ba? Paano kung namatay ka paano ako Maki? Naisip mo rin ba yun? Kung mahal mo talaga ako sasabihin mo sakin yun dahil ganun ang pagmamahal walang tinatago...
"Sorry." mahinang sabi ni Maki kay Fujima at Sasaki.
"Wag ka mag sorry walang may gusto nun. Habulin mo na at mag usap kayo." utos ni Fujima.
Naiinis ako sa kabaitan ni Maki wala na syang ginawa kundi isipin ako kahit na nga ba masaktan siya. Ganito ba talaga magmahal ang isang Shinichi Maki? dire-diretso akong pumasok sa loob kaya di ko napansin sila Sendoh, Rukawa at Mitsui.
"Satomi." tawag ni Sendoh.
"Wala. Tulog, umalis wag mo ko kausapin." pasigaw kong sabi sa kanya.
"Ang sungit mo nanaman." sabi ni Sendoh habang tumatawa.
"Kinulang sa dugo eh." narinig ko namang sabi ni Mitsui.
Hinabol ako ni Maki sa kwarto namin nila Ayako sa guests room dahil dun kami pinatuloy ng Mama ni Maki.
"Galit ka ba sakin?" tanong ni Maki.
"Hindi ako galit sayo naiinis ako sa kabaitan mo. Ganyan ka ba talaga sa lahat Maki? kahit na masaktan ka wala kang pakialam tignan mo nga ginawa sayo, pero naiintindihan mo parin yung Zeku na yun.! tapos hindi mo sinabi sa akin dahil ayaw mo ko masaktan kahit na nag aagaw buhay kana." naiiyak kong sabi.
"Sorry Hon hindi na mauulit. Ayoko may mananakit sayo dahil baka di ko kayanin mas mabuti ng saktan nila ako wag ka lang. I'm sorry Hon wag kana magalit sakin o mainis dahil di ko kayang ganito tayo." malungkot na sabi ni Maki.
"Mangako ka sakin Maki na magsasabi kana sakin. Hindi ko rin kaya kapag may nangyari pa sayo! ayoko na makita ka pa ulit sa hospital na ganun ang kalagayan. Ayoko mawala ka sakin Maki....
Niyakap ako ni Maki at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan at higpit ng yakap niya sa akin. Hinding hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko kasi mahal na mahal ko sya.
"I love you Hon promise hindi na po ako maglilihim sayo. Iingatan kita at aalagaan tandaan mo yan hinding hindi kita iiwan ng mag isa." bulong ni Maki.
"Salamat I love you din promise mo yan di kana maglilihim dahil kung hindi masasapak na talaga kita may kasama pang tadyak hehehe. Mahal na mahal kita Maki." sagot ko.
"Nakakatakot naman pwede bang kiss na lang hahaha...
"Kiss nanaman tumigil ka Maki aalis na ako..
Humiwalay ako kay Maki sa pagkakayakap para lumabas na pero hinatak niya ako at hinalikan. Nagulat ako ng nilock ni Maki ang kwarto kitang kita ko yun dahil naka bukas ang mata ko habang hinahalikan niya ako.
"Maki bakit mo nilock." tanong ko.
"Para walang istorbo...
Hinalikan ako ni Maki hindi ko alam pero napaka init ng halik nya. Hindi na ako makagalaw sa ginagawa niya dahil napaka higpit niyang humawak sa akin.
"Maki..
"Hahalikan lang kita please kahit ito lang gusto kong masolo kita. Alam mo naman na miss na miss kita.. Nirerespeto kita Satomi kaya wag mo ko pag isipan ng masama magtiwala ka sana sakin." sabe ni Maki.
Pagkatapos niyang sabihin yun hinalikan niya ulit ako. May tiwala ako kay Maki dahil alam kong pag sinabi niya ginagawa niya dahil may isang salita siya.
"Maki buksan mo to kung ayaw mong wasakin namin to." sigaw ni Sendoh.
"Bakit ba?" inis na tanong ni Maki.
"Maglaro tayo nila Rukawa buksan mo to." utos ni Sendoh at hindi naman binuksan ni Maki ang pinto.
"Ayoko maglaro kayo na lang. May ginagawa kami ni Satomi." sagot ni Maki.
"Sali kami hahaha." tumatawang sabi naman ni Mitsui.
Binuksan ni Maki ang kwarto dahil di na siya nakatiis sa kakulitan ni Sendoh. Gulat na gulat kami dahil nandun lahat ng team pati coach.
"Anong meron?" takang tanong ni Maki.
"Nakabuo na ba kayo hehehe." ngiting tanong ni Ryota
"Maki pre grabe ka pakasalan mo muna yan." ngiting sabi rin ni Kiyota.
"Tumigil kayo wala kaming ginawa sa loob." naiinis na sabi ni Maki.
"Hay naku tinawag nyo pa ako wala naman pala." napapakamot na sabi ni Rukawa.
"Coach pati kayo nandito?" tanong ni Maki.
"Sabi kasi nila may palabas daw akala ko naman kung anong palabas kayo pala yun." ngiting sabi ni coach Takato.
Hinawakan ni Maki ang kamay ko palabas para ilayo sa kanila. Abnormal kasi si Sendoh dahil alam kung sya ang may pakana nun.