Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 43 - CHAPTER 43

Chapter 43 - CHAPTER 43

Maaga kami umalis nila Maki dahil may practice game pa sila. Maaga rin akong nakarating ng school kaya tumambay na lang muna ako sa library dahil wala parin ang mga friend ko at mga classmate ko. Nasa library ako pero ang utak at isip ko nasa laro nila Maki hindi ako mapalagay dahil kasama nya si bruha. Malaki naman ang tiwala ko kay Maki pero dun sa babaeng yun wala kahit na ba kababata nya si Maki.

"Satomi...

"Ikaw pala yan Shacha ang aga mo hah." sabi ko ng makita si Shacha.

"Nakakapanibago ka di ka naman nagpupunta ng library kaya nagulat ako bakit nandito ka hehehe. Kumain kana ba Satomi? kain muna tayo treat kita habang wala pang klase." pagyaya ni Shacha.

Pumunta kami ni Shacha sa canteen para kumain kahit busog pa ako hehehe minsan lang din kasi sya magyaya kumain tapos libre pa nya. Napakaraming binili ni Shacha para samin dalawa hindi ko alam kung kaya kong ubusin to lahat pero natutuwa naman ako sa dami ng pagkain kaligayahan ko kasi ang kumain.

"Alam mo ba Satomi hindi ko na maipagpapatuloy ang pag aaral ko dito." malungkot na sabi ni Shacha..

"Bakit naman..

"Kasi gusto ng Papa ko sa Toyotama na ako mag aral. Ayoko sana tanggapin kaso si papa na nagpasa ng application para sa akin...

"Sana tinapos mo na lang ang high school mo dito sa Ryonan bago ka nag transfer. Nakakalungkot naman dahil akala ko sabay sabay tayong ga-graudate..

Nalulungkot ako dahil aalis na si Shacha kahit nag away kami dati dahil kay Maki tinuring ko syang totoong kaibigan. Nakakalungkot lang dahil akala ko sama sama kaming magtatapos gusto ko maging memorable ang high school ko na kasama sila.

"Sinabi ko yun kay Papa pero ayaw nya wala naman akong magagawa kundi sundin sila. Satomi mamimiss kita kahit na ibang school na tayo kaibigan parin kita di yun magbabago..

"Oo naman Shacha di magbabago yun kaso naman iniwan mo ko. Gusto ko pa naman maka graduate na kasama kayo nila Tetsuki...

"Wag kana malungkot Satomi kapag may free time ka o kaya ako pwede tayo magkita nila Tetsuki. Alam mo mamimiss ko tong school, ang gym at ang mga basketball player na sila Sendoh. Ang saya kasi pumasok lalo na kapag late na tayo tapos sabay sabay tayong pagagalitan hehehe...

"Nakakaiyak ka naman Shacha parang ayoko tanggapin na aalis kana..

Niyakap ako ni Shacha at pareho kaming umiyak, para kaming baliw umiiyak kami na tumatawa. Hindi na namin alintana ang mga tao na kumakain sa canteen basta ang alam namin masaya kami na malungkot. Masaya ako dahil naging totoo sa akin si Shacha nag away man kami dati atleast natanggap nya ang kamalian nya at nag sorry sya sa akin.

Sabay kaming pumunta sa classroom na magkahawak ang kamay ang sweet namin di ba. Hindi pa alam ng ibang mga classmate ko na aalis na si Shacha at sigurado akong malulungkot din ang mga ito kapag nalaman nila.

"Good morning class." bati ni Mam Liez

"Good morning Mam." bati naming lahat.

"May gusto akong sabihin sa inyo si Shacha ay hindi na dito mag aaral mag ta-transfer na sya sa ibang school. Sikat din ang school na papasukan nya dahil nagturo din ako sa school ng Toyotama kung saan papasok si Shacha." sabe ni Mam Liez at biglang nalungkot ang mga classmate ko.

"Aalis kana? Hindi ba walang iwanan?" nalulungkot na sabi ni Tetsuki.

"Nakakainis ka naman Shacha." nalulungkot ding sabi ni Mayuki ang class president.

"Shacha magpaalam kana sa kanila." sabi ni Mam.

Pumunta si Shacha sa harap ng malungkot ang mukha. Nag iiyakan naman ang iba kong classmate dahil hindi nila matanggap na hindi na sa Ryonan mag aaral si Shacha.

"Alam nyo masaya ako na sa Ryonan ako nag aral dahil nakilala ko kayo. Napaka sakit para sakin magpaalam dahil ayoko naman talaga umalis dito kaso wala akong magagawa dahil yun ang gusto ng parents ko. Sorry kung diko natupad yung pangako ko na sabay sabay tayo magtatapos sa high school." naiiyak na sabi ni Shacha.

Lumapit kaming lahat para yakapin si Shacha dahil sa totoo lang napaka rami nyang kaibigan dito kahit nga sa kabilang section may kaibigan sya. Kitang kita ang lungkot sa lahat ng classmate ko maging ang teacher namin malungkot din dahil aalis na si Shacha. Hindi ko alam bakit kapag may dumarating may umaalis bakit ganun...

"Mamimiss ka namin Shacha." umiiyak na sabi ni Mayuki

"Basta wag mo kami kakalimutan kahit na nasa ibang school kana kung hindi susugurin kita dun." umiiyak ding sabi ni Tetsuki.

"Basta magtatapos tayo kahit na di kana sa Ryonan magkakaibigan parin tayo." sabi ko na hindi rin maiwasan maiyak

Nagyakapan kami bago lumabas ng room si Shacha. Masaya sila na malungkot ganun din ako dahil wala na si Shacha bakit kasi kailangan pang mag transfer.

*************************************

PRACTICE GAME LABAN SA SHOHOKU, SHOYO, RYONAN AT KAINAN.

Tulad ng dati magkakampi ang KAINAN At SHOYO. SHOHOKU at RYONAN naman si coach Taoka ang nagsilbing coach ng Shohoku at Ryonan si coach Takato naman ang sa Kainan at Shoyo.

"Coach 2nd half na ba agad?" tanong ni Sendoh.

"Anong 2nd half dipa nga tayo nagsisimula. Wag mo sabihin gusto mo nanaman umuwi tatamaan kana saking bata ka." inis na sabi ni coach Taoka.

"Sabi kasi ni Maki coach itutuloy lang yung nakaraang practice game edi ba 2nd half na yun coach." ngiting sabi ni Sendoh.

Hindi na nagsalita si coach Taoka dahil sa kakulitan ni Sendoh. Kitang kita naman sa kabilang team na naghahanda sila para matalo ang Shohoku at Ryonan. Agaw pansin ang pagdating ni Haydee dahil sa suot nitong palda na sobrang igsi at damit nitong kita ang pusod.

"Maki good morning, hindi mo ko hinintay sana nag sabay tayo." ngiting bati ni Haydee kay Maki at nakipag beso beso pa ito.

"Pasensya na hinatid ko pa kasi si Satomi sa school." hinging paumanhin ni Maki.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Haydee ng malaman na si Satomi ang dahilan kung bakit di sila sabay ni Maki. Nagsimula na ang practice game at ang starting member sa KAINAN at SHOYO si Maki, Fujima, Hanagata, Jin at Kiyota. sa kabilang team naman ang starting 5 ay sila Sendoh, Rukawa, Ryota Mitsui at Akagi hindi nila pinasok si Uozumi, Fukuda at Sakuragi dahil tinago sila ni coach Taoka para maging secret weapon.

"Nasaan nga pala si coach Anzai?" seryosong tanong ni Mitsui.

"Hindi sya makakasama sa atin dahil kailangan magpahinga ng coach nyo." sagot ni coach Taoka.

"Okay coach." sabi nalang ni Mitsui.

Nagsimula na ang practice game at ang nag jump ball si Akagi at Hanagata nanalo sa jump ball si Akagi kaya nakuha ito ni Ryota binantayan naman agad ito ni Fujima.

"Ayos satin ang bola." sigaw ni Sakuragi.

Tahimik lang sila Uozumi at Fukuda habang nanonood ganun din sila Hasegawa at Takano samantalang inis na inis naman si Haydee dahil wala kanila Maki ang bola.

"Wag natin hayaan na makapuntos sila Maki." sigaw ni Sendoh.

"Sisiguraduhin ko yan." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ang yayabang naman ng mga yan wala naman silang binatbat kay Maki baka nga pakainin pa sila ni Maki ng alikabok." inis na sabi ni Haydee kay Rukawa at Sendoh.

"Si Sendoh at Rukawa ay ACE PLAYER ng Shohoku at Ryonan yung sinasabihan mong walang binatbat." inis ring sabi ni Koshino

Magkatabi sa bench sila Haydee, Koshino, Hasegawa at Takano kaya narinig lahat ni Koshino ang sinabi ni Haydee kay Sendoh at Rukawa.

"Tama." sang ayon ni Hasegawa sa sinabi ni Koshino.

Mahigpit ang depensang ginawa ni Fujima kay Ryota kaya nahihirapan itong maka shoot. Hindi naman nag atubili si Ryota na ipasa kay Sendoh ang bola at nagulat si Haydee dahil naipasok ni Sendoh ang bola ng walang kahirap hirap.

"Anong masasabi mo Haydee?" tanong ni Koshino.

"Nagsisimula pa lang ang laban mamaya tatambakan na sila ni Maki." pagtataray na sagot ni Haydee kay Koshino.

Kitang kita sa mukha ni Haydee ang pagka dismaya dahil naishoot ni Sendoh ang bola.