Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 47 - CHAPTER 47

Chapter 47 - CHAPTER 47

Paglabas ko nakita ko si Maki, Fujima at Ryota na naka shade kahit wala namang araw. Hindi ko tuloy alam kung anong trip nila sa buhay pero ayos sa porma hehehe.

"May araw ba?." tanong ko...

"Bagay ba Hon hehehe...

"Ewan ko hahaha..

Pumunta muna kami sa school ng Shohoku para sunduin si Ayako at Sasaki.

Pag dating namin sa school ng Shohoku nakita namin si Sasaki na kausap si Haruko. Gulat na gulat din si Sasaki ng makita si Fujima na naka shade din.

"Babe anong meron?" seryosong tanong ni Sasaki..

"Bagay ba babe sabi nila Maki at Ryota bagay daw sakin naka shade." ngiting sabi ni Fujima..

Hindi alam ni Sasaki kung sasagot ba sya kay Fujima natatawa na lang din tuloy si Haruko sa kanilang tatlo..

"Nasaan nga pala si Ayako?" tanong ni Maki..

"May pinuntahan lang babalik din daw sya." sagot ni Haruko.

Hinintay namin si Ayako sa gym para sabay sabay kaming umalis. Niyaya namin si Haruko pero may klase pa daw sya at sasabay sya umuwi kanila Mito at Sakuragi. Hindi naman na kami nagulat dahil mas close ni Haruko si Sakuragi kesa kay Rukawa.

"Buti Maki hindi sumama sayo yung kababata mo?" tanong ni Sasaki.

"Sinabi ko may date kami ni Satomi at bawal syang sumama." wika ni Maki.

Natuwa ako sa ginawa ni Maki dahil buti na lang talaga hindi ito sumama maiinis lang kasi ako kapag nakita ko sya. Kay Maki lang naman nasunod si Haydee dahil takot ito at ayaw nyang magalit si Maki sa kanya. Pag dating ni Ayako gulat na gulat din sya ng makita si Ryota na naka shade...

"May araw ba sa labas Sasaki?" seryosong tanong ni Ayako..

"Wala Ayako." sagot ni Sasaki habang tumatawa.

Natatawa na lang kaming tatlo nila Ayako dahil pare pareho kami ng reaction ng makita sila Maki, Fujima at Ryota na naka shade. Nagpaalam na kami kay Haruko para umalis na.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko..

"Sa langit hahaha." sagot ni Maki..

"Umayos ka ng sagot kung ayaw mong masapak kita." mataray kong sabi..

"Hehehe secret Hon basta sama ka lang lilipad ka sa sarap." ngiting sabi ni Maki sabay kindat.

"Paano yung lilipad sa sarap Maki." natatawang tanong ni Ryota..

"Di mo alam turo ko sayo mamaya gawin mo kay Ayako." sabe ni Maki at natawa naman si Ryota.

"Turo mo din sakin Maki para magawa ko kay Sasaki." bulong ni Fujima..

"Subukan nyo masusuntok namin kayo." sabe namin nila Ayako at Sasaki.

Tawa naman ng tawa sila Maki Fujima at Ryota sa sinabi namin. Magka holding hands si Fujima at Sasaki ako at si Maki at naka akbay naman si Ryota kay Ayako. Napaka saya namin dahil magkakasama kami ulit dinala kami ni Maki sa restaurant para maglunch muna..

"Hi Fujima pwede pa picture." nahihiyang sabi ng babae at nilapitan si Fujima.

"Sige." ngiting sabi ni Fujima.

"Ryota pwede papicture din kung ayos lang." kinikilig na sabe naman ng isa pang babae.

"Sure." sagot ni Ryota..

Hindi naman nag seselos si Sasaki at Ayako dahil alam naman nilang fans lang yun. Ayaw ni Maki makipag picture dahil kasama daw nya ako. Nang dumating na ang order namin kumain na kami at nag asaran na open ko tuloy si Nissa kay Maki.

"Sinong Nissa?" tanong ni Ryota..

"Sya daw yung babaeng gusto ni Sendoh tama ba Satomi?" tanong ni Fujima.

"May kilala kasing Nissa si Ryota sa Ryonan nag aaral baka sya yung babaeng yun." singit ni Ayako.

"Sabi nila sikat daw si Nissa sa larangan ng volleyball. Hindi ko kasi naitanong kung ano apelyido nya basta mahinhin sya at maganda tapos transferee sya." paliwanag ko.

"Si Nissa Duzhaki nga yun. Magaling nga yun sa volleyball kilala ko yun. Maganda nga sya at mahinhin." ngiting sabi ni Ryota.

"Paano mo sya nakilala Ryota?" tanong ni Sasaki.

"Yung kaibigan ko batchmate nya si Nissa dami may crush dun kaso wala syang pinapansin kasi mas importante sa kanya ang paglalaro ng volleyball. Pangarap nya kasi makilala sa ibang bansa hindi lang dito sa japan." kwento ni Ryota.

"Talaga?Alam nyo ba na nainjured sya kaya naawa ako pati si Sendoh dahil hindi na sya makakapag laro."  sabi ko.

"Makakapag laro pa yun kaso baka matagalan parang si Mitsui pero magaling talaga sya mag laro napapanood ko mga laban nya." saad ni Ryota habang kumakain.

"Kaya pala nagustuhan sya ni Sendoh." seryosong sabi ni Maki.

"Kaso mahihirapan sya dun walang pinapansin na lalaki yun kahit sikat na basketball player pa." paliwanag ni Ryota.

"Malay mo naman magustuhan nya si Sendoh gwapo naman si Sendoh." sabat ni Ayako.

"Challenging yun para kay Sendoh." sabi naman ni Maki.

"Sana makapag laro ulit sya." naawang sabe naman ni Sasaki.

Pagkatapos namin kumain nagpunta kami sa pier kung saan makakapanood kami ng fireworks. Napaka simpleng tao nila Maki Fujima at Ryota hindi rin sila maarteng kasama ganun din sila Ayako at Sasaki kaya nakakatuwa silang kasama..

"Gusto mo ba ng teddy bear Hon?" ngiting tanong ni Maki..

"Hindi na basta kasama kita masaya na ako." sagot ko.

"Ang sweet naman hehehe I love you Hon masaya ako na kasama kita ngayon. Araw araw nga kita namimiss." malambing na sabi ni Maki.

Naghiwa-hiwalay muna kami nila Ayako at Sasaki dahil kasama nito ang mga partner nilang si Ryota at Fujima. Magkasama naman kami ni Maki habang magka hawak ang kamay.

"Ayoko na magkahiwalay tayo Satomi. Gusto ko araw araw kitang kasama at araw araw kitang nakikita." seryosong sabi ni Maki..

"Ganun din naman ako sayo Maki. Salamat sa pagmamahal mo sakin at salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin...

"Wala yun Hon ang kaligayahan mo ang happiness ko. Alam mo kapag naka graduate na ako magsisikap ako hindi para makilala kundi para maging proud ka pa lalo sa akin...

"Proud naman na ako sayo Maki tandaan mo yan matalo ka man o manalo ayos lang dahil panalong panalo kana sa puso ko ay hehehe....

"Wag mo kong pakiligin dito Satomi baka iba magawa ko sayo hehehe...

"Matatakot na ba ako sayo nyan..

Hinapit ako ni Maki at siniil ako ng halik napapikit ako sa ginawa nya at hindi ko akalain na hahalikan nya ako dito. Ang sarap ng halik nya hindi na tuloy ako tumanggi gumanti na lang ako sa halik nya.

"Naku virgin pa mata ko." ngiting sabi ni Ryota.

"Ang sweet naman nila." ngiting sabi ni Sasaki.

"Gusto mo rin." tanong ni Fujima.

"Anong gustttt...

Hindi na naituloy ni Sasaki ang sasabihin nya dahil siniil din sya ng halik ni Fujima. Nakapikit naman sila Ayako at Ryota pero natatawa silang dalawa dahil sila lang ang hindi pwedeng mag halikan.

"Tapos na ba?" nakapikit na tanong ni Ryota.

"Hindi ko alam nakapikit din ako." sagot ni Ayako.

"Tapos na." ngiting sabi ni Fujima.

"Hala di pa sila tapos ibang klase si Maki." sabi ni Ryota habang nakatingin samin.

"Magtataka ka pa si Maki yan." natatawang sabe ni Fujima.

Natawa na lang sila Ayako at Sasaki dahil napaka tagal nga naman ng halikan namin ni Maki. Hindi ko alam bakit ayaw ni Maki huminto ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya. Ibang klase sya basta ginusto nya akong halikan kahit may naka tingin wala syang pakialam ako tuloy ang nahihiya...