Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 48 - CHAPTER 48

Chapter 48 - CHAPTER 48

Hindi ko alam kung gaano kami katagal ni Maki naghalikan bago maghiwalay ayaw rin kasi nya akong pakawalan. Hinanap namin sila Fujima at Ryota pero dahil di namin sila makita naglaro na lang si Maki ng basketball kalaro ang mga bata. Tuwang tuwa naman ang mga bata at bilib na bilib dahil sa galing ni Maki.

"Kuya ang galing nyo pong mag laro." namamangha na sabi ng mga bata...

"Ano laro pa? Magaling din kayo pero dapat talunin nyo ako kung hindi wala kayong premyo sakin." sabi ni Maki at ginulo ang buhok ng mga bata.

Ginalingan nga nila ang pagbabantay kay Maki pero wala sila magawa dahil nakakapag shoot parin si Maki. Hindi nila mapigilan si Maki dahil napaka bilis nitong gumalaw at kumilos. Nakita nila Fujima at Ryota si Maki na naglalaro kaya sumali ito kaya tatlo na ang binabantayan ng mga bata. Nanonood naman kami nila Ayako at Sasaki dahil napaka galing ng tatlo maglaro kahit bata di nila pinaglagpas lalo si Maki...

"Ano kaya mo pa ba? tanong ni Maki..

"Pagod na po ako kuya." pagod na sabi ng batang kalaro ni Maki..

"Ang galing nyo po kuya pogi." ngiting sabi naman ng isang bata kay Fujima..

"Magaling ka din." saad ni Fujima.

Kahit hindi nanalo ang mga bata binigyan parin nila Maki, Fujima at Ryota ang mga ito ng premyo. Nakakatuwa dahil para silang may anak lalo na si Maki.

"Ryota bakit?" takang tanong ni Maki...

"Wala naman." malungkot na sagot ni Ryota..

Hindi namin alam bakit biglang nalungkot si Ryota okay naman kanina. Hindi naman sila nag away ni Ayako kaya bakit bigla nagbago ang mood nya..

"Aalis na si Ayako bukas." nakayukong sabi ni Ryota..

"Bukas agad? Bakit naman Ayako?" tanong ko..

"Hindi naman kasi ako pwede mag stay dito. Nagpaalam ako na one week lang ako dito sobra na ng one week ang stay ko dito. Magagalit na ang parents ko dahil nag aaral din ako sa ibang bansa." malungkot ding paliwanag ni Ayako.

"Babalik ka pa naman di ba?" tanong ni Fujima.

"Oo kapag pinatawag ako ni coach Anzai." sagot ni Ayako.

"Paano naman si Ryota?" tanong ni Maki..

"Alam ko naman hindi ako ang priority ni Ayako kaya naiintindihan ko sya. Sabi ko naman masaya na ako kahit makasama ko sya pero kung magmamahal na sya dun baka di ko na kayanin magmahal pa." malungkot na sabi ni Ryota..

Nakakalungkot dahil di ko akalain na huling araw na pala namin makakasama si Ayako kaya pala biglang nalungkot si Ryota. Ramdam namin kung gaano nya kamahal si Ayako at alam kung mahal din sya ni Ayako pero di ko alam bakit ayaw umamin ni Ayako ganun pareho naman sila ng nararamdaman..

"Magmamahal ka ba dun Ayako?" tanong ni Maki..

"Sana pag dating mo dito may chance na maging kayo na ni Ryota." seryosong sabi ni Fujima..

"Hindi naman ako magmamahal dun. Isa pa kasama ka Ryota sa priority ko pasensya kana kung matagal nanaman tayong hindi magkikita." nalulungkot ding sabi ni Ayako...

"Ayos lang yun Ayako naiintindihan ko sana pag balik mo bigyan mo ko ng chance na mahalin ka." ngiting sabi ni Ryota kahit kita sa kanya na nasasaktan..

Hindi naman nag salita si Ayako pero kita rin sa kanya ang lungkot dahil matagal nanaman silang di magkikita ni Ryota. Napaka understandable ni Ryota dahil kahit malayo si Ayako naiintindihan nya ito at minahal kahit na malayo sila sa isat isa.

Niyakap ni Ayako si Ryota para hindi ito malungkot kapag umalis sya. Natuwa naman si Ryota dahil first time syang niyakap ni Ayako.

"Maki...

Sabay sabay kaming napatingin sa tumawag kay Maki at kitang kita namin si Haydee. Bakit kaya nandito tong bruhang to paano nya nalaman na nandito kami nakakainis naman.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maki...

"Manonood sana ako ng fireworks. Hindi ko akalain na nandito pala kayo." nakangiting sabe ni Haydee..

"Ah okay." tipid na sagot ni Maki..

"Maki pwede ba akong sumama sayo? Iniwan kasi ako ng friend ko. Ayoko naman umuwi mag isa natatakot ako." naglalambing na sabi ni Haydee..

Sarap sabunutan ng babaeng to napaka arte mukha naman talagang wala syang kasama nakakainis.

"Sige." sagot na lang ni Maki..

Napatingin na lang kami ni Ayako at Sasaki dahil naka hawak na si Haydee kay Maki. Hindi ko alam na may ganito pa lang klaseng babae kahit na alam ng taken lalandiin pa ibang klase. Hindi naman binitawan ni Maki ang kamay ko pero hindi rin bumitaw si Haydee sa pagkaka hawak sa braso ni Maki. Ayoko mainis pero nakakainis talaga. Alam kong may pinag samahan sila ni Haydee pero ilugar nya dahil may mahal na si Maki at ako yun.

"Gutom ka na ba Hon?" tanong ni Maki sakin..

"Ako Maki gutom na ang sakit na din ng paa ko feeling ko magkaka sugat ako." nag iinarteng sabi ni bruha..

"Ang arte." bulong na sabi ni Ayako.

"Anong sabi mo?" pagtataray na sabi ni Haydee kay Ayako..

"Narinig mo pala bakit tinatanong mo pa." pag tataray ding sagot ni Ayako.

"Tama na." pag awat ni Maki...

"Kumain na lang tayo ano gusto mo babe?" tanong ni Fujima kay Sasaki..

"Kahit ano babe." ngiting sagot ni Sasaki.

Kumain na lang kami at hindi na nanood ng fireworks dahil nagugutom na daw si bruha naiinis ako sa kanya sobra. Hindi na lang din pinansin ni Fujima at Ryota si Haydee dahil kitang kita ang kagaspangan ng ugali nito. Hindi humiwalay si Haydee kay Maki at lalo pa itong lumapit. Halos idikit na ni Haydee ang dibdib nya kay Maki nakakabanas sobrang landi..

"Haydee baka gusto mong umurong masikip." inis na sabi ni Maki.

Ngumiti naman si Ayako sa akin dahil hindi natuwa si Maki sa ginawa ni Haydee. Natutuwa ako dahil napaka loyal ni Maki sakin kaharap man ako o hindi..

"Maki ang sakit ng paa ko sobra pwede mo bang tignan." malanding sabi ni Haydee..

"Hay naku." inis na sabi ni Ayako.

Nakatingin lang si Fujima Sasaki at Ryota kay Haydee dahil kahit sila naaartehan pero hindi nalang sila nagsasalita. Tinignan naman ni Maki ang ang paa ni Haydee at hinilot ito ayoko mag selos dahil alam kong ginagawa lang ni Maki yun dahil kababata nya si Haydee..

"Masakit pa ba?" tanong ni Maki..

"Medyo Maki pwede mo ba akong ihatid mamaya." paglalambing nito.

"Hahatid ko pa si Satomi." saad ni Maki..

"Pagkatapos mo syang ihatid ako naman ang ihatid mo." sabe ni Haydee na hindi nagpatinag.

Napaka tigas talaga ng mukha nya ubod pa ng arte nakakabadtrip. Gusto nya talaga masolo si Maki sabi ko na nga ba hindi sincere yung sorry na ginawa nya samin nila Ayako ginawa nya lang yun dahil kaharap si Maki.

"Ayos lang ba sayo Hon ihatid ko sya?" tanong ni Maki sa akin..

"Ayos lang." sagot ko..

Pumayag ako hindi dahil gusto ko. Pumayag ako dahil may tiwala ako kay Maki alam ko naman na hindi sya gagawa ng ikakasakit ko dahil alam kong mahal nya ako. Mabait na tao si Maki at napatunayan ko yun kaya alam kong di sya gagawa ng kalokohan pero kay Haydee wala akong tiwala dahil alam kong impokrita sya.