Pinuntahan ni Sendoh si Maki sa KAINAN para makausap ito. Nagtataka naman si coach Takato at ang team ng kainan dahil nandun si Sendoh..
"Nasaan si Maki?" tanong ni Sendoh..
"Wala pa sya Sendoh. Hindi nga namin alam kung papasok sya hindi rin kasi sya nagsabi kay coach." sagot ni Kiyota.
"Pakisabi nagpunta ako at kapag dumating sya makipag kita sya sakin dahil kailangan ko syang makausap." seryosong sabi ni Sendoh saka umalis sa school ng kainan..
"Satomi kausapin mo ko. Hayaan mong magpaliwanag ako sayo hindi ako aalis dito hanggat di mo ko kinakausap please ayusin natin to. Hon mahal na mahal kita pakiusap ayoko ng ganito tayo." sigaw ni Maki...
Naririnig ko lahat ng sinabi nya pero di ako lumalabas. Ayoko syang makita napaka manloloko nya bwesit sila ni Haydee magsama sila. Pareho silang pangit kundi lang ako nasasaktan uupakan ko talaga yang Maki na yan hayop silang dalawa...
"Satomi labasin mo si Maki hayaan mo sya magpaliwanag sayo." sabe ni Mama.
"Hayaan mo sya dyan Mama aalis din yan. Isipin na lang natin na may baliw na nag wawala wag mong bubuksan ang gate Mama dahil ayoko talaga syang makita...
"Satomi Takara Mahal na mahal kita. Hindi ako aalis dito kahit anong mangyari di kita isusuko mangyari na lahat pero di ako papayag na maghiwalay tayo." nagsisigaw na sabi ni Maki..
Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako kay Maki. Hindi ko maatim na makita sila ni Haydee na magka yakap tapos magkatabi pa gusto kong sampalin si Maki. Bakit napaka bilis nyang bumigay sa babaeng yun dahil ba mas maganda ang katawan ni Haydee kesa sakin hinayupak sya mahilig pala sya sa malaki ang pwet sana nag sabi sya. Ayoko na talaga magmahal nakakaiyak parang sasabog na tong dibdib ko. Wala nga pala akong dibdib bwesit nakakainis talaga bakit ba kulang kulang ako wala ng dibdib wala pang pwet buti na lang talaga may utak ako nakakainis..
Sana lahat ng lalaki katulad nila Sendoh Fujima at Ryota loyal sa taong mahal nila pero yang Maki na yan pinakitaan lang ng dibdib bumigay na bwesit sya sarap tusukin ang mata nya. Hinding hindi ko sila mapapatawad ng Haydee na yun magsama silang dalawa. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko dahil nabuhay naman ako ng wala si Maki sana nga di ko na lang sya nakilala sana di nya na lang ginulo ang buhay ko para di ako nasasaktan ngayon..
"Mama pag dumating si Sendoh at pinatuloy nya si Maki wag mo kong tatawagin sa kwarto pakiusap lang ayoko talaga sya makita." umiiyak kong sabi..
"Sige anak." sagot ni Mama..
Hindi nga ako nagkamali dahil pumunta nga si Sendoh sa bahay at pinatuloy nya ang hinayupak na Maki.
"Tita I'm sorry po. Nangako ako sa inyo na hindi ko sasaktan si Satomi pero hindi ko po yun natupad. Alam ko po kung ano pagkakamali ko pero maniwala po kayo sakin hindi ko po alam yung ginawa ni Haydee sakin. Mahal na mahal ko po si Satomi tita ayoko pong magka hiwalay kami." umiiyak na sabi ni Maki.
"Naniniwala ako sayo iho kaya nga sabi ko sa anak ko hayaan kang magpaliwanag kaso ayaw ka nyang makita. Hindi pa yan nakain mula kagabi iyak lang ng iyak. Maki gusto kita para sa anak ko pero sa ngayon hayaan mo na lang muna sya." sabe ni Mama.
"Hindi ko po kaya Tita na ganito kami ni Satomi nasasaktan po ako. Aalis po ako dito pero pakiusap ibigay nyo sa kanya tong sing-sing sya lang po ang babaeng gusto kong pakasalan wala ng iba." umiiyak na paliwanag ni Maki.
"Ano bang nangyari? Bakit pareho kayong naka hubad Maki? Una pa lang tingin kong type kana ng kababata mo sana iniwasan mo na lang sya dahil may girlfriend kana at alam mong nagseselos si Satomi kay Haydee." seryosong sabi ni Sendoh.
"Nag date kami kasama sila Ryota Sasaki Ayako at Fujima. Ayos naman nung una tapos biglang dumating si Haydee kahit ako nagulat dahil sinabihan ko sya na may date kami ni Satomi wala na akong nagawa dahil nandun na sya eh. Gusto ni Haydee na ihatid ko sya tinanong ko si Satomi kung okay lang ang sabi nya oo. Nung hinatid ko sya hindi ko alam na may balak pala syang patulugin ako hindi ko alam kung anong nangyari dahil pag gising ko wala na akong damit. Maniwala ka sa hindi Sendoh wala akong ginawa kay Haydee dahil isang babae lang ang paglalaanan ko nun walang iba kundi si Satomi" sabi ni Maki.
"Naniniwala naman ako sayo Maki alam ko nga din di mo yun magagawa kay Satomi dahil kita ko kung paano mo sya alagaan at protektahan kaso hindi namin hawak desisyon nya tulungan ka man namin ni tita kung ayaw nya wala tayong magagawa." malungkot na sabi ni Sendoh..
"Salamat Sendoh. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala sya baka nga igive up ko na ang paglalaro ng basketball. Naiintindihan ko sya dahil masakit nga naman makita ang taong mahal mo na may katabing iba, kaso sana hinayaan nya muna akong magpaliwanag bago nya ako iniwan ng ganito ang sakit sobra." humihikbing sabi ni Maki..
"Nasasaktan ako para sa inyo dahil gusto ko pareho kayong masaya. Wag ka mag alala kapag nakausap ko sya bukas lahat ng sinabi mo sasabihin ko yun." ngiting sabi ni Sendoh..
Lumabas si Maki ng umiiyak kasama si Sendoh. Kitang kita ko sa bintana kung paano sya nasasaktan ayoko syang makitang masaktan pero sa ginawa nya ako naman ang sinaktan nya. Nakakaiyak ka Maki bakit kahit anong galit ko sayo Mahal na mahal parin kita.
KAINAN HIGH
"Coach baka po magpaalam na ako sa team. Hindi ko na po kayang maglaro." malungkot na sabi ni Maki..
"Ha? Bakit nainjured ka ba may masakit ba sayo Maki?" nag aalalang tanong ni coach Takato.
"Bakit captain anong problema?" seryosong tanong ni Kiyota.
"Wala na sila ni Satomi." nakayukong sagot ni Sendoh..
Lahat ng team nagulat sa sinabi ni Sendoh at tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Maki kaya lahat ng team lumapit sa kanya.
"Ano bang nangyari Maki?" tanong ni coach Takato.
"Kasalanan ko coach kung bakit sya nakipag break sakin." umiiyak na sabi ni Maki.
"Dahil ba kay Haydee?" tanong ni Jin.
"Oo dahil kay Haydee. Nasira ang relasyon ng dalawa dahil sa kababata ni Maki." sagot ni Sendoh.
"Yung babaeng malaki ang pwet? Captain wag mo iwan si Satomi mas bagay kayo kesa dun sa mukhang bisugo." naiinis na sabi ni Kiyota.
"Sabi ko na nga ba unang tingin ko palang sa kanya wala na syang gagawing mabuti." sabi ni Jin na hindi rin maiwasan mainis kay Haydee.
"Ganyan din ang tingin ko Jin ayoko lang magsalita dahil kababata sya ni Maki." sang ayon ni Sendoh sa sinabi ni Jin
"Hindi ko na alam hindi ko kayang mabuhay ng wala si Satomi. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya kaso parang balewala na yun dahil iniwan na nya ako. Sobrang sakit si Satomi lang ang gusto kong makasama habang buhay." umiiyak na sabi ni Maki.
"Tama na captain. Ayaw namin nakikita kang ganyan." malungkot na sabi ni Kiyota.
Lahat sila awang awa kay Maki. Wala naman magawa ang team para tulungan si Maki pati si coach Takato nalungkot din sa nalaman. Ngayon lang nila nakita si Maki na umiyak at nalungkot ng sobra. Inis na inis si Jin at Sendoh dahil sa ginawa ni Haydee.