Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 51 - CHAPTER 51

Chapter 51 - CHAPTER 51

Maaga akong nagising dahil kailangan ko ng pumasok. Ayoko ng umiyak at magmukmok dahil wala naman mangyayari. Ayaw ko na sana isipin pa yung nangyari kay Maki at Haydee pero di ko makalimutan si Maki kahit na galit ako sa kanya Mahal ko parin sya.

"Papasok ka na ba anak?" tanong ni Mama..

"Opo Ma kailangan ko ng pumasok..

Pagkatapos kong kumain at maligo nag ayos na ako para mag tungo sa school. Naglakad na lang ako tulad ng dati pero umiiyak ako habang naglalakad para na tuloy akong tanga umiiyak ako sa daan. Hindi ko na alam kung ako paba to dahil ang laki ng nagbago sakin mula ng makilala ko si Maki sya ang naging dahilan kung bakit ako naging masaya pero sya rin ang naging dahilan bakit ako malungkot ngayon. Mahal ko sya pero di ko sya kayang tignan o kaya makita dahil naalala ko ang kababuyan nila ni Haydee...

Pinasok ko lang ang bag ko sa room pagkatapos lumabas ako para tumambay tinatamad na akong mag aral.

"Satomi anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Ikegami..

"Wala tumatambay lang." sagot ko..

"Bakit ka umiiyak Satomi sinong umaway sayo?" nag aalalang tanong ni Ikegami.

"Ayos lang ako Ikegami hindi ko lang talaga makalimutan si Maki. Ang sakit pala magmahal Ikegami akala ko puro saya lang hindi pala." umiiyak kong sabi.

"Hindi kita maintindihan Satomi. Okay naman kayo ni Maki di ba?" tanong nya..

"Break na kam." saad ko habang umiyak.

Hindi makapaniwala si Ikegami sa narinig na break na kami ni Maki. Wala na akong nagawa kundi umatungal wala na akong pakialam kung marinig nila.

"Satomi baka isipin nila pinaiyak kita tumahan kana. Gusto mo ba puntahan natin si Sendoh?" tanong nya.

"Wag na Ikegami ayoko na sya maistorbo ayos lang naman ako eh." sagot ko habang naiyak.

"Hayaan mo kakausapin namin si Maki kasi pupunta lahat ng team sa bahay nya. Gusto mo ba sumama? tanong ni Ikegami.

"Ayoko dahil ayoko makita si Maki at lalo na si Haydee." naiinis kong sabe.

"Wag kana umiyak magkaka ayos din kayo hindi ko man alam ang dahilan ng break up nyo pero sana wag kayong sumuko ni Maki." seryosong sabe ni Ikegami.

Ngumiti nalang ako kay Ikegami dahil alam kong malungkot din sya sa nalaman sa amin ni Maki. Pumasok na ako sa loob ng room at lalo akong naiyak ng makita ko yung upuan ni Shacha. Hindi ko na napigilan umiyak ng malakas kaya nagulat lahat ng mga classmate ko kung bakit ako umiiyak para akong bata pero wala na akong pakialam.

"Bakit ka umiiyak Satomi?" tanong ni Tetsuki..

"Anong problema Satomi baka makatulong kami." tanong naman ni Reku.

"Wag kana umiyak nandito naman kami." ngiting sabi ni Nami.

"Salamat sa inyo pwede nyo ba akong yakapin lahat." umiiyak kong sabi.

Niyakap ako ng mga classmate ko sobrang saya ko dahil nandyan sila para sa akin. Ayoko sabihin sa kanila na wala na kami ni Maki dahil ayoko magalit sila kay Maki. Narealize ko na hindi ako nag iisa kaya ibabalik ko na lang ang dating ako ang dating Satomi na palaban at hindi na iiyak pa.

Palabas na ako ng gate ng makita ko si Sendoh na kasama si Maki kaya nag tago ako para di nila ako makita alam ko naman kasi na ako ang pakay nila kaya sila nandito. Manigas kang lalaki ka di ako magpapakita sayo peste ka pinaiyak mo ko.

"Nami si Satomi?" tanong ni Sendoh..

"Kalalabas lang nya eh. Iyak nga ng iyak yun eh parang may problema." sagot ni Nami.

Nakakainis naman to si Nami sinabi pa talaga kay Sendoh buti sana kung wala si Maki nalaman pa tuloy nya. Ayoko talaga magpakita kay Maki dahil naiinis ako sa kanya at galit ako sa kanya.

"Sige Nami salamat." ngiting sabi ni Sendoh..

"Mukhang nakauwi na ata sya Maki. Paano puntahan natin sa kanila?" tanong ni Sendoh.

"Sige puntahan natin sana kausapin na nya ako namimiss ko na sya. Hindi ko na alam gagawin ko ayaw nya naman magpakita sakin." malungkot na sabi ni Maki.

Umalis sila Sendoh para pumunta sa bahay akala nya magpapakita ako sa kanya manigas sya. Hindi muna ako uuwi sa bahay kung nandun sila dahil ayoko talaga syang makita. May pa miss miss pa ang hinayupak eh mas gusto mo naman sa feeling ni Haydee..

Pumasok na lang ako sa loob ng room dahil wala naman talaga akong pupuntahan hindi naman kasi ako galang tao.

"Satomi di kapa uuwi?" tanong ni sir Hotohori..

"Hindi pa sir dito ko na lang gagawin homework ko." pagdadahilan kong sabi.

"Sige pagkatapos mo dyan umuwi kana." ngiting sabi ni Sir saka nagpaalam na..

Hindi ko naman talaga gagawin homework ko dahil tinatamad na akong mag aral. Ayoko muna umuwi dahil sigurado nandun pa sila Sendoh at Maki uuwi lang ako dun kapag wala na sila kahit na abutin pa ako ng gabi dito. Nakakainggit sila Fujima at Sasaki ang tibay ng relasyon ng dalawa isa pa hindi natingin sa iba si Fujima hindi katulad ni Maki mahilig sa malaki ang pwet bwesit talaga sya.

Kaya ko nga bang mabuhay ng wala si Maki? Kaya ko nga bang tanggapin na hanggang dito na lang kami? Sana di na lang sya dumating sa buhay ko maayos naman ako dati. Naiiyak ako ang sakit pala ng break up lalo na kung mahal mo pa yung tao. Alam kong nasasaktan din sya pero kasalanan naman nya yun eh kung bakit kami nagka ganito.

Akala ko dati wala ng katapusan ang pagmamahalan namin ni Maki kasi alam ko naman at kita ko naman na minahal nya talaga ako kaso hindi ko matanggap na magagawa nya sakin yun sana di ko na lang nakita yung picture nila. Ang sakit pala ngayon naiintindihan ko na yung mga kaibigan ko kapag nasasaktan sila dahil sa break up. Hindi pala talaga madali na kapag tinulog mo bukas okay na hindi pala ganun yun lalo na kapag mahal na mahal mo yung taong nawala sayo.

Umiiyak akong lumabas ng room at tumingin sa labas. Dati masaya na ako basta si Sendoh lang ang kasama ko masaya ako kapag kumakain kami ng magkasama, nag aasaran ng magkasama pero ngayon parang umikot na lang lahat kay Maki dahil sya ang naging kaligayahan ko ngayon sya ang dahilan bakit nasasaktan ang puso ko. Gusto kong magbalik sa dating ako sa dating Satomi yung kahit anong mangyari hindi susuko at lalaban na walang inuurungan na kahit sino, yung kayang magtaray sa mga taong nang aapi pero ngayon ang lambot na ng puso ko shit talaga ako ba talaga to? Hindi ko na kilala ang sarili ko ng dahil kay Maki.