Maki Residence
"Bakit nandito tayo kakain ulit wahaha." natatawang sabe ni Sakuragi..
"Ano bang meron?" takang tanong din ni Sasaki..
"Hindi ko rin alam babe basta pinapatawag tayo ni coach dahil may sasabihin daw si Maki." wika ni Fujima.
"Nasaan sila Sendoh at Maki wala rin si Satomi." nagtatakang tanong ni Hasegawa.
"Baka magkakasama silang tatlo." sagot ni Ayako..
Pagdating nila Sendoh at Maki nagulat ang team dahil hindi nila kasama si Satom..
"Nasaan si Satomi bakit di nyo kasama?" tanong ni Mitsui..
"Oo nga Maki hindi ba sya invited?" takang tanong din ni Ryota.
Pumasok si Maki sa loob ng hindi sinagot ang tanong ni Mitsui at Ryota. Nagtataka na lang ang team dahil ibang iba ang ikinikilos ni Maki. Ayaw naman mag salita ni Jin at Sendoh dahil mas gusto nilang mang galing kay Maki yun..
"Hindi ako ang nagpatawag sa inyo kundi si Maki. Alam kong busy kayo sa pag aaral at sa basketball pero may mahalaga kasing sasabihin sa inyo si Maki. Sige na Maki magsalita kana." utos ni coach Takato.
"Hindi na ako maglalaro ng basketball." nakayukong sabi ni Maki..
"Bakit hindi na? Injured ka ba Maki?" tanong ni Mitsui.
"Ano bang problema Maki bakit di kana mag lalaro?" seryosong tanong naman ni Fujima.
"Akala ko ba lolo maglalaro pa tayo ang labo mo kausap." natatawang sabi ni Sakuragi.
"Hindi namin maintindihan kung bakit ayaw mo na maglaro pero siguro naman may dahilan ka kung bakit ayaw mo na." singit ni Rukawa.
"Siguro napaka babaw para sa inyo yung magiging dahilan ko. Wala na kami ni Satomi nakipag break na sya sakin kasi kasalanan ko. Hindi ko na itutuloy ang pag aaral ko dito dahil araw araw ko lang maaalala si Satomi hindi ko na rin kayang masaktan pa sya ng dahil nanaman sa akin kaya ako na mismo lalayo sa kanya dahil alam ko naman ayaw nya akong makita. Mahal na mahal ko sya at sya lang ang babaeng gusto kong pakasalan wala ng iba. Hindi ko na alam ang gagawin ko araw araw na lang ako nag iisip kung kailan sya babalik sakin, araw araw din akong nagpupunta sa kanila pero di ko sya makita ganun din sa school. Alam kong nasaktan ko sya kaya ayoko ng dagdagan pa ang sakit na yun kaya nagpasya akong umalis na lang sa team at sa ibang bansa na lang mag aral baka sakaling maging masaya na sya pag wala na ako." umiiyak na sabi ni Maki..
"Akala ko happy ending ang story nyo kasi mahal na mahal nyo isat isa hindi pala." nalulungkot na sabi ni Mitsui.
"Ano bang nangyari Maki? hindi naman makikipag break si Satomi sayo kung wala kang ginawa." sabi ni Fujima na seryosong nakatingin kay Maki.
Pinakita ni Sendoh ang picture nila Haydee at Maki na magkayakap ng walang saplot. Hindi makapaniwala ang team sa nakitang picture.
"May dahilan naman pala si Satomi kaya sya nakipag break kung sa akin din mangyari yan ganun din ang gagawin ko. Pasensya na Maki pero kasi babae din ako at nararamdaman ko kung ano nararamdaman ni Satomi." naiinis na sabi ni Sasaki.
"Ako rin masakit na makita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba yung magkayakap pa kaya at magkatabi." sang ayon ni Ayako.
"Bakit mo nagawa kay Satomi yun Maki? Hindi ba mahal mo sya? Akala ko pare pareho tayong loyal." inis na sabi naman ni Ryota.
"Hindi naman gusto ni Maki ang nangyari. Maniwala kayo sa hindi pakana yan ni Haydee dahil gusto nya si Maki kaya sya gumawa ng paraan para mapaghiwalay yang dalawa." paliwanag ni Sendoh.
"Alam namin mahal mo sya Maki at alam kong mahal ka rin ni Satomi dahil di naman yun masasaktan ng ganun kung hindi di ba." sabi ni Koshino
"Hindi solusyon ang pag alis sa team at pagpunta sa america." singit ni Hanagata.
"Tama sya." sang ayon ni Jin.
"Kapag nagpunta ka ba sa america makakalimutan mo ba sya hindi rin naman di ba? Kaya bakit ka pa aalis." seryosong sabi ni Rukawa
"Naks totoo yan Rukawa." natatawang sabi ni Sendoh.
"Dahil ayoko ng makita syang nasasaktan ng dahil nanaman sa akin. Alam kong ayaw nya na akong makita pero sana hinayaan nya akong mag explain wala naman nangyari sa amin ni Haydee at alam nyong lahat na mahal na mahal ko si Satomi sya lang ang buhay ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." umiiyak na sabi ni Maki habang naka yuko.
"Wag ka sumuko lolo. Oo mahirap talaga manuyo ng babae pero kailangan mong gawin yun dahil walang mangyayari kung pati ikaw sumuko na. Kahit saan natin tignan ikaw ang may kasalanan kahit na hindi mo yun ginusto." seryosong sabe naman ni Sakuragi.
"May nasabi ka ring tama Sakuragi." ngiting sabi ni Mitsui.
"Tama si Sakuragi." sang ayon ni Ikegami.
"Nandito lang kami Maki susuportahan namin kayo ni Satomi. Hindi yan madali sa una pero kayanin mo walang nagsisi sa una lageng nasa huli tandaan mo yan." paliwanag ni Akagi.
"Big word pero totoo yun." pag sang ayon ni Kiyota.
"Ayoko na sya masaktan baka lalo ko lang sya masaktan kapag nagpakita pa ako. Hindi ko na alam gagawin ko gustong gusto ko syang makita, mayakap, mahalikan at sabihin na mahal na mahal ko sya kaso parang ayaw na nya ako makita. Alam kong ayaw nya sa manloloko at ganun ang tingin nya sa akin ngayon." nakayukong sabi ni Maki habang umiiyak.
"Wala naman kasi nag mahal na puro sarap Ibig ko sabihin walang nagmahal na puro saya nandyan talaga ang sakit. Naalala mo ba si Fujima akala ko wala silang happy ending pero meron pala. Iba nga lang ng case sayo Maki dahil masakit yang ginawa mo kay Satomi." wika ni Mitsui.
"Bakit nagmahal ka na ba Mitsui?" tanong ni Ryota.
"Oo naman palagay mo sakin." sagot ni Mitsui.
"Anong plano mo? Itutuloy mo paba ang pag alis mo?" tanong ni Fujima.
"Pwede ka naman umiyak samin Maki wag ka lang sisinga uupakan kita." nagpapatawang sabi ni Mitsui.
"Sakin hindi pwede." sabe ni Rukawa sabay tingin kay Maki.
"Ang arte mo damayan mo naman si Maki." sabi ni Mitsui kay Rukawa.
"Dinadamayan ko naman sya kaya nga nandito ako di ba pero ang umiyak sakin ayoko." nakasimangot na sabi ni Rukawa.
"Ang sungit mo talaga Rukawa kahit kailan." ngiting sabi ni Sendoh..
"Gusto mo ba puntahan natin si Satomi sa bahay nila?" tanong ni Fujima.
"Kapupunta lang namin ni Sendoh dun wala sya. Kung nandun man sya hindi rin yun magpapakita sakin." sagot ni Maki.
"Sige kakausapin namin si Satomi wag ka mag alala Maki. Bago ako umalis kakausapin ko sya." ngiting sabi ni Ayako.
"Salamat...
"Wag kana umiyak captain naiiyak ako eh." malungkot na sabi ni Kiyota.
"Lahat ng nagmamahal nasasaktan sa una pero worth it yan kapag naging ok na kayo." ngiting sabi ni Hanagata.
"Naks si Aika ba." pang aasar ni Fujima kay Hanagata.
"No comment." nakataas ang kilay na sabe ni Hanagata.
"Ay may bebe din pala tong si Hanagata tahimik pero matinik pala sa babae." pang aasar ni Mitsui.
"Ikaw nga di tahimik pero matinik sa babae." pang aasar din Ryota.
"Ingay nyo naman." inis na sabi ni Rukawa.
"Si Haruko ba yun." turo ni Sendoh at napalingon naman si Rukawa at Sakuragi.
"Nasaan?" tanong ng dalawa..
"Alam na this Rukawa vs Sakuragi hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..
"Gung gung ka." inis na sabi ni Rukawa.
"Haruko pala ang type mo hah. Magkaribal na sa basketball magkaribal pa sa babae hanep
Sino kaya makaka shoot sa puso ni Haruko." nang aasar na sabi ni Mitsui..
"Rukawa gusto mo si Haruko akin yun eh tatamaan ka talaga sakin." naiinis na sabi ni Sakuragi.
"Gusto ka ba nya?" tanong ni Rukawa..
"Aw sapul" natatawang sabi ni Kiyota.
"Ang swerte pala ni Haruko dalawang lalaki nagmamahal." napapangiting sabe ni Ryota.
"Kayo talaga tama na yan." singit na sabi ni Akagi..
"Hayaan mo Rukawa kapag nasaktan ka iyak ka lang kay Mitsui." ngiting sabi ni Sendoh..
"Bakit ako iiyak." pagtataray na sabi ni Rukawa.
"Dahil ako ang pipiliin ni Haruko wahaha." tawang tawang sabi ni Sakuragi.
"Nakakasiguro ka Hanamichi Sakuragi? hugis puso nga mata ni Haruko pag nakikita si Rukawa eh." sabat ni Ayako.
"Si Maki paba pinag uusapan nyo? Wala na yung tao kanina pa umalis" bungad ni coach Takato..
"Tama na yan tulungan na natin si Maki." sabe ni Fujima sa team.
Pagpasok ni Maki sa kwarto doon nya nilabas lahat ng sakit na nararamdaman nya wala syang ginawa kundi umiyak hindi na rin sya kumakain kakaisip kay Satomi. Wala na rin syang ganang maglaro o mag aral lahat ng yun binalewala ni Maki. Gusto na nyang makasama si Satomi ang babaeng pangarap nyang pakasalan at mahalin habang buhay.