Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 58 - CHAPTER 58

Chapter 58 - CHAPTER 58

(RYONAN)

"Kamusta na kaya si Satomi at Maki." ani ni Sendoh kay Koshino at Fukuda.

"Hindi nga daw pumasok si Satomi sabi ni Nami." sagot ni Koshino.

"Inlove eh." natatawang sabi ni Sendoh.

"Inlove ka rin naman di ka nga lang pinapansin." pang aasar ni Fukuda.

"Papansinin din ako nun maghintay lang kayo." taas noong sabi ni Sendoh..

"Pupunta ba tayo sa Shoyo ngayon? Sabi ni Fujima magpapakain daw sya dahil birthday ata ng kapatid nya yung Daila." sabi ni Koshino at napangiti naman si Sendoh.

"Daila? Kapatid pala ni Fujima yun hehehe." ngiting sabi ni Sendoh..

"Hindi ba dito rin nag aaral yun?" tanong ni Fukuda.

"Oo classmate ni Sendoh." sagot ni Koshino.

"Pag nga naman sinuswerte ka tara punta tayo sa Shoyo. Kapatid ka pala ni Fujima yari ka sakin." mahinang sabe ni Sendoh habang nakangiti.

(KAINAN)

"Hindi na talaga sumama sa practice si captain siguro may ginagawa sila ni Satomi." seryosong sabi ni Kiyota.

"Ano naman ginagawa nila?" tanong ni Jin na hindi maiwasan matawa kay Kiyota.

"Alam mo na yun Jin yung ginagawa ng babae at lalaki." ngiting sabi ni Kiyota.

"Ikaw Kiyota kung ano ano iniisip mo hindi naman ganun si captain." saad ni Jin.

"Totoo naman Jin kung makahalik nga si captain kay Satomi grabe parang lalamunin ng buo si Satomi." sabi ni Kiyota at natawa naman si Jin.

"Pupunta ba tayo sa Shoyo?" tanong ni Jin.

"Oo punta tayo may kainan daw dun basta pagkain pupunta ko." excited na sabi ni Kiyota

"Sige bilisan na natin mag practice." utos ni Jin sa team nya.

(SHOHOKU)

"Rukawa sama kaba mamaya?" tanong ni Mitsui.

"Saan nanaman?" inis na tanong ni Rukawa.

"Birthday daw ng kapatid ni Fujima invited tayong lahat." sagot ni Mitsui.

"Hindi naman si Fujima ang may birthday kapatid bakit tayo invited." nagtatakang tanong ni Rukawa.

"Ikaw naman sumama kana para makilala mo kapatid nya." pagyaya ni Mitsui dahil mahirap pilitin si Rukawa.

"Wala akong balak makilala kung sino man sya matutulog na lang ako." walang kagana ganang sabe ni Rukawa.

"Sumama kana. Sige ka pag di ka sumama baka may gawin si Fujima sa kapatid mo sige ka ikaw rin." sabe ni Miyagi at tumawa naman si Mitsui.

"Nananakot ka ba? Tumabi ka nga Mitsui hindi ka naligo." inis na sabi ni Rukawa.

"Hoy naligo ako paamoy ko pa sayo kili kili ko eh., bwesit na to." napipikon na sabi ni Mitsui..

"Kulot nasaan si Haruko?" tanong ni Sakuragi.

"Wala ba sa puso mo? baka nasa puso ni Rukawa check mo." pamimilosopong sagot ni Ryota habang tumatawa.

"Ikaw talaga kulot." inis na sabi ni Sakuragi.

"Sama ka ba mamaya Hanamichi?" tanong ni Ryota.

"Saan?" tanong ni Sakuragi.

"Sa bahay nila Fujima birthday daw ng kapatid nya invited tayong lahat." sabi ni Ryota at natuwa naman si Sakuragi.

(SHOYO)

"Fujima." tawag ni Sendoh kasama ang team ng Ryonan.

"Sendoh kayo pala." natutuwang sabe ni Fujima ng makita ang RYONAN.

"Pasensya kana ang aga namin excited kasi si Sendoh." nahihiyang sabe ni Koshino.

"Ayos lang Koshino hintayin nalang natin ang Shohoku at Kainan para sabay sabay na tayo umalis." ngiting sabi ni Fujima.

"Nasaan nga pala ang girlfriend mo Fujima?" takang tanong ni Fukuda.

"May klase pa sya eh." sagot ni Fujima.

"Kapatid mo pala si Daila." tanong ni Sendoh kay Fujima.

"Oo akala ko kilala mo sya kasi sa Ryonan sya nag aaral." wika ni Fujima.

"Hindi kami close eh tahimik kasi ako sa school." natatawang sabi ni Sendoh..

"Tahimik ka Sendoh? Talaga ba? parang lage kang nalilista sa noisy dahil sa kaingayan mo." pagbubulgar ni Koshino.

"Oo na Koshino wala talaga akong maitago sayo eh." napapakamot na lang si Sendoh dahil sa sinabe ni Koshino.

"Hi Sendoh." ngiting bati ni Aika, Erica, Ashley, Maricar at Janna ang mga kaibigan ni Sasaki.

"Hi." nahihiyang bati naman ni Sendoh.

"Janna bakit wala pa si Sasaki?" tanong ni Fujima.

"Nasa room pa pero palabas na sya pinauna nya na kami kasi pupunta pa daw sya sa faculty." sagot ni Janna.

"Hi. Ikaw si Fukuda di ba?" tanong ni Maricar.

"Oo ako nga." masungit na sagot ni Fukuda.

"Nasaan si Hanagata?" tanong ni Aika.

"Ah ikaw pala si Aika hehehe. Aika ng buhay ni Hanagata." nang aasar na sabi ni Sendoh.

"Ano yun?" takang tanong ni Aika.

"Wala Aika wag mo na lang pansinin si Sendoh." sabi ni Fukuda na masamang tinignan si Sendoh.

"Ang daldal mo talaga." bulong ni Koshino kay Sendoh.

"Nasa gym pa sya nagbibihis. Bakit namiss mo hahaha?" tanong ni Fujima na inaasar si Aika.

"Hindi hah bakit ko naman mamimiss yun." nakasimangot na sabi ni Aika.

Dumating na ang Shohoku pero wala pa ang Kainan kaya naghintay na lang silang lahat sa gym.

"Malayo ba ang bahay mo dito Fujima?" tanong ni Ryota.

"Hindi naman medyo lang." ngiting sabi ni Fujima.

"May kapatid ka palang babae akala ko nag iisang anak ka lang." singit ni Mitsui.

"Sa Ryonan sya nag aaral ayaw nya kasi magkasama kami dahil binabantayan ko daw kasi sya." kwento ni Fujima.

"Maganda ba kapatid mo? Pakilala mo kami." sabe ni Mitsui at inakbayan si Fujima.

"Mahiya ka nga nandyan si Erica pinagpalit mo agad." bulong ni Ryota kay Mitsui

"Nag iisa lang si Erica sa puso ko iba naman si Daila." ngiting sabi ni Mitsui sabay kindat kay Erica.

"Hay naku babaero." bulong ni Rukawa.

"Makikilala nyo sya mamaya." sabi ni Fujima sa team.

"Hi babe." bungad ni Sasaki.

"Kamusta school mo?" tanong ni Fujima at hinawakan ang kamay ni Sasaki.

"Ang sweet naman ng dalawang to." naiinggit na sabi ni Ryota habang nakatingin sa dalawa.

"Pabalikin mo kasi si Ayako ng di ka naiinggit." sabi ni Mitsui at nalungkot naman si Miyagi.

"Kung pwede lang ginawa ko na." saad ni Ryota na hindi maiwasan isipin si Ayako.

"Si Maki kaya pupunta?" tanong ni Hanagata.

"Pag wala si Satomi alam mo na ang sagot." nakakalokong sabi ni Sendoh.

"Ano kayang ginagawa ng dalawa?" tanong naman ni Mitsui.

"Ano pa nga ba edi gumagawa ng bata." tumatawang sabe ni Sendoh..

"Walang sinabi si Fujima sa bilis ni lolo." singit ni Sakuragi sabay tawa.

"Kunwari ka pa mabilis ka din naman." sabat ni Ryota.

Pag dating ng KAINAN sabay sabay na silang umalis kasama ang mga kaibigan ni Sasaki. Inimbitahan din ni Fujima si Haydee at Haruko. Hindi alam ng team kung pupunta sila Satomi at Maki pero inimbitahan din sila ni Fujima. Masaya ang team dahil makakapunta sila sa bahay ni Fujima at makikilala ang kapatid nito..

"Hanagata kumain ka na ba?" tanong ni Aika.

"Hindi pa." tipid na sagot ni Hanagata.

"Hindi nga nya namimiss Janna." bulong ni Fujima.

"Yan tayo girl eh." pang aasar ni Janna kay Aika.

"Tinanong ko lang naman kung kumain na wala naman masama dun." mataray na sabi ni Aika.

"Bakit si Hanagata lang tinatanong mo ang dami natin dito." sabi ni Maricar.

"May gusto ka ba sakin Aika?" diretsyang tanong ni Hanagata.

Nagulat silang lahat sa tanong ni Hanagata ganun din si Fujima. Hindi tuloy makapag salita si Aika dahil hindi nya alam kung sasagot ba sya dahil ang dami nila.

"Bakit mo tinatanong." namumulang sabe ni Aika.

"Gusto ko malaman." seryosong sabi ni Hanagata.

"Meron." sagot ni Aika.

"Wag ako Aika dahil hindi ako good man tulad ng iniisip mo masasaktan ka lang sakin." sabe ni Hanagata saka lumayo kay Aika.

"Ang sakit naman nun." bulong ni Sendoh.

"Ayos ka lang?" tanong ni Koshino.

"Okay lang." malungkot na sabi ni Aika.

"Anong klaseng lalaki si Hanagata nananakit ng babae." inis na sabi ni Mitsui.

"Baka may nakaraan." bulong ni Ryota.

"Wag ka mag alala Aika kakausapin ko si Hanagata." ngiting sabi nalang ni Fujima.

"Wag kana malungkot Aika marami pa naman dyan." sabi naman ni Sasaki.

"Para din palang si Rukawa yan." ngiting sabi ni Sendoh..

"Ako nanaman nakita mo." naiinis na sabi ni Rukawa.

"Ang seryoso kasi kaso si Hanagata marunong ngumiti ikaw hindi." pang aasar ni Sendoh.

"Wala akong nabalitaan na may babae si Hanagata pero alam ko namatay yung dati nyang girlfriend hindi ko lang alam kong naka move on na sya." kwento ni Hasegawa.

"Sabi na may nakaraan sya." bulong ni Ryota.

"Kaya naman pala ayaw na nya magmahal." sabe ni Koshino sabay tingin kay Hanagata.

"Wag mo sya susukuan Aika walang imposible sa love." seryosong sabi ni Sendoh saka umakbay kay Rukawa.

"Wag kana malungkot Aika nandito naman kami." ngiting sabi ni Maricar.

Pag dating nila Fujima sa bahay nakita nya ang kapatid nyang si Daila na naghahanda ng pagkain dahil alam nitong kasama ng kuya nya ang lahat ng team.

"Wow dami pagkain." natutuwang sabi ni Kiyota.

"Ikaw ba nagluto nyan?" tanong ni Sendoh..

"Oo." tipid na sagot ni Daila.

"Ang ganda mo naman tapos magaling ka pa magluto. May boyfriend ka na ba? " diretsang tanong ni Kiyota kay Daila.

"Wala pa." sagot ni Daila.

"Magkamukha nga kayo ni Fujima girl version nga lang ikaw ni Fujima." ngiting sabi ni Koshino.

"Salamat kain na kayo." pag aaya ni Daila.

"Happy birthday nga pala Daila." bati ni Ryota.

"Happy birthday Daila." bati rin ni Sasaki.

"Happy birthday Daila sorry wala akong regalo lista mo na lang muna sa palad mo." natatawang sabi ni Sendoh na hindi nahihiya kay Daila.

"Happy birthday din Daila sorry wala din akong regalo lista mo na lang din sa kabilang palad mo." pang-gagaya ni Mitsui sa sinabe ni Sendoh.

"Happy birthday sorry wala akong gift lista mo na lang sa mukha ni Sendoh." seryosong sabi ni Rukawa at natawa naman si Daila.

"Salamat sa inyong lahat..

Sabay sabay silang kumain dahil nagugutom na sila Sakuragi, Kiyota at Mitsui kaya hindi na nila nahintay si Haydee, Haruko, Satomi at Maki.