"Anak tumayo kana dyan...
"Sandali lang Ma mga 5 minutes." sagot ko habang nakapikit ang mata.
"Nandito si Max ang pinsan mo..
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pangalan ni Max ang nag iisa kong pinsan sa side ni papa. Napaka dalang nitong pumunta dahil sa London ito nakatira at nag aaral.
"Max." pagtawag ko.
"Satomi kamusta?" tanong nito na masayang makita ako.
"Ito lalong gumaganda ikaw ang kamusta..
"Ayos lang naman hindi rin naman ako mag tatagal dito. Isang linggo lang ako dito tapos balik na ulit sa London....
"Ganun ba sayang naman." nalulungkot akong tumingin sa kanya dahil akala ko makakasama ko sya ng matagal.
"Wag kana malungkot Satomi pagkatapos mo kumain alis tayo gala mo ko dito sa KANAGAWA. Gusto ko rin kasi makita kung saan ka nag aaral." nakangiting sabi ni Max.
"Talaga sige Max ililibot kita dito tutal naman sabado ngayon walang pasok...
Pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami ni Max kay Mama para gumala. Tuwang tuwa ako dahil kasama ko sya napaka bait na tao ni Max at napaka talino rin kahit nasa ibang bansa sya nag aaral hindi sya nakakalimot sa amin ni Mama.
Inuna namin puntahan ang school ko para ipakita sa kanya kung saan ako nag aaral. Pagpasok namin may iilang estudyante na nandun na nag pa-practice ng sayaw.
"Wow ang ganda pala ng school mo Satomi." sabi ni Max habang nakatingin sa paligid.
"Tara puntahan natin ang gym para makita mo..
Pagpasok namin sa gym nakita namin ang team na nag pa-practice pero wala dun si Sendoh. Pinakilala ko si Max sa team dahil hindi pa nila ito nakita o nakilala..
"Max mga kaibigan ko si Koshino, Hikoichi, Ikegami, Uozumi at Fukuda wala dito si Sendoh pero ipapakilala ko din sya kapag nakita natin sya mamaya." sabe ko at ngumiti naman si Max sa team.
"Kamusta kayo ako si Max ang pinsan ni Satomi." pakilala ni Max.
"May pinsan ka pala Satomi ngayon lang namin sya nakita." hindi makapaniwalang sabe ni Koshino.
"Sa London kasi sya nag aaral dumalaw lang sya pero uuwi nadin sya next week isang linggo lang sya dito." paliwanag ko.
"Nice meeting you Max." wika naman ni Ikegami at Fukuda.
"Marunong ka ba mag basketball?" tanong ni Uozumi.
"Oo pero nag quit na ako sa basketball matagal na ewan ko lang kong marunong pa ako." nahihiyang sabi ni Max.
Niyaya ng team si Max upang makalaro ito. Manghang mangha naman sila Koshino Uozumi at Fukuda sa galing ni Max dahil kung maglaro ito parang si Sendoh.
"Sumali ka sa team namin Max." pagpilit ni Hikoichi.
"Oo nga Max dito kana lang mag aral." ngiting sabi naman ni Koshino.
"Hindi pwede kasi graduating na ako next year." saad ni Max at nalungkot naman si Hikoichi.
"Ay sayang naman." dismayadong sabi ni Hikoichi.
"Pwede pa naman tayo maglaro pag balik ko." sabi ni Max sa team.
"Pag nag college ka uuwi kana ba dito?" tanong ni Fukuda.
"Hindi ko pa alam Fukuda di ko kasi alam kung anong course ang kukunin ko sa college." sagot ni Max.
"Sana makalaro ka namin ulit. Napaka galing mong maglaro Max para kang si Sendoh." humahanga na sabe ni Koshino.
"Sinong Sendoh?" tanong ni Max.
"Ako yun." ngiting bungad ni Sendoh.
"Sya si Akira Sendoh ang Ace player ng Ryonan Max." pakilala ni Hikoichi.
"Ako nga pala si Max pinsan ni Satomi." pagpapakilala naman ni Max.
"Ano one on one?" paghahamon ni Sendoh kay Max.
Napatingin ako kay Sendoh dahil hinamon nya ng one on one si Max hindi naman nainis si Max at ngumiti lang ito kay Sendoh. Parehong magaling sa basketball si Max at Sendoh pero hindi ko alam kung sino mas magaling sa kanilang dalawa.
"Napaka galing ni Max maglaro." bulong ni Ikegami habang nanonood sa dalawa.
"Hindi magpapatalo si Sendoh kahit na magaling si Max." saad ni Koshino.
Pagkatapos maglaro niyaya nila Sendoh si Max kumain. Nakakatuwa dahil close agad nila ang pinsan ko para tuloy akong kawawa dahil mas gusto na nila si Max kesa sakin sabagay hindi naman mahirap pakisamahan ang pinsan ko dahil mabait ito.
"Gusto ko ulit makalaro ka." ngiting sabi ni Sendoh.
"Ako rin namiss ko maglaro ng basketball. Sana pag balik ko ulit dito makapaglaro tayo." sabe ni Max kay Sendoh.
"Oo ba sayang nga lang dahil di ka pala mag tatagal dito." wika ni Sendoh.
"Pwede pa naman tayo maglaro ulit kapag bumalik ako dito." ngiting sabi ni Max sa team.
Pagkatapos naming kumain kasama ang team nagpaalam na kami ni Max para igala sya sa KANAGAWA.
Naglalakad kami habang nagtatawanan ni Max paano naman kasi nakakatawa mga jokes nya parang timang din. Mag pinsan talaga kami pareho kami ng wavelength ng utak...
"Maki hindi ba si Satomi yun?" turo ni Kiyota..
"Baka hindi naman sya yan may kasamang lalaki tapos naka akbay pa di naman nya lolokohin si Maki." sabe naman ni Jin.
"Pag humarap sya malalaman natin." seryosong sabi ni Maki.
Humarap nga si Satomi kaya gulat na gulat si Maki dahil may kasama itong lalaki at naka akbay pa sa girlfriend nya. Hindi na maipinta ang mukha ni Maki sa galit.
"Sabi sayo si Satomi yun eh." bulong ni Kiyota.
Lumapit si Maki kanila Satomi at sinuntok nito si Max laking gulat ni Satomi ng makita si Maki at ang team ng Kainan.
"Sino ka ba? Bakit mo ko sinuntok." galit na tanong ni Max.
"Maki anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Ikaw nga dapat tanungin ko nyan. Anong ginagawa mo rito. Nawala lang ako sa paningin mo nakikipag landian kana." galet na sabi ni Maki.
"Ang sakit mo naman magsalita hindi ako nakikipag landian." naiinis kong sabe sa kanya.
"Anong tawag mo dyan? Naka akbay pa sayo tong lalaki mo sana kung lolokohin mo ko yung hindi ko nakikita." galit na galit na sabe ni Maki saka kami iniwan ni Max.
Umiyak ako kay Max dahil sa sinabi ni Maki sakin na malandi dahil ni minsan hindi ko sya nagawang lokohin. Hindi ko akalain na ganun sya kababaw mag isip ni hindi manlang nya ako hinayaan magpaliwanag basta na lang sya nagalit at sinuntok si Max.
"Sino ba yun Satomi?" inis na tanong ni Max.
"Boyfriend ko sya Max hindi ka nya kilala kaya siguro ganun sya mag react kaya lang sobra naman sya napaka sakit nya mag salita." umiiyak kong sabi sa pinsan ko.
"Wag kana umiyak Satomi. Sorry dahil sakin nag away pa kayo." malungkot na sabi ni Max.
"Wag ka mag sorry Max wala ka naman kasalanan..
Umuwi na lang kami ni Max dahil pareho na kaming nawalan ng mood gumala ng dahil sa ginawa ni Maki. Hindi ko akalain na sobra pala syang seloso nakakatakot sya lalo na kapag nagagalit.
"Tita uuwi na po ako. Satomi salamat ulit." pagpapaalam ni Max.
"Ingat ka Max." sabe ko.
Umakyat na lang ako sa kwarto dahil iniisip ko parin ang ginawa ni Maki ibang klase sya mag isip. Akala ko kilala na nya ako hindi parin pala. Nakakaiyak promise ang buong akala nya nakikipag landian ako di nya alam pinsan ko yung kasama ko.
Mahal ko si Maki at kahit kailan hinding hindi ko sya magagawang lokohin kahit na sino pang gwapo ang nasa paligid ko. Dahil sya lang naman ang nag iisa sa puso ko pero ang sakit talaga ng sinabi nya sa akin bakit ganun ang tingin nya. Sana naisip nya muna mag tanong bago sya nagalit sa akin at suntukin si Max.