Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 64 - CHAPTER 64

Chapter 64 - CHAPTER 64

"Hindi ko akalain captain na lolokohin ka ni Satomi." sabi ni Kiyota na hindi makapaniwala sa ginawa ni Satomi.

"Hindi pa naman natin alam kung niloloko ba talaga sya ni Satomi." sagot ni Jin.

"Anong hindi Jin? Kitang kita ng dalawang mata ko na may kasama syang ibang lalaki bullsh*t ayoko sa lahat ng niloloko ako." galit na sabi ni Maki.

"Bakit di mo na lang sya puntahan sa kanila captain tapos mag usap kayo." suggest ni Kiyota.

"Para ano pa? ayoko na. Mahal ko si Satomi pero sa lahat ng ayoko niloloko ako. Ginawa ko lahat para sa kanya tapos ipagpapalit lang nya ako." seryosong sabe ni Maki na galet na galet sa ginawa ni Satomi.

"Break na kayo captain?" tanong ni Kiyota.

"Ganun na nga." sagot ni Maki.

"Mag usap muna kayo captain wag padalos dalos." sabi ni Jin na hindi sang ayon sa desisyon ni Maki.

Hindi na nagsalita pa si Maki dahil galit ito kay Satomi lalo na sa lalaking kasama nito. Hindi lubos maisip ni Maki na magagawa ni Satomi sa kanya yun. Ayaw na nya makita pa ang mukha ni Satomi kahit na kailan dahil sinaktan at niloko sya nito.

Satomi Point Of View

Hapong hapo akong lumabas sa kwarto at napansin naman ito ni Mama. Mag hapon akong umiyak dahil sa sinabi ni Maki sa akin.

"Anak may problema ka ba?" tanong ni Mama

"Nagalit po sa akin si Maki..

"Bakit naman sya magagalit sayo? okay naman kayo kahapon..

"Pinagselosan po nya si Max. Akala nya niloloko ko sya hindi nya alam pinsan ko si Max. Ipapaliwanag ko sana sa kanya kaso bigla nyang sinuntok si Max tapos nagalit sya ng di manlang nya ako hinayaan magpaliwanag." kwento ko kay Mama.

"Kausapin mo na lang si Maki hindi naman nya kasi kilala ang pinsan mong si Max kaya ikaw na lang ang umintindi anak. Ayokong nag aaway kayo ni Maki lalo na kung pwede naman ayusin maliit na bagay lang yan." sabe ni Mama at hindi nalang ako kumibo.

Hindi ko sinabi kay Mama ang sinabi ni Maki sa akin na malandi ako dahil ayokong magalit si Mama kay Maki.

SUNDAY 7:00 AM

Hindi ko na iniisip pa kung ano tingin ni Maki sakin at kung ano isipin nya sa amin ni Max bahala sya dahil ayoko na magpaliwanag kung di naman sya makikinig sa akin.

"Good morning Satomi." bati ni Sendoh at Koshino.

"Anong ginagawa nyo dito? Wala naman pasok ngayon." takang tanong ko.

"Yayayain sana namin si Max nandyan ba sya? manonood kasi kami ng laro." ngiting sabi ni Koshino.

"Hindi ko alam kung pupunta sya ngayon." sabi ko na lang.

Mula ng malaman ni Max na may boyfriend ako parang natakot na sya pumunta dahil sa ginawa ni Maki sa kanya. Balak ko pa naman ipakilala sya kay Maki kaso naman hindi pa mandin nya nakikilala nag away na agad..

"Good morning tita." ngiting bati ni Max.

"Max good morning." bati din ni Mama.

"Sendoh at Koshino nandito kayo? Nakakatuwa naman nakita ko ulit kayo." masayang sabi ni Max.

"Natutuwa rin kaming makita ka Max." sagot ni Koshino.

"Gusto mo ba sumama manood ng laro?" tanong ni Sendoh.

"Kung kasama si Satomi hindi na lang." malungkot na sabi ni Max.

"Oh bakit nag away kayo mag pinsan? Pala away talaga tong si Satomi." nang aasar na sabi ni Sendoh..

"Hindi kami nag away nagalit kasi ang boyfriend nya kaya nga may pasa ako sa mukha dahil sinuntok nya ako." kwento ni Max at nabigla naman sila Sendoh.

"Si Maki sinuntok ka? Bakit di mo agad sinabi na pinsan mo sya Satomi?" seryosong sabi ni Sendoh..

"Ipapaliwanag ko sana kaso inunahan nya ng galit akala nya niloloko ko sya." sabe ko na hindi maiwasan mainis kay Maki.

"Wala naman kasalanan si Satomi hindi lang kasi ako kilala ng boyfriend nya kaya nag away pa tuloy sila ng dahil sakin." nakayukong sabi ni Max.

"Hayaan mo Max kakausapin namin si Maki kapag nakita namin sya mamaya sigurado manonood din yun." ngiting sabi ni Sendoh..

Sumama ako kanila Sendoh at Koshino para manood. Sumama din si Max dahil gusto din nya manood at tulad ng sabi ni Sendoh kakausapin na lang nila si Maki baka sakaling makinig si Maki kay Sendoh.

Pagdating namin nakita namin agad si Maki pero hindi ito nag iisa may kasama itong babae at hindi yun si Haydee. Nagulat pati sila Sendoh at Koshino dahil sweet na sweet ang dalawa sa isat isa. Nilapitan ni Sendoh at Koshino si Maki kasama si Max.

"Sino yan Maki?" tanong ni Sendoh..

"Wala na kayo dun." sagot ni Maki..

"Ibang klase ka hindi mo lang kasama si Satomi ipinagpalit mo na." naiinis na sabi ni Sendoh kay Maki.

"Sakin mo pa talaga sinabi yan Sendoh bakit di mo itanong yan sa kaibigan mo? Sya ang unang nanloko kaya wag ka sakin magalit." sabi ni Maki at masamang tinignan si Sendoh.

"Hindi ka nya niloko Maki." sabat ni Koshino.

"Wag nyo na ipag tanggol si Satomi dahil break na kami. Hindi ko nga akalain na malandi pala sya." natatawang sabi ni Maki.

Hindi na nakatiis si Sendoh at sinuntok nya si Maki gulat na gulat naman ang babaeng kasama ni Maki ganun din ang mga katabi nito. Dumugo ang ibabang labi ni Maki dahil sa lakas ng suntok ni Sendoh.

"Maling mali ka Maki. Ito tandaan mo kung paiiyakin mo lang si Satomi mas mabuti pa ngang mag break na lang kayo mas bagay kayo ng babae mo." galit na sabi ni Sendoh saka iniwan si Maki.

"Sana hindi mo na sya pinatulan Sendoh. Narinig ko lahat at nakita ko hindi ko alam na break na pala kami di nya ako na inform." ngiti kong sabi kahit ang totoo ang sakit na.

"Tama lang sa kanya yun g*go sya. Sana kung ipagpapalit ka nya alamin nya muna hindi yung meron na agad syang iba." naiinis sa galet na sabi ni Sendoh..

"Tara na wag na lang tayo manood akala ko pa naman makikinig sya sa atin mali pala ako." malungkot na sabi ni Koshino.

"Sana hindi na lang ako umuwi para di kayo nag break pasensya kana Satomi." hinging paumanhin naman ni Max.

"Wala kang kasalanan Max ayos lang yun. Ang sakit lang kasi break na pala kami at meron na sya." maiyak iyak kong sabi.

"Wag kang umiyak hindi iniiyakan ang ganung klaseng lalaki." sabi ni Sendoh sakin.

Umalis na kami nila Koshino Sendoh at Max hindi na sila nanood dahil sa sobrang galet ni Sendoh kay Maki. Thankful ako dahil may kaibigan akong katulad ni Sendoh na kaya akong ipagtanggol. Nakakalungkot lang dahil akala ko maaayos pa namin ni Maki kaso bumitaw na pala sya

Alam na alam ni Sendoh kung paano mawawala ang lungkot ko. Napangiti na lang ako ng bumili sila ng chocolate nila Koshino at Max super sweet din ni Sendoh at Koshino dahil alam nilang malungkot ako kaya nila ako binilan pero nunka kapag masaya ako di ako nakakatanggap ng chocolate mula kay Sendoh..

"Happy ka na ba?" ngiting tanong ni Sendoh..

"Hindi parin ang liit kulang sakin to." birong sabe ko at ngumiti sa kanila..

"Akina maliit pala buti nga binilan ka pa eh." natatawang sabi ni Sendoh.

"Salamat sa inyo Koshino Max at Sendoh hindi na ako malungkot." sabe ko pero ang totoo gusto ko ng umiyak ayoko lang ipakita sa kanila.

"Wala yun Satomi ano pa't magkakaibigan tayo." ngiting sabe ni Koshino.

"Wag kang iiyak dahil kapag pumasok kang maga ang mata sinasabi ko sayo tutusukin ko yan." banta ni Sendoh at natawa nalang ako..

"Oo na." sagot ko.

Paglabas namin sa convenient store nakita namin si Kiyota at Jin. Mukhang kagagaling lang nito sa paglalaro dahil pawis na pawis sila.

"Kayo pala. Mukhang naglaro kayong dalawa sa court." ngiting sabi ni Sendoh.

"Oo nagpa-pawis lang." sagot ni Jin.

"Hindi ba sya yung kasamang lalaki ni Satomi?" bulong ni Kiyota kay Jin.

"By the way Kiyota at Jin sya pala si Max ang pinsan ni Satomi." pagpapakilala ni Sendoh..

"Magpinsan kayo?" nagulat na tanong ni Kiyota..

"Oo pinsan sya ni Satomi. Gulat din ako dahil ngayon lang din namin sya nakita yun pala sa london nag aaral ang pinsan nya." paliwanag ni Koshino.

"Patay. Akala ni Maki niloloko mo sya Satomi." nahihiyang sabi ni Jin.

"Ayos lang yun Jin break naman na kami." malungkot kong sabi..

"Ano? Break na kayo?" takang tanong ni Kiyota..

"Totoo yun si Maki mismo nagsabi na break na sila. Manood kayo ng laban baka sakaling makita nyo sya na may kasamang babae." inis na sabi ni Sendoh..

"Sige Kiyota at Jin una na kami." pagpapaalam ko.

Hindi na kami nag usap ng matagal dahil alam ko naman tatanungin lang nila ako kung bakit kami nag break ni Maki. Ayoko ng umiyak ulit dahil tama si Sendoh hindi iniiyakan ang ganung klaseng lalaki baka nga hindi talaga sya yung naka tadhana kong mahalin habang buhay...