Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 65 - CHAPTER 65

Chapter 65 - CHAPTER 65

Habang papunta ako sa school iniisip ko parin si Maki.

"Good morning Satomi." ngiting bati ni Ikegami.

"Good morning din." bati ko.

"May laro pala ngayon ang KAINAN gusto mo bang sumama?" tanong nya.

"Hindi na marami pa kasi akong kailangan tapusin na project." pagdadahilan ko

"Ganun ba sige Satomi...

Pagpasok ko sa room dating gawi nakaupo ako at nakayuko. Nalulungkot ako ng sobra ayoko na sana isipin si Maki pero di sya mawala wala sa utak at puso ko..

"Satomi Takara...

"Takara Satomi..

Hindi ko napansin na nag tuturo na pala si Sir nakakahiya dahil nakatingin sakin ang mga classmate ko.

"Sorry sir ano po yun?" tanong ko..

"Inaantok ka ba? Kanina pa kita tinatawag kung matutulog ka lang sa klase ko you may leave."  pasigaw na sabe ni sir sakin.

"Sorry sir di na po maulit." nahihiya kong sabi..

Hindi ako makapag focus dahil si Maki ang iniisip ko. Wala rin akong maitindihan sa tinuturo ni sir nahihiya tuloy ako sa mga classmate ko dahil never pang nangyari sa akin to.

KAINAN

"Assemble." sigaw ni Maki.

"May laban tayo ngayon hindi na ako maglalaro dahil may tiwala ako sa inyo. Paghusayan nyo ang laro mamaya." paliwanag ni Maki.

"Captain pwede ka bang makausap?" seryosong tanong ni Jin kasama si Kiyota.

"Tungkol saan?" tanong ni Maki..

"Tungkol sana kay Satomi captain." nahihiyang sabi ni Kiyota.

"Ayoko na pag usapan pa sya at kung pwede wag nyo na banggitin ang pangalan nya." masungit na sabe ni Maki sa dalawa.

"Makinig ka muna samin captain may kailangan ka kasing malaman." makulit na sabi ni Kiyota.

"Kasasabi ko lang di ba? Mag practice kana Kiyota kung ayaw mong tanggalin kita." seryosong sabi ni Maki at walang nagawa si Kiyota kundi sumunod nalang.

Gusto man nilang sabihin na hindi sya niloloko ni Satomi kaso ayaw naman silang pakinggan ni Maki kaya bumalik na lang ang dalawa sa pag wawarm up at pag pa-practice.

"Maki ayos ka lang ba?" tanong ni coach Takato.

"Wala na kami ni Satomi coach." malungkot na sabi ni Maki.

"Bakit anong nangyari? Akala ko ba okay na kayo ni Satomi bakit nanaman kayo nag break?

"Niloko nya ako coach. Nakita ko syang may kasamang ibang lalaki tapos naka akbay pa yung lalaki sa kanya." naiiyak na sabe ni Maki.

"Sigurado ka bang niloloko ka ni Satomi? Hanggat hindi mo sya tinatanong at di nanggaling sa bibig nya wag kang maniniwala dahil minsan ang mata natin makasalanan....

"Anong ibig nyong sabihin coach na mali yung nakita ko?" tanong ni Maki.

"Oo Maki. Dahil malay mo kamag anak pala ni Satomi yun at hindi nya lalaki. Alam kong mahal na mahal ka ni Satomi sobra nga ang sweetness nyo kapag nakikita ko kayong magkasama kaya malabong lokohin ka nya. Itanong mo sa kanya bago ka mag isip ng di maganda sa kanya." paliwanag ni coach Takato.

"Nakipag break ako sa kanya coach..

"Pumayag ba sya? Kausapin mo muna sya Maki para malaman mo kung dapat muna nga bang iwan si Satomi..

"Sige po coach..

"Sige na mag practice kana samahan mo ang team mo wag kang mawala sa focus dahil kailangan kita...

"Okay coach salamat." sagot ni Maki..

RYONAN

Hindi ko tuloy alam kung uuwi ba ako o sasama kanila Ikegami manood. Alam ko naman kasing ayaw ako makita ni Maki at alam kong hindi na nya ako mahal tulad ng dati. Gusto kong mag move on pero di ko alam kung paano dahil sya lang ang lalaking pinaglaanan ng puso ko Mahal na mahal ko si Maki gusto ko syang kausapin kaso paano? kung ako mismo ayaw nya makausap ni ayaw nya nga magpaliwanag ako eh...

"Satomi umiiyak ka ba?" tanong ni Sendoh..

"Hindi ha. Bakit nandito ka? Hindi ba kasama mo si Daila...

"Nakita kasi kitang mag isa. Ayoko ng iiyakan mo pa si Maki. Ito tandaan mo marami pang lalaki sa mundo yung di ka kayang saktan. Wag mo na syang isipin pa dahil meron na syang iba mag move on kana Satomi dahil ikaw lang ang masasaktan kapag di mo pa yun ginawa." seryosong sabe ni Sendoh..

"Hindi ko kayang mag move on Sendoh Mahal ko si Maki." naiiyak kong sabe sa kanya.

"Tahan na Satomi. Hindi na nga kami pupunta sa laro nila dahil ayoko rin makita ang pagmumukha ni Maki. Tutulungan kitang mag move on kaya mo yan wag kana umiyak nasasaktan rin ako pag nakikita kitang ganyan." malungkot na sabi ni Sendoh.

"Sorry Sendoh kung lage na lang ako umiiyak sayo. Hindi ko talaga kaya na mawala sakin si Maki sya lang ang nagpapasaya sa akin....

"Tahan na nandito lang ako Satomi pagkatapos mo umiyak tama na. Maganda ka Satomi hindi ka mahihirapan makahanap ng lalaki isa pa matalino ka kaya kalimutan mo na si Maki. Sya nga masaya na sa iba kaya dapat mag move on kana..

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Sendoh umiyak na lang ako ng umiyak sa likod nya. Ang sakit talaga at kahit anong pilit kong ngumiti naaalala ko parin si Maki.

Nagpaalam na ako kay Sendoh para umuwi dahil ayoko na umiyak pa sa kanya. Mas mabuti na lang umiyak sa bahay ayoko ng pagalitan ako ni Sendoh dahil di ko sya sinunod..

"Satomi..

"Haydee..

"May laro ngayon si Maki hindi ka ba pupunta?" tanong ni Haydee..

"Hindi na nya ako kailangan dun Haydee. Wala na kami ni Maki may iba na syang girlfriend." sagot ko.

"Ano? Sigurado ka ba dyan. Mahal na mahal ka ni Maki kaya imposibleng ipagpalit ka nun sa iba." nabigla naman si Haydee sa nalaman samin ni Maki.

"Akala nya kasi niloko ko sya, akala nya nakikipag landian ako. Ang hindi nya alam pinsan ko yung kasama ko. Ang sakit lang Haydee kasi akala ko kilala na nya ako di pa pala." humihikbi kong sabi..

"Kaya pala namamaga yang mata mo. Hayaan mo kakausapin ko sya para maging maayos kayo wag kana umiyak Satomi." ngiting sabi ni Haydee.

Niyakap ako ni Haydee para maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero di pa rin mawala wala ang sakit. Napaka bait sakin ni Haydee dahil tinutulungan parin nya kami ni Maki.

"Paano una na ako. Wag kana umiyak Satomi alam kong maaayos nyo pa yan basta wag kang susuko fight fight lang." ngiting sabi ni Haydee saka nagpaalam na sakin

"Ingat ka Haydee." bulong ko saka tumalikod..

Ayoko na sana malaman pa ni Haydee ang problema namin ni Maki kaso magtataka naman sya kung bakit di ako pupunta sa laro ni Maki.

"Nandito na po ako Ma..

"Kumain kana anak. Aalis lang muna ako at may bibilin ako..

"Sige po Ma ingat kayo..

Umakyat ako sa kwarto at dun ako umiyak.

KAINAN VS SHINTAI HIGH SCHOOL

"Magsisimula na." excited na sabi Mitsui.

"Napansin nyo ba hindi nanood ang Ryonan." nagtatakang sabi ni Ryota.

"Oo nga baka naman may klase pa sila Sendoh at Satomi." sagot ni Mitsui.

"Tapos na klase nila. Nakita ko si Satomi umiiyak habang pauwi." bungad ni Haydee..

"Umiiyak? Bakit daw?" tanong ni Haruko.

"Break na sila ni Maki yun ang sabi nya sakin." kwento ni Haydee..

"Break na sila?" sabay sabay na tanong ng team ng SHOHOKU.

"Parang kahapon lang okay sila tapos ngayon break na." napapaisip naman si Ryota kung bakit.

"Yang dalawang yan di mo alam kung sino sa kanila may problema eh. Pareho may toyo ang utak." natatawang sabi ni Mitsui.

"Sinabihan ni Maki na malandi si Satomi at si Maki mismo nakipag break sa kanya dahil akala ni Maki niloloko sya ni Satomi ang hindi alam ni Maki na pinsan ni Satomi yung kasama nya at hindi nya lalaki." paliwanag ni Haydee.

"Grabe naman bakit nya naman sinabi kay Satomi na malandi bellow the belt na yun." inis na sabi ni Mitsui.

"Oo nga bakit sya nag salita ng ganun." sang ayon ni Ryota.

"Manonood ba kayo? Ang ingay nyo." iritang sabi ni Rukawa.

"Wala ka bang pakialam sa dalawa Rukawa?" tanong ni Sakuragi.

"Bahala sila sa buhay nila malalaki na sila." sagot ni Rukawa habang seryosong nanonood.

"Sabagay tama naman si Rukawa malaki na sila kaya na nilang ayusin dalawa yun." pag sang ayon na lang ni Ryota.

"Kaya pala wala sila Sendoh." bulong ni Haruko.

"Wala rin ang SHOYO." sabi ni Mitsui.

"Nandito kami." sagot ni Fujima na nasa likod nila Mitsui.

"Nandyan pala kayo whahaha narinig nyo lahat?" natatawang tanong ni Sakuragi.

"Oo Sakuragi ang ingay nyo kasi mag usap." ngiting sabi ni Sasaki.

Nagsimula na ang laban sa pagitan ng KAINAN at SHINTAI. Magaling rin ang Shintai dahil naging pang anim sila kahit di sila nakapasok sa finals. Hindi naman makapag focus si Maki dahil wala syang iniisip kundi si Satomi.