Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 66 - CHAPTER 66

Chapter 66 - CHAPTER 66

"Sino kayang mananalo. Malakas din ang Shintai lalo na ang Ace player nilang si Samura Kitawa." seryosong sabi ni Mitsui.

"Napapansin nyo ba wala sa focus si Maki hindi naman ganyan mag laro yan eh." puna ni Ryota.

"Dahil kay Satomi kaya wala sa focus ang paglalaro nya." sagot ni Fujima.

"Pag nagpatuloy pa yan baka matalo sila." singit ni Hanagata.

"Hindi naman siguro dahil magaling naman ang KAINAN." wika naman ni Hasegawa.

"Tignan mo nga lamang na ang Shintai." nababahalang sabi din ni Sasaki.

"Nagsisimula pa lang naman babe." ngiting sabi ni Fujima.

Hindi na nanood ang Ryonan sa laro nila Maki dahil galit si Sendoh kay Maki. Wala naman sa laro ang isip ni Maki kaya galit na galit si coach Takato dahil lumalaki na ang lamang ng Shintai sa Kainan. Alam nila Kiyota at Jin kung bakit ganun ang captain nila naawa sila para kay Satomi pero mas naaawa sila kay Maki pag natalo sila dahil si Maki ang taong hindi nagpapatalo sa laban.

"Captain tapusin na natin to." napapagod na sabi ni Kiyota.

"Sorry." mahinang sabe ni Maki.

"Wag kayong magpatalo sa kanila." sigaw ni coach Takato.

"Grabe galit na galit na yung coach ng KAINAN." sabi ni Ryota na hindi maiwasan matawa kay coach Takato.

"Lumalaki na kasi ang lamang ng Shintai." anya ni Fujima.

"Dapat maibalik agad ni Maki ang paglalaro nya kung hindi matatalo sila." saad ni Mitsui.

"Hindi sila matatalo." singit ni Rukawa sa usapan.

"Paano ka naman nakakasiguro kuya?" tanong ni Sasaki.

"Dahil hindi pa binibigay ni Maki ang buong lakas nya sa paglalaro. Hindi pa yan ang tunay nyang galaw." seryosong sabe ni Rukawa habang naka tingin kay Maki.

"Ah ganun pala." nakapalumbabang tugon ni Sasaki.

Habang tumatagal nababawi na ng KAINAN ang lamang ng SHINTAI dahil binalik ni Maki ang focus nito sa paglalaro. Dahil sa husay ni Jin sa 3 points at sunod sunod na steal ni Maki lumamang ang KAINAN sa SHINTAI nagsigawan naman ang mga suporta ng Kainan. Pagod na pagod na si Maki, Jin at Takasago dahil mula umpisa naglalaro na sila.

"Nanalo ang KAINAN." sigawan ng mga suporta ng KAINAN..

"Ang galing talaga ni Shinichi Maki." kinikilig na sabi ng mga babaeng may gusto kay Maki.

"Tara uwian na." sabi ni Mitsui at lalabas na sana ng gymnasium.

"Sandali...

"Bakit Rukawa?" tanong ni Ryota.

"Kausapin nyo si Maki." utos ni Rukawa at nagtaka naman si Fujima.

"Tungkol saan?" tanong ni Fujima.

"Kay Satomi." tipid na sagot ni Rukawa.

"Akalain mong may pakialam ka pala." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Kausapin nyo at uuwi na ako." sabe ni Rukawa at nagpaalam na sa team.

"Ang galing akala ko sasama sya yun pala uutusan tayo." napapakamot na lang si Mitsui habang papalabas.

Pinuntahan ng Shoyo at Shohoku ang team ng Kainan para kausapin si Maki at icongratulate na din. Nauna ng umalis si Rukawa, Sakuragi kasama si Haruko.

"Congrats." bati ni Mitsui sa KAINAN.

"Congrats napaka gandang laban." bati rin ni Fujima.

"Pwede ka bang makausap Maki." seryosong sabe ni Haydee.

"Tungkol saan?" tanong ni Maki.

"About sana kay Satomi." sagot ni Haydee.

"Bago ka sana mag react Maki pakinggan mo muna si Haydee pwede ba yun?" pakiusap ni Mitsui kay Maki.

"Okay." tipid na sagot nalang ni Maki.

"Maki nagkamali ka ng iniisip kay Satomi yung lalaking ka-akbay at kasama nya hindi nya lalaki kundi pinsan nya hindi ka nya niloloko Maki." sabe ni Haydee at nagalet naman si Maki.

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan?" pasigaw na sabe ni Maki na hindi maiwasan magalet kay Haydee.

"Dapat sasabihin namin sayo captain kaso ayaw mong pag usapan si Satomi kaya di namin nasabi." nakayukong sabat naman ni Kiyota.

"Totoo bang nakipag break ka sa kanya Maki?" tanong ni Fujima.

"Hindi yun official. Mahal ko si Satomi alam nyong lahat yan kaya ko nasabi yun dahil akala ko niloloko nya ako akala ko kasi may iba sya napaka g*go ko dahil di ko manlang sya tinanong." inis na sabi ni Maki sa sarili

"Galit din ata sayo si Sendoh captain." pag singit ni Jin sa usapan

"Malamang dahil sinabihan nya ng masasakit na salita si Satomi eh." sagot ni Mitsui.

"Meron kana bang iba? Ang sabi ni Satomi may girlfriend kana daw." anya ni Haydee..

"Wala akong girlfriend dahil si Satomi lang nag iisa kong asawa wala ng iba. Nung nakita ako nila Sendoh talagang pakana kong lumapit sa babae para makita ni Satomi na kaya ko rin gawin ang ginagawa nya pero mali pala ako bulls*t napaka g*go ko sinaktan ko nanaman sya." nagmumurang sabe ni Maki.

"Hindi pa naman huli ang lahat Maki." ngiting sabe ni Sasaki.

"Tama sya ipaglaban mo si Satomi at mag sorry ka sa kanya ganun din sa pinsan nya." wika ni Fujima.

"Matatanggap pa kaya nila ako? pati ang team ng Ryonan galit sakin. Tapos nasuntok ko pa ang pinsan nya nasabihan ko rin ng malandi si Satomi napaka wala kong puso." nakuyukong sabi ni Maki.

"Puntahan mo sya captain pero kausapin mo muna si Sendoh para matulungan ka nya dahil kay Sendoh lang makikinig si Satomi." suggestion ni Jin.

"Tama sya." sang ayon ni Hanagata.

"Sige pupuntahan ko si Sendoh sa school baka hindi pa sya nakakauwi." malungkot na umalis si Maki para pumunta sa school ng RYONAN.

Sumama ang Shoyo at Shohoku kay Maki upang magpunta sa Ryonan. Nagpa-practice naman ang Ryonan dahil gusto pa nilang mas lalong gumaling. Wala man si Uozumi naging magaling naman si Sendoh bilang captain dahil lahat sila sumusunod kay Sendoh.

Pagdating ng team nagulat sila Sendoh at Koshino dahil nakita nila ang Kainan, Shohoku at Shoyo. Hindi pinansin ni Sendoh si Maki at nagpatuloy ito sa paglalaro. Lumapit naman si Ikegami at Fukuda sa team ng Shohoku.

"Aba di nyo ata kasama si Sakuragi." tanong ni Fukuda.

"Umuwi na." sagot ni Mitsui.

"Bakit nga pala nandito kayo?" nagtatakang tanong ni Ikegami.

"Gusto makausap ni Maki si Sendoh." pag sagot ni Ryota sa tanong ni Ikegami.

"Kanina pa yan mainit ang ulo lahat kami nakatikim ng sermon." sabi ni Fukuda habang nakatingin kay Sendoh.

Nilapitan ni Maki si Sendoh upang kausapin ito. Huminto naman si Sendoh sa paglalaro at hinarap si Maki.

"Anong kailangan mo sakin?" galit na tanong ni Sendoh.

"Alam kong galit ka sakin sapakin mo ko ulit kung gusto mo. Mag usap tayo Sendoh alam kong nasaktan ko nanaman si Satomi...

"Nung nagkita tayo halos ibida mo sakin yung girlfriend mo tapos ngayon gusto mo pag usapan natin si Satomi? Wag na Maki dahil nasaktan mo na sya." inis na sabi ni Sendoh.

"Kailangan ko sya Sendoh mahal ko si Satomi at alam mo yan dahil nasaksihan mo lahat kung paano ko sya mahalin." naiiyak na sabi ni Maki.

"Oo nasaksihan ko lahat pati ang pananakit mo sa kanya nasaksihan ko. Hindi ko matanggap na tinawag mo syang malandi at ikaw pa talaga nakipag break sa kanya para lang ipagpalit sya sa iba. Ayos Isa kang manloloko." galit na sabi ni Sendoh saka sinuntok si Maki.

"Awatin nyo." bulong ni Fukuda.

"Hayaan mo sila." nakangiting sabe ni Mitsui.

"Wala akong girlfriend Sendoh pinalabas ko lang yun para makita ni Satomi na kung kaya nyang gawin kaya ko rin. Alam kong nagkamali ako kaya nga nandito ako." paliwanag ni Maki habang hawak nito ang ibabang labi.

"Masakit ba? Tama lang yan sayo gusto mo dagdagan ko pa. Mabait ako sayo Maki hindi ko tinutulan ang pagmamahal mo kay Satomi pero kung lage ko syang makikita na iiyak ng dahil sayo mabuti pang lumayo kana sa kanya." seryosong sabi ni Sendoh..

"Mahal ko sya Sendoh Mahal na mahal pakiusap wag mo syang ilayo sakin dahil hindi ko yun kakayanin." umiiyak na sabi ni Maki.

"Lalaki rin akong tulad mo pero magkaiba tayo dahil ako di ako nagpapaiyak ng babae kasi kahit kailan di ko hahayaan masaktan ang taong mahal ko...

"Suntukin mo ko murahin mo ko para mawala yang galit mo sakin. Nakikiusap lang ako wag si Satomi Sendoh dahil di ko kaya na mawala sya sakin mahal na mahal ko ang asawa ko..

Sinuntok ni Sendoh si Maki at hindi naman lumaban si Maki. Duguan ang labi ni Maki dahil sa suntok ni Sendoh hindi naman inawat ng team ang ginawa ni Sendoh..

"Okay na tutulungan na kita kay Satomi" ngiting sabi ni Sendoh.

"Kailangan muna pala mabasag ang mukha ko bago mo ko tulungan." natatawang sabi ni Maki.

"Lahat pinag hihirapan bago makuha." sabe ni Sendoh at ngumiti kay Maki.

"Loko ka." sabe ni Maki saka tumayo.

Nagka ayos na sila Sendoh at Maki kaya masaya ang team dahil okay na ang dalawa. Pupuntahan nila si Satomi para kausapin ni Maki. Alam ni Maki ang pagkakamali nya kaya hihingi sya ng tawad sa pinsan ni Satomi at lalong lalo na sa babaeng mahal nya.