Maaga akong tumayo dahil may pasok nanaman. Ang hirap maging estudyante minsan naiisip ko kundi kaya ako matalino nasaan kaya ako? baka siguro pulubi na ako ngayon. Wala na nga akong alam sa sports di pa ako magaling magluto mabuti na lang may Maki ako hehehe..
"Ang ganda ng ngiti natin dyan hah." bungad ni Sendoh..
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko..
"Hindi ba sabi mo lalakad mo ko kay Nissa baka nakakalimutan mo. Tinulungan kita sa lovelife mo baka naman pwede ako naman ang tulungan mo." seryosong sabi ni Sendoh..
"Ano to sumbatan Sendoh? kutusan kaya kita dyan. Sige kakausapin ko sya mamaya sumama ka sakin wag kang duwag kung ayaw mong maging single ka habang buhay." nang aasar kong sabi..
"Oo na." sagot nalang nya...
Sabay na kaming pumasok ni Sendoh para kausapin ang crush nyang si Nissa. Hindi naman kami nahirapan hanapin si Nissa dahil mag isa itong kumakain sa canteen.
"Pwede ba umayos ka tinutulak mo ko eh..
"Satomi nahihiya ako." mahinang sabe ni Sendoh habang nakatago sa likod ko..
"Ang lakas mong mang asar tapos dito lang mahihiya ka..
"Wag na lang kaya baka kasi maturn off sya sakin di ako gwapo ngayon.
"Ang aga mo ko pinuntahan sa bahay tapos aayaw ka. Nandito na tayo tara na." sabe ko at kinaladkad sya...
"Pag lapit ko lumapit kana. Kukutusan talaga kita kapag tumakbo ka sinasabi ko sayo Sendoh..
Hatak hatak ko si Sendoh papunta kay Nissa dahil siguradong tatakbo to kaya di ko sya pinakawalan.
"Hi Nissa good morning." bati ko at ngumiti naman sya...
"Kayo pala upo kayo. Good morning din." ngiting bati naman ni Nissa.
"Good morning daw." sabe ko kay Sendoh at siniko sya.
"Good morning Nissa." nahihiyang bati ni Sendoh..
"Ah Nissa hindi ko na iintroduce si Sendoh sayo kasi di ba kilala mo naman sya....
"Oo kilala ko na sya. Hindi ba ikaw si Akira Sendoh? magaling ka daw sa basketball sabi nila." sabi ni Nissa na seryosong nakatingin kay Sendoh.
"Ah hindi naman konti lang." nahihiyang tugon ni Sendoh.
"Humble pa hambalusin kita dyan eh." bulong ko habang nakatingin kay Sendoh.
"By the way kumain na ba kayo?" tanong ni Nissa.
"Ako kumain na si Sendoh hindi pa pwedeng kain muna kayong dalawa kasi ano need ko na pumunta sa classroom ko." pagdadahilan ko dahil gusto kong mapagsolo silang dalawa..
"Wag mo ko iwan dito." bulong ni Sendoh..
"Kaya mo na yan diskartehan mo na." sabi ko na hindi maiwasan matawa kay Sendoh.
Sobrang torpe ni Sendoh sa babae lalo na kapag gusto hahaha. First time ko syang nakita na hindi mapakali kapag si Nissa ang kausap.
Pag dating ko sa classroom nakita ko si Koshino na kausap si Fujima? Anong ginagawa ni Fujima dito? hanep kung saan saan nakakapunta ang Shoyo. Hindi ko na pinansin ang dalawa at tumuloy na ako sa room para kasing seryoso ang pinag uusapan nila.
"Anyare sayo?" tanong ni Tetsuki sakin
"Wala naman nga pala kilala mo ba si Fukuda?" tanong ko..
"Yung kulot ang buhok na singkit yung akala mo namamaga ang mata. Bakit mo natanong kung kilala ko?" takang tanong ni Tetsuki..
"Wala naman. Tetsuki hindi ba wala kang boyfriend?" tanong ko..
"Wala dahil wala naman nagkakamali sakin." nakasimangot na sabi ni Tetsuki..
"Meron di mo lang alam." natatawang sabi ko..
Hindi naman nagtanong pa si Tetsuki kung sino yung tinutukoy ko kaya ngumiti na lang ako. Pagkatapos ng klase ko pinuntahan ko si Sendoh kung anong ganap sa kanila ni Nissa. Hindi ko akalain na kaya rin pala mag seryoso ng isang Akira Sendoh wala kasi syang alam gawin kundi mang asar..
Pag dating ko sa room nila wala si Sendoh kaya tinanong ko si Koshino kung nasaan si Sendoh.
"Nasaan si Sendoh? tanong ko..
"Kasama si Daila may science project kasi silang gagawin." sagot ni Koshino.
"Ah ganun ba." nasabe ko nalang at nagpaalam na kay Koshino.
Palabas na ako ng gate ng makita si Fujima. Hindi ko alam kung sino hinihintay nya naisip ko na baka si Daila dahil kapatid nya ito.
"Satomi hello." ngiti bati ni Fujima.
"Hello din si Daila ba hinihintay mo? kasama daw nya si Sendoh may science project daw sila kaya baka mamaya pa yun makauwi." sabe ko para hindi mag alala si Fujima.
"Si Koshino ang hinihintay ko hindi si Daila. Pupuntahan kasi namin si Ashley." sabi ni Fujima..
"Ah hehehe hanep parang alam ko na yan." ngiting sabe ko.
"Wag ka maingay nahihiya kasi si Koshino baka daw mabully sya ni Sendoh kaya ayaw ipasabi." paliwanag ni Fujima.
"Oo di ako mag iingay. Sige mauuna na ako Fujima paki kamusta na lang ako kay Sasaki hah." pagpapaalam ko.
"Ingat ka Satomi....
Naglalakad na ako pauwi ng may humawak sa kamay ko gulat na gulat ako ng makita si Haydee hindi ko ini-expect na makikita sya dito dahil sa kainan sya nag aaral at malayo ang school ng kainan sa school ng ryonan.
"Anong ginagawa mo rito." tanong ko..
"Pauwi kana di ba? Sumama ka sakin manood tayo ng laro ng asawa mo." yaya ni Haydee..
"Haydee di ko pa sya asawa pwede bang wag na tayo manood tinatamad ako eh." sabe ko dahil gusto ko na umuwe.
"Gusto mo ba na may ibang babaeng mag cheer para kay Maki? Dapat ikaw ang nandun sa lahat ng laban nya o practice dahil ikaw ang girlfriend at asawa." seryosong sabe ni Haydee..
May point nga naman si Haydee pero ewan ko ba bakit tinatamad ako ayoko makita ngayon si Maki. Siguro dahil naaalala ko parin ang mga sinabi nya.
Sumama na nga ako kay Haydee para manood ng practice game nila.
Pagdating namin nakita kong nakaupo si Maki sa bench bakit kaya hindi sya naglalaro. Nagtataka tuloy ako dahil wala naman syang sakit.
"Haydee bakit kaya di naglalaro si Maki." takang tanong ko.
"Tingin ko dahil hindi na sya kailangan." sagot ni Haydee.
"Bakit di na sya kailangan? Hindi ba Ace player sya..
"Ibig ko sabihin hindi na sya kailangan ipasok. Dahil kahit sila Jin at Kiyota lang kaya nilang manalo kahit wala si Maki dahil hindi naman ganun kagaling yang Takezono." paliwanag ni Haydee.
"Talaga?
Hindi alam ni Maki na nanonood kami ni Haydee. Ang gwapo ni Maki lalo na kapag seryoso akala mo talaga ang bait sabagay mabait naman sya medyo bastos nga lang hehehe..
"Satomi bakit ka tumatawa?" tanong ni Haydee.
"May naalala kasi akong lalaki ang bastos nya pero mabait
"Si Maki ba yun?
"Secret hehehe...
Kilala nga pala ni Haydee ugali ni Maki dahil kababata nya to. Bakit ba ganun itsura ni Maki pag seryoso ang pogi pero pag tumawa na mukha ng rapist hay naku ang utak ko talaga minsan di ko na rin maintindihan kasi naman may pagka bastos naman talaga si Maki di mawala wala sa isip ko yung sinabi nya kagabi..