Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 62 - CHAPTER 62

Chapter 62 - CHAPTER 62

Natapos ang practice game ng KAINAN laban sa TAKEZONO masayang masaya naman si coach Takato dahil nanalo nanaman ang KAINAN sa score na 89-67. Ngayon naniniwala na ako kay Haydee na hindi na nga kailangan gamitin si Maki.

Dahil hindi alam ni Maki na nanood kami ni Haydee isusuprise namin sya. Ewan ko ba parang may sayad din sa utak si Haydee akala ko matino hindi pala hehehe. Nagpunta kami sa bench ng KAINAN pero wala na dun si Maki ang sabi ni Kiyota nag bibihis na daw kaya naghintay na lang kami ni Haydee sa labas.

"Nasa labas si Satomi at Haydee." seryosong sabi ni Jin kay Maki.

"Si Satomi nandito? Hindi kaba nag bibiro?" tanong ni Maki.

"Totoo captain hinahanap ka nga nila kaso sabi namin nagbibihis ka." sagot ni Kiyota.

Dali daling lumabas si Maki para hanapin kami ni Haydee. Natatawa kami ni Haydee dahil hindi kami makita ni Maki buti nga sa kanya.

"Maki crush na crush kita baka pwedeng pa hug naman." kinikilig na sabi ng mga babae at nilapitan si Maki.

Nakatingin lang kami ni Haydee kung ano gagawin ni Maki kung yayakapin nya ba yung babae o hindi dahil oras na niyakap nya yun malilintikan sya sakin.

"Pasensya kana may asawa na kasi ako. Gusto mo bigyan na lang kita ng autograph ko ayos lang ba yun?" tanong ni Maki.

"Sige Maki ayos lang." ngiting sagot ng babae.

Hindi ko akalain na kahit wala ako sa tabi ni Maki loyal sya o dahil alam nya na nandito kami pero tingin ko loyal naman talaga sya sa akin nakaharap man ako o hindi. Nagpasya na kami ni Haydee na magpakita kay Maki dahil kawawa naman ang mokong sa kakahanap sa amin..

"Bakit di mo sinabi na pupunta ka?" tanong ni Maki..

"Nagagalit kaba? tanong ko.

"May practice pa ako hindi kana dapat nagpunta rito." seryosong sabi ni Maki saka kami iniwan ni Haydee..

Nabigla ako dahil galit sya parang okay naman kami nung maghiwalay kagabi tapos ngayon galit sya ni hindi ko manlang alam kung bakit.

"Nag away ba kayong dalawa?" tanong ni Haydee..

"Hindi ko alam dyan tinalo pa yung babaeng nireregla parang di sya masaya na nandito ako bwesit sya matalo ka sana." inis kong sabi saka umalis kasama si Haydee..

"Baka naman pagod lang si Maki intindihin mo na lang Satomi." saad ni Haydee..

"Bwesit sya di na ako manonood ng practice game nya kahit kailan isusumpa natin yan Haydee." galit kong sabi..

"Bakit naman kasama ako Satomi hehehe." ngiting sabi ni Haydee..

"Samahan mo na ako mahirap mag isa." sabe ko at tumawa naman si Haydee.

Naghiwalay na kami ni Haydee dahil malayo ang bahay nito sa bahay ko. Masarap kasama si Haydee lalo na kapag nakilala mo talaga sya may pagka sayad din. Nung una ko syang makilala naaartehan ako sa kanya pero ngayon hindi na dahil marunong na syang makisama at makibagay sa lahat di na rin sya sosyal tulad ng dati.

Pagka uwi ko sa bahay nakita ko si Maki putaragis nauna pa sya. Hindi ako makapaniwala ang alam ko kasi may practice sila bakit nandito sya..

"Hi Hon hehehe." ngiting bati ni Maki.

"Wag mo kong ma Hon Hon anong arte yung kanina ha? Pinuntahan pa mandin kita kanina tapos ganun ka your so mean." pag iinarte kong sabi..

"Anong mean? Nagpunta ako rito dahil gusto kita isurprise flowers for you Hon...

Magagalit na sana ako kaso maypa flowers ang loko ang sweet nga naman talaga nya nawawala tuloy yung galit at inis ko sa kanya..

"Pasalamat ka sweet ka." sabi ko saka tinanggap ang flowers.

"I love you Hon. May practice talaga kami tapos ng laro kaso nagkasakit si coach Takato kaya di na natuloy." paliwanag ni Maki..

"Hindi ba nauna kami lumabas ni Haydee sayo? bakit nandito kana agad!" tanong ko..

"Sabi ko sayo walang imposible sakin kaya kong maging super hero basta para sayo...

"Dami mong alam maupo ka at ipagluluto kita..

"Teka Hon sa labas na lang tayo kumain." kakamot kamot sa ulo na sabi ni Maki..

"Bakit ayaw mo ba ng luto ko?" tanong ko.

"Gusto ko sarap nga ng luto mo eh." ngiting sabi ni Maki.

"Yun naman pala eh maupo ka dyan." utos ko at naupo naman sya...

Walang nagawa si Maki kundi sumunod sa akin kahit alam kong napipilitan sya kainin ang mga luto ko pero kinakain parin nya. Marunong naman ako magluto kaso di ko alam bakit nasusunog may problema ata yung kawali namin hahaha..

Pagkatapos ko magluto tinawag ko si Maki para sabay kaming kumain.

"Hon busog ako." seryosong sabi ni Maki.

"Kakain ka o magagalit ako sayo..

"Sabi ko nga gutom ako at kakain ako hehehe..

"Good....

"Kamusta nga pala ang araw mo Hon di kaba napagalitan dahil absent ka kahapon? tanong ni Maki habang nakain.

"Hindi naman bumawi naman ako eh...

"Ganun ba sige bumawi ka rin sakin ngayon tapos ko kumain hehehe..

"Ayoko nga iba nanaman nasa utak mo..

"Alam mo ba Hon ang sakit ng likod ko feeling ko magkakasakit ako." sabi ni Maki at hindi ko naman naiwasan mag alala sa kanya.

Halatang hindi sya nagbibiro sa sinabi nya. Naawa tuloy ako sa kanya dahil lage nya akong inaalagaan pero sya di ko manlang maalagaan.

"Sige tapos mo kumain titignan natin yang likod mo..

"Titignan mo lang?

"Ano ba dapat gawin?

"Ikiss mo hahaha..

"Ewan ko sayo..

Pagkatapos kumain ni Maki tinignan ko yung likod nya grabe ang itim hahaha. Hinilot ko yung likod nya kung saan yung masakit wala akong alam sa paghilot pero mukhang nagustuhan naman ni Maki yung ginagawa ko.

"Ummmmm Hon ang sarap..

"Bakit ka ba umuungol sabi ko ngang ayoko ng ganyan..

"Oo na sige na..

"Hindi na ba masakit? Ang bigat bigat kasi lage ng binibitbit mo kaya nananakit yang likod mo eh." panenermon ko sa kanya..

Hindi na nagsalita si Maki dahil nakatulog na pala ito. Hiniga ko sya sa sofa para maunat nya ang tuhod at katawan nya. Napaka gwapo ni Maki kahit maitim ito kaya di na ako magtataka kung marami rin akong kaagaw.

"Anak sa kwarto mo patulugin si Maki." utos ni Mama.

"Ok na sya dyan Ma. Isa pa diko kayang buhatin yan papuntang kwarto." sagot ko.

Gusto kong halikan si Maki habang natutulog hindi ko alam bakit namimiss ko rin ang halik nya sa akin.

"Hon Satomi ko Satomi...

Sinisigaw ni Maki ang pangalan ko kaya lumapit ako sa kanya. Nagulat ako ng hatakin nya ako at halikan wala akong nagawa dahil napaka lakas nya pareho tuloy kaming nakahiga...

"Maki bitawan mo ko." inis kong sabi..

"Kisssss." nakangusong sabe nito..

"Mamaya na pakawalan mo muna ako makikita tayo ni Mama." sabe ko habang pilit kumakalas sa kanya.

Pinakawalan naman ako ni Maki habang nakangiti ito bwesit naisahan nanaman ako. Nagpaalam na si Maki kay Mama kaya hinatid ko na ito sa gate.

"Saan na kiss ko." ngiti nitong tanong.

"Pwede ba bukas nalang? utang muna..

"Bawal utang gusto ko ngayon di ako uuwi dito bahala ka..

"Ayos ka talaga eh sige pikit ka muna." utos ko..

"Bakit kailangan naka pikit?" takang tanong naman nya.

"Sige ka wala kang kiss pikit na dali...

"Sige na nga...

Lumapit ako sa kanya at kiniss sya sa noo saka ko sinara ang gate. Iisahan pa nya ako eh mas mautak ako sa kanya..

"Satomi Hon humanda ka sakin bukas." sigaw ni Maki bago umalis.

Natatawa akong pumasok ng bahay dahil kay Maki akala nya hah. Bukas ko na lang iisipin ang parusa nya sakin di naman ako natatakot sa kanya kasi alam ko naman mga galawan nya hehehe.