Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 59 - CHAPTER 59

Chapter 59 - CHAPTER 59

Maaga kaming nagising ni Maki dahil inimbitahan kami ni Fujima sa birthday ng kapatid nya. Hindi ko alam kung ano ba isusuot ko dahil wala naman akong maayos na damit.

"Hindi ka pa magbibihis?" tanong ni Maki.

"Naka bihis na ako..

"Ganyan ka lang? para kang mag jojogging Hon." nang aasar na sabe ni Makita ng makita ang suot suot ko.

"Sige mang asar ka pa eh kasi ito lang yung mga nadala ni Mama na damit ko.

"Sige bibili tayo ng damit mo...

"Ayoko Maki okay na tong suot ko di naman kailangan ng maganda basta simple.

"Basta bibili tayo wag matigas ang ulo kong ayaw mong may gawin ako sayo..

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya hindi rin naman kasi ako mananalo sa kanya. Pag alis namin ng bahay hindi agad kami dumiretso kanila Fujima bumili nga talaga si Maki ng damit ko at tinernuhan pa nito ng sapatos.

"Game ka na ba?" tanong ni Maki.

"Game saan?" tanong ko..

"Gumawa ng bata. Malamang saan ba tayo pupunta hehehe..

"Bwesit ka ayusin mo yang sagot mo. Maki salamat ha di mo naman kailangan gawin to eh..

"Asawa na kita Satomi kaya kailangan kong gawin yun. Ang sayo ay sakin din tandaan mo yan ok I love you ang ganda mo pakiss..

"Tumigil ka Maki hindi kana nag sawa sawa sa kakahalik mo tatadyakan na kita..

"Hinding hindi ako magsasawa sayo lalo na sa halik mo." ngiting sabe ni Maki sabay kindat sakin...

Hindi na lang ako nag salita baka mamaya may demonyo nanaman sumanib sa utak ni Maki. Malapit na kami sa bahay nila Fujima ng makita namin si Haydee sa gate.

"Bakit ayaw mo pumasok?" tanong ko..

"Nahihiya ako Satomi hindi ko nga alam kung mag do-doorbell ako kanina pa ako dito hindi ko kasi sila close." nahihiyang sabi ni Haydee.

"Ano ka ba mababait yang mga yan bakit nahihiya ka. Hindi kana iba sa kanila Haydee halika na sabay sabay tayong pumasok." seryosong sabi ni Maki.

Sabay sabay nga kami pumasok sa loob. Nahihiya naman si Haydee dahil wala syang close maliban kay Maki. Napaka laki ng pinagbago ni Haydee hindi na sya nag mamake up at simple na rin sya kung manamit hindi tulad dati na kita na ang dibdib at legs.

"Haydee ikaw pala yan." natutuwang sabi ni Mitsui ng makita si Haydee..

"Maupo ka nga dito. Nakakita ka lang ng maganda di ka nanaman mapakali." sabi ni Ryota at hinawakan si Mitsui.

"Pasensya na kanina pa ako dun kaso nahihiya akong pumasok. Happy birthday nga pala." ngiting bati ni Haydee saka binigay ang gift kay Daila.

"Salamat anong name mo?" tanong ni Daila.

"Haydee nice meeting you." ngiting sagot ni Haydee.

"Happy birthday Daila ito nga pala gift namin ni Maki." bati ko sabay abot ng regalo.

"Nakakahiya tayo wala tayong regalo." bulong ni Mitsui.

"Meron ka ba nun?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Tara kantahan nalang." sigaw ni Sendoh..

"Naku po uuwi na ako." sabi ni Kiyota na ayaw marinig ang boses ni Sendoh.

"Sama ako ayoko pa mabingi." sabi naman ni Jin.

"Sumayaw kana lang kasi Sendoh kesa kumanta." suggest ni Koshino.

"Matigas katawan ko sa pagkanta lang talaga ako magaling." ngiting sabi ni Sendoh..

"Hay naku." buntong hininga ni Rukawa.

"Fujima nasaan yung mic nyo?" tanong ni Sendoh.

"Nasira ngayon lang." natatawang sabi ni Fujima na ayaw pakantahin si Sendoh.

"Si Fukuda ang pakantahin nyo at si Maki magaling boses ng mga yan." pagmamalaking sabe ni Kiyota.

"Si Maki maganda boses." tanong ko..

"Oo Satomi nakanta yan." sagot ni Kiyota.

"Yari ka sakin mamaya." bulong ni Maki habang nakatingin kay Kiyota.

"Maganda rin boses ni Rukawa kaso parang ibon." pang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Sample sample." sabe ng team kay Rukawa.

"Tumigil nga kayo si Sendoh pakantahin nyo." naiinis na sabi ni Rukawa.

"Ayaw namin kay Sendoh basag ang boses nyan eh." saad ni Kiyota.

"Ang ganda kaya ng boses ko nakakatulog nga si Mama kapag kumakanta ako." pagyayabang ni Sendoh..

"Talaga? pwes kami hindi." seryosong sabi ni Rukawa at tumawa naman ng malakas si Sendoh.

"Hon kanta ka nga kung totoo yung sinasabi ni Kiyota na maganda boses mo." utos ko dahil hindi ko pa narinig na kumanta si Maki.

"Malat ako ngayon nag concert ako kagabe." pagdadahilan ni Maki.

"Concert ka dyan ayaw mo lang ata eh." nakanguso kong sabi..

"Wag na ako Hon pagawa mo na lahat wag lang kumanta." sabe ni Maki na ayaw kumanta.

"Haydee gusto mo ba kumanta?" tanong ni Mitsui.

"Nahihiya ako." sagot ni Haydee.

"Wag kana mahiya kumanta ka kesa naman si Sendoh kumanta mahirap na." sabi ni Mitsui at ngumiti naman si Haydee.

Kumanta nga si Haydee at nagpalakpakan ang lahat dahil napaka ganda ng boses ni nito. Sumasayaw naman si Sendoh Sakuragi at Kiyota habang nakanta si Haydee wala naman ginawa sila Ryota Fujima, Jin at Sasaki kundi tumawa dahil sa ginagawa nila Sendoh.

"Tara Daila sasayaw kita." pag aayang sabi ni Sendoh..

"Ha ayoko di ako marunong sumayaw." nahihiyang sabe ni Daila.

Tinulak naman ni Fujima ang kapatid nya kay Sendoh kaya napayakap si Daila kay Sendoh. Hindi naman makatingin ng maayos si Daila dahil sa ngiti ni Akira sa kanya.

"Ang ganda ng boses mo Haydee." pagpuri ni Mitsui kay Haydee.

"Salamat Mitsui." nahihiyang sabi ni Haydee..

"Erica mukhang iba na type ni Mitsui." bulong ni Janna..

"Ayos lang naman masaya naman ako basta masaya sya." sagot ni Erica.

"Tingin mo gusto nya si Haydee? sabagay maganda naman si Haydee pero dahil friend kita mas maganda ka." pagmamalaking sabi ni Maricar.

"Gusto mo sumayaw Erica?" seryosong tanong ni Mitsui.

"Hindi na si Haydee na lang yayain mo. Isa pa hindi naman ako marunong sumayaw." nakayukong sabi ni Erica.

"Halika tuturuan kita. Ayoko makita kang malungkot smile na para lalo kang gumanda." ngiting sabi ni Mitsui.

"Sweet ni Mitsui." kinikilig na sabi ni Ashley.

"Gusto mo sayaw din tayo babe." pagyaya ni Fujima kay Sasaki.

"Wag na." sagot ni Sasaki.

Hinatak ni Fujima si Sasaki para sumayaw walang nagawa si Sasaki kundi sumayaw. Samantalang si Rukawa kitang kita na naboboring dahil naka yuko na ito at naka pikit ang mata.

"Aika ayos ka lang ba?" tanong ni Janna.

"Ayos lang naman." tipid na sagot ni Aika.

Nagulat kaming lahat ng hatakin sya ni Hanagata palabas.

"Naku tignan mo baka itanan na yun di pa naman nagpaalam yun." sabi ni Ashley kay Sasaki

"Tanan nga eh may nag tanan bang nagpaalam." natatawang sabi ni Janna.

"Alam kong mahal ni Hanagata si Aika ayaw lang nya aminin dahil baka iwan din sya nito katulad ng ex nyang namatay." seryosong sabi ni Fujima.

"Mitsui pasensya kana kung natapakan kita." nahihiyang sabi ni Erica.

"Ayos lang yun basta wag mo sasaktan ang puso ko." ngiting sabi ni Mitsui sabay kindat kay Erica..

"Bolero." bulong ni Rukawa.

"Pwede ba kitang hatid mamaya Erica." nahihiyang tanong ni Mitsui.

"Sige." tipid na sagot ni Erica.

"Habang buhay na ata akong single badtrip." nakasimangot na sabi ni Ashley habang nakatingin kay Mitsui at Erica

"Hindi naman siguro." bungad ni Koshino.

"Ikaw si Koshino di ba?" tanong ni Ashley.

"Ako nga nice meeting you Ashley." ngiting sabi ni Koshino.

"Binata na si Koshino." nang aasar na sabi ni Sendoh.

"Binata naman na talaga yan." sagot ni Fukuda.

"Koshino ikaw ha." sabe ko na hindi maiwasan kiligin sa kanila ni Ashley.

"Ashley pala hah." mahinang sabe ni Sendoh.

"Ikaw Fukuda wala ba?" tanong ni Fujima.

"Meron si Tetsuki kaso di sya type." sabat ni Sendoh..

"Kanina pa to." inis na sabi ni Fukuda at masamang tinignan si Sendoh.

"Si Tetsuki pala ang type mo Fukuda sige ilalakad kita dun." sabe ko at ngumiti naman si Fukuda.

"Si Kiyota wala?" tanong ni Ryota.

"Hindi pa pinapanganak ang para sakin." sagot ni Kiyota.

"Si Rukawa sino type?" tanong ni Maki.

"Sakuragi sino daw type." tanong ni Sendoh habang tumatawa.

"Ewan ko basta sakin si Haruko." sagot ni Sakuragi.

"Asa ka." masungit na sabe ni Rukawa

"Hayaan nyo kapag nasaktan kayo open ang dibdib ni Mitsui 24 hours." sabe ni Sendoh sa dalawa.

"Ganyan ka ng ganyan baka mamaya ikaw ang umiyak." wika ni Koshino at napakamot naman si Sendoh.

Hindi ko alam kung nasaktan si Sendoh sa sinabi ni Koshino dahil tumahimik ito. Napipikon din pala sya minsan akala ko hindi.