Sobrang saya ng birthday ni Daila dahil kahit hindi nya kami classmate invited kami.
"Tumatawa ka nanaman mag isa." puna ni Maki.
"Gusto ko tumawa bakit ba tumawa ka rin." pagtataray ko sa kanya.
"Ayos lang tumawa pero yung nakatulala kana nga tapos tumatawa kapa. Ano bang iniisip mo yung halik ko ba?" malokong sabe ni Maki...
"Umayos ka Maki wag mo painitin ang ulo ko good mood ako ngayon...
"Alam mo ba kung ano nasa isip ko ngayon?
"Ako..
"Ang feeling..
"Uupakan kita Maki sino bang nasa isip mo?
"Sexy sya tapos walang dibdib wala rin syang pwet pero pwede na." bulong ni Maki sabay tawa.
"Napaka bastos mo..
"Hahahahaha....
Ewan ko ba bakit ganito kami mag usap ni Maki sweet akong tao pero naka depende talaga sa kausap ko pesteng yan nagiging manyak rin ang utak ko dahil sa kanya..
"Guys message nyo kay Daila." sabi ni Fujima sa team..
Hindi ko akalain na magiging close agad ng team si Daila ganun din ang mga kaibigan ni Sasaki sabagay mababait naman sila at hindi mahirap kasundo. Nagulat kami ng dumating ang mga friends ni Daila kaya nagsilabasan ang ibang team para maka upo ang mga friends nya.
"Guys message nyo muna kay Daila." sabi ulit ni Fujima sa team.
"Grabe si Rukawa ba yun ang gwapo." sambit ng kaibigan ni Daila.
"Ang gwapo rin ni Sendoh sikat na sikat yan hindi lang sa school ng Ryonan. Sana Daila sinabi mo na nandito sila para nakapag ayos kami." kinikilig ding sabe naman ng isa pang classmate ni Daila.
Nakakatuwa ang mga kaibigan ni Daila dahil hindi sila nahihiyang lumapit kay Rukawa at Sendoh. Kitang kita kay Sendoh ang tuwa ng dumugin sya ng mga babae samantalang si Rukawa snob sa lahat ni ayaw nito makipag usap sa babae..
"Daila binigay ko lang talaga tong gift mo uuwi na ako hindi na ako mag tatagal...
"Daisy mamaya kana umuwi please." mahinang sabi ni Daila.
"Gagabihin kasi ako wala akong kasama." sagot ni Daisy..
"Gusto mo ba hatid kita?" naka ngiting bungad ni Kiyota..
"Sino ka ba?" inis na tanong ni Daisy..
"Hindi mo ko kilala sikat ako sa kainan." mayabang na sabe ni Kiyota...
"Sino ba to Daila? Hindi mo sinabi may baliw ka palang kaibigan." naka simangot na sabi ni Daisy.
"Hindi yan baliw mukha lang." natatawang sabi ni Daila.
"Grabe ka naman sakin hahatid na nga kita ayaw mo pa." seryosong sabi ni Kiyota..
"Wag na lang baka mapahamak pa ako eh." sagot ni Daisy..
Halos mag tawanan kami ni Maki dahil napaka sungit pala ng kaibigan ni Daila na si Daisy. Hindi ko alam pero parang crush sya ni Kiyota kaso mukhang ayaw nito sa makulit.
"Sendoh pwede ba kami manood ng practice game mo?" tanong ng mga friends ni Daila maliban kay Daisy.
"Oo naman pwedeng pwede icheer nyo ko hah." ngiting sabi ni Sendoh saka kumindat kaya lalo tuloy kinilig ang mga friends ni Daila.
"Daisy ayaw mo ba kumain?" tanong ni Daila..
"Hindi na busog naman ako nahihiya lang ako sayo kaya di na muna ako umuwi." ngiting sabi ni Daisy.
Hindi na nakipag kulitan si Kiyota dahil naka titig na lang sya kay Daisy. Natatakot naman si Daisy dahil baliw ang tingin nya kay Kiyota..
"Message ko kay Daila sana wag mo pabayaan ang pag aaral mo kapag ayaw mo na sa Ryonan open ang Shohoku." sabi ni Mitsui sabay kindat kay Daila.
"Message ko kay Daila sana wag kang magsawa na magluto para mabusog pa kami lalo." tumatawang sabi ni Sakuragi..
"Happy birthday na lang hindi naman tayo close kaya yun lang." walang kagana ganang sabe ni Rukawa.
"Happy birthday Daila message ko sana maging mabuti ka pang kapatid kay Fujima para lalo pang humaba ang buhay nyong dalawa." seryosong sabi ni Ryota..
"Naks naman." ngiting sabi ni Mitsui.
"Message ko sana pakilala mo ko kay Daisy joke lang sana maging magkaibigan tayo at sana wag ka magbago bilang ikaw." sabi ni Kiyota habang nakatingin kay Daisy.
"Sinong Daisy?" tanong ni Ryota..
"Ayun oh." turo ni Koshino..
"Message ko wag kang susuko kung ano man ang mga pangarap mo happy birthday again." bati ni Maki.
"Happy birthday Daila sana lumaki ka pang may mabuting puso." message naman ni Koshino.
"Happy birthday hindi ko alam kung para saan ang message pero isa lang gusto kong sabihin sana maging close na tayo. Hindi mo kasi ako pinapansin sa school mabait naman ako pogi pa hehehe happy birthday ulit." ngiting bati naman ni Sendoh..
"Happy Birthday Daila more birthdays to come enjoy your day may you always fly high in life and touch all your dream with lots of love." bati ni Sasaki.
"Sarap pakinggan pero di ko naintindihan." sabi ni Sakuragi habang iniisip ang sinabe ni Sasaki.
"Ganda naman nun babe kasing ganda mo." pagpuri ni Fujima kay Sasaki.
"Happy birthday Daila I hope all your birthday wishes and dreams come true." bati ko naman dahil wala naman akong ibang sasabihin pa.
"Bakit sila ang ganda ng message." bulong ni Sendoh..
"Salamat sa inyong lahat hindi ko man kilala isa isa sa inyo nagpapasalamat ako dahil nakapunta kayo sa birthday ko. Salamat din sa mga nag bigay ng gift kahit wala nito ayos lang basta nakapunta kayo salamat po ulit." sabi ni Daila at ngumiti naman ang team sa kanya.
Nagpaalam na ang ibang friends ni Daila pero hindi muna pinauwi ni Daila si Daisy dahil ihahatid nya ito kasama ang kuya nyang si Fujima. Unti unti na rin nagpaalam ang team para umuwi.
"Uwi na kami Daila salamat ulit." pagpapaalam ni Mitsui kasama si Erica..
"Salamat Daila una na kami." sabi ni Ryota kasama si Sakuragi..
Sabay sabay naman umuwi ang kaibigan ni Sasaki kasama si Haydee, Koshino at Fukuda. Naging friends na rin nila si Haydee kahit sa kainan pa ito nag aaral. Magkasama naman umuwi si Sendoh at Rukawa naiwan naman si Jin, Kiyota Maki, Sasaki at ako..
"Hatid na kita Daisy di naman ako baliw sige na." mahinang sabi ni Kiyota.
"Magpahatid kana gabi na rin naman kesa naman uuwi kang mag isa." seryosong sabi ni Maki kay Daisy.
"Hindi ko nga kilala yan tapos sasama ako sa kanya baka mamaya rapist pa yan." sabi ni Daisy at masamang tinignan si Kiyota.
"Hindi naman ganun si Kiyota. Mabait to hindi lang talaga halata sa itsura." ngiting sabi ni Jin.
"Okay na sana pre eh dinagdagan mo pa eh." naiinis na sabe ni Kiyota kay Jin.
"Sige na nga pero akina yung ID mo para kapag may nangyari sakin mahahanap ka kagad." sabi ni Daisy.
"Hindi naman kita gagawan ng masama wala akong ID dito picture na lang tayong dalawa." wika ni Kiyota at sumang ayon nalang si Daisy.
"Sige na picture na lang para may remembrance si Kiyota." sabi ni Maki kay Daisy.
Hindi naman tumanggi si Daisy na mag picture sila ni Kiyota. Inakbayan ni Kiyota si Daisy pero hindi naka lapat sa balikat ni Daisy.
"Paano Daisy kay Kiyota kana magpapahatid?" tanong ni Daila.
"Wala naman akong choice eh." mataray na sabe ni Daisy.
Sabay sabay kaming lumabas kasama si Kiyota, Daisy at Maki naiwan si Jin na kausap si Fujima. Masayang masaya si Kiyota dahil pumayag si Daisy na magpahatid. Naghiwalay na kami nila Kiyota dahil iba ang way namin ni Maki.
"Ngayon lang naging masaya si Kiyota ng dahil kay Daisy." maya maya'y sabi ni Maki..
"Mukha naman masaya yun araw araw kahit di nya pa kilala si Daisy..
"Hahahahaha...
"Baliw ka ba tawa ka ng tawa Maki..
"Baliw sayo." ngiting sagot nya sabay kindat..
"Ewan ko sayo uuwi na ako at kailangan ko na pumasok bukas." sabe ko na lang..
"May practice kami bukas Hon laban sa Takezono inimbitahan kami ng coach nila kaya baka gabihin na ako umuwi." paliwanag ni Maki.
"Ayos lang yun basta mag ingat ka wag kang gagawa ng ikakasakit ko sinasabi ko sayo puputulan talaga kita Maki may pagka ano kapa naman....
"Pagka ano? wala akong gagawin pangako yan maglalaro lang tapos uwi na o kaya gusto mo ano tayo hahaha..
"Ang bastos mo talaga. Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo..
"Secret. Alam mo Hon malamig ngayon gusto mo magpa init..
"Buhusan ko kaya ng mainit yang katawan mo ng magtigil ka..
"Ang dumi talaga ng isip mo kaya gusto kitang biruin eh...
"Siguro ikaw nakakita kana ng mga ano ng babae kaya ganyan ka..
"Hehehe...
"Tamo ang baboy mo Maki bwesit ka dyan kana..
"Satomi Hon sandali...
Nakakainis ang bastos talaga ni Maki nagmahal ka nga naman ng maraming alam sa kabastusan. Siguro nga nakakita na sya dahil tawa lang ang sagot nya sakin o baka nga nanonood pa yun ang baboy talaga.
"Sandali nga bakit ba nagagalit ka ha?
"Hindi ako nagagalit naiinis ako ang bastos mo kasi..
"Natatawa kasi ako sayo kung pag isipan mo ko sobra sobra. Unang una di ako nakakita, pangalawa di ako nanonood, pangatlo yung sayo lang ang gusto kong makita hahahaha..
"Wala naman tong laman eh baka ma-dissapoint ka lang..
"Patingin nga kung walang laman hehehe...
"Bwesit ka ayoko nga. Nakakainis ka talaga Maki..
"Natatawa ako sayo kapag may sinabi ako bastos, kapag di ako nagsalita galit ka. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sige ka mamaya lumugar ako sa dibdib mo magalit ka hahaha..
"Peste ka Maki subukan mong lumugar dito dudugo yang nguso mo..
"Hahahaha..
Hindi na ako nagsalita at sabay na kaming naglakad. Mahirap makipag argument kay Maki hindi ka mananalo. Kung marami akong alam na kalokohan mas marami sya nagsama nga naman ang parehong sabog..