Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 56 - CHAPTER 56

Chapter 56 - CHAPTER 56

"Magpapaalam na ako sa inyo. Masaya ako para sa inyong dalawa sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo pati sa team kay Ayako Sasaki at kay Haruko." sabe ni Haydee na hindi makatingin sakin.

"Hindi mo naman kailangan umalis Haydee. Hindi mo kailangan lumayo dahil lahat kami napatawad kana." seryosong sabi ni Maki.

"Tama sya Haydee wala na rin sakin yun napatawad na kita kundi dahil sayo hindi ko marerealize lahat ng sinabi nila Sendoh at hindi siguro kami okay ni Maki. Lahat yun ikaw ang may dahilan pinag ayos mo kami." sabi ko at sabay ngiti kay Haydee...

"Oo nga Haydee kung ayaw mo sa Kainan open ang Shohoku." nakangiting sabi ni Mitsui.

"Open din ang Ryonan." sabat naman ni Fukuda.

"Close na ang Shoyo." sagot naman ni Hanagata.

"Ay bad." sabi ni Sendoh at tumingin kay Hanagata.

"Wag kana umalis hindi naman masaya sa america mas masaya dito dahil marami kang kaibigan." ngiting sabi ni Sakuragi kay Haydee.

"Friend kayo?" tanong ni Rukawa.

"Tatamaan kana sakin Rukawa pag di kapa tumahimik." naiinis na sabi ni Sakuragi.

"Tama na yan mag aaway nanaman kayo eh." pag aawat ni Ryota.

"Tama sila Haydee mas masaya dito. Pwede mo rin kaming ituring na totoong kaibigan hindi kami peke." ngiting sabi ni Sasaki..

"Wag kana umalis para lalo kayo maging close ni Satomi." sabe naman ni Maki.

"Salamat sa inyo. Ang totoo nyan di naman talaga ako masaya sa america. Nakukuha ko nga lahat ng gusto ko pero wala naman akong kaibigan. Nakikipag kaibigan lang sila sakin dahil sosyal ako ayaw nila sakin bilang ako. Mula ng makilala ko kayo hindi pala lahat nabibili ng pera dahil ang solid ng friendship nyong lahat." naiiyak na sabi ni Haydee.

"Mula ngayon kasama kana sa circle of friends kaya wag kana umiyak. Ayoko nakakakita ng babaeng umiiyak nadudurog ang puso ko." nag da-dramang sabi ni Mitsui.

"Dyan ka magaling mambola ng babae kaya ka iniiwan eh." panenermon ni Ryota..

"Tumahimik ka. Hindi kasi nila nakikita yung halaga ko kaya nila ako iniiwan." seryosong sabi ni Mitsui.

"Naka ilan kana ba Mitchi." tanong ni Sakuragi.

"Walang tatalo dyan kay Sakuragi bigtime sa babae yan pero basted." nang aasar na sabi ni Ryota..

"Talaga naman dinaldal pa." inis na bulong ni Sakuragi.

"Hindi naman nakakapag taka yun sa pangit nito babastedin talaga ng mga babae yan." pang aasar din ni Kiyota.

"Wag kayong ganyan sinasabayan ni Haruko umuwi yan di ba Sakuragi hehehe." ngiting sabi ni Sasaki.

"Ay hehehe wag mo naman ipagkalat dito." nahihiyang sabi ni Sakuragi.

"Hindi ba ako ang kuya mo? Mas kinakampihan mo na sya ngayon." nakasimangot na sabi ni Rukawa..

"Mula ngayon ituring mo kaming totoong kaibigan Haydee basta wag kana mag sisinungaling ayaw namin ng sinungaling." paliwanag ni Fujima.

"Salamat sa inyong lahat wag kayo mag alala hinding hindi ko na gagawin yun." sagot ni Haydee at ngumiti sa team.

Lumabas na kami para umuwi. Hindi na sumama si Haydee dahil pupuntahan pa daw nya ang friend nya at sasabihin na hindi na sya pupunta ng america. Magkakasama naman sila Sasaki Fujima at ang team. Lumayo naman kami ni Maki dahil gusto daw nya akong masolo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko..

"Sa bahay namin." sagot nya.

"Bakit dun mo ko dadalin? Bakit di mo ko iuwi samin?..

"Asawa na kita di ba? kaya dapat lage tayo magkasama maliwanag ba yun misis hehehe..

"Tumigil ka Maki pumayag ako magpakasal sayo dahil mahal kita pero napaka bilis mo naman uupakan kita iuuwi mo ko samin may binabalak ka eh..

"Paano mo nalaman hahaha..

"Iuwi mo ko samin Maki tatadyakan kita...

"Ayoko nga tadyakan mo na ako pero di kita iuuwi." nakakalokong sabe ni Maki sabay kindat sakin.

"Maki hindi pa ako handa ayoko pa mag anak di pa nga ako nakakapag tapos eh. Ayokong mabuntis ng maaga naisip mo ba yun Maki..

"Ano bang sinasabi mo? Anong buntis at anak ang dumi talaga ng isip mo hehehe..

"Bakit mali ba yung nasa isip ko?..

"Hehehehe...

"Wag mo ko tawanan Maki sagutin mo ko masusuntok na talaga kita..

"Natatawa ako sayo ikaw tong mabilis. Iuuwi lang kita samin may buntis at anak na hanep sa advance yang utak mo...

"Eh anong gagawin natin dalawa? Bakit mo ba kasi ako iuuwi sa inyo?" tanong ko ulit..

"Gusto lang kita makasama ang tagal kong nangulila sayo. Wala akong gagawin sayo tulad ng iniisip mo dahil nirerespeto kita kaya nga halik lang hinihinge ko di ba? pero kung ibibigay mo yan sakin ayos lang naman hahaha..

"Tumigil ka sasampalin na kita eh ang bastos mo talaga eh. Alam mo napaka bilis mo Maki ibang klase ka. Naalala ko nun pinakilala mo kong girlfriend tapos asawa. Ngayon kakaladkarin mo ko sa bahay nyo para magsama tayo wala akong masabi napaka bilis mo..

"Bakit naging girlfriend naman kita naging asawa oh di ba lahat yun nangyari hahaha. Alam mo hon may gagawin tayo hehehe...

"Anong gagawin natin? Iuwi mo na ko ako samin Maki natatakot ako sayo baka mamaya may gawin kang kababuyan. Kilala pa naman kita dahil manyak yang utak mo..

"Sakit naman nun hehehe atleast sayo lang manyak ang utak ko kahit na wala kang..

"Sige ituloy mo yang sasabihin mo lilipad ka talaga ng wala sa oras...

"Kaya nga di ko tinuloy hahaha ...

"Bwesit ka talaga eh. Maki iuwi mo na ako samin mag aalala Mama ko..

"Hindi yun mag aalala dahil kasama nya Mama ko...

"So ibig sabihin tayong dalawa lang sa inyon? peste ka talaga iuwi mo ko samin..

"Ayoko nga sabi hahaha...

"Planado mo pala lahat ayos ka talaga. Sasakalin na talaga kita.

"Ayos ba hon wag kana magalit promise paliligayahin kita hehehe..

"Ayoko ng iniisip mo ayoko ng ligaya. Maki parang awa mo na ayoko pa iuwi mo na ako...

"Kanina lang please ngayon parang awa mo na isip ka pa baka ma-convinced mo na ako hahaha..

"Nakakainis ka pag ginusto mo gagawin mo. Hindi mo manlang sinasabi sakin basta mo na lang gagawin kahit ayoko..

"Bahala ka dyan wala kanang magagawa dahil akin kana..

"Tatakbo ako pagbaba natin..

"Subukan mo lang dahil di mo alam kung ano kaya kong gawin kaya kung ako sayo wag kana tumakas.

"Bwesit ka Maki...

"I love you Hon..

"Ewan ko sayo bwesit ka..

"Wag kana magalit love naman kita hehehe..

"Hindi ako magagalit basta iuwi mo ko sige na..

"Ayoko. Wag ka mag alala may protection naman tayo hahaha..

"Sabi ko na yun nga yung gagawin mo..

"Ano ba nasa isip mo?..

"Sex. Hindi ba yun ang gagawin mo..

"Hahaha bakit ko naman gagawin yun sayo. Hindi yun ang gagagwin ko may surprise ako para sayo basta hindi sex ang dumi ng isip mo hon hehehe...

"Promise hindi sex?..

"Promise po hehehe...

Hindi ko alam pero kinakabahan ako kilala ko kasi si Maki basta sinabi nya gagawin nya. Pag dating namin sa bahay nila napaka dilim sobrang dilim. Hinawakan ni Maki ang kamay ko para hindi ako madapa.

Napangiti ako ng makita ang mga petals ng rose sa sahig.

"Para sayo Hon." ngiting sabi ni Maki.

Inabot nya sakin ang isang bouquet ng rose napaka ganda nun may red at white tapos binigyan din nya ako ng teddy bear. Hindi ko na alam kung ano pa yung iba ang dami kasi may chocolate pa.

"Maki hindi ko naman kailangan nito dahil sapat kana sakin." ngiti kong sabi..

"Alam ko naman di ka materialistic na babae kaya minahal kita dahil kakaiba kang babae pero gusto ko yan ibigay sayo. Satomi Mahal na mahal kita. Gusto kong bumawi sayo sa mga pinagdaanan mong sakit ng dahil sakin sorry sa lahat.

"Napaka sweet mo Maki at napaka romantic. Hindi ko din kaya na umiyak ka o masaktan ka kasi mahal na mahal kita. Hindi na rin ako papayag na maghiwalay pa tayo pangako yan I love you Maki..

"Nagustuhan mo ba Hon?..

"Oo naman gustong gusto salamat..

"Okay kain na tayo halika na...

"Kakain?

"Oo kakain ayaw mo ba?

"Saan tayo kakain?..

"Sa kwarto ko hehehe.

"Ayokong kumain sa kwarto mo. Napaka bastos mo Maki bwesit ka ayoko magpakain sayo..

"Hahaha ano bang nasa isip mo? Hindi naman kita kakainin sabi ko kakain tayo sa kwarto dahil nandun yung pagkain. Napaka dumi talaga ng isip mo. Nagpromise ako sayo di ba nirerespeto kita kaya wala akong gagawin sayo. Gusto lang talaga kitang makasama Satomi kasi namimiss kita yun lang..

"Sige...

Napaka sama ko talaga minsan hindi naman pala sya ganung klase ng lalaki kasi naman akala ko may gagawin syang di maganda natakot tuloy ako buti na lang talaga nirerespeto nya ako bihira na lang kasi ang lalaking ganun at thankful ako dahil napaka bait ni Maki.