Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 57 - CHAPTER 57

Chapter 57 - CHAPTER 57

Pagpasok ko sa kwarto ni Maki nagulat ako dahil may mga petals din na nagkalat.

"Wow." sambit ko..

"Ganda ba? Tinulungan ako nila Sendoh mag set up nyan." sabe ni Maki at napangiti naman ako.

"Oo ang ganda salamat Maki..

"Wala yun gagawin ko lahat para sayo dahil gusto ko lage ka nakangiti Hon I love you.

"I love you too Maki..

"Hay naman bakit Maki? ayoko ng Maki..

"Ano gusto mo?" tanong ko..

"Gusto ko Hon o kaya mister hahaha..

"Demanding sige na nga Hon..

"Masanay kana kasi magiging misis na kita hehehe..

Natawa nalang ako sa sinabi nya grabe pala to magmahal napaka romantic. Nakaka touch lahat ng ginawa nya para sa akin kasama nadin ang team dun. Hindi ko expected na gagawin to ni Maki sobrang napaligaya nya ako. Kumain kami habang may tugtog napaka sweet ng musika ang sarap pakinggan sa tenga. Sana hindi na matapos ang gabing to na kasama ko sya dahil masayang masaya ako.

"Bakit ka umiiyak Hon?" nag aalalang tanong ni Maki..

"Alam mo ba ngayon lang nangyari sa buhay ko to yung makipag date, yung bigyan ng bulaklak ang halikan lahat lahat ng dahil yun sayo Maki. Natouch ako sa ginawa mo salamat Hon...

"Halika nga wag kana umiyak. Araw araw kitang paliligayahin dahil ayoko na makita ka pang umiiyak o malungkot tandaan mo yan Hon. I love you kiss na lang kita para di kana umiyak...

"Di na ako iiyak wag mo na ako halikan kilala kita eh..

"Halikan na kita para di kana umiyak mabisa daw gamot yun sa mga taong iyakin hahaha...

"Hindi ako iyakin at sino naman nagsabi na mabisang gamot yun. Gusto mo lang ako mahalikan kaya ganyan ka tumigil ka Maki ihahampas ko sayo tong lamesa..

"Paano kung ayokong tumigil anong gagawin mo?

Nakakatakot ang tingin ni Maki. Unti unti syang lumapit sakin hindi ko na tuloy alam kung kakaripas ba ako ng takbo bwesit na lalaking to..

"Maki naman pwede bang mag usap na lang tayo..

"Gusto mo bang parusahan na kita tinawag mo nanaman akong Maki. Ayoko sa lahat yung di marunong sumunod sa gusto ko dahil alam mo kung ano ginagawa ko pinarurusahan ko..

"Sige Hon na tatawag ko sayo promise wag mo lang akong parusahan. Pwede bang lumayo ka ng konti kasi ano eh masikip sige na please..

"Ayoko parurusahan muna kita hehehe..

"Anong parusa? Maki pag ako nainis sayo uuwi ako umayos ka babangasan ko yang mukha mo..

"Bakit ba napaka hard mo ha? Alam mo Hon soft ako subukan mong tumakas mahuhuli parin kita kaya kung ako sayo sumunod kana lang sa gusto ko." malokong sabe ni Maki.

"Bwesit ka Maki pag talaga ako nabuntis isusumbong kita kay Sendoh pati sa team sa kanilang lahat..

"Sumbong mo sasamahan pa kita hahaha...

"Nakakainis ka kumain na tayo please ayoko ng ganito Maki..

"Eh paano kung gusto ko? Wala akong nakukuha na hindi ko gusto alam mo ba yun..

"Sabi mo nirerespeto mo ko bakit ngayon parang nadedemonyo na yang utak mo..

"Demonyo na nga tong utak ko dahil sayo. Napaka ganda mo kasi." ngiting sabe ni Maki sabay kindat sakin...

"Maki naman eh..

"Tinawag mo nanaman akong Maki nakakailan kana marami raming parusa din yun hahaha..

"Bwesit ka anong parusa ba yan?

"Halik gusto ko yung malalim yung mapusok yung..

"Tama na Maki wag mo na ituloy sobra kana..

"Wala pa nga sobra na kiss muna dali para ganahan ako...

"Ganahan saan?..

"Ganahan kumain hehehe..

"Pwede bang sa noo na lang..

"Ano tingin mo sakin? Ayoko sa noo gusto ko dun sa labi mo..

"Hanep ka talaga pag ginusto mo gagawin mo..

"Dami mo sinasabi halika na..

Wala na akong nagawa ng hapitin ako ni Maki at halikan. Hindi na ako makagalaw sa ginagawa nya kasi grabe sya kung maka halik parang di pa sya nakuntento kanina sa airport. Pumikit na lang ako at gumanti sa halik nya mapusok at malalim tulad ng gusto nya hindi ko alam pero nawawala ako sa katinuan ng dahil sa halik nya sobrang sarap..

"Maki...

"Sshhh. Wag ka magsalita hayaan mo ko...

Hindi ko alam bakit napaka tagal nyang humalik. Ayaw nya akong bitiwan kinakapos na ako ng hininga pero sya parang wala lang banat lang banat.

"Ang sarap Hon hehehe..

"Siguro naman pwede na tayo kumain nakuha mo na gusto mo..

"Hind pa tayo tapos may mamaya pa...

"Ayoko na Maki kumain kana kinakapos ako ng hininga sayo ibang klase ka humalik..

"I love you ang sarap ng labi mo Hon kissable lips hehehe.

"Bastos mo bwesit ka..

"Sayo ko lang naman gagawin yun..

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang baka mamaya may gawin nanaman sya mahirap na. Hindi naman manyak si Maki pero ewan ko ba ang utak kasi nito puro kabastusan eh parehong pareho sila ni Sendoh..

"Alam mo ba Hon masayang masaya ako dahil kasama kita ngayon. Isa pa walang mga asungot kaya solong solo kita pinalayas ko nga din si Mama eh." tumatawang sabe ni Maki..

"Iba ka talaga wala ako masabi basta gusto mo gagawin mo...

"Ikaw lang naman ang gusto ko. Alam mo Satomi hindi ko gagawin ang isang bagay na ayaw mo lalo na nangako ako sa Mama mo na wala tayong gagawin ayokong masira ang tiwala nya sakin. Hindi ako ganung klaseng tao bastos ako OO aminado naman ako hehehe pero may respeto ako sayo at ginagalang ko kung ayaw mo kaya sana mag tiwala ka sakin. Gusto lang kita makasama kaya kita dinala dito mahal kita Satomi ayokong magalit ka sakin kaya nga halik lang ginagawa ko sayo dahil ayokong magalit ka mahal kita eh." ngiting paliwanag ni Maki..

"Salamat Hon pero aminado ka palang bastos ka. Mahal na mahal din kita Maki may tiwala naman ako sayo kaya lang kasi yung mga sinasabi mo parang may gagawin ka kaya natatakot ako sayo. Gusto ko magtapos tayong dalawa at susuportahan ko lahat ng laban mo lage lang akong nasa tabi mo hinding hindi kita iiwan." seryosong sabe ko.

"Sarap naman nun salamat Hon hindi ako nagkamali ng babaeng pinili ko ikaw lang talaga gusto ko makasama habang buhay. Siguro pag nagka anak tayo basketball player din hehehe..

"Aral muna bago anak tatadyakan na kita utak mo talaga eh..

"Alam ko naman yun Hon sabi ko nga magtatapos tayo ng magkasama. Wala akong gagawin hanggat di tayo nakakapag tapos promise yan.

"Salamat Hon kumain kana baka matunaw na ako kakatitig mo..

"Ang ganda mo kasi hehehe. Alam mo ba Hon nung nawala ka hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay ayoko ng magmahal ng iba ikaw lang talaga gusto ko..

"Sweet naman ikaw lang din naman ang gusto ko wala ng iba. Akala ko nga tuluyan mo na akong iniwan hindi ko alam kung pumunta kana sa america tapos makahanap ka dun ng mas sexy mas maganda tapos malaki ang dibdib malaki ang pwet paano ako...

"Hahaha hindi ako makakakita dun kasi di ko naman talaga balak umalis. Sabi ni Sendoh, Fujima at Rukawa na magtago ako na kunwari umalis na ako nagpanggap sila na walang alam. Gusto nila makita kung talagang kaya mo kong mawala o hindi. Isa pa hindi importante sakin ang dibdib ang pwet o sexy kasi ikaw lang gusto ko wala ng iba." ngiting sabi ni Maki.

"Loko talaga yung mga yun. Salamat sa lahat Hon I love you...

Pagkatapos namin kumain nag shower na ako kampante na ako dahil alam kong walang gagawin na kabalastugan si Maki.

"Hon wala nga pala akong dalang damit." nahihiya kong sabi..

"Naku panu yan lalabas kang naka hubad hahaha.

"Peste ka talaga Maki di ako lalabas dito bahala ka dyan pahinge akong damit..

"Labas ka muna hahaha...

"Ayoko bwesit ka talaga eh pahingi akong damit..

"Sige pero papasok ako hehehe...

"Ayoko Maki bahala ka dyan..

"Idilat mo kasi yang mata mo nasa loob na yung damit mo kanina pa. Dinala ni Mama mo yan dito sabi nya dito kana daw tumira hahaha..

"Ewan ko sayo bwesit ka..

"Hahaha...

Lokong yun balak pa akong isahan. Ito naman si Mama parang binenta na ako kay Maki lahat na ata ng gamit ko dinala na. Talaga naman oh..

"Wow fresh na ang bango mo naman misis..

"Maligo kana ng matagal yang init sa katawan mo bwesit ka eh..

"Pag nakikita kita hindi natatanggal kahit iligo ko..

"Ewan ko sayo Maki maligo kana...

Pagkatapos kong magbihis nagbasa na lang ako habang hinihintay si Maki. Natutuwa ako para kaming nagbabahay bahayan siraulo kasi si Maki may sayad ang utak..

"Tapos na ako maligo hehehe..

Diyos ko lord ayoko magkasala hindi ko akalain na makikita ko ang katawan ni Maki ang ganda ng katawan nya.

"Baka tumulo yan hahaha..

"Bakit ka kasi naka hubad? mag bihis ka nga...

"Ang ganda ba ng katawan ko? Naghubad talaga ako para makita mo kesa naman silipan mo ko habang natutulog..

"Hindi kita sinisilipan ang kapal mo..

"Talaga? kaya pala hinuhubaran mo ko..

"Gusto lang kita bihisan nun yun lang..

"Tama na palusot Hon hahaha..

"Hindi ako nagpapalusot bwesit ka talaga..

Hindi naman talaga ako naninilip ano lang tingin lang  bakit ba alam nya yun. Nakakahiya tuloy baka isipin nito gustong gusto ko yung katawan nya sabagay maganda naman talaga katawan nya.

"Tulog na tayo tabi ka sakin..

"Ayoko nga dun ako sa guests room..

"Dito ka matutulog tabi tayo wag makulit kung ayaw mong parusahan kita hehehe..

"Maki naman ayoko pa kasi eh...

"Ayan ka nanaman wala akong gagawin sayo Hon tabi lang tayo matulog okay...

"Sige na nga..

Tumabi nga ako kay Maki at tulad ng sabi nya wala naman syang ginawa sakin ako lang talaga nag iisip ng masama sa kanya.

"Maki...

"Ummmmmm...

"Bakit ka umuungol? Ayusin mo yang sagot mo..

"Ang dami mong request pati pag ungol bawal hahaha bakit ba?...

"Eh kasi ayoko ng ganyan sagot...

"Oo na dami naman bawal hehehe..

"Sorry sige tulog kana..

"Matulog kana din hindi yung kung ano ano iniisip mo..

"Oo na. Goodnight..

"Goodnight Hon I love you..

"I love you too..

Natatawa ako napaka malisyosa ko talaga minsan ay hindi araw araw pala. Natulog na si Maki kaya pumikit na din ako...