Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 54 - CHAPTER 54

Chapter 54 - CHAPTER 54

"Anak Maki si Mama to buksan mo tong pinto..

"Mama." umiiyak na niyakap ni Maki ang Mama nya..

"Sigurado kana bang aalis ka? Iiwan mo na ba talaga ang team at ang mga kaibigan mo? Paano si Satomi?....

"Sigurado na ako Mama. Araw araw ako nasa bahay nila Satomi pero ayaw nya magpakita sa akin nagmumukha na akong tanga. Mahal ko sya Mama mahal na mahal pero kung ayaw naman nya magpakita sakin wala akong magagawa dahil alam kong nasaktan sya. Pag dumating ang team pakisabi umalis na ako hindi na ako magpapaalam sa kanila dahil ayoko makita nila akong umalis baka masaktan lang ako....

"Sige anak mag iingat ka dun. Gusto ko pa naman si Satomi para sayo akala ko nga kayo na hanggang huli sobrang sweet nyo kasing tignan...

"Akala ko rin Mama ang sakit sakit di ko na alam paano pa maging masaya ng wala sya. Mag ingat ka rito Mama tatawagan ko kayo ni Papa pag nandun na ako...

Umiiyak na lumabas si Maki dala ang maleta nya. Ngayon sya aalis papuntang america dun na din nya ipagpapatuloy ang pag aaral nya.

"Maki." tawag ni Haydee..

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka paba masaya sa nangyari?" galit na tanong ni Maki..

"Saan ka pupunta?" tanong ni Haydee..

"Sa america dun ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Wala narin naman kwenta tong buhay ko dahil wala na kami ni Satomi." malungkot na sabi ni Maki..

"I'm sorry Maki hindi ko dapat yun ginagawa. Tutulungan kita wag kang umalis kakausapin ko si Satomi ipapaliwanag ko sa kanya na wala kang kasalanan na ako lahat ang may pakana nun. Wag ka umalis Maki dahil wala sa america ang kasiyahan mo kundi nandito please hayaan mong bumawi ako sayo at kay Satomi. Sorry kung sinira ko ang relasyon nyong dalawa." umiiyak na sabi ni Haydee..

"Napatawad na kita Haydee pero huli na ang ang lahat break na kami ni Satomi. Wag mo na akong pigilan umalis dahil kahit anong gawin mo galit parin sya sakin at di na yun magbabago pa." paliwanag ni Maki.

"I'm sorry Maki patawarin mo ako. Ayoko makita kang ganyan naging selfish ako dahil mahal kita hindi ko inisip na nasasaktan kana pala sa mga ginagawa ko. Sorry Maki basta kakausapin ko parin si Satomi kahit na sampalin nya ako o magalit pa sya dahil ako ang may kasalanan ng lahat." sabi ni Haydee..

"Sige na Haydee aalis na ako..

Umiiyak si Haydee at nagsisisi sya sa lahat ng ginawa nya kay Maki at Satomi. Tuluyan ng umalis si Maki at hindi na hinintay pa ang team para magpaalam.

Gulat na gulat naman si Haydee ng makitang dumating ang team. Lahat sila galit kay Haydee dahil sa ginawa nito.

"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Sendoh..

"Ang lakas ng loob mo magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa mo kay captain at Satomi." inis ring sabi ni Kiyota.

"Hindi ba dapat masaya ka dahil nasira mo na yung relasyon nila kaya bakit ka umiiyak?" seryosong sabe naman ni Fujima.

"Patawarin nyo ako pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko kay Satomi lalo na kay Maki. Walang kasalanan si Maki ako ang may kasalanan ng lahat dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nagawa ko yun. Hindi ko akalain na nasasaktan na rin pala si Maki patawarin nyo ako." umiiyak na sabi ni Haydee..

"Patawarin? Alam mo ba kung ano ginawa mo? Pasalamat ka babae ka dahil kung hindi baka nasaktan na kita." inis na sabi ni Mitsui.

"Huli na yang sorry mo. Dahil nabalitaan namin na umalis na si Maki ano masaya kana ba?" galit na sabe naman ni Jin.

"Ibang klase ka kaya mo manira ng relasyon ng iba. Kung mahal mo si Maki dapat naging masaya kana lang para sa kanya hindi yung sinira mo pa sila." singit  ni Ryota.

"Masaya kana ba?" iritang tanong ni Rukawa..

"Wag natin kausapin yan mamalasin tayo." masungit na sabi ni Sendoh..

"Naiintindihan ko kung magagalit kayo sakin pero pakiusap ituro nyo ang bahay ni Satomi sa akin

Gusto ko syang makausap ako mismo magsasabi sa kanya na walang kasalanan si Maki sampalin man nya ako ayos lang. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko tao lang din ako nagkakamali." pakiusap ni Haydee sa team.

"Sigurado ka ba dyan? baka naman peke nanaman yan." seryosong tanong ni Hanagata.

"Totoo na to kung gusto nyo samahan nyo pa ako sa bahay nila." seryosong sabi ni Haydee...

"Wala na rin naman si captain dahil sayo kaya bakit pa." naiiyak na sabi ni Kiyota.

"Babalik sya kung makakausap ko si Satomi at sigurado ako makikinig sya sa akin. Gagawin ko ang lahat para maging masaya sila ulit at ipinapangako ko na ibabalik ko sa team nyo si Maki." paliwanag ni Haydee..

"Ano pang hinihintay natin tara na." pag aaya ni Sendoh..

Sabay sabay silang nagpunta sa bahay ni Satomi kasama si Haydee. Natuwa ang team dahil sa gagawin ni Haydee. Napatawad na nila ito dahil tama sya tao lang sya nagkakamali din. Hindi sila dyos para hindi magpatawad ang importante natanggap ni Haydee kung ano ang pagkakamali nya.

Nagulat si Satomi ng makita si Haydee at ang team sa bahay nila. Aalis na sana ito dahil ayaw nya makita ang pagmumukha ni Haydee kaso hinawakan ni Sendoh ang kamay nya para pigilan at makapag usap sila Haydee...

"Ang kapal mo nagpunta ka pa talaga dito." galit na sabi ko kay Haydee.

"Satomi patawarin mo ako. Sampalin mo ako ito oh magalit ka sakin pero kay Maki wag dahil wala syang kasalanan. Ginawa ko lahat yun dahil gusto ko si Maki wala syang alam sa nangyari at maniwala ka sa hindi walang nangyari sa amin ni Maki. Nakikiusap ako sayo patawarin mo na sya Mahal na mahal ka nya Satomi kahit wag mo na akong patawarin dahil hinding hindi na ako magpapakita pa sa inyo please." nakikiusap na sabe ni Haydee sakin.

Hindi ako makapaniwala na nag sosorry si Haydee sa akin. Alam kong ayaw nya sa akin pero bakit nya ginagawa to dahil ba kay Maki? Nakakapag taka na nagpunta pa talaga sya dito para lang mag sorry..

"Satomi totoo lahat ng sinabi ni Haydee. Nag sorry na rin sya sa amin patawarin mo na si Maki dahil baka di mo na talaga sya maabutan pa." sabi ni Fujima..

"Nasaan na sya?" tanong ko..

"Kanina pa sya umalis pero maabutan pa natin sya kung aalis na tayo." sagot ni Haydee..

"Totoo ba lahat ng sinasabi mo Haydee baka naman nagsisinungaling ka lang?" pagtataray kong sabi.

"Hindi ko na yun gagawain sa inyo Satomi. Sorry sayo pati sayo Ayako at Sasaki ganun din kay Haruko tanggap ko naman ang mga pagkakamali ko kaya ayos lang kung magalit kayo sakin. I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko." hinging paumanhin ni Haydee habang umiiyak.

"Wala na yun Haydee. Hindi naman ako marunong mag tanim ng galit masaya ako dahil tinanggap mo ang pagkakamali mo." ngiting sabi ni Sasaki..

"Sorry Sasaki sorry Ayako at Satomi pati sa inyo Sendoh at sa lahat ng team. Pangako mapag ayos ko lang kayo aalis na ako papuntang america para di ko na kayo magulo." malungkot na sabi ni Haydee..

"Hindi mo kailangan umalis Haydee sa Shohoku kana lang mag aral hahaha joke lang wag kana umalis masaya maraming kaibigan." ngiting sabi ni Mitsui.

"Salamat sa inyo sana mapatawad mo ako Satomi. Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo ganun din kay Maki. Ikaw lang ang babaeng mahal ni Maki wala ng iba." wika ni Haydee..

"Wala na sakin yun Haydee. Akala ko kasi may nangyari sa inyo eh kaya ako nagagalit eh dahil si Maki lang ang gusto kong makasama habang buhay." sabe ko at ngumiti kay Haydee.

"Ano pang ginagawa natin dito sundan na natin si Maki." sabe ni Sendoh.

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay para maabutan si Maki. Ayoko ng magkahiwalay pa kami kaya gagawin ko lahat para makasama sya. Masaya ako dahil nalaman ko lahat na walang kasalanan si Maki napaka loyal nya at hinding hindi ko na sya pakakawalan pa. Masaya din ako dahil nagka ayos na kami ni Haydee sana nga hindi pa huli ang lahat samin ni Maki, sana maabutan ko pa sya, sana di pa sya nakakasakay ng eroplano. Hindi ko talaga kakayanin pa na malayo sa kanya sya lang ang buhay ko ang lalaking mamahalin ko habang buhay ang lalaking pakakasalan ko.