Sabay sabay nga kaming umalis papuntang airport para maabutan si Maki. Excited na ako makita sya gusto ko syang yakapin at mag sorry dahil di ko manlang sya pinakinggan nagalit agad ako sa kanya..
Pag dating namin nagmamadali kaming pumasok para maabutan si Maki at sana di pa sya nakakasakay dahil magwawala na talaga ako kapag umalis sya.
"Guys maghiwa-hiwalay tayo kaming mga lalaki sa kabila kayong mga babae dun mag hanap para makita agad natin si Maki." utos ni Sendoh..
Naghiwa-hiwalay nga kami para makita agad si Maki. Magkakasama kami nila Ayako Sasaki at Haydee hindi namin kasama si Haruko dahil may klase pa ito.
Sinisigaw ko ang pangalan ni Maki para marinig nya ako kaso walang Maki na nagpakita wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao basta makita ko si Maki..
"Satomi mukhang naka alis na sya." malungkot na sabi ni Ayako..
"Hindi yan totoo Ayako." umiiyak kong sabi..
"Satomi naka lipad na yung eroplano mukhang nandun si Maki. Hindi ba kanina pa sya naka alis sabi ni Haydee." sabe naman ni Sasaki.
"I'm sorry Satomi patawarin mo ako." umiiyak na sabi ni Haydee.
Halos hindi ako makapag salita sa sobrang sakit. Hindi ko manlang nasabi sa kanya na hindi ko kaya mawala sya sa buhay ko ni hindi ko manlang sya nayakap. Ang sakit sakit sobra kasalanan ko kung bakit sya umalis at lumayo. Napakasama ko ayoko ng mabuhay kung wala rin naman si Maki sakin..
"Satomi tahan na." pag aalo ni Ayako..
"Ayako ayoko sya mawala di ko kakayanin mabuhay ng wala sya ikamamatay ko yun. Ngayon pa nga lang parang di ko na kayang tanggapin na umalis na sya kasalanan ko kung nakinig lang ako kanila Sendoh at Fujima hindi mangyayari to sana nandito pa sya at naglalaro ng basketball, sana pinatawad ko na lang sya, sana di na lang ako nagalit sa kanya para di sya umalis kasalanan ko lahat Ayako." umiiyak kong sabi..
"Wala kang kasalanan Satomi sorry talaga. Hindi ko akalain na aalis sya sana mapatawad mo pa ako." sabi ni Haydee.
"Wala na sakin yun Haydee. Hindi talaga kami para sa isat isa siguro nga talagang kakalimutan na ako ni Maki.?.
Lumabas ako at nagsisigaw dahil wala na akong pakialam kung ano sabihin ng tao sakin mailabas ko lang ang sakit ng nararamdaman ko.
"Ayoko ng mabuhay kunin mo na ako lord please. MAHAL NA MAHAL KITA MAKI bakit mo ko iniwan hayop ka sabi mo pakakasalan mo ko lintik ka bakit mo ko iniwan. Sabi mo mahal mo ko yun pala iiwan mo din ako di mo man lang ako hinintay bwesit ka." nagsisigaw kong sabi..
"Mahal na mahal din kita Satomi Takara Maki." bungad ni Maki..
Nagulat ako ng makita si Maki na kasama sila Sendoh at ang team bwesit talaga pakana to ni Sendoh eh. Hindi ko na napigilan umiyak sa sobrang tuwa.
"Hindi ko rin kaya mabuhay ng wala ka Satomi dahil ikamamatay ko rin yun. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at maging asawa ikaw lang walang iba. Hindi ako umalis dahil nangako ako sayo na hinding hindi kana mag iisa ulit dahil ayokong sirain ang pangakong binitiwan ko sayo. Mahal na mahal kita Hon ayoko magkalayo tayo. Maniwala ka sa hindi walang nangyari sa amin ni Haydee dahil ikaw lang ang gusto kong makasama. Wala akong pakialam kung wala kang pwet o walang dibdib dahil ikaw yan at tanggap ko yun kasi mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. Loyal ako sayo Satomi ni minsan hindi ako tumingin sa ibang babae kasi ikaw lang nakikita ng puso ko ikaw lang walang iba." umiiyak na sabi ni Maki...
"Sorry Maki kundi manlang kita pinakinggan. Ayoko din mawala ka sa buhay ko dahil mahal kita mahal na mahal ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Mula ngayon sayo lang ako magtitiwala at makikinig sorry hah dahil di ako naniwala sayo na wala kang kasalanan, sorry kasi ng dahil sakin nag give up ka sa basketball. Maki hindi ko kaya na magkahiwalay pa tayo, hindi ko kaya na mawala ka sakin ikaw lang din ang nakikita ng puso ko." umiiyak ko ring sabi..
"Uuwi na ako ayokong umiyak." inis na sabi ni Rukawa.
"Walang uuwi dito ka lang." hawak hawak ni Sendoh ang kamay ni Rukawa para hindi ito umalis...
"Ang sweet nila para akong nanonood ng love story." ngiting sabi ni Mitsui..
"Bagay na bagay sila isang maitim isang maputi." natatawang sabi naman ni Kiyota..
"Sumbong kita kay Maki mamaya hehehe." birong sabi ni Fujima kay Kiyota.
"Tahan na Hon hinding hindi kana masasaktan pa dahil hinding hindi ko na yun papayagan pa. Mahal na mahal kita Satomi ko mawala na ang teammates ko wag ka lang. Dahil di ko talaga kakayanin I love you so much misis ko." ngiting sabi ni Maki.
" I love you mister ko Mahal na mahal din kita sobra hinding hindi ko narin hahayaan na mawala ka sakin." masayang sabe ko..
Nagtaka ako ng lumuhod si Maki sa harap ko..
"Satomi Takara ako si Shinichi Maki ang lalaking mahal na mahal ka. Gusto kong masaksihan nila lahat ang sasabihin ko. Maaari ba kitang maging asawa? Misis Satomi pakakasalan mo ba si Shinichi Maki? Please marry me." nakaluhod na sabi ni Maki..
"Yes na yan....
"Ang sweet nila grabe hehehe...
Kinikilig ako kay Maki halos lahat ng tao sa amin na naka tingin.
"Kahit di mo ko tanungin Mister pakakasalan kita. Mahal na mahal kita Shinichi Maki ng buhay ko ikaw lang gusto ko wala ng iba tandaan mo yan." naiiyak kong sabi..
Nagulat ako ng isuot ni Maki ang singsing sakin. Akala ko tinapon na nya ang singsing na binigay nya sakin hindi pala..
"Pwede na ba kitang iuwi samin." birong sabe ni Maki.
"Subukan mo masasapak kita." mataray kong sabe
Nabigla ako ng halikan ako ni Maki sa maraming tao. Napapikit na lang ako sa sobrang sarap nyang humalik.
"Grabe naman nyan parang may bold." inis na sabi ni Rukawa.
"Bold agad." natatawang sabi ni Fujima..
"Grabe makahalik si captain parang kakainin ng buo si Satomi." sabi ni Kiyota habang nakatingin samin
"Gusto naman ni Satomi magpakain eh hahaha." kinikilig na sabe ni Sendoh habang tumatawa.
"Bastos nyo talaga." naiinis na sabi ni Rukawa..
"Kiss kita Rukawa." nang aasar na sabe ni Sendoh..
"Dapat ganyan din kalalim." utos ni Mitsui kay Sendoh.
"Ang sweet nila." natutuwang sabi ni Jin.
"Maghanda kana Rukawa ikaw na susunod." sabe ni Sendoh na trip asarin si Rukawa.
"Bakit ako? Hindi ba dapat ikaw muna." napipikon na sabe ni Rukawa.
"Tapos mo ako." ngiting sabe ni Sendoh..
"Ako kaya kailan?" nakasimangot na tanong naman ni Kiyota..
"Hindi ko akalain na magmamahal yan si captain." seryosong sabi ni Jin
"Pag tinamaan ka ni love wala kang magagawa." sabi ni Fujima at ngumiti kay Jin.
"Sarap mainlove tara Rukawa hahaha." pang aasar ni Sendoh..
"Bakit ba ako lage ang inaaya mo lumayo ka sakin." inis na sabi ni Rukawa..
"Ang cute mo kasi hehehe." ngiting sabe ni Sendoh at inakbayan si Rukawa.
"Pogi ako hindi cute." sabi ni Rukawa at tumawa lang si Sendoh.
Lumapit kami sa team na magkasama ni Maki hindi ko akalain na pakana lahat to ni Sendoh ibang klase utak nya akala ko kalokohan lang ang alam nya di pala. Natutuwa ako dahil nakilala ko sila tinulungan nila kami kung paano kami magkakaayos ni Maki kasama na dun si Haydee..